Professional Documents
Culture Documents
Mga Kaalamang Bayan
Mga Kaalamang Bayan
bayan
Ang pagkakaroon ng diwang makata ay
likas sa ating mga ninuno. Ayon kay
Alejandro Abadilla, bawat kibot ng
kanilang bibig ay may ibig sabihin at
katuturan. Ito ang ipinalalagay na
pangunahing dahilan kung bakit nabuo
ang iba pang mga akdang patula tulad
ng tulang panudyo, tugmang de gulong,
bugtong, palaisipan, at iba pang
kaalamang-bayan.
Kaalamang-bayan
Ito ay umiiral na kuwento, panitikan, paniniwala,
ritwal, gawi, at tradisyon ng mga mamamayan sa
isang pamayanan o kalinangang nagpasalin-salin sa
iba’t ibang lahi at pook dahil sa ito’y bukambibig ng
taumbayan.
Ilang halimbawa nito ay tulang / awiting panudyo,
tugmang de gulong, at palaisipan.
1. Tulang /
Awiting Panudyo
Ito ay isang uri ng akdang patulang
kadalasan ang layunin ay manlibak,
manukso o mang-uyam. Ito ay
kalimitang may himig na nagbibiro at
kilala rin sa tawag na “pagbibiro ng
patula.”
Sinasabi ito ng mga bata sa kapwa
bata kapag nagsasama-sama.
Halimbawa: c. Si Maria kong Dende
a. Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan.
Nagtinda sa gabi
Nang hindi mabili
b. Pedro Penduko, matakaw sa tuyo; Umupo sa tabi.
Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo.
2. Tugmang de
Gulong
hALIMBAWA:
a. Ang ‘di magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan ay
‘di makabababa sa paroroonan.
3. Palaisipan