Professional Documents
Culture Documents
Filipino - 7 - Q3 - M3 - Katangian at Elemento NG Akdang Pampanitikan NG Pilipinas - at Elemento at Sosyo-Historikal Na Konteksto NG Napanood Na Dula - v5
Filipino - 7 - Q3 - M3 - Katangian at Elemento NG Akdang Pampanitikan NG Pilipinas - at Elemento at Sosyo-Historikal Na Konteksto NG Napanood Na Dula - v5
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.
Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Eugene I. Macahis Jr.
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Marie Emerald A. Cabigas, PhD, Regional LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Lorena R. Simbajon, EPS - Filipino
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
7
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 3
Katangian at Elemento ng Akdang
Pampanitikan ng Pilipinas; at
Elemento at Sosyo-historikal na
Konteksto ng Napanood na Dula
TALAAN NG NILALAMAN
Aralin 1 ---------------- 1
Alamin ---------------- 1
Subukin ---------------- 2
Balikan ---------------- 3
Tuklasin ---------------- 4
Suriin ---------------- 5
Pagyamanin ---------------- 9
Isaisip ---------------- 9
Isagawa ---------------- 10
Tayahin ---------------- 12
Karagdagang Gawain ---------------- 14
Aralin 2 ---------------- 15
Alamin ---------------- 15
Subukin ---------------- 15
Balikan ---------------- 17
Tuklasin ---------------- 17
Suriin ---------------- 20
Pagyamanin ---------------- 21
Isaisip ---------------- 21
Isagawa ---------------- 22
Tayahin ---------------- 23
Karagdagang Gawain ---------------- 24
Layunin
Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito, alamat, kuwentong-
bayan, maikling kuwento mula sa Mindanao, Kabisayaan, at Luzon batay
sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan, at mga aspetong pangkultura
(halimbawa: heograpiya, uri ng pamumuhay, at iba pa)
(F7PB-IIId-e-15 / F7PB-IIId-e-16)
1
I. Panuto: Basahin at suriin ang mga katanungang nasa ibaba. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Isang anyo ng panitikang karaniwang tumatalakay tungkol sa mga diyos at
diyosa, bathala, diwata, at mga kakaibang nilalang na may kapangyarihan.
a. Alamat c. Maikling Kuwento
b. Kuwentong-bayan d. Mito
2. Ito ay isang akda tungkol sa paniniwalang litaw na litaw sa isang partikular na
lugar o pangkat.
a. Alamat c. Maikling Kuwento
b. Kuwentong-bayan d. Mito
3. Ito ay isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng pang-araw-
araw na buhay.
a. Alamat c. Maikling Kuwento
b. Kuwentong-bayan d. Mito
4. Isang kuwentong nagsasaad kung saan nagmula ang mga bagay-bagay.
a. Alamat c. Maikling Kuwento
b. Kuwentong-bayan d. Mito
5. Ito ang nagbibigay-buhay sa akdang maaaring maging masama o mabuti.
a. Banghay b. Simula c. Tagpuan d. Tauhan
6. Malalaman dito kung ang kuwento ay naganap ba sa panahon ng tag-ulan, tag-
init, umaga, tanghali at gabi; sa lungsod o lalawigan; sa bundok o sa ilog.
a. Banghay b. Simula c. Tagpuan d. Tauhan
7. Ito ang maayos na pagbabanghay at pagkasusunod-sunod ng mga pangyayari.
a. Banghay b. Simula c. Tagpuan d. Tauhan
8. Tumutukoy ito sa panahon at lugar kung saan naganap ang kuwento.
a. Banghay b. Simula c. Tagpuan d. Tauhan
9. Matutunghayan dito ang pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at suliraning
kakaharapin.
a. Kasukdulan c. Panimulang Pangyayari
b. Pababang Pangyayari d. Resolusyon
2
10. Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning
kaniyang kakaharapin.
a. Panimula c. Panimulang Pangyayari
b. Pababang Pangyayari d. Tunggalian
11. Nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa sa bahaging ito ng kuwento.
a. Kasukdulan c. Panimulang Pangyayari
b. Pababang Pangyayari d. Tunggalian
12. Ito ang kapana-panabik na bahagi ng kuwento.
a. Pababang Pangyayari c. Resolusyon
b. Panimulang Pangyayari d. Tunggalian
13. Sa bahaging ito, nalulutas ang suliranin at natatamo ng pangunahing tauhan
ang layunin. Ito ang nagbibigay ng daan sa wakas ng kuwento.
a. Pababang Pangyayari c. Resolusyon
b. Panimulang Pangyayari d. Tunggalian
14. Sa bahagi namang ito, nagkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang
wakas na maaaring ang kinahinatnan ay masaya o malungkot.
a. Pababang Pangyayari c. Resolusyon
b. Panimulang Pangyayari d. Tunggalian
15. Unti-unting nabibigyang solusyon ang suliranin sa bahaging ito.
a. Pababang Pangyayari c. Resolusyon
b. Panimulang Pangyayari d. Tunggalian
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
3
Ang kuwentong-bayan, maikling kuwento, alamat, at mito ay halos
may kaugnayan sa isa’t isa. Halos pareho lamang ang kanilang paksang
karaniwang tumatalakay sa kalikasan, pamahiin, relihiyon, paniniwala, at kultura
ng isang partikular na pangkat o lugar. Bagama’t halos magkatulad ay makikita
pa rin ang natatanging katangian ng bawat pasalindila ng panitikang ito.
Akdang
Kahulugan Katangian
Pampanitikan
1. Kuwentong nagmula sa
bawat pook na naglalahad
Ito ay kuwentong nagmula sa ng katangi-tanging
Kuwentong-
salaysay ng kanilang lugar.
bayan isang partikular na bayan.
2. Masasalamin ang kultura
ng bayang pinagmulan
nito.
Isang maikling kathang
nagsasalaysay ng pang-araw- 1. Nababasa sa iisang upuan
Maikling lamang.
araw na buhay na
Kuwento 2. Binubuo ng iilang tauhan
kinasasangkutan ng isa o
at tagpuan.
iilang tauhan lamang.
4
Ang mga akdang tuluyan kagaya ng mito, alamat, kuwentong-bayan, at
maikling kuwento ay binubuo ng mahahalagang elemento. Ito ang mga
sumusunod:
1. Tauhan – Ang nagbibigay-buhay sa akdang maaaring maging masama o
mabuti.
2. Tagpuan – Ang panahon o lugar na kung saan naganap ang mga pangyayari
sa akda. Malalaman dito kung ang kuwento ay naganap ba sa panahon ng
tag-ulan, tag-init, umaga, tanghali at gabi; sa lungsod o lalawigan; sa bundok
o sa ilog.
3. Banghay – Maayos na pagbabanghay at pagkasusunod-sunod ng mga
pangyayari.
Narito ang mga nilalaman ng banghay:
a. Panimulang Pangyayari – Ang kawilihan ng mga mambabasa ay
nakasalalay sa bahaging ito. Dito matutunghayan ang pagpapakilala ng
tauhan at tagpuan.
b. Tunggalian – Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan
sa mga suliraning kaniyang kakaharapin.
c. Kasukdulan – Ito ang pinakamataas at kapana-panabik na bahagi ng
kuwento. Sa bahaging ito, unti-unting nabibigyang solusyon ang suliranin.
d. Pababang Pangyayari – Sa bahaging ito, nalulutas ang suliranin at
natatamo ng pangunahing tauhan ang layunin. Ito ang nagbibigay ng daan
sa wakas ng kuwento.
e. Resolusyon – Sa bahaging ito, nagkakaroon ang kuwento ng isang
makabuluhang wakas na maaaring ang kinahinatnan ay masaya o
malungkot.
5
Talasalitaan:
affong – tirahan ng isang pamilyang Igorot
intugtukon – tanging lupon ng matatalinong matatanda sa bayan
Kabunian – ang bathala ng mga katutubong Igorot
Cañao – isang seremonya ng mga Igorot
pagdaraos – pagdiriwang
masusupling – tutubo
dinulutan – binigyan
6
“Ang idinaraos ninyong Cañao ay bibiyayaan ng mga anito. Narinig na
iyan ni Kabunian. Ibig kong maghandog sa inyo ng aking alaala.” sabi ng
matanda.
Sa malamig na tinig, sinabi niyang “Takluban ninyo ako sa isang
malaking kawa at ipagpatuloy na ninyo ang Cañao. Huwag ninyong gagalawin
ang pagkakataob sa akin ng kawa.”
Nagsalita pa ang matanda, “Sa ikatlong araw, isang kahoy ang
masusupling. Huwag ninyong gagalawin ang puno. Ang magiging bunga lamang
ang maaari ninyong pitasin…”
Dahan-dahang itinaklob ni Lifu-o ang matanda sa kawa. Sa silangan, ang
liwanag ay pumupusyaw na at ang puno ng pino ay nagkahuhugis na.
Humudyat si Lifu-o. Itataas na ang kawa. Lumapit ang apat na
matitipunong katutubo sa kawa ngunit nagkalamat ang kawa at may napansin
silang umuusbong na isang kakaibang halaman.
Sila ay nananalangin at nag-aawitan sa saliw ng gangsa nang palakas.
Ang mga lalaki’t babae, bata’t matanda ay nasisindak dahil ang umusbong ay
isang gintong halaman.
Ang halamang ginto ay pataas nang pataas at palago nang palago na
nagiging puno na ito. Si Sabsafung na asawa ni Lifu-o at si Napat-a ay kumilos.
Ang mga katutubo ay pumunta sa puno upang pitasin lahat ng ginto. Ang puno
ng ginto ay dinumog. Hawak ang matatalim na bakal, tinaga, tinapyas, at binali-
bali. Sila ay nag-aagawan, nagtutulakan, nagkasasakitan na, nagsisipaan, at
nagkababalian ng buto.
Bago nagawang dumapo ng isang ibon, tila dagundong na ibinuhos ng
ulan, nabuwal ang puno at bumagsak. Umugoy ang mga sanga ng mga kalapit
na puno ng pino. Sa malayo, narinig ang bahaw na huni ng uwak. “Huhukayin
ninyo mula ngayon ang ginto…” Naisip ni Lifu-o ang matandang iyong dumating
sa isang pagkakataong hindi inaasahan, ang matandang kubang papilay-pilay
na lumapit at naupo sa nakatumbang lusong…
7
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Sa anong elemento ng akda napabilang ang pagpapakilala sa mga
pangunahing gumaganap sa akdang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng
Cañao” na sina matandang kuba, Lifu-o, Sabsafung, at Napat-a.
a. Banghay c. Tagpuan
b. Panimula d. Tauhan
2. Isinasaad sa akda na ang lugar kung saan nila ipinagdiriwang ang Cañao ay sa
affong. Sa anong elemento ng kuwento napabilang ang paglalahad sa lugar ng
pangyayari?
a. Banghay c. Tagpuan
b. Panimula d. Tauhan
3. “Dumating ang matandang kuba sa isang pagdiriwang ng Cañao. Habang siya
ay nakaupo sa nakatumbang lusong ay bigla siyang nagsalita at nagbigay ng
mga paalala. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi sinunod ng mga tao ang
paalala ng matanda kaya ang gantimpala na kanilang natanggap ay naglaho.
Nagunita ng mga tao na sinayang nila ang biyayang dumating sa isang
pagkakataon.”
a. Banghay c. Tagpuan
b. Panimula d. Tauhan
4. Naniniwala ang mga pamilya ni Lifu-o na sa pamamagitan ng pagdiriwang ng
Cañao ay maaaring maging masagana ang kanilang pamumuhay. Anong
kultura ang masasalamin sa bahaging ito?
a. paniniwala sa mga halaman c. paniniwala sa mga pamahiin
b. paniniwala sa mga hayop d. paniniwala sa mga ritwal
5. Natutunan ng mga tauhan sa kuwento na hindi mabuti ang maging sakim at
makasarili. Batay sa bahagi ng akda, anong katangian mayroon ang mga
tauhan sa kuwento?
a. gahaman c. makabansa
b. makatao d. mapagbigay
8
Gawain 3
Panuto: Kopyahin ang pantulong na grapiko sa ibaba at ibigay ang hinihingi nito.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Maikling Kuwento
Mga
Alamat Katangian Mito
Kuwentong-bayan
Gawain 4
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
9
Gawain 5
Panuto: Basahin at suriin ang akdang “Tinampikan” at buoin ang ladder organizer
tungkol sa elemento ng akda na nasa susunod na pahina. Punan ang
bawat bahagi nang nararapat na kasagutan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Talasalitaan:
mamalagi – manatili
hinimok – hinikayat
tabiki – dingding o partisyon ng kuwarto
napagtanto – nalaman
nagdalamhati –nalungkot
Tinampikan
Maikling Kuwento mula sa Mindanao
10
Sumang-ayon ang asawang babae ngunit sa halip, nagtuloy siya sa kusina
upang maghanap ng pagkain. Nakakita siya ng isang hinog na saging at nilaga
iyon.
Nagpatuloy ang lalaki sa pagtagpi sa bubungan habang maya’t maya
itinatanong sa asawang babae kung mayroon pang dapat tagpian, ang babae
naman ay patuloy na sumasagot na marami pa dahil nais niyang maluto ang
saging bago bumaba ang asawa mula sa bubungan. Natatakot ang babae na
kung bumaba ang lalaki ay makihati pa ito sa nilagang saging na nais niyang
masolo. Nang maluto na ang saging, binalatan kaagad niya ito at sinimulang
kainin kahit mainit pa. Ngunit may nangyaring aksidente. Ang mainit na saging
ay bumara sa kaniyang lalamunan at nahirapan siyang huminga. Siya ay
gumapang patungo sa buho ng kawayang lalagyan ng tubig upang uminom at
mawala ang bara sa kaniyang lalamunan ngunit ang lalagyan ay wala ng tubig.
Sa kabilang dako, ang lalaki namang nasa itaas ng bubungan ay
nagsimulang magtaka kung bakit hindi na sumasagot ang kaniyang asawa.
Nang siya ay bumaba, nadatnan niyang nakahiga sa tapat ng buho ang
kaniyang asawa at hindi na humihinga.
Nagdalamhati si Maison sa pagkawala ng asawa. Nang makita niya ang
nilagang saging, sinabi niyang “Bakit kailangan mong kainin ang mainit na
nilagang saging? Alam mo namang ipauubaya ko sa iyo iyan sapagkat alam
kong nag-iisa lamang iyan at hindi maatim ng puso kong hatian ka.”
Resolusyon: ____________________________
______________________________________
Kasukdulan: ____________________________
______________________________________
Tunggalian: ____________________________
______________________________________
11
I. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag na nasa kahon. Tukuyin kung
anong katangian ng akda ang isinasaad dito. Isulat ang titik ng sagot sa
sagutang papel.
1.
Ang mga kabataang Igorot ay nag-alay ng baboy kay Kabunian upang
magpasalamat.
2.
Narinig nila ang huni ng uwak na nagsasabing, “Huhukayin ninyo mula
ngayon ang ginto.”
a. Kapupulutan ng aral
b. Paniniwala sa diyos at diyosa
c. Pinagmulan ng mga bagay-bagay
d. Paniniwala sa mga ritwal, kultura, at tradisyon
a. Kapupulutan ng aral
b. Paniniwala sa diyos at diyosa
c. Pinagmulan ng mga bagay-bagay
d. Paniniwala sa mga ritwal, kultura, at tradisyon
a. Kapupulutan ng aral
b. Paniniwala sa diyos at diyosa
c. Pinagmulan ng mga bagay-bagay
d. Paniniwala sa mga ritwal, kultura, at tradisyon
12
5.
Napagtanto ng mga tauhan sa akdang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng
Cañao” na huwag maging sakim at makasarili.
a. Kapupulutan ng aral
b. Paniniwala sa diyos at diyosa
c. Pinagmulan ng mga bagay-bagay
d. Paniniwala sa mga ritwal, kultura, at tradisyon
II. Panuto: Basahing muli ang akdang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao”
at “Tinampikan.” Tukuyin kung anong elemento ng akda o bahagi ng
banghay ang isinasaad sa mga pangungusap na nasa ibaba. Piliin sa
kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
13
10. Dumating ang matandang kuba sa isang pagdiriwang ng Cañao. Habang siya
ay nakaupo sa nakatumbang lusong ay bigla siyang nagsalita at nagbigay ng
mga paalala. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi sinunod ng mga tao ang
paalala ng matanda kaya ang gantimpalang kanilang natanggap ay naglaho.
Nagunita ng mga tao na sinayang nila ang biyayang dumating sa isang
pagkakataon.
Gawain 6
Panuto: Magsaliksik ng isang mito o alamat sa Kabisayaan na uugnay sa iyong
sariling karanasan. Siguraduhing nakapaloob ang mga katangian at
elemento ng mito o alamat. Kopyahin at punan ang bawat bahagi ng
pantulong na grapiko.
Resolusyon:
______________________
______________________
14
Aralin Elemento at Sosyo-historikal na
2 Konteksto ng Napanood na Dula
Layunin
Nasusuri ang mga elemento at sosyo-historikal na konteksto ng napanood
na dulang pantelebisyon (F7PD-IIIf-g-15)
I. Tama o Mali
Panuto: Isulat ang titik T kung tama ang pahayag at M naman kung mali ang
pahayag. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
15
II. Paghahanay
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tumutugon sa mga paksa ng dulang
pantelebisyon na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Ang Probinsiyano a. dakilang pag-ibig
2. Dyesebel b. pagiging malupit na ama
3. Ang Ama c. nagpabago sa pananaw ng mga kababaihan sa lipunan
4. Amaya d. ipinapakita ang totoong paglilingkod ng pangunahing
5. Joaquin Bordado tauhan sa bayan
e. tagapagtanggol ng kapwa gamit ang kakaibang lakas
f. pagmamahal sa bayan
III. Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang titik ng sagot
sa sagutang papel.
1. Sa kaniya nakasalalay ang kabuuan ng dulang pantelebisyon. Siya ang
nakaaalam kung paano patatakbuhin ang istorya at pakikilusin ang mga artista.
a. Artista b. Direktor c. Manunulat d. Prodyuser
2. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula.
a. Aktor b. Dayalogo c. Iskrip d. Tema
3. Masasabing mabisa ang isang dulang pantelebisyon kung...
a. malinaw na naipabatid ang mensahe sa mga manonood
b. naantig ang damdamin ng mga manonood
c. maganda ang istorya ng dula
d. natuwa ang mga manonood
4. Maganda ang mga dulang nagtatampok sa magagandang tanawin at kultura ng
ating bansa. Alin sa sumusunod ang may kaugnayan sa pahayag na binanggit?
a. Napupukaw nito ang damdaming makabayan ng manonood.
b. Hindi mauubusan ng paksa ang mga manunulat.
c. Higit itong nauunawaan ng mga manonood.
d. Ibang-iba ang ating kultura.
5. Tawag sa mga binibitawang linya ng mga aktor.
a. Dayalogo b. Iskrip c. Tanghalan d. Tema
16
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa ibaba at isulat ang sagot sa
sagutang papel.
17
Mga Elemento ng Dulang Pantelebisyon
Karakter/Aktor (Bida/Kontrabida)
Gumaganap na mga tauhan at nagsasabuhay sa iskrip. Sila ang
bumibigkas ng dayalogo o bumibitaw ng mga linya.
Dayalogo
Ang mga binibitiwang linya ng mga aktor na siyang sandata upang
maipakita at maipadama ang mga emosyon.
Direktor o Taga-direhe
Siya ang nagpapakahulugan sa isang iskrip.
Iskrip
Ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula. Makikita rito ang banghay
sa isang dula.
Manonood
Ang nagbibigay ng halaga sa dula.
Tanghalan
Tumutukoy ito sa lugar kung saan napagpasyahang itanghal ang
isang dula. Maaaring sa kalsada, isang silid o tahanan.
Tema
Ang pinapaksa ng isang dula.
18
Narito ang halimbawa ng isang dulang pantelebisyon.
https://www.youtube.com/watch?v=8ZbzMm-7NRI&t=550s
Ang unang episodyo ay nagpapakita ng pang-aapi sa ina ni Amaya.
Ipinakita rito ang kalagayang panlipunan ng kanilang banwa o bayan. Dagdag
pa nito ang pagkaiiba ng estado ng pamumuhay ng alipin at maharlika.
https://www.youtube.com/watch?v=8ZbzMm-7NRI&t=550s
Sa episodyo na ito naman ipinakita ang tunay na ugali ng mga karakter
lalo na si Dian Lamitan, ang step mother o ina-inahan ni Amaya. Isa siya sa mga
kontrabida sa buhay ni Amaya.
https://www.youtube.com/watch?v=8ZbzMm-7NRI&t=550s
Sa episodyo na ito, sinanay si Amaya ng kaniyang amang si Datu Bugna
upang maging isang mahusay na mandirigma at nang hindi na siya maapi
kaninoman.
19
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Batay sa palabas, paano malalaman ang estado ng pamumuhay ng isang tao?
a. kasuotan o pananamit c. nakaatas na tungkulin
b. uri ng pagkain d. uri ng pamumuhay
2. Anong kalagayang panlipunan ang masasalamin sa panahong naisulat ang
akda?
a. ang hindi pantay-pantay na pagtrato sa bawat isa
b. ang pagkakaroon ng isang Rajah bilang pangulo
c. ang pagkakaiba ng estado sa pamumuhay
d. ang pagkakaroon ng anak na lalaki
3. Anong bahagi ng kasaysayan ang binago ng bidang si Amaya?
a. pamumuno ng isang Rajah
b. karapatang mamuno ng isang babae
c. pagiging malupit ng kaniyang ina-inahan
d. pag-aasawa ng lalaking Muslim ng higit sa dalawa
4. Ano ang pinatunayan ng bidang si Amaya sa teleserye?
a. Kaya niyang gawin ang ginagawa ng lalaki.
b. Kaya niyang maging isang mahusay na babaylan.
c. Kaya niyang maging isang mabuting ina at asawa.
d. Kaya niyang magkaroon ng kakaibang kapangyarihan.
5. Ano ang kabuuang mensahe ng teleserye?
a. Dapat isa lamang ang babaeng mamahalin.
b. Dapat hindi maging sakim sa kapangyarihan.
c. Dapat pantay-pantay ang pagtingin sa lahat, mayaman man o mahirap.
d. Dapat magkaroon ng isang anting-anting upang hindi mamatay kailanman.
20
Gawain 3
Panuto: Suriin ang elemento at sosyo-historikal na konteksto ayon sa mga
pangyayaring napanood sa bidyo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Gawain 4
Panuto: Buoin ang pantulong na grapiko sa ibaba. Punan ng mga elemento ng
dulang pantelebisyon ang mga bilog at isulat sa sagutang papel.
Elemento ng
Dulang
Pantelebisyon
21
Gawain 5
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa hanay A na may
kaugnayan sa dulang pantelebisyong Amaya at isulat sa hanay B.
Tukuyin naman ang mga elemento at sosyo-historikal na konteksto nito
at isulat sa hanay C. Tandaan na ang mga kasagutan ay makikita sa
loob ng kahon. Gawin ito sa sagutang papel.
Elemento at Sosyo-
Tanong Sagot
historikal na Konteksto
3. Anong kalagayang
panlipunan ang
masasalamin sa dula?
22
I. Pagpipilian
Panuto: Piliin ang titik na may pinakaangkop na sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang konsepto ng palabas.
a. Historikal b. Karakter c. Sosyolohikal d. Tema
2. Tawag sa lugar kung saan ginanap ang palabas.
a. Direktor b. Karakter c. Tanghalan d. Tema
3. Ang gumaganap at nagsasabuhay sa iskrip.
a. Direktor b. Karakter c. Tanghalan d. Tema
4. Ang sumusunod ay mga elemento ng dulang pantelebisyon maliban sa isa.
a. Historikal b. Karakter c. Direktor d. Tema
5. Ang pagdidirehe ay paraan o diskarte ng _____________ kung paano
patakbuhin ang kuwento sa telebisyon.
a. Artista b. Bida c. Direktor d. Manonood
6. Isa ito sa elemento ng dulang pantelebisyong nagbibigay ng halaga sa dula.
a. Direktor b. Iskrip c. Karakter d. Manonood
7. Mahalaga ang _____________ dahil walang mangyayaring dula kung wala ito.
a. Artista b. Direktor c. Iskrip d. Manonood
8. Mahihinuha nito ang kalagayang panlipunan noong panahong isinulat ang akda.
a. Historikal b. Humanismo c. Sikolohikal d. Sosyolohikal
9. Sa teleseryeng Amaya, sino ang bidang babaeng may kambal-ahas?
a. Amaya b. Binayaan c. Lamitan d. Marikit
10. Batay sa tradisyon ng mga Muslim, sino ang pipili sa ikalawa at ikatlong
asawa ng rajah?
a. Asawa b. Babaylan c. Mamamayan d. Rajah
11. Paano nagbago ang estado ng mga babae sa kalagayang panlipunan
ngayon?
a. sa pamamagitan ng panliligaw sa mga lalaki
b. sa pamamagitan ng pagtataguyod sa pamilya
c. sa pamamagitan ng pagiging mapagmahal na ina at asawa
d. sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mataas na tungkulin sa estado
23
12. Bakit gusto ng rajah ng isang anak na lalaki?
a. dahil ito ang magpaparami ng kaniyang lahi
b. dahil gagawin niya itong tagapagmana sa kaniyang trono
c. dahil gagawin niya itong kawal at isang magaling na mandirigma
d. dahil magkakaroon siya ng malakas, malusog, at mahabang buhay
13. Anong uri ng pagmamahalan ang ipinakita nina Amaya at Bagani sa
teleserye?
a. Huwad b. Misteryoso c. Simple d. Wagas
14. Ito ay tumutukoy sa mga programang palabas sa telebisyon o mga
produksiyong medya at inilalarawan nito ang mga damdamin at pananaw ng
mga tao sa partikular na bahagi ng kasaysayan sa isang lugar.
a. Dulang Pantelebisyon c. Patalastas
b. Kuwentong-bayan d. Epiko
15. Alin sa sumusunod ang layunin ng dulang pantelebisyon?
a. magbigay ng makabuluhang mensahe
b. manghikayat sa manonood na tangkilikin ang produkto
c. maghatid ng balita araw-araw saan mang sulok ng lugar
d. magpasikat at magmayabang sa harap ng publiko at sa lahat ng tao
Gawain 6
Panuto: Magsaliksik ng isang dulang pantelebisyong nagpapakita ng mga
elemento at sosyo-historikal na konteksto. Gawing batayan ang rubrik sa
pagsusuri ng dulang pantelebisyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Nakalaang Natamong
Pamantayan
Puntos Puntos
Malinaw na nailahad ang mensahe ng akda. 5
Lantad ang mga elemento sa pagsusuri. 5
Lantad ang sosyo-historikal na konteksto. 5
Orihinal ang pagsusuring ginawa. 5
Malinis at maayos ang pagkasulat. 5
Kabuoan 25 Puntos
24
ARALIN 1
ARALIN 2
25
AKLAT
o Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc,
2014.
o Dela Cruz, Leonora. Gantimpala: Pinagsanib na Wika at Panitikan.
Innovative Education Materials, INC.
o Servillano T. & Marquez Jr. Pintig ng Lahing Pilipino. Teachers Wraparound
Edition. Sibs Publishing House, Inc.
o Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) Department of
Education
WEBSITE
o https://www.slideshare.net/dionesioable/modyul-11-pagsulat-ng-isang-suring-
pelikula
o https://prezi.com>dulangpantelebisyon
o rmhalife.wordpress.com
o https://www.tagaloglang.com
o https://en.wikipedia
o https://quizlet.com
YOUTUBE
o https://www.youtube.com/watch?v=8ZbzMm-7NRI&t=550s
26