Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KAHALAGAHAN NG FILIPINO BILANG DISIPLINA AT WIKA NG EDUKASYON AT KOMUNIKASYON SA

PILIPINAS

Hindi maitatatwang malayo na ang narating ng Filipino mula nang ito ay itanghal sa ating 1987
Konstitusyon bilang wikang Pambansa at wika ng komunikasyon at edukasyon sa Pilipinas.

Sa katunayan ito ay ginagamit na bilang lunan ng diskurso ng iba’t ibang larangan gaya ng Kasaysayan,
Pilosopiya, Sikolohiya, Etika, Antropolohiya, o maging sa Agham man o Matematika sa iba’t ibang
unibersidad sa Pilipinas.

Pinatunayan na ito ng iba’t ibang iskolar nang gamitin nila ang Filipino bilang wika ng komunikasyon at
edukasyon (pasalita man o pasulat) gaya nina:

 Dr. Virgilio Enriquez (Sikolohiya)


 Dr. Emerita Quito at Padre Ferriols (Pilosopiya)
 Tereso Tullao, Jr. (Ekonomiks)
 Dr. Fortunato Sevilla (Syensya)

UP DILIMAN
Taong 1968-1969 – nagsimulang gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa Unibersidad ng
Pilipinas-Diliman.

 Nagsimula bilang eksperimento sa kolehiyo ng Sining


at Agham(Departamento ng Pilosopiya, Sosyolohiya, Kasaysayan)
 Napatunayan na higit na nakauunawa ang mga mag-aaral ng kanilangmga pinag-
aaralan, madali man o malalim na konsepto
 Napatunayan sa isinagawang eksperimento na higit na epektibo ang pagtuturo ng Agham-
Panlipunan gamit ang wikang Filipino sapagkathigit na nagkakaunawaan ang mga mag-
aaral at guro (Tiamson-Rubin,1993)

DE LA SALLE-MAYNILA

 Sa Pamantasang De La Salle-Maynila, pinangunahan ni Dr. Ermita S. Quito ang pagsasa-Filipino


ng pagtuturo ng Pilosopiya bunsod na isang pangyayarinoong magpunta siya sa Vienna
taong 1962.

ATENEO DE MANILA

Sa kabilang banda, pinangunahan naman ni Fr. Roque Ferriols, S.J. ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo
ng Pilisopiya sa Pamantasang Ateneo de Manila noong 1969.

Nakapaglathala din siya ng mga babasahin sa Pilosopiya nanasusulat sa wikang Filipino tulad ng Paano


Magpakatao? (1989) at Pambungad na Pilosopiya ng mga Sinaunang Griyego (1983).
Lumabas naman sa pag-aaral ni Acuna 1987; sa Constantino, 1996 na mas nagiging malikhain at
tumutulong sa kognitibong pag-unlad ng bata sa paggamit ng wikang katutubo sa pag-aaral kesa sa
banyagang wika. Bukod pa rito, marami na ring mga siyensista ang nagpahayag ng kabutihang dulot ng
wikang katutubo sa pag-aaral ng Syensya para na rin sa kapakanan at pag-unlad ng Syensya sa bansa.
Anila, sa pamamagitan ng katutubong wika ay mas mag-iisip, mas titingin at mas magsusuri sa kaniya
kapaligiran at hindi mahihiyang magtanong ang mga bata.

Subalit sa kabila ng ganitong tugatog na narating ng Filipino ay tila nagbubulag-bulagan pa rin ang
karamihan sa kahalagahan ng wikang ito bilang wika ng karunungan at komunikasyon.

You might also like