FILIPINO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MASINING NA PAMAMAHAYAG

GAWAIN 1
1. Gaano kahalaga ang Retorika sa buhay ng tao? Ipaliwanag

Mahalaga ang retorika sa buhay ng tao sapagkat ito’y maaaring magamit


hindi lamang sa masining na pagsulat, gayun din sa pakikipagtalastasan. Bilang
isang tao, napakahalaga ng komunikasyon sa bawat isa. Ang retorika ay
aplikable sa iba’t ibang bagay kaugnay sa komunikasyon, sapagkat sa
pakikipagkomunikasyon ay may iba’t ibang uri ng diskusyon katulad ng pormal at
hindi pormal na usapan at kausap. Sa pamamagitan ng masining na
pagpapahayag (retorika), maaari nating maipahayag ang mensahe sa masining,
klaro, nakaka-enganyo o nakapanghihimok na paraan. Kaugnay rito, maari rin
natin magamit ang retorika upang maiwasan ang magulong usapin.

2. Bilang isang mag- aaral paano mo maiaapply sa buhay mo ang retorika?

Bilang isang mag-aaral, magagamit ang retorika sa pamamagitan ng


pagpapahayag ng aking kaalaman sa maganda, masining at maayos na paraan
ng pagpapahayag upang makatulong sa iba at gayun din sa pagpapalawak ng
aking kaisipan at pagbigay impormasyon sa iba pang kabataan at kamag-aral sa
pamamagitan din ng paggamit ng retorika, magagamit itong isang mabisang
paraan sa panghihikayat upang maipalawak pa ang kanilang pag-iisip tungkol sa
iba’t ibang bagay sa aking inaaral. Bukod pa rito, sa mga Gawain sa paaralan na
may kaugnayan sa pagsusulat tulad na lamang ng pagsusulat ng sanaysay sa
iba’t ibang asignatura ay magagamit ang retorika upang maipahayag ang aking
ideya sa masining na pamamaraan.

You might also like