Fil8 Q3-Mmodyul 1 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Filipino

Ikatlong Markahan
Modyul 1
Kontemporayong Panitikan
Tungo sa Kultura at Panitikang
Popular

Panitikan: Popular na Babasahin


 Pahayagan (Tabloid)
 Komiks
 Magasin
 Kontemporasyong Dagli

0
Panimula

Sa araling ito, matutuklasan mo at mauunawaan ang kulturang


popular sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga
babasahing popular tulad ng tabloid, komiks, magasin at
kontemporayong dagli. Nakatutulong din ang paggamit ng mga wika sa
pagsulat o pagbasa ng babasahing popular ang antas ng wika na
pormal, di-pormal at balbal.

. PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO


F8PB-IIIa-c-29- Nailhahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto
batay sa
-paksa
-layon
-tono
-pananaw
-paraan ng pagkakasulat
F8WG-IIIa-c-30 Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang
ginagamit sa impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga).

SUBUKIN

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Bilugan ang titik ng pinakatamang
sagot.
1. Ang maituturing nating kumakatawan sa kulturang popular ng mga Pilipino
sa ngayon.
A. Pahayagan, komiks at magasin
B. Pahayagn, tsismis
C. Komiks at tsismis
D. Magasin at tsismis

1
2. Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampamang papel ng mga
balita sa pang-araw-araw nating pamumuhay.
A. Pahayagan
B. Magasin
C. Komiks
D. Dagli

3. Isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang


ihatid ang isang salaysan o’ kuwento.
A. pahayagan C. magasin
B. komiks D. dagli

4. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod sunod na mga nobela.


A. pahayagan C. magasin
B. komiks D. dagli
.
5. Isang anyong pampamitikan na maituturing na maikling kuwento.
A. Pahayagan C. magasin
B. komiks D. dagli

6. Wikang ginamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga


panulat sa akademiko o teknikal at mga sanaysay sa mga paaralan.
A. di-pormal C. balbal
B. pormal D. wika

7. Wikang gingamit ng karamihang tao araw-araw simple lang ang


bokabularyo nito at ang mga pangugusap.
A. di-pormal C. balbal
B. pormal D. wika

8. Tumutukoy sa kataga o’ pariralang likha o’ hiram sa ibang wika na


karaniwang ginagamit ng mga mababa ang katayuan sa buhay.
A. di-pormal C. balbal
B. pormal D. wika

9. Ang kauna-unahang bayaning Pilipino na gumawa ng komiks, noong 1884


na inilathala sa Europa.
A. Marcelo H. del Pilar C. Apolinario Mabini
B. Dr. Jose Rizal D. Andres Bonifacio

10. Ang magasin tungkol sa balitang showbiz punong mga naka-atensyon na


larawan at sikat na artista sa bansa.
A. For itim Magasin C. Metro
B. YES! D. Candy

2
ARALIN 3.1 Mga Popular na Babasahin:

Pahayagan, Komiks, Magasin, at Dagli

Alamin
Layunin:
A. Nakikilala ang katuturan ng nababasahin tulad ng komiks, pahayagan, magasin at
dagli
B. Nabibigyang kahulugan ang mga lingo termino na ginagamit sa mundo ng
multimedia.
C. Nagagamit ng mga ideya sa pagsulat ng balita, komentaryo at iba pa.

Balikan / Pangganyak

Handa ka na bang tutuklas ng mga bagong kaalaman? Kung gayon,


simulan ang iyong pag-aaral tungkol sa mga panitikang popular. Paano naiba
ang mga panitikan sa kasalukuyan sa mga tradisyunal na uri ng panitikan?
Bakit kailangan ang basahin at pag-aralan ang mga panitikang popular?

Tuklasin
Alam mo ba ang iba’t ibang uri ng panitikan na maituturing nating bahagi
ng panitikang popular? Batid mo rin ba ang iba’t ibang midyum na ginagamit upang
maipahatid ang mga ito sa higit na nakararaming mamamayan? Tukuyin mo ang
inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba. Pagkatapos, isulat mo ang mga titik ng iyong
sagot sa mga kahon upang mabuo ang crossword puzzle.

3
GAWAIN 1: BUGTUNGAN, DUGTUNGAN!

1
p Mga Bugtong:

2 3 l
1 - Pinipilahan ng mga manonood,
Sa pinilakang tabing
m 4
6 ito’y itinatampok!
2 - kahong puno ng
t makukulay na larawan atsapan
b ng mga tauhan. Tunay na
kinagigiliwan ng kabataan!
3 -Kuwadradong elektronikon kagamitan. Tampok ay iba’t
5 ibang palabas na kinaaaliwan!
4 - Sa isang click lang
t mundong ito’y mapapasok
d na para mag-FB, Twitter o magsaliksik pa.
7 g 5- Musika’t balita ay mapapakingan na. Sa isang
galaw lamang ng pihitan, may FM at AM pa!
6- Maliit na diyaryong inilalako sa daan; balita,
tsismis at iba paang laman.
7- Pabalat nito’y may larawan pang sikat na artista.
Nilalama’y mga artikulong tumatalakay sa iba’t ibang paksa

Suriin / Talakayin

PAHAYAGAN (tabloid)
Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga balita
sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan
hanggang bago natulong ay nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating
paligid. Isa na ang pahayagan bilang isang uri bg print media ang kailanma’y hindi
mamamatay at bahagi na ng ating kultura. Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni
William Rodriguez mula sa kaniyang blog sa Sanib-Isip tungkol sa tabloid.

Tabloid: Isang Pagsusuri William Rodriguez II “

Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't ilan
dito ay Ingles ang midyum.” Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa
bansa dahil sa abot-kaya lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga

4
tabloid na makikita sa mga bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay
unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa radyo. May sariling hatak ang
nasa print media dahil lahat ay 'di naman naibabalita sa TV at radyo. Isa pa,
hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa ang mga
nilalaman nito.

Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong
hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o 'di kaya'y sumagot ng
palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga
tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid
ay pang masa dahil sa Filipino ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang
midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. "Yun
nga lang sa tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan
kaya't tinagurian itong 'sensationalized journalism.' Bihira lamang maibalita ang
magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng
dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa masamang balita? Sa
kasalukuyan ay mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid ang nagsi-
circulate sa bansa.

KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang
komiks ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan,
na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit na
makaapekto nang may lalim.

5
Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon
nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay
ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang
kakanyahang hindin-hindi mamamatay sa kulturang Pilipino hangga’t ang mga
Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para mranakabasa-magpapatuloy
ang eksistensiya ng komiks.”

MAGASIN
Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas.
Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito,
naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. Bago pa man ang
Digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang
inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng kanilang
pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela.
Bunsod nang mabilis na pagbabago na panahon, unti-unting humina ang
produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang
magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, naririto
ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa.
1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang
mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibg at iba
pa nang walang pag-aalinlangan.
2. Cosmopolitan - Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing
gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa
kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga
artikulong nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawain ang kanilang mga
responsibilidad at maging mabuting maybahay.
4. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging
bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa
mga pinakasikat na artista sa bansa.
5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu
hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito
ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga
mambabasa.
7. Men’s Health - Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng
kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga
pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay
naging paborito ng maraming kalalakihan.

6
8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga
napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.
9.Entrepreneur - Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng
negosyo.
KONTEMPORARYONG DAGLI
Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling
kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing
lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano.
Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang
pampinitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang
maikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga manunulat ng dagli sina Inigo Ed.
Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro
Almario (Ric A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos.

ANG DAGLI SA KASALUKUYAN

Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles


ang dagli. Nguni’t ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang
nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang
flash fiction na umusbong noong 1990. Maari itong nagmula sa anyang pasingaw at
diga ng magbabarkada kung kaya’t masasabing marami sa mga probinsya at
malalayang lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng kuwentuhan.
HALIMBAWA NG DAGLI:
Si Ma’am Kasi ni Eros Atalia
Final exam ng mnga graduating. Make or break. Terorista ang prof nila sa major
subject na ito. Walang pakialam kung graduating ka o hindi. Kung bagsak, bagsak.
Parang barangay tanod ang prof. Ikot nang ikot sa buong classroom. Lahat ng
kahina-hinalang kilos, lingon o titig ng mga estudyante, sinisita.
May nag-vibrate na cellphone na nakapatong sa armchair.
“Turn it off! Or keep it away!” bulyaw ng prof.
Pinagtinginan ng lahat ang estudyanteng nagpupumilit na mai-off o itago ang ang
cellphone.
Balik uli ang lahat sa pagsasagot.
Maya-maya, yung estudyanteng yun at tumingin ul isa phone at pagkatapos ay sa
prof.

7
Nagduda na ang prof.
Gawain kasi ng ibang estudyante na ilagay ang sagot sa cellphone.
Lumalapit pa lang ang prof sa may hawak ng cellphone ay umiyak sa estudyante.
“Give me your phone, you”re cheating”
Pagkaabot ng estudyante ng cellphone sa teacher, dinampot n anito ang bag, at
saka bumira ng takbo papalabas ng classroom. Iniwan ang test paper.
“Class, you’re all my witnesses, your classmate is cheating. Will you read
kung anong nakalagay sa message?
Tumayo ang estudyanteng inutusan. Binasa ang phone.
“Y di u sagot tawag naming? Wala na si Dad. D na niya na-sursurvive ang
operation. D2 kami hospital”.

Isaisip

Tandaan natin na ang pag-aaral at pag-uunawa sa kulturang popular sa


kasalukuyan sa pamamagitan ng mga babasahing popular na gamit ang mga
makabaging teknolohiya tungo sa ating magandang kinabukasan.

Isagawa

A. Crossword Puzzle
Tukuyin ang akmang sagot sa hinihingi sa ibaba.
Komiks magasin
Tabloid dagli

Mga Tanong

______________ 1. Kuwento isinalarawan ng mga dibuhista.


______________ 2. Pahayagan ng masa.
______________ 3. Kuwentong higit na maikli sa maikling kuwento.
______________ 4. Makulay na babasahin na hitik sa iba’t ibang impormasyon

8
B. Gawain 3.1.a: Sarbey- Tseklist
Lagayan mo ng tsek (√) ang mga babasahing popular para sa iyo. Pagkatapos,
iayos ang mga ito nang paranggo batay sa naging resulta. Lagyan ng bilang 1-4 ang
bawat kahon. Pinakamataas ang bilang 1 samantalang ang bilang 4 ang
pinakamababa. Gawin sa papel. Gayahin ang format.

Pahayagan Komiks Magasin Mga Aklat


Broadsheet __ Aliwan _ Liwayway _ Mga Aklat ni Bob
Ong
___ Inquirer __ Pantastik _ Yes!
_ Florante at Laura
___ Manila __ Halakhak _ FHM
_ Noli Me Tangere
Bulletin __ Pugad Baboy _ Candy
_ Mga Aklat ni Eros
___ Philippine Star __ Super _ T3
Atalia
___ Business __ Manhwa _ Men’s Health
_ Aklat Kalipuanan
Mirror Korean _ Metro ng mga Tula

__ Manila Times Comics _ Enterpreneur _ Teksbuk


Tabloid
__ Archie _ Cosmopolitan _ Horror Books
__ Abante
__ Marvel _ Good _ Antolohiya ng
__ Taliba Maikling Kuwento
__ Japanese Housekeeping
__ Pilipino Mirror _ Kalipuanan ng
__ Manga Dagling Katha
__ Pilipino Star
__Captain America _ Bibliya
Ngayon
__ Tempo

9
Pagyamanin / Karagdagang Gawain

Panuto: Punan ang talahanayan.


Pagkakaiba Pagkakatulad
Magasin

Komiks

Aralin 3.1.2
Mga Salitang Di-Pormal

Alamin

A. Nakikilala ang mga salitang di-pormal batay sa ibinigay na katuturan nito.


B. Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa di-
pormal na komunikasyon (balbal, pormal, di-pormal.

Balikan / Pangganyak
Suriin kung anong impormal na wika ang mga
sumusunod.
Mga Halimbawang Wika Mga Uri ng Impormal na Wika
1.hinay-hinay
2.yosi
3.ewan

10
Tuklasin

Alam mo ba na…
Ang mga babasahin ay gumagamit ng mga salitang di-pormal gaya ng
Balbal, Lalawiganin at Kolokyal, upang madaling maintindihan dahil
binabasa ito ng masa.

Suriin / Talakayin

Mga Salitang ginagamit sa Impormal na Komunikasyon


Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-
araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan ay
kabilang sa impormal na mga salita.

1.Lalawiganin (Provincialism)- ang mga salitang kilala at saklaw lamang


ng pook na pinaggagamitan nito
Halimbawa: tugang (Bikol), dako (Bisaya), ngarud (Ilokano)
2. Balbal (Slang)- ang mga salitang tinatawag sa Ingles na Slang.Hindi ito
tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi magandang
pakinggan. Tinatawag din salitang kalye o salitang kanto.
Halimbawa: erpat-tatay tsikot-kotse
Sikyo- security guard lispu-pulis
Yosi-sigarilyo praning-baliw
3.Kolokyal (Colloquial)- ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw
na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar.

11
Halimbawa:
Pormal Kolokyal
Aywan ewan
Piyesta pista
Nasaan nasan

Isaisip
Dapat tandan na ang mga salitang di-pormal ay ginagamit
lamang sa mga babasahing pangmasa upang madaling maintindihan.

Isagawa
Gumawa ng isang diyalogo na gumamit ng mga salitang di-
pormal.

Pagyamanin/Karagdagang Gawain
Panuto: Basahin ang halimbawang dagli,suriin ang mga
mahahalagang pangyayari. Batay sa dagli, gumawa ng isang KOMIKS ( maaaring
sariling guhit o mula sa google) na nakabatay ang kuwento at dayalogo sa dagling
“ANG PAYAT NA KAWAYAN”. Gawin ito sa isang bondpaper.
Paalala: Sa paggawa ng KOMIKS, kailangan may lima itong bahagi (pamagat ng
kuwento,kuwadro,Kahon ng salaysay,lobo ng usapan, larawang guhit) refer
Modyul 1 pahina 5. Na may minimum na limang(5) kuwadro ang gagawing komiks.

12
Dagli:

Ang Payat na Kawayan


Sa isang bakuran, may ilang punongkahoy na may kanya-kanyang katangian.
Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklakn ang Kabayro/Ipil-ipil),
tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroon ang payat
na Kawayan.
Minsan,nagpaligsahan ang mga punongkahoy.”Tingnan ninyo ako”,wika ni Santol.
Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata. “Daig pa kita”, wika ni Mangga.
Mayabang ang aking dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga
sangga. “Higit akong maganda”, wika ni Kabayro. Bulaklak ko’y marami at pulan-
pula. Kahit malayo ako ay kitang-kita na. “Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno,
malapad ang mga dahon at mabunga”, wika ni Niyog. Teka,kaawa-awa naman si
Kawayan. Payat na,wala pang bulaklak at bunga. Wala siyang kakibo-kibo. Lalo na
siyang nagmukhang kaawa-awa. Nagtawanan ang mga punongkahoy.
Pinagtawanan nila si Kawayan.
Nagalit si Hangin sa narinig sa usapan ng mga punongkahoy. Pinalakas niya
nang pinalaka ang kanyang pag-ihip. At sa isang oras niyang pagkagalit ay nalagas
ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang mga punong
mayayabang. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunod-sunod sa
ihip ng malakas na hangin ang nakatayo at nasalanta.

Halimbawa ng Komiks.

13
Tayahin
A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin ang tamang titik ng bawat
pahayag.

1. Ang antas na wikang pormal ay wikang ginagamit sa mga seryosong


publikasyon.
A. Pormal B. Di-pormal C. Kolokyal Balbal

2. Ang antas na wikang di-pormal ay wikang ginagamit ng karamihang tao araw-


araw.
A. pormal B. di-pormal C. kalokyal D. balbal

3. Mula noon hanggang ngayon, malaki ang gingampanang papel ng mga balita sa
pang-araw-araw nating pamumuhay
A. Tabloid B. Magasin C. Komiks D. Dagli

4. Ito ay naglalaman ng mga maikling kuwento at sunud-sunod na mga nobela.


A. Tabloid B. Magasin C. Komiks D. Dagli

5. Ito ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang
ihatid ang isang salaysay o kuwento.
A. Tabloid B. Magasin C. Komiks D. Dagli

6. Hindi mawawala ang ____ kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas.

A. Liwayway B. Bisaya C.Yes Magasin D. Reader’s Digest

7. ____ Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing gabay


upang maliwanagan ang kubabaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu.

A. Cosmopolitan B. Yes Magasin C. Metro D. Candy

8.____ Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan.

A. Cosmopolitan B. Yes Magasin C. Metro D. Candy

9. _____ Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil
sa kagandahan ang nilalaman.
A. Cosmopolitan B. Yes Magasin C. Metro D. Candy

10. ______Magasin para sa mga taong may negosyo o’ nais magtayo ng negosyo.
A. Entrepreneur B. Cosmopolitan C. Metro D. Candy

Sanggunian: Aklat at Modyul sa pampublikong mag-aaral ng Baitang 8

14

You might also like