Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII – EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF LEYTE
BURAUEN COMPREHENSIVE NATIONAL HIGH SCHOOL
BURAUEN, LEYTE
FILIPINO DEPARTMENT
SANAYANG PAPEL SA FILIPINO GRADE 7
S.Y. 2021-2022
Pangalan:
Grado:
Pangalan ng Guro:
Petsa: Linggo: Araw: Lunes 1:00-3:00NH

Mahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel na ito nang may pag-iingat. Huwag maglagay ng hindi
kailangang marka o susulatan ang anumang bahagi ng sanayang papel. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay. Basahing mabuti ang mga tagubilin bago gawin ang bawat gawain. Ibalik ang
sanayang papel na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.

Aralin
Pagbubuo ng Paghahatol
2 o Pagmamatuwid

MELC: Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob sa akda


na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga- Kabisayaan.(F7PN-II-b-7)

Simulan mo!

Bago natin simulan ang ating talakayan, ano sa palagay mo ang mga salitang
may kaugnayan sa pagpapaliwanag at paghahatol o pagmamatuwid?

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga salita nasa loob ng kahon na nasa
ibaba. Pagkatapos ay pangatuwiranan ito ayon sa iyong pagkakaunawa. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel o notbuk.

Mga salitang may kaugnayan sa Mga salitang may kaugnayan sa

1
pagpapaliwanag ayon sa inyong paghahatol o pagmamatuwid.
natutunan sa nakaraang talakayan.

pakikipag-ugnayan Sapat na katibayan


nagbibigay linaw sa kahulugan Katanggap-tanggap
may mga hudyat o senyas ng kamay Kapani-paniwala
hikayatin

Pangangatuwiranan ang pagkakaiba sa pagpapaliwanag at paghahatol o


pagmamatuwid? _________________________________________________

Alam mo ba?

Halina’t basahin at alamin natin ang mga mahahalagang kaisipan


tungkol sa araling ito.

Paghahatol o Pagmamatuwid -ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng


sapat na katibayan o patunay. Ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap
o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang
kawastuhan ng kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang
pagpapahayag. (Badayos)
Paghahatol o Pagmamatuwid - ang katotohanang pinagtitibay o
pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason. (Arogante).
Mga Dahilan sa Paghahatol o Pagmamatuwid:
1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu
2. maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa isang tao
3. makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao

2
4.makapagpahayag ng kanyang saloobin
5. mapanatili ang magandang relasyon sa kanyang kapwa

Tradisyon ito ay mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga


magulang papunta sa mga anak nila. Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig sumunod
sa mga nakagawian na at sa mga tradisyon.

Mga uri ng tradisyon ay ang pista, araw ng mga patay, araw ng pasko, mahal
na araw, simbang gabi. at iba pa.

Ang pamahiin o superstition ay isang paniniwala o kasanayan na


kadalasang na hindi batay sa dahilan at walang pang-agham o siyentipikong
katotohanan. Gayunpaman, ang mga pamahiin ng mga matatanda ay nagagawang
impluwensiyahan sa pag-uugali ng mga Pilipino sa iba’t ibang paraan.

Halimbawa:

1. Pamahiin sa Bagong Taon

 Sa eksaktong alas dose ng bagong taon ay lumundag ng tatlong beses para


tumangkad.
 Magkakaroon ng suwerte kapag lalaki ang unang nakasalubong sa araw ng
bagong taon.
 Huwag gastusin ang perang papasok sa bagong taon.
 Tiyaking puno ang mga lalagyan ng bigas at asin sa paglipat ng bagong taon
upang maging masagana ang darating na taon.

2. Pamahiin Sa Bahay

 Hindi sinusuwerte ang bahay na hindi nakaharap sa kalye.


 Kapag magpapagawa ng bahay, ilagay ang pinto sa gawing silangan para
masikatan ng araw, sa gayon ay maghahatid iyon ng suwerte sa mga nakatira
doon.
 Malas ang anumang bahay na ginawa sa ika- ng anumang buwan.
 Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay, huwag mo
nang ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang mangyayari sa iyo.
 Kapag nakabili ng biik, iligid mo ito sa poste ng inyong bahay ng pitong beses
upang hindi ito maglayas.

3. Pamahiin sa Kasal

 Ang sinumang babeng sumunod sa dinaanan ng bagong kasal habang


papasok sa simbahan ay makakapag-asawa rin sa lalong madaling panahon.
 Ang makasalo ng bulaklak na inihagis ng babaing ikinasal ay susunod na
mag-aasawa.
3
 Ang pagreregalo ng arenola ay buwenas para sa bagong kasal.

4. Pamahiin sa Buntis
 Kapag madalas na pumintig ang kaliwang bahagi ng tiyan ng isang buntis,
siya ay magkakaanak ng babae.
Kabaligtaran naman kapag sa kanan.
 Masama ang magpakumpuni ng bahay kapag ang isang maybahay ay buntis
dahil tiyak na mahihirapan itong manganak.

Paniniwala ay isang pagkakaroon ng kumpiyansa o pananalig sa isang bagay na


walang matibay na patunay sa katotohanan nitó
Halimbawa:
Bawal magbunot sa gabi.
Bawal maggupit kapag gabi.
Bawal magwalis kapag may patay.

Suriin!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isang awiting- bayan at


pangatuwiranan ang iyong sagot. Isulat sa sagutang papel o notbuk.

Lawiswis Kawayan

Sabi ng binata halina O hirang


Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan
Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw
Sasabihin pa kay Inang ng malaman
Binata’y nagtampo at ang wika ikaw pala’y ganyan
Akala ko’y tapat at ako;y minamahal

Ang dalaga naman ay biglang umiyak


Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata’y naawa lumuhod kaagad

4
Nagmakaamo at humingi ng patawad

1. Sino-sino ang mga tauhan?


2. Saan gustong mamasyal ng binata?
3. Kung ikaw ang dalaga, pagbibigyan mo ba ang paanyaya ng binata? Bakit?
Pangatuwiranan ang iyong sagot.

1. Sabi ng binata, halina O hirang


Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan
Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw
Sasabihin pa kay Inang nang malaman.
Anong tradisyon ang masasalamin sa bahaging ito ng awiting –bayan?
a. paggalang at respeto sa magulang
b. takot sa magulang

Paghahatol o Pagmamatuwid:
Ang tradisyon na masasalamin sa bahaging ito ng awiting-bayan
ay________________________________________________________

2. Ang dalaga naman ay biglang umiyak


Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata’y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad
Anong magandang kaugalian ang makikita sa bahaging ito?
a. Matiisin ang binata
b. Marunong humingi ng patawad ang binate

Paghahatol o Pagmamatuwid:
Ang magandang kaugaliang makikita sa bahaging ito ay
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5
Panuto: Kilalanin ang nais ipahiwatig sa mga larawang nasa ibaba. Uriin kung anong uri ng
tradisyon at pangatuwiranan ang iyong sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel o notbuk.

Ginawa ko na ang unang bilang para sa’yo.


Halimbawa:

1. Uri ng Tradisyon: Pista


Pangangatuwiran.
Para sa akin ang pagdiriwang ng Pista ay isang pasasalamat sa lahat na mga biyayang
natanggap sa buong taon.Ito rin ay pag- aalay sa Patron sa nasasabing lugar

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Magsimula ka rito, gawing gabay ang na unang halimbawa.

6
https://www.google.com/search?
q=mga+tradisyong+pilipino&oq=Mga+tradisyon&aqs=chrome.5.69i59l2j0l8.8526j1j7&sourceid=chrom
e&ie=UTF-8

2. Uri ng Tradisyon: ______________

Pangangatuwiran.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________________________________________

https://www.google.com/search?
q=mga+tradisyong+pilipino&oq=Mga+tradisyon&aqs=chrome.5.69i59l2j0l8.8526j1j7&sourceid=chrom
e&ie=UTF-8

3. Uri ng Tradisyon: _______________

Pangangatuwiran.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
______________________________________________

7
https://www.google.com/search?
q=mga+tradisyong+pilipino&oq=Mga+tradisyon&aqs=chrome.5.69i59l2j0l8.8526j1j7&sourceid=chrom
e&ie=UTF-8

4. Uri ng Tradisyon: __________

Pangangatuwiran.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________

https://www.google.com/search?
q=mga+tradisyong+pilipino&oq=Mga+tradisyon&aqs=chrome.5.69i59l2j0l8.8526j1j7&sourceid=chrom
e&ie=UTF-8

5. Uri ng Tradisyon: ____

Pangangatuwiran.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
________________________________________.

Gawain A

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o talata.Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel o notbuk.

8
1. Ito ay mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang papunta sa
mga anak nila.
a.tradisyon c. araw ng manggagawa
b. araw ng patay d. kasal
2. Isang paniniwala o kasanayan na kadalasang na hindi batay sa dahilan at walang
pang-agham o siyentipikong katotohanan.
a. tardisyon c. pamahiin
b.paniniwala d. kasalan
3. Ang katotohanang pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o
rason.
a. pagmamatuwid c. Pagpapaliwanag
b. pagpapasalaysay d. paglalahad
4. Ito ay isang pagkakaroon ng kumpiyansa o pananalig sa isang bagay na
walang matibay na patunay sa katotohanan nitó.
a. tardisyon c.paniniwala
b. pamahiin d. kasalan
5. Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay.
a. pagmamatuwid c. Pagpapaliwanag
b. pagpapasalaysay d. paglalahad
6. Kapag nakabili ng biik, iligid mo ito sa poste ng inyong bahay ng pitong beses
upang hindi ito maglayas. Ito ang isang halimbawang…
a. tardisyon c. pamahiin
b. pamahiin d.kultura
7. Bawal magwalis kapag may patay. Ito ay isang halimbawang…
a. pamahiin c. kultura
b. paniniwala d. tradisyon
8. Ang makasalo ng bulaklak na inihagis ng babaing ikinasal ay susunod na
mag-aasawa. Ito ay isang halimbawang…
a. pamahiin c.kultura
b. paniniwala d. tradisyon
9. Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw
Sasabihin pa kay Inang ng malaman

Ano kaugalian o katangian ang nangingibabaw sa taludtod?

9
a.magalang c. mayabang
b. matapat d. matakot
10. Binata’y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad

Ang binata ay nagpapakita na siya ay?

a. mapagmataas
b. mapagmayabang
c. magalitin
d. mapagkumbaba

Gawain B.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga pahayag at kiilalanin


kung anong uri ng tradisyon.Titik ang isulat sa tamang sagot at isulat sa sagutang
papel o notbuk.

1. Ito ay ipinagdiriwang ang araw ng kapanganakan.

a. Pista c. Araw ng Kasal


b. Kaarawan d. Araw ng Patay

2. Pagpapasalamat sa nasabing Patron sa isang lugar.

a. Kaarawan c. Araw ng Patay


b. Araw ng kasal d. Pista

3. Paggunita sa kaanak na sumakabilang buhay.

a. Pista c. Araw ng Kasal


b. Kaarawan d. Araw ng Patay
4. Ito ay ipinagdiriwang ang araw ng pag-iisang dibdib ng mag-asawa.

a. Kaarawan c. Araw ng Patay


b. Araw ng kasal d. Pista

5. Ito ang isang paraan ng panliligaw noong unang panahon.

a. Harana c. araw ng kasal


b. kaarawan d. Pista

10
Tapos na! Tapos na! Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman ay
huwag kaligtaang sagutan ang karagdagang gawain.

Panuto: Bilang nagbibinata at nagdadalaga, magtala ng mga paraan sa panliligaw


noon at ngayon. Pangatuwiranan ang sagot at isulat sa sagutang papel o notbuk.

Noon Ngayon

Inihanda nina:

ERIZA G. RAQUEL

JOHNAVILLE P. EDURICE

MINELYN ALMODAL

RACHELYN DEL PILAR

11
CHRISTEL ANN L. ESCALA

Iniwasto ni:
LUH C. DACUYAN
Tagapag-ugnay ng Tanggapang Filipino

Aprobado:
ELEANOR E. CAGARA
Principal IV

Address: Sto. Niño St., San Diego District IX, Burauen, Leyte 6516
Email Address: BurauenCompre@gmail.com

12

You might also like