Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

IKALAWANG MARKAHAN: WEEK 3

GRADE 8 SECTIONS: 1, 7, 9, 11, 12


PETSA: NOBYEMBRE 21-25, 2022

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
NAIPAMAMALAS NG MAG- AARAL ANG PAG-UNAWA SA
PAKIKIPAGKAIBIGAN.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
- NAISASAGAWA NG MAG- AARAL ANG MGA ANGKOP NA KILOS
UPANG MAPAUNLAD ANG PAKIKIPAGKAIBIGAN (HAL.:
PAGPAPATAWAD).
C. MELC: NASUSURI ANG KANYANG MGA PAKIKIPAGKAIBIGAN BATAY
SA TATLONG URI NG PAKIKIPAGKAIBIGAN AYON KAY ARISTOTLE
ESP8PIIC-6.2
D. TIYAK NA LAYUNIN
1. NASUSURI ANG URI NG PAKIKIOAGKAIBIGAN GAMIT ANG SIPI NG
TULA.
2. NAPAGNINILAYAN ANG SARILING PAMAMARAAN NG
PAKIKIPAGKAIBIGAN
3. NAKABUBUO NG BATAYANG KONSEPTO NG ARALIN.
II. NILALAMAN
A. PAKSA: TATLONG URI NG PAKIKIPAGKAIBIGAN
B. SANGGUNIAN: ESP 8 Modyul Para sa Mag-aaral 8 (ADM) – MODYUL 22
C. KAGAMITAN: LAPTOP, PROJECTOR, PAPEL
D. KONSEPTO: ITINUTURING BIRTUD ANG PAKIKIPAGKAIBIGAN DAHIL
ITO AY NAGPAPAHALAGA SA KATARUNGAN AT HALAGA NG
PAGBABAHAGI NG SARILI SA KAPWA.
III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pag-uulat ng liban
3. Balik-aral
- Anong mga katangian ang dapat taglayin ng isang mabuting kaibigan?
B. PANGUNAHING GAWAIN
1. PAGGANYAK:
“Ang tunay na kaibigan, nasusubok sa kagipitan.”
-Anonymous
Gabay na tanong:
1. Ano ang mensahe ng pahayag?
2. Ikaw ba ay sumasang ayon dito? Bakit oo? Bakit hindi?
3. Paano mo mailalarawan ang isang tunay na kaibigan?
2. GAWAIN : Unawain at suriin kung anong uri ng pakikipagkaibigan ang
inilarawan sa tula pagkatapos ilahad ang sariling interpretasyon sa piling
saknong na nakapaloob sa talahayanan. Isulat ang sagot sa sagutang papel
Pakikipagkaibigan
Ni: Megie M. Lillo
Sa dinami-rami ng tao sa mundo
Mahirap makahanap ng kaibigang totoo
Saan mang sulok ng mundo
Tiyak makakahanap din ng katoto
May taong akala mong kaibigang tunay
‘Yun pala masama ang pakay
Kaibigan ka kung ika’y maasahan
Iiwan ka kung hindi na pakikinabangan
Humanap ng kaibigang may mabuting kalooban
Magiging sandalan sa anumang pagdadaanan
Handang tumulong at ika’y aalalayan
Hanggang problema’y masolusyunan
May hindi man pagkakaintindihan
Pagrespeto ay kailangan
Sakaling may pagkakamali sa isa’t isa
Pagsisisi’t pagpapatawad ay ipakita
Ang ugali man ay magkaiba
Komportable at tanggap ang isa’t isa
Parang kapatid na ang turingan
Tunay na kaibigan magpakailan pa man.

3. PAGSUSURI
A. Alin sa tatlong uri ng pagkakaibigan ang nanaisin mo? Bakit?
B. Paano mo mabibigyang halaga ang kabutihan sa pagkakaibigan?
C. Paano mo maipapakita ang kabutihan sa iyong mga kaibigan?
4. PAGBUO NG KONSEPTO
- ANONG KONSEPTO ANG NATUTUHAN MO MULA SA ARALIN?

5. PAGSASABUHAY
PANUTO: pagnilayan ang sariling pamamaraan ng pakikipagkaibigan. sundin ang
mga sumusunod na kaparaanan upang masagutan ang talahanayan. isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. suriin ang uri ng iyong pakikipagkaibigan.
2. isulat ang kanilang pangalan sa unang hanay.
3. lagyan ng tsek ang hanay kung anong uri ng pakikipagkaibigan ang iyong
naranasan sa kanya.
4. magbigay ng paliwanag batay sa iyong karanasan sa napiling uri ng
pakikipagkaibigan at isulat ito sa huling hanay.
5. maaari kang magdagdag ng bilang ayon sa dami ng iyong kaibigan.

You might also like