Konseptong Papel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

DIVINE LIFE INSTITUTE OF CEBU, INC.

 
Yati, Liloan, Cebu 

Iba’t Ibang Kultura at Tradisyon na Humuhubog sa Indibidwalidad ng mga Piling


Kabataan

Bilang bahaging pangangailangan sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik


sa  Wika at Kulturang Pilipino

Isinumite ni: 

Lagaac, Mitchelle N.
Porillo, Charlotte Marianelle
Ramirez, Sheirafaith
Nabua, Michael Joshua
Cabahug, Mikaella Marie

Grade 11- St. Martin De Porres

Isinumite kay: 

Bb. Charlene C. Guzman 

Disyembre, 2022
Iba’t Ibang Tradisyon at Kultura na Humuhubog sa Indibidwalidad ng mga Piling

Kabataan 
Rasyunal 

Ang Pilipinas ay sakop ng mga bansa sa nakalipas na daang taon. Dahil dito, ang mga

bansang tulad ng Espanya,, Amerika at Hapon ay nag-iwan ng malaking epekto sa

kultura ng Pilipinas ngayon. Ang mga pangunahing kulturang ito ay may impluwensya

sa mga pilipino sa kanilang pang-araw-araw na batayan. Sinasabing ang mga

inobasyon na ito ay naghuhubog ng mga katangian sa mga piling kabataan. Kaya

naman ang pananaliksik na ito ay nilikha sa kagustuhan na ipagpatibay ang ideya na

paano at ano ang mga kultura na nakahubog sa isang pilipinong individual. Ayon sa

aklat na  Race, Migration and Identity, kay Anthony C. Ocampo, Binabanggit ng mga

Pilipino ang mga labi ng kultura ng kolonyalismo ng US bilang isang dahilan upang

ihiwalay ang kanilang mga sarili mula sa mga Asyano, at tinutukoy nila ang mga

pamana ng kolonyalismong Espanyol upang lumabo ang mga hangganan sa mga

Latino. Bagama't natatangi ang kolonyal na kasaysayan ng mga Pilipino, ang mga

natuklasang ito ay may mga implikasyon para sa mas mahusay na pag-unawa sa

racialisasyon sa isang lalong multiethnic na lipunan - ibig sabihin, kung paano

nakikipag-ugnayan ang mga makasaysayang pamana sa pagpapadala ng mga lipunan

sa mga bagong konteksto ng lahi upang maimpluwensyahan ang pag-unlad ng

pagkakakilanlan ng panethnic. Sang-ayon tayo na ang Espanyol ang may

pinakamalaking impluwensya natin dahil nasakop tayo sa kanila sa loob ng 333 taon.

Ang bayanihan o diwa ng pagkakamag-anak at pakikipagkaibigan na kilalang-kilala ng

mga Pilipino ay hango daw sa Malay. Ang malapit na relasyon sa pamilya ay minana

umano sa mga Intsik. Ang kabanalan ay nagmula sa mga Kastila na nagpakilala ng

Kristiyanismo noong ika-16 na siglo. Ang mabuting pakikitungo ay isang common

denominator sa katangiang Pilipino at ito ang nagpapakilala sa Filipino.  Ayon kay Riley
(n.d) humuhubog ang isang kabataan sa pamamagitan ng pag mano o pag bless.  Ito

ay ginawa sapagkat ito ay nagpapakita ng respeto sa mga matatanda o sa mas

magulang pa sa iyo. Ito ay isa sa mga katangian na humuhubog sa mga kabataan noon

hanggang ngayon at possibely din sa hinaharap.  Ayon naman kay Jirah (n.d) subalit sa

mga masamang epekto ng kolonisasyon ng mga espanyol, may malaki itong dulot sa

paghubog ng mga kabataan ngayon. Nagdala ito ng kalayaan na pinapahalagahan ng

higit pa dahil sa kamalayan ng mga pinagdaanan.  Dagdag pa ni Kier (n.d) na ang

Kristiyanismo ay may malaking ganap din sapagkat ang Pilipinas ay isang relihiyosong

bansa. Mula sa Harvard Divinity School, ang Kristiyanismo ay ang karamihan ng

pananampalataya sa Pilipinas, na bumubuo ng humigit-kumulang 90% ng populasyon.

Dahil dito, ang ating pag-uugali ay nakasandal sa ating relihiyon at naka humubog ito

sa kung paano natin pinangangasiwaan ang mga bagay-bagay, kung paano tayo

tumugon at kung ano ang mga paniniwala na nagbabago sa ating pag-iisip. Para kay

Aaron (n.d) naman, ang kakayahan sa pagsasalita ng higit sa isang wika ay

nakahuhubog sa atin. Dahli sa kakayahan ng pagsasalita ng higit pang isang wika, may

kalayaan tayo na magpahayag sa iba't ibang taong napapaligiran. Bilang resulta, ang

mga nakaraan nating paghihirap ang nagpapakilala natin ngayon. Kaya katangi-tangi

tayo ngayon, dahil sa mga iba't ibang humuhobog na kultura at tradisyon na ating

sinasanay.

Layunin ng papel na ito na: 

• Maitalakay ang ibat ibang kultura na humuhubog sa mga piling kabataan.


     • Maipalalim ang kaalaman ng mga pilipino tungkol sa epekto ng kultura at           

kahalagahan nito.

    •Mailahad ang epekto ng kultura sa bawat indibidwal.

Metodolohiya 

Ang mga mananaliksik ng araling ito ay magpapakalat at maglahad ng mga kultura at

tradisyon na may malaking epekto sa mga piling kabataan sa paglipas ng mga taon.

Magkakaroon din ng mga panayam sa mga kabataan at kanilang mga kaila, magulang,

kaibigan, tao na malapit sa kanila o kahit sino lang sa pangkalahatan tungkol sa

nasabing paksa. Sa pamamagitan ng mga ito, mas  magkakaintindihan at malaman ang

malaking pagkakaiba sa mga taon nakalipas sa isa’t isa ang mga hinggil sa mga

dahilan, sitwasyon  at epekto ng pagliban ng mga tradisyon at kultura na humuhubog sa

mga piling kabataan

Inaasahang Bunga 

Ang papel na ito ay nagtataglay ng mahahalagang kaalaman na nagpapaliwanag sa

pag uugali ng isang indibidwal sa pamamagitan ng pag aaral sa kulturang kanilang

kinagisnan. Ang papel na ito ay nagbibigay ng datos sa iba't ibang kultura na

nakakaimpluwensya sa pagdedesisyon at pag iisip ng isang indibidwal sa pamamagitan

ng paghingi ng panayam sa mga piling kabataan.


Sanggunian

Harvard Divivnity School https://rpl.hds.harvard.edu/faq/christianity-


philippines#:~:text=Christianity%20is%20the%20majority%20faith,such%20as%20the
%20Aglipayan%20Church.

Chapel Hill: University of North Carolina. Retrieved, 2006


https://www.academia.edu/download/34131508/phils._education.pdf

CJOYM JAVIER - 2015


https://www.academia.edu/download/61468301/Elearning_Thesis20191209-5483-
1uah1q.pdf

AC Ocampo - Latino Studies, 2012 - Springer


https://link.springer.com/article/10.1057/lst.2012.37

You might also like