Professional Documents
Culture Documents
A FIL 10 Q3M2 Teacher Copy Final Layout
A FIL 10 Q3M2 Teacher Copy Final Layout
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2
Anekdota mula sa Persia (Iran):
Mullah Nassredin
KARAPATANG-SIPI 2021
Inilimbag sa Pilipinas ng
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2
Anekdota mula sa Persia (Iran):
Mullah Nassredin
ii
MODYUL SA FILIPINO
PAUNANG SALITA
PARA SA TAGAPAGDALOY/GURO:
Bago ang lahat, binabati kita munti naming mga mag-aaral sa asignaturang
FILIPINO. Ang MODYUL na ito ay pinagtulungang idisenyo, nilinang at sinuri ng mga
guro mula sa iba’t ibang distrito ng Sangay ng Hilagang Surigao at ng Tagamasid
Pansangay upang gabayan at tulungan ka, gurong tagapagdaloy na makamit ng mga
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 na linangin ang
kakayahang MAKRO ng mga mag-aaral katulad ng PAKIKINIG, PAGSUSULAT,
PAGBABASA, PAGSASALITA at PANOOD kasali na ang pagpapahalaga sa
kakayahan ng mga mag-aaral na harapin ang hamon na pansarili, panlipunan at pang-
ekonomiko.
Inaasahang makagagawa ang mga mag-aaral ng isang malikhaing sariling
gawang sulating akademiko na sinuri at nirebesa sa tulong ng guro at mga kapamilya
upang magsilbing porfolio. Bago at pagkatapos ng bawat modyul ay may
nakahandang pagsusulit upang tayain ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral
sa pag-unawa at pagproseso ng mga araling nakapaloob sa bawat modyul.
Ito ay tulong-aral na magpatuloy ang malayang pagkatuto ng mga mag-aaral
sa pamamatnubay ng gurong tagapagdaloy ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mga mag-aaral upang makamit ang
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang pangangailangan
at kalagayan.
Makikita sa kahon sa ibaba ang pinakalaman ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
ii
gawaing susubok sa iyong kakayahan kasama ang inyong kapamilya at higit sa lahat,
sa tulong na rin ng inyong gurong tagapagdaloy.
Sana ay iingatan mo ito ng buong puso katulad ng pag-iingat mo upang
makamit ang minimithing TAGUMPAY. Panalangin namin na kayo ay patnubayan ng
DAKILANG MAYLIKHA.
PARA SA MAGULANG:
Mahal naming mga magulang isapuso ninyo ang katotohanang ito. Kayo ay
mahalagang TULAY o KONEKSYON sa pagitan ng bahay at paaralan, bilang mga
magulang mahalaga ang papel na inyong gagampanan tungo sa pagtupad ng
kanilang mga pangarap. Kayo ay mahalagang kaakibat sa edukasyon at pag-aaral ng
inyong mga anak. Malaki ang inyong maitutulong upang patuloy na maibahagi ang
kaalaman sa inyong mga anak. Napakalaki ng inyong impluwensiya upang
maisakatuparan ang adhikaing ito. Inaasahan ang makatotohanang kolaborasyon ng
mga magulang at ng mga guro na naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na
magkaroon ng makabuluhang edukasyon upang makamit nila ang tagupay at
magandang bukas.
Higit sa lahat, aming panalangin na magkakaroon ng positibong saloobin
kayong mga mahal naming mga magulang upang maging bahagi sa napakagandang
oportunidad na ito na kasali sa pagpapaunlad ng karunungan ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng paggabay ng kanilang pag-aaral gamit ang modyul na ito.
iii
ARALIN 2
Mga Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia:
Mullah Nassredin
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standards):
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan.
MELC/LAYUNIN
• Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng
napakinggang anekdota. (F10PN-IIIb-77)
• Nasusuri ang binasang anekdota batay sa:
Paksa,tauhan tagpuan motibo ng awtor
paraan ng pagsulat at iba pa. (F10PB-lllb-81)
• Nabibigyang-kahulugan ang salita batay sa
ginagamit na panlapi. (F10PT-lllb-77)
• Nabibigay ang sariling opinyon tungkol sa
anekdotang napanood sa you tube. (F10PD-
lllb-75)
• Naisusulat ang isang orihinal na komik strip
ng anekdota. (F10PU-llb-79)
• Nagagamit ang kahusayang gramatikal,
diskorsal at strategic sa pagsulat at
pagsasalaysay ng orihinal na anekdota.
(F10WG-lllb-72)
1
ALAMIN (Panimula)
SUBUKIN
(PAGSASAGAWA NG PAUNANGPAGSUBOK-PRE-TEST)
Sa gawaing ito ay matutuklasan natin kung gaano kalawak ang iyong kaalaman
at pag-unawa sa araling ito. Sagutang mabuti ang lahat ng aytem at iwawasto ito
upang malaman mo ang iyong tamang sagot kasama na buong iskor.Isaalang-alang
ang mga naging kamalian at tuklasin ang tamang sagot habang pinag-aaralang muli
ang modyul.
2. Ang taong may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. Ano ang
kaibahan sa pamimilian?
A. Abot kamay ang bukas
B. Magandang buhay
C. Magandang kapalaran
D. Makapangyarihan sa lahat
3. Ang Anekdotang pinamagatang Mullah Nassredin ay sa bansang _________.
2
A. Africa
B. Iran
C. Syria
D. Uganda
9 – 10. Ano ang nais ipahatid ng pahayag na ito; na kung nais mong magpatubo ng
kalabasa ito’y mapakinabangan mo sa madaling panahon. Gugugol ng_
A. Apat na taon
B. Dalawang taon
C. Tatlong taon
D. Limang taon
3
A. Sambitin
B. Samsamin
C. Sayangin
D. Sirain
BALIKAN (Pagbalik-aralanmo)
4
Bago natin talakayin ang ating paksa sa araw na ito, sagutin mo muna ang inihandang
gawain bilang pagbabalik-aral sa nagdaang paksa tungkol sa Metolohiya. Galingan
mo!
Pangalan: ________________________ Pangkat: _______ Puntos:_____
4. Ito ay isang ganap na pag-aayuno sa pagkain, pag-inom, kasama na ang ano mang
masasamang gawi laban sa kapwa mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog
nito.
A. Hira
B. Puasa
C. Quran
D. Ramadan
5
B. 19-20
C. 24-25
D. 29-30
7. Sa pagitan ng ikatlo at ikaapat ng umaga o bago sumikat ang araw, ang bawat
Muslim na may kakayahang mag-ayuno ay kumakaing mabuti ng almusal na
tinatawag na _________.
A. Kanduli
B. Peggang
C. Puasa
D. Saul
6
B. Sapagkat hindi sila mapagkakatiwalaan.
C. Sapagkat hindi sila naniniwala dito.
D. Wala sa nabanggit.
Matapos nating pag-aralan ang Mitolohiya mula sa bansang Kenya may malawak
kanang kaalaman tungkol nito. Ngayon ay basahin mo ang isang maikling
sanaysay na pinamagatang Akasya o Kalabasa ni Consolation P. Conde.
AKASYA O KALABASA
ni Consolation P. Conde.
Mula sa Filipino 10 modyul para sa mag – aaral
Hindi maikakaila kung malaki ang puhunan ay maaring tumubo rin iyon nang malaki
kaysa maliit ang naturan.Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao na
pinimumuhunanan ng puu-puung taong pag – aaral at pagpapakasakit. Karaniwan
nang sa may mataas na pinag – aralan ay maao ang kapalaran. At ito’y maitutulad din
nga sa paghahalaman.
Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matas na paaraan
sa Maynila.
Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod…
Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang
mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon naman ay hindi
muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak na pag – aaralin sa
MAYNILA.
Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakaratying sa lung sod ang Ama.
Isang balitang paaralang sarili ang kaniulang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagtala
na abalang – abala sa pagtanggap ng di-kakaunting batang nagsisipagpresenta.
Nagpaling-linga si Mang Simon. Nang Makita ang babalang nakasabit sa may
pintuan ng tanggapan ng Punong-guro ay kinawit sa bisig si Iloy.”halika at makipag –
usap muna ako sa Punong-guro.”
“Magandang umaga poi sa kanila,” Panabay na bating galang ng mag-ama.
“Magandang umaga po anman,”Tugon ng punong-guro na agad naming
nagtindig sa pagkakaupo at nag-alok ng upuan.” Ano po ang maipaglilingkod ko sa
kanila?”
“E, ibig kop o sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.”
“A, Opo. Sa ano po naming baiting?”usisa ng Punong-guro.
“Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong
nakaraang Marso,” paliwanag ni Mang Simon.
Kung gayun po’y sa unang taon ng haiskul,ano po?”
“Ngunit… ibig kop o sanang malaman kung maaring ang kunin na lamng niya
ay isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos
agad, maari po ba?”
7
“Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punong-guro. “ Maaring ang lalong
pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto
ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na
punong akasya,gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay
ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”
Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro.
Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama.
At ….umuwi nang nag-iisa si Mang Simon . Habang naglalakabay na
patungong lalawigan ay tatambis-tambis sa sarili: “A, mabuti na nga ang kunin niyang
buo ang kurso sa haiskul at saka siya kumarera”. Higit na magiging mayabong ang
kaniyang kinabukasan.
SURIIN (Pagtatalakay)
MUNGKAHING PAGSASANAY
8
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa binasang anekdota na pinamagatang
“Akasya o Kalabasa”. Isulat ang sagot sa patlang.
9
B. Ikalawang taon
C. Ikatlong taon
D. Unang taon
10
A. balakang
B. bisig
C. kamay
D. leeg
ISAISIP MO
11
Ang susunod na akdang pag-usapan natin ay ang panitikan ng bansang Persia na
ang pamagat ay Mullah Nassreddin na isa sa mga anekdotang mabasa.
Si Mullah Nassreddin ay isang dalubhasang pilosopo at tag0061payo ng mga
Hari sa isang lugar. Siya’y tinaguriang dakilang guro at marunong siyang magpatawa
at isinilang siya sa bayan ng Eskishehir (Ak Shehir).
MULLAH NASSREDDIN
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay
sa pagkukuwento ng katatwanan sa kanilang bansa. Lagi ito naaalaala ng mga Iranian
na dating mga Persiyano noong sila ay mga bata pa. Libu – libong kuwento ng
katatwanan ang naiambag ni mullah nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian
siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatwanang
estilo sa pagsulat . Nagpasalin salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisuklat
mula noon magpasa hanggang ngayon.
Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng
maramin g tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya,” Alam ba ninyo ang aking
sasabihin?
Sumagot ang mga nakikinig” Hindi,” kung kay’t kaniyang sinabi “ wala akong
panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” At siya ay
umalis.Napahiya ang mga tao. Inanyayahan siyang muli upang magsalita
kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay
sumagot sila ng “,Oo” , sumagot si Mullah Nassreddin” kung alam ang aking sasabihin,
hindi ko na sasayangin ang marami ninyong opras” Muli siyang umalis. Ang mga tao
ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan
si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong.” Alam
ba niniyo ang aking sasabihin?” Handan a ang mga tao sa kin lang isasagot ang
kalahati ay nagsasabi ng “Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng Oo’” kung Kaya’t
muling nagsalita si Mullah Nassredddin” ang kalahati ay alam ay aking
sasabihin,kaya’y kayo ang magsasabi sa kalahati na hindi alam ang aking sasabihin,”
at siya ay lumisan.
Mungkahing Pagsasanay
12
Pangalan: _____________________________ Pangkat: _______ Puntos: ______
13
Pagbubuod ng Aralin
Pagyamanin- Pagsanayan Mo
Alam mo ba na Ang pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga
karanasang magkakaugnay? Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari,
pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining,pinakatanyag,at tampok na
paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng
pagpapahayag sapagkat ditto nagsimula ang alamat o epiko, at mga kwentong bayan
ng ninunong mga Pilipino maging sa ibang bansa man. Ang pagpili ng paksa ang
unang mahalagang hakbang s apagsulat ng pagsasalaysay. Kailangan ito ay
maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga ring napapanahon ito at may dalang
lugod at kabutihan sa mambabasa.
Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa
1. Kawilihan ng Paksa- Dapat ay likas na nappanahon; may mayaamng
damdaming pantao, may kapana panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian,
at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at mga tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan- Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.
3. Kakayahang Pansarili- Ang pagpili ay naaayon din sa kahusayan, hilig at
layunin ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook- Ang kaganadahn ng isang pagsasalaysay ay
nakasalalay sa malinaw ta masining na paglalarawan ng panahon at pook na
pinangyarihan nito. Kaya mahalagang iwasan ang labi na paghaba sa
panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng nakakaraming pook na
pinangyayarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang mga mambabasa- Sumusulat ang tao hindi para lamang sa
kanyang pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi sa kanyang
mambabasa.
ANG MGA PAGKUKUNAN NG PAKSA
1. Sariling Karanasan – Pinakamadali at pinakadetalyadong paraang ng
pagsasalaysay ng isang taosapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan
ng mismong nagsasalaysa.
2. Narinig o napakinggan sa iba – Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa iasng
pinagtatalunang isyu, ang mga balita sa radio at telebisyo at iba pa. Subalit
tandaan hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapata paniwalaan.
Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood – Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro at iba pa.
14
4. Likhang Isip – Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha
ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap - Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaaring
ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
6. Nabasa- Mula sa anumang tekstong nabasa kailangang ganap na nauunawan
ang mga pangyayari.
MUNGKAHINGPAGSASANAY
NILALAMAN PUNTOS
Diwa 5 4 3 2 1
Lawak ng kaisipang may maanyong pagtalakay.
Madaling maunawaan.
Gramatika
Wastong gamit ng mga salita. Walang mali sa
gramatika/baybay at bantas.
Paghikayat
Pagsunod sa panutong binigay ng guro. Sariling
paraan ng pagtalakay sa napanood.
Kabuuang Puntos
15
Isagawa- Subukan mo
Sa araw na ito ay magkakaroon tayo ng gawain. Ihanda ninyo ang inyong mga sarili
sa babasahing akda. Tiyak na mag-eenjoy kang basahin ito.
• Caption Box
• Speech Bubble
• Scream Bubble
16
• Broadcast/ Radio Bubble
• Whisper Bubble
• Though Bubble
MUNGKAHING PAGSASANAY
17
Walang mali sa gramatika/baybay
gramatika/bayba at bantas.
y at bantas.
Guhit Kaakit-akit Mahusay ang Hindi mahusay ang
tingnan at pagguhit. Malinis pagguhit. Maraming bura
napakahusay na at walang at madumi tingnan.
pagguhit. masyadong bura.
Maganda at
malinis.
Kabuuang
Puntos
Talaga namang masaya ang gumawa ng komiks kasi kahit hindi tayo masyadong
nakakaguhit ng mukha ng tao ay pwede naman tayong gumuhit ng parang “stick”
animation lamang at naipapakita natin na pwede tayong makagawa ng simpleng
komiks strip at nasisiyahan tayo sa paggawa dahil bukal ito sa ating kalooban. Totoo
talaga ang kasabihan “Kapag mahal mo ang ginagawa mo ay magbubunga ito ng
magandang kalalabasan”.
Kahit simple lang, may mensahe namang hatid sa mga mambabasa.
2. Ang taong may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. Ano ang
kaibahan sa pamimilian?
A. Abot kamay ang bukas
B. Magandang buhay
C. Magandang kapalaran
D. Makapangyarihan sa lahat
18
3. Ang anekdotang pinamagatang Mullah Nassredin ay sa bansang _________.
A. Africa
B. Iran
C. Syria
D. Uganda
9 – 10. Ano ang nais ipahatid ng pahayag na ito; na kung nais mong magpatubo ng
kalabasa ito’y mapakinabangan mo sa madaling panahon. Gugugol ng_
A. Apat na taon
B. Dalawang taon
C. Limang taon
D. Tatlong taon
19
12. Dapat pag-aralan at huwag pag-aksayahin ang sermon na ginawa ni Mullah.
A. Sambitin
B. Samsamin
C. Sayangin
D. Sirain
20
SUSI SA PAGWAWASTO
21
SANGGUNIAN
• K to 12 Curriculum
• (http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/first-iranian-Mullah-who-was-
master-anecdotes.html)
• Tl.answer.com./o/Ano_ibig_sabihin_ng_anekdota
• Komiks.strip.com
• https://prezi.com/9k6bk2jlswqi/syria/
22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
23