Professional Documents
Culture Documents
Oral Poetry Recitation Rubric
Oral Poetry Recitation Rubric
Oral Poetry Recitation Rubric
● Your task is to recite a poem of your choice, recorded, without audio accompaniment.
● Choose a poem with reasonable length of at least 1-2 minutes when read orally.
● Submit this rubric along with a typed copy of the poem when you present. A Canvas tab will be
open soon for this submission.
Poet: __taas, baba, kanan, kaliwa, atras, abante. Anong magagawa ? Iyong nakikita, tunay nga bang
payapa? Iyong nakikita, dapat nga ba at tama? Sa isang larawang huwad ay ating maihahalintulad ang
sinasabing kapayapaan- kapayapaan na pilit inilalakip sa ating isipan ngunit hindi maramdaman.
Hanggang kalian nga ba? Hanggang Kailan magiging bulag sa katotohanan? Hanggang kalian magiging
pipi sa dapat na ipagsigawan? Hanggang kalian magiging bingi sa daing ng lipunan? Hanggang kalian
magiging lumpo sa dapat na ipaglaban? Hanggang kalian?
Marami nang nalagas kinuha kahit hindi pa nila oras, marami nang minalas, Tumanggap ng walang
hustisyang dahas- marami na. At mas darami pa, hahayaan na nga lang ba? Ang mga walang pasubaling
pagkitil sa buhay, Ang walang katapusang diskusyon sa taong matagal nang nahimlay, Ang walang tigil na
pagdungis sa mga inosenteng kamay, Ang walang sawang pagsasalpukan ng iba’t ibang sangay, Ang
kapayapaan? Nasaan? Wala! Dahil ikaw mismo, wala kang ginawa!
Suyurin, Suyurin mo ng tingin ang bawat sulok espasyo, kanto, at mga eskinitang magulo- na tinatakpan
ng nagtataasang gusali, naglalakihang establisyemento, at patong patong na pasikalan- iyan ba ang
kapayapaan? Ang pagtago sa kahirapan? Ang pagtalikod sa mga dapat tulungan? Ang pagtanggi sa lahina
iyong kinabibilangan?
Hindi lahat ay maaaring nasa itaas, yumuko ka, Dahil marami ang naghihintay upang matanaw mo sila-
silang nasa ibaba na minsang nangarap ngunit hindi pinagpala dahil kaliwa’t kanan ang mga asal talangka,
Kung aatras ay walang mapapala, Kung aabante tiyak bang may mapapala? Ang sinasabing kapayapaan ay
walang katotohanan, Ang ipinapakita ay pawing kasinungalingan, seperado at kontrolado ang ilan sa
pahayagan, At kung anuman ang masumpungan, Natitiyak na ito’y isang huwad na larawan-
Taas, baba, kanan, kaliwa, atras, abante, Anong magagawa? Iyong nakikita, Tunay nga bang payapa? Iyong
nakikita, dapat nga ba at tama?