Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Filipino 10
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Akdang Pampanitikan ng
Persia (Anekdota)

MELC: Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota.


F10PN-IIIb-77
 Nasusuri ang binasang anekdota batay sa:
- paksa - motibo ng awtor
- tauhan - paraan ng pagsusulat
- tagpuan - at iba pa (F10PB-IIIb-81)
 Nabibigyang- kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi.
F10PT-IIIb-77
 Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood
sa youtube. F10PD-IIIb-75
 Naisusulat ang isang orihinal na komikstrip batay sa isang
anekdota. F10PU-IIIb-79
 Nagagamit ang kahusayang gramatical, diskorsal at strategic sa
Pagsulat at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota. F10WG-IIIb-72

Inihanda ni:

ANA MARIA D. IGAYA


Guro III
Nagrebcan National High School
Filipino – Ikasampung Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Akdang Pampanitikan ng Persia (Anekdota)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ana Maria D. Igaya
Editor: Florante H. Agoo, Jr.
Jon Jon D. Garcia
Tagasuri: Florante H. Agoo, Jr.
Jon Jon D. Garcia
Editha R. Mabanag
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Division Design & Layout Artist: Marvin M. Marugay

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph
10

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Akdang Pampanitikan ng
Persia (Anekdota)
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin

Ang panitikan ay nagsisiwalat ng pagbabago: mistikal, pagbabagong bunsod


ng magiting na pagkilos, pagbabago ng paniniwala, ng nakagawian, ng pagkatao, at
ng takbo ng pamumuhay. Ang mga pagbabagong ito ay maningning na masisilayan
ng mga mag-aaral sa mga panitikan ng Persia ( Iran ) na malilinang sa paggamit ng
kawikaan at pambihirang katawagan, matatalinghaga at makatawag-pansing
pananalita, at ang pagpapaangat ng kamalayang kultural sapamamagitan ng
paglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan at pangangatwiran.
Dito sa modyul na ito, ganap na mauunawaan at mapapahalagahan ng mo
ang mga akdang pampanitikan mula sa bansang Persia ( Iran ) - ang anekdota.
Matututuhan mo ang mga iba’t ibang mga aral ng buhay sa bawat akdang
nakapaloob dito . Matutunghayan sa modyul na ito ang mga gawain na tutuklas sa
kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin upang magamit ito bilang batayan
sa pagbuo ng mga matalinong pagdedesisyon sa buhay.
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikan ng Africa at Persia (Iran ).
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na :
1. Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota.
2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa :
 paksa
 tauhan
 tagpuan
 motibo ng awtor
 paraan ng pagsulat
 at iba pa
3. Nabibigyang- kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi.
4. Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa youtube.
5. Naisusulat ang isang orihinal na komikstrip batay sa isang anekdota.
6. Nagagamit ang kahusayang gramatical, diskorsal at strategic sa
7. Pagsulat at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota.

1
Subukin

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.


1. Uri ng akdang pampanitikan na naglalarawan ng isang kawili-wiling insidente sa
buhay ng tao na nag-iiwan ng aral o moral lesson.
A. Persia B. Anedota C. Anekdota D. Iran
2. Kakikitaan ng mga kasabihan, relihiyon sa paniniwalang Sufism.
A. Persia B. Anedota C. Anekdota D. Iran
3. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at
puno ng katatawanang estilo sa pagsulat.
A. Anekdota C. Consolation Conde
B. Mullah Nassreddin D. Roderic Urgelles
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang anekdota?
A. May isang paksang tinatalakay
B. Nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa
mga mambabasa
C. Makakapagpabatid ng isang magandang karanasan ng aral
D. Mahabang salaysay na naglalaman ng kawing na pangyayari
5. Ano ang naging paksa ng anekdotang Mullah Nassreddin?
A. Pag-unawa sa buhay at kaalaman C. Opinyon at katotohanan
B. Pag-ibig at pagmamalasakit D. Lipunan at kamalayan
6. Batay sa anekdotang Mullah Nassreddin, saan ang naging tagpuan?
A. Silid-aralan C. Bahay-aliwan
B. Bakuran ng bahay D. Theater
7. Alin sa mga sumusunod na motibo ng awtor sa pagsulat ng anekdota?
A. Mag-iwan ng takot sa mambabasa
B. Magsilbing gabay sa paglalakbay
C. Maging positibo sa lahat ng bagay
D. Makapagbigay sigla sa mga mambabasa
8. Mula sa binasang anekdota, ano ang naging paraan ng may akda sa pagsulat
nito?
A. Gamit ang sariling karanasan sa buhay
B. Estilong pakuwento
C. Paraang saling-dila
D. Gamit ang ideya ng ibang manunulat
9. Sa iyong pananaw, bakit nakapagsulat ng isang anekdota ang tulad ni Mullah
Nassreddin?
A. Naisulat niya ang anekdota upang magmalaki sa lahat na siya ay isang
dalubhasa.
B. Dahil noong unang panahon ng mga taga- Iranian ay ginagawang libangan
ang kanilang nakakatawang kuwento.

2
C. Upang ipalaganap sa buong Iran ang kanyang galing.
D. Para mapalaganap ang kultura ng mga taga-Iran.
10. Alin sa mga sumusunod ang aral na maaaring natutunan sa anekdota?
A. Maging mapagmalaki sa bawat tagumpay
B. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan
C. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan
D. Maging patas sa lahat ng desisyon sa buhay
11. Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao.
A. Anekdota B. Kuwento C. Kataka-taka D. Makatotohanan
12. Siya ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa.
A. Saadi B. Nassreddin C. Liongo D.Faza
13. Ito ang katangiang taglay ni Mullah na tinataglay kahit saan man magpunta.
A. Mahusay na magpatawa
B. Magaling umawit
C. Mataas na tulad ng higante
D. Di nasusugatan ng anumang armas
14. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang kauri nito?
A. Pagpapahalaga sa kapangyarihan.
B. Nagdudulot ng ganap na pagkakaunawa sa kaisipang nais ipabatid.
C. Traydor sa kalaban upang magtagumpay.
D. Paglilihim ng taglay na kapangyarihan.
15. Ano ang kaisipang nais bigyang pansin sa akdang “Mullah Nassreddin”?
A. Ang oras at panahon ay napakahalaga at hindi dapat sayangin.
B. Ang kapangyarihan na nakamit sa di makatwirang paraan ay nawawala
sa gayundin kaparaanan.
C. Dapat matutong maging matiyaga sa lahat ng oras.
D. Pagsasabi ng makatotohanang bagay

3
Aralin
Anekdota ng Persia (Iran):
1 Mullah Nassreddin

Balikan

Sa mga nagdaang pag-aaral natin tungkol sa mga akdang pampanitikan, ang


anekdota ang pinakagigiliwang paksa na naiambag sa larangan ng panitikan. Ito ay
isang akdang pampanitikan na nakakapagbibigay ng inspirasyon at aliw sa mga
mambabasa. Sa mga akdang pampanitikan na ating mga napag-aralan, lalong
napaunlad ang ating kaalaman tungkol sa mga kultura , paniniwala, kaugalian at
tradisyon ng mga bansa.
Muli nating pauunlarin ang ating kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral ng
mga nakagigiliw na kwento mula sa bansang Persia ( Iran ), ang anekdota.

Tuklasin

Gawain 1: Masining na Pagkukuwento


Basahin mo ang isang anekdota tungkol kay Pangulong Manuel L. Quezon.
“Si Pangulong Manuel L. Quezon at ang Magwawalis”
( Buod )
Sa Zamboanga, nagkakagulo ang mga kasamahan ni Pangulong Quezon.
Hinahanap nila si Pangulong Quezon. Hanap ditto, hanap doon ang kanilang
ginagawa. Ngunit wala ang Pangulong Quezon. Samantala, sa isang malaking bato
sa pangpang, isang lalaking kakisigan ang matiwasay na nakikipag-usap sa isang
matandang may hawak na walis. Naghihinaing ang matanda sa lalaking makisig.
Batang bata pa daw ng siya’y magsimulang gampanan ang kanyang
tungkulin. Marami daw siyang anak. At hanggang ngayon nagwawalis pa rin siya.
Tinatanong niya kung ano ang magagawa sa kanya ng pamahalaan. Dinadaing niya
na kulang ang kanyang arawang kita at hirap makatungtong ng paaralan ang
kanyang mga anak. Pinapagaan ang pakiramdam ng lalaki ang kausap nitong
matandang nawawalan na ng pag-asa.
At pagkatapos nito, bumalik na ang lalaki sa mga kasamahan nito na gulat
na gulat nang siya’y matagpuang kausap ng nagwawalis. Pagkaraan ng ilang araw,
dumating ang gantimpala sa matanda. Tuwang tuwa ito sapagkat tumaas ang
kanyang tungkulin at nadagdagan ang kanyang sahod. Hindi alam ng matanda na
si Pangulong Quezon na pala ang kausap niya.
http://docslide.net/documents/anekdota-5584495740cof.html

4
Gawain 2: Tanong Ko’y Sagutin
1. Kilalanin ang dalawang tauhan sa kuwento
2. Tukuyin kung bakit ganoon na lamang ang hinaing ng magwawalis sa
kanyang kausap?
3. Sa iyong palagay ano ang angkop na kasabihan o kaisipan ang akma sa
kuwento? Ipaliwanang.

Gawain 3 : SineTuklasin
Panoorin ang videoclip mula sa youtube na may kaugnayan sa aralin tungkol
sa anekdota.
https://www.youtube.com/watch?y=71AFuMhDY5E

Akasya o Kalabasa
ni Consolation P. Conde

Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon
nang malaki kaysa maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi
ng tao na pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-aaral at pagpapakasakit.
Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y
maitutulad din sa paghahalaman.
Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na
paaralan sa Maynila.
Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod….
Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda
kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon
naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak
na pag-aaralain sa Maynila.
Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-ama.
Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang
tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang
nagsisipagprisinta.
“Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating galang ng mag-ama.
“Magandang umaga po naman,” tugon ng punung-guro na agad namang
nagtindig sa pagkakaupo at nag-alok ng upuan. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa
kanila?”
‘E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan. “
“A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punung-guro.
“Katatapos pa po lamang niya sa elementarya sa aming nayon noong nakaraang
Marso,” paliwanag ni Mang Simon.
“Kung gayon po’y sa unang taon sa haiskul, ano po?”

5
“Ngunit…. ibig ko po sanang malaman kung maaaring ang kunin na lamang
niya ay isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y
makatapos agad, maaari po ba?”
“Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang lalong
pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto
ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na
punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo
ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa,”
Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro.
Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama.
At…. umuwi ng nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungong
lalawigan ay tatambis-tambis sa sarili: “A, mabuti nanga ang kunin niyang buo ang
kurso sa haiskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang
kaniyang kinabukasan. “
- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970

Gawain 2
Ating sagutin ang mga tanong
1. Ano ang paksa ng anekdota?
2. Saan naganap ang mga pangyayari sa teksto?
3. Bakit naging abala ang mga magulang ni Iloy pagkagising sa umaga?
4. Batay sa naging desisyon ni Mang Simon, anong katangian ang ipinaalas?
5. Anong motibo ng may-akda ang ibig niyang ipabatid sa mga mambabasa?
6. Anong paraan ng pagsulat ang ginawa ng may-akda.

Gawain 3: Pangatwiranan Mo!


1. Bigyang katwiran ang sinabi ng punongguro, “kung ang nais ninyo ay
magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-
puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang
makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”
2. Paano nahimok ang ama na magbago ng isip para sa karerang ipakukuha sa
kanyang ama?
3. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga posibleng mangyayari kung pinanindigan
ni Mang Simon ang kanyang unang desisyon para sa kursong kukunin ng
anak?

6
Suriin

Ano nga ba ang Anekdota?


Ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang
pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon nito ay makapagpabatid ng isang
magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang
karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.
Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap ay
kukuha ng interes ng mambabasa. Dapat na ang panimulang pangungusap ay
kapana-panabik. Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng pangganyak sa
mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota

Mga katangian ng anekdota:


A. Dapat maging makatotohanan ang paksa-dapat batay sa tunay na karanasan
ang paksa.
B. Dapat maging kapana-panabik.
C. Dapat may isang paksa lamang.
D. Sa bawat pagwawakas ng anekdota, dapat isinaalang-alang ang kakintalang
maiiwan sa kaisipan ng mga mambabasa
E. Dapat maging payak ang pagbibigay ng di pangkaraniwang pangyayari.
F. Tuwirang isinusulat ang anekdota
G. Dapat magtaglay ng kongkretong pangalan, aktibong pandiwa at ilan lamang
ang pang-uri at pang-abay ang mga pangungusap.
Mga uri ng anekdota

A. Ang anekdotang hango sa tunay na buhay ng isang tao - nagbibigay sa mga


mambabasa ang pagkakataong lalong makilala ang pansariling buhay ng
taong iyon.
B. Ang anekdotang hindi hango sa tunay na buhay - madalas na katatawanan
ngunitmadalas ding may mahalagang tinutukoy.

Ang mga pangyayaring isinasalaysay sa anekdota ay minsang nagiging pabula


na rin, ngunit dahil sa ang mga tauhan ay hindi hayop kundi mga tao, ito’y
kapanpaniwala na rin. Ang layunin ng anekdota ay mang-aliw, makapagturo, at
makapaglarawan ng ugali at tauhan.

https://teksbok.blogspot.com/2010/09/ano-ang-anekdota.html
http://documents.tips/documents/anekdota-final.html

Gawain 4: Share It!


Magbigay ng halimbawa ng anekdotang inyong nabasa o narinig sa inyong
komunidad. Ibahagi at ibigay ang opinyon hinggil sa pangyayari/kaisipan.

7
Pagyamanin

Basahin ang anekdota ni Mullah Nassreddin. Pagkatapos sagutin ang mga tanong
sa bawat gawain.

Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang


pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong
naaalaala ng mga Iranian na dating mga Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo-
libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang
lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa
mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng
mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon.
Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa
harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang
aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi”, kung kaya’t kaniyang sinabi
“Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at
siya ay umalis. Napahiya ang mga tao.
Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli siyang
tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo”, sumagot
si Mullah Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na
sasayangin ang marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at
nataranta sa kaniyang naging sagot.
Sinubukan nila muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng
pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Handa na
ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi”, at ang kalahati
ay sumagot ng “Oo”, kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang
kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di
alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.
-http://iranian.com/main/bolg/m-saadat-noury/frist-iranian-mullah-who-was-master-anecdotes.html

8
Gawain 5: Paglinang ng Talasalitaan
Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig sa
pangungusap. Piliin sa loob ng kahon at isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa
patlang.
A. Lumisan B. Nalito C. Napahiya D. Sayangin E. Naimbitahan

________ 1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagugulumihanan.


________ 2. Ang sermon na ginawa ni Mullah Nassreddin ay dapat pag-aralan at
huwag itong aksayahin.
________ 3. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homilya.
________ 4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan.
________ 5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.

Gawain 6: Ating Palawakin ang ating Kaalaman


Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Ilarawan si Mullah.
2. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo? Bakit?
3. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang siya ay
makilala bilang pinakamahusay sa larangan ng pagpapatawa?
4. Sumasang-ayon ka ba sa paraan ng kaniyang pagtuturo sa mga tao?
5. Sino sa kasalukuyang panahon ang maihahambing natin kay Mullah? Patunayan
ang sagot.
6. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa?
7. Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng anekdota anong paksa
ang nais mong isulat? Bakit?
8. Paano naiba ang anekdota sa mga iba pang kauri nito? Masasalamin ba ang
kanilang paniniwala at prinsipyo sa kanilang mga isinulat?

Gawain 7: Graphic Organizer


Suriin ang anekdota ayon sa batayan sa Tsart.

Batayan ng Pagsusuri Anekdota : Mullah Nassreddin


Paksa

Tagpuan

Motibo ng awtor

Paraan ng Pagkakasulat

Mensahe / Aral

Nilalaman

9
Isaisip

Gawain 8: Pag- Isipan Mo !


Panuto: Gumawa ng sariling anyo ng pagpapahayag na may kaugnayan sa relasyon
sa kapwa.

Halimbawa: “Simple lang naman ang hinihingi ko. Kung hindi mo ako marespeto
bilang asawa, respetuhin mo ako bilang kaibigan, kung hindi naman,
respetuhin mo ako bilang tao”

Gawain 9: Kilalanin Mo Ang Aking Pagkatao!


Panuto: Basahin ang anekdota ni Saadi. Sagutin ang mga gabay na tanong upang
mabatid ang kaisipang pumapaloob sa akdang binasa.
Narito ang isang anekdota ni Saadi. Ang mga sulat ni Saadi ay naitala sa
dalawang kadahilanan: Una ang pagiging simple sa paggamit ng direktang
lengguwahe o salita upang makabuo ng isang mahusay na aklat para sa pagsisimula
ng mga mag-aaral na Persiano. Ikalawa, binubuo ito ng simpleng kasabihan at mga
kuwento na itinuturing na mahusay na mga pahayag ng paniniwalang Sufi.
Para sa Sufis, ang Sufism ay hindi lamang relihiyon o pilosopiya, bahagi ito
ng buhay. Wala itong kaugnayan sa bagay at lugar at hindi rin ito nagpapahalaga sa
oras, pera o maging karangalan. Nakapokus ito sa pagpapaunlad ng isang indibidwal
sa pamamagitan ng kanilang mga pandama.
Ang pagkaunawa sa Sufi ay maihahalintulad sa pagbibinatao pagdadalaga na
kung paanong ang bata ay nagkakaroon ng kaalaman sa kaniyang pagbibinata/
pagdadalaga. Matutuhan ng tao ang kaalamang Sufi sa proseso, Pag-unawa at
pagsasanay.
Sa kanilang paglalakbay, hinihiling ang magandang ikabubuhay at taimtim
na dumadalangin sa awa at pag-ibig ng Diyos. Sa kanilang mga panulat ng
naisasalaysay ang hiwaga na naaabot ni Saadi gayundin ang kanyang pagbabahagi
ng kaniyang kaalaman sa buong mundo

Mula sa mga Anekdota ni Saadi


Persia ( Iran )
Ni Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

10
Mongheng Mohametano sa Kaniyang Pag-iisa.

Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata sa


disyerto. Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang
nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita nia na hindi nagtaas
ang kanyang ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan siya.
Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang
pakiramdam, tulad niya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang
loob.”
Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mohametano! Ang
Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng
kaukulang paggalang?”
Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang magbigay
ng paggalang para hanapin ang magbebenepisyo sa kaniyang magandang gawa.
Sabihin mo sa kanya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang
nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

Gabay na Tanong:
Kilalanin si Saadi sa kanyang ipinamalas sa binasang akda.
1. Sumasang-ayon ka ba sa naging kasagutan ng Mongheng Mohametano?
Ipaliwanag.
2. Anong pangunahing kaisipan hatid ng akda sa mambabasa?
3. Makatwiran kaya ang kanyang naging paninindigan kahit mataas ang posisyon
ng taong kanyang kaharap?
4. Naging malinaw ba ang pagsasalaysay sa mga pangyayari?

11
Isagawa

Gawain 10: Mag-usap Tayo!


Bumuo ng pangkat na may tiglilimang miyembro, sa loob ng grupong nabuo
pag-usapan ang mga naging karanasan sa buhay na nagdulot sa iyo ng aral na hindi
makalilimutan. Pagkatapos, pumili ng isang kuwento na ibabahagi upang maging
aral din sa kanila.

Gawain 11: Gayahin Mo Ako!

Ang larawang ito ay kuha mula sa Google Images

Gabay na tanong:
1. Matapos tunghayan ang usapan, ano ang pumasok sa iyong isipan?
2. Sa iyong palagay, bakit gumagawa ng mga nasabing larawan ang mga may-akda
nito?
3. Kung isa ka sa mga gumagawa ng ganitong uri ng larawan, anong paksa ang nais
mong pagtuunan ng pansin? Bakit?

12
Tayahin

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.


1. Uri ng akdang pampanitikan na naglalarawan ng isang kawili-wiling insidente sa
buhay ng tao na nag-iiwan ng aral o moral lesson.
A. Persia B. Anedota C. Anekdota D. Iran
2. Kakikitaan ng mga kasabihan, relihiyon sa paniniwalang Sufism.
A. Persia B. Anedota C. Anekdota D. Iran
3. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at
puno ng katatawanang estilo sa pagsulat.
A. Anekdota C. Consolation Conde
B. Mullah Nassreddin D. Roderic Urgelles
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang anekdota?
A. May isang paksang tinatalakay
B. Nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa
mga mambabasa
C. Makakapagpabatid ng isang magandang karanasan ng aral
D. Mahabang salaysay na naglalaman ng kawing na pangyayari
5. Ano ang naging paksa ng anekdotang Mullah Nassreddin?
A. Pag-unawa sa buhay at kaalaman C. Opinyon at katotohanan
B. Pag-ibig at pagmamalasakit D. Lipunan at kamalayan
6. Batay sa anekdotang Mullah Nassreddin, saan ang naging tagpuan?
A. Silid-aralan C. Bahay-aliwan
B. Bakuran ng bahay D. Theater
7. Alin sa mga sumusunod na motibo ng awtor sa pagsulat ng anekdota?
A. Mag-iwan ng takot sa mambabasa
B. Magsilbing gabay sa paglalakbay
C. Maging positibo sa lahat ng bagay
D. Makapagbigay sigla sa mga mambabasa
8. Mula sa binasang anekdota, ano ang naging paraan ng may akda sa pagsulat
nito?
A. Gamit ang sariling karanasan sa buhay
B. Estilong pakuwento
C. Paraang saling-dila
D. Gamit ang ideya ng ibang manunulat
9. Sa iyong pananaw, bakit nakapagsulat ng isang anekdota ang tulad ni Mullah
Nassreddin?
A. Naisulat niya ang anekdota upang magmalaki sa lahat na siya ay isang
dalubhasa.
B. Dahil noong unang panahon ng mga taga- Iranian ay ginagawang libangan
ang kanilang nakakatawang kuwento.

13
C. Upang ipalaganap sa buong Iran ang kanyang galing.
D. Para mapalaganap ang kultura ng mga taga-Iran.
10. Alin sa mga sumusunod ang aral na maaaring natutunan sa anekdota?
A. Maging mapagmalaki sa bawat tagumpay
B. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan
C. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan
D. Maging patas sa lahat ng desisyon sa buhay
11. Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao.
A. Anekdota B. Kuwento C. Kataka-taka D. Makatotohanan
12. Siya ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa.
A. Saadi B. Nassreddin C. Liongo D.Faza
13. Ito ang katangiang taglay ni Mullah na tinataglay kahit saan man magpunta.
A. Mahusay na magpatawa
B. Magaling umawit
C. Mataas na tulad ng higante
D. Di nasusugatan ng anumang armas
14. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang kauri nito?
A. Pagpapahalaga sa kapangyarihan.
B. Nagdudulot ng ganap na pagkakaunawa sa kaisipang nais ipabatid.
C. Traydor sa kalaban upang magtagumpay.
D. Paglilihim ng taglay na kapangyarihan.
15. Ano ang kaisipang nais bigyang pansin sa akdang “Mullah Nassreddin”?
A. Ang oras at panahon ay napakahalaga at hindi dapat sayangin.
B. Ang kapangyarihan na nakamit sa di makatwirang paraan ay nawawala
sa gayundin kaparaanan.
C. Dapat matutong maging matiyaga sa lahat ng oras.
D. Pagsasabi ng makatotohanang bagay

Karagdagang Gawain

Gawain 12 : Halina’t Lumikha !


Paano makatutulong sa pagbuo ng isang komikstrip ng anekdota ang mga natamong
kaalaman araling tinalakay?
Goal : Naisusulat ang isang orihinal na komikstrip ng anekdota
Role : Isa kang mag-aaral na mahusay bumuo ng isang komiks
Audience : Mga mag-aaral na mahilig magbasa ng komiks
Situation : Ang pahayagan ng paaralan ay nangangailangan ng isang
mahusay sumulat ng kwento at buo ng komiks
Product : Komiks strip ng isang anekdota tunglol sa nakakatawang
pangyayari sa buhay ng isang tao

14
15
Subukin Tayahin
1. C 1. C
2. C 2. C
3. B 3. B
4. D 4. D
5. D 5. D
6. D 6. D
7. D 7. D
8. A 8. A
9. B 9. B
10. B 10. B
11. A 11. A
12. B 12. B
13. A 13. A
14. B 14. B
15. A 15. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Ambat, Vilma C. et al. 2015. Filipino 10: Modyul para sa Mag-aaral:
Panitikang Pandaigdig. Pasig City: Vibal Group, Inc.

Balazo, Iluminada C. 2000. Pagsulat: Ang Suring-Basa. Wika at Panitikan:


Batayang Aklat: Ikaapat na Taon. Quezon City. JGM & S Corporation.

http://iranian.com/main/bolg/m-saadat-noury/frist-iranian-mullah-who-was-
master-anecdotes.html
https://www.youtube.com/watch?y=71AFuMhDY5E
https://teksbok.blogspot.com/2010/09/ano-ang-anekdota.html
http://documents.tips/documents/anekdota-final.html
http://docslide.net/documents/anekdota-5584495740cof.html

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

You might also like