Evelyn, Rey KURSO: Maikling Kuwento at Nobelang Filipino PETSA Nobyembre 18, 2022
TALAKAYAN
PANUTO: Base sa binasang kwentong “Pinakamaliit na Bato” sagutin ang mga
sumusunod.
1. Bakit pinamagatang “Pinakamaliit na Bato” ang akda?
- Naging “Pinakamaliit na Bato” ang pamagat ng akda, sapagkat ang guro ay nag-utos na ang bawat mag-aaral ay kumuha ng bato at ayun ang kanilang gagawin tinapay, subalit, si Islaw ay kumuha ng isang pagkaliit na bato dahil siya ay naiinis sa kanyang guro sapagkat siya ay pagod at gutom na,
2. Ano ang mensaheng nais iparating ng akda?
- Ang isa sa mensahe ng akda ay dapat tayong matutong magtiwala at maniwala, sapagkat, sa ating mundo ay hindi natin batid kung ano ba ang ating mga bagay na dapat paniwalaan.
3. Ano ang aral na inyong natutunan mula sa kwentong ito?
- Ang isa sa aking natutunan mula sa aking nabasang kwento na “Pinakamaliit na Bato” ay palagi tayong maniwala sa ating mga gusto, maaaring sa ating paningin ito ay impossible at hindi natin makakamit, subalit, kapag tayo ay naniwala sa ating sarili at sa mga taong nakapaligid sa atin ay makukuha natin ito.