Talumpati Ayon Sa Layunin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Talumpating nagbibigay ng impormasyon o kabatiran

Inflation: Alamin ang Sanhi

Magandang buhay! Bilang pagtalakay sa isa sa mga kontemporaryong isyu sa ating


lipunan, bibigyang pansin natin ngayong araw ang inflation. Ang pagbili ng iba’t ibang produkto
at serbisyo ay isa sa mga bagay na kaugnay na ng ating buhay at hindi na maiiwasan sa araw
araw. Ngunit, kapansin-pansin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin. Ang isyung ito ay
hindi na bago kung tutuusin at upang maunawaan natin ang nangyayari, ating alamain kung
ano nga ba ang inflation at ano sanhi nito.

Sa ekonomiya, ang inflation ay isang sukatan ng tumataas na presyo ng kalakal at mga


serbisyo sa isang ekonomiya, na madalas humantong sa pagbaba ng purchasing power ng
local currency ng ekonomiya nito. Simple lang, ibig sabihin ng inflation ay ang parehong unit ng
currency na ginamit upang makabili ng isang basket ng item, ngayon ay makakabili lamang ng
kaunting item sa paglipas ng panahon dahil sa pagtaas ng presyo.

Isang sikat na sukatan ng inflation ay ang Consumer Price Index (CPI), na kinakalkula
ng Bureau of Labor Statistics (BLS) at sinusuri ang weighted average ng iba't-ibang price
basket of goods at services gamit ng specific groups ng household para sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Kasama sa mga basket na ito ang pagkain, tirahan, transportasyon, mga serbisyo
o gamot ng mga doktor at dentista at ang naiibang kategorya para sa mga taong naninirahan sa
rural o urban settings.

Mayroong iba’t ibang dahilan ang inflation. Isa rito ang epekto ng Demand Pull.
Nangyayari ang demand-pull inflation kapag ang demand ng mamimili ay lumampas sa supply
na magagamit, na nagtutulak sa mga presyo ng nasabing supply na tumaas. Ang epektong ito
ay may posibilidad na mangyari kapag may pagtaas sa supply ng pera at kredito na magagamit
ng mga mamimili, kadalasang nagreresulta mula sa pagtaas ng trabaho sa isang ekonomiya o
isang gobyerno na mas malayang gumagastos ng pera.

Isa pang sanhi ay ang epekto ng cost-push. Ito ay kapag tumaas ang presyo ng mga
bilihin bilang resulta ng mga gastos sa produksyon, na kinabibilangan ng mga raw material at
mga sahod ng empleyado. Para tumaas ang mga presyo, kailangang manatiling matatag ang
demand para sa produkto habang patuloy na tumataas ang gastos sa produksyon para sa
nasabing produkto.

Ang huli naman ay ang Built-in Inflation (o Wage Push Inflation). Ang Build-in inflation ay
nangyayari sa ideya na inaasahan ng mga tao na ang mga inflation rate ay magpapatuloy, lalo
na sa target ng Federal Reserve na mapanatili ang 2% inflation rate bawat taon. Sa
inaasahang ito, mayroong pagtaas ng sahod sa buong industriya, na nagpapataas ng mga rate
ng pagkonsumo, na lalong nagtutulak sa mga presyo ng mga produkto at serbisyo na tumaas.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang nararanasan natin
sa ating bansa. Mahirap na nga ang buhay ngayon dahil sa pandemya, dumagdag pa ang
sobrang taas na presyo ng mga bilihin. Ito ay dahil mahina pa rin ang ekonomiya natin dahil sa
pandemya, at ’di pa rin masyadong masigla ang paggastos ng mga mamimili dahil sa kawalan
nila ng kompiyansa sa ekonomiya. Ayon din sa National Economic and Development Authority
(NEDA), ’di pa tayo makababalik sa pre-pandemic na antas ng paggastos hanggang sa
katapusan ng 2022 o umpisa ng 2023. Ang pangunahing sanhi ng pag-arangkada ng mga
presyo ngayon ay ang kakulangan ng supply na iba’t ibang mga produkto.
Talumpating panlibang

Normal na Lipunan sa Mata ng Nakararami

“Kakaiba na talaga ang mga panahon ngayon”, isang pahayag na gasgas na gasgas na
sa dami ng nagsasabi. Minsan ang “kakaiba” na iyan ay maganda, pero kadalasan ay hindi.
Gaya ng “toxic”, “masyadong sensitibo” o kaya ay “hindi marunong rumespeto”. Bilang isa sa
mga namumuhay sa kasalukuyang henerasyon, sa totoo lang ay maging ako ay hindi ko din
maunawaan kung ano ang trip ng mga tao lalong lalo na sa social media.

Marami sa atin, at posibleng halos lahat, ay sabay sa uso. Simula sa istilo ng pananamit,
pagsasalita, at maging sa paguugali ay mayroon tayong tinatawag na “normal na sa panahon
ngayon”. Maging ako ay inaamin ko na guilty ako sa pagnanais na maging “istetik”. Hindi naman
masamang sumabay sa uso at syempre ang pakikiuso ay nagbibigay satin ng kasiyahan o
personal na satispaksyon dahil kaya natin makisabay sa iba. Ang hindi ko lang maintindihan
talaga, ay ang pagkauso ng pagiging “mulat sa reyalidad”. Hindi man literal, ito yung mga bagay
na may kaugnayan sa paglulunod ng atay sa alak, pagpapaapoy ng baga, pagpapalimlim ng
maaga, paglalagay ng pentel pen sa balat, paghahanap (daw kuno) ng asukal de papa at kung
ano-ano pa na kadalasan ay ipo-post pa sa social media. Kapag nag-post ka ng ganyan ibig
sabihin daw cool kid ka.

Isama din natin yung trend na pagiging “pa-victim”. Yung ikaw na nga mali, ikaw pa daw
yung dehado. Ikaw na yung nakasakit, ikaw pa may gana dumakdak ng dumakdak sa
peysbokdatkom. Kapag may masamang nangyayari sa buhay mo, sisihin mo ang pamahalaan.
O yung kapitbahay nyo. O kahit sino na pwede sisihin. Kahit pa yung ipis sa cr nyo pwede mo
sisihin sa mga kamalasan mo, kahit sa totoong buhay ikaw naman talaga yung may kasalanan.

Usong uso din ang “cancel culture”. Pag may nagawa ka na mali, sisikat ka sa dami ng
mangb-bash sayo. Konting kibot may masasabi. Mapapa-“Kwento mo yan eh. Syempre
masama ako dyan” ka nalang talaga kahit na wala naman silang ideya sa mga nangyayari sa
buhay mo. Pag nagsuot ka ng damit na maikli, proud at mahal mo katawan mo pero at the
same time wala ka daw respeto sa sarili mo. Madali lang ding gawing katatawanan ang
insecurities ng iba at sa isang click lang maaari ka nang makasira ng pagkatao nila.
Sadboi/ghorl ang tawag sa mga taong nagpapahayag na nasasaktan sila. Pero pa ikaw na yung
ginaganun, syempre di kita gaganunin ganunin lang kase iiyak ka na parang hindi ganun yung
ginagawa mo sa kapwa mo. Nagmamalinis kumbaga. “Fr fr istg istg ngl fr fr” ewan ko na lang ha
pero nagkakaintindihan sila sa ganyang lenguwahe. At speaking of lenguwahe at wika, normal
nalang ang magmura kahit saan at kahit kailan. Normal din na pagpiyestahan ang buhay ng iba.
Marites nga naman.

Nakakatawa man isipin, pero ito na ang lipunan na ginagalawan natin sa kasalukuyan at
kung hindi tayo gagawa ng hakbang para mabago ito ay patuloy lang tayong masasadlak sa
lipunan na madaling mangmata ng kapwa nila. Hindi lang kabataan ang guilty sa ganitong
gawain pero dahil hindi nagkakaroon ng pagbabago ay patuloy lang itong naipapasa ng
naipapasa sa ibang henerasyon at tila lumalala sa paglipas ng panahon.
Talumpating Pampasigla

Talumpati ng Panauhing Pandangal sa Araw ng Pagtatapos

Malinaw pa sa aking alaala sampung taon na ang nakalipas noong ako ang nakaupo sa
puwesto ninyo ngayon at nakikinig sa isang talumpati sa entablado. Hindi ko sukat akalain na
pagkalipas ng isang dekada, ako naman ang pakikinggan ninyo. Aminado ako noon, halos di ko
pakinggan ang grad speaker, at mas pipiliin ko pang makipagdaldalan sa katabi ko. Ngunit
ngayong hapon, hayaan ninyong ako ang makipagdaldalan sa inyo. Tama na muna ang
usapang ML at COD. Ihinto na rin muna ang pag-update ng status sa Facebook at Twitter.
Huwag na munang magpapansin sa crush o mag-retouch ng makeup. Huwag hayaang
magsaway ang mga guro dahil sawa na sila diyan. Huwag na munang magpikchuran ng
planking, owling o iyong parang Korean na may peace sign sa gilid. Di ko naman pahihintuin
ang mga kumakain. Mamigay nga lang kayo at huwag mang-inggit ng katabi. Sulyapan din ang
kaibigan baka tulog na at tumutulo pa ang laway. Tayo muna ang magdaldalan. Ako ang
magsasalita galing sa hubog ng panahon. Tutugon kayo gamit ang puso at sinserong isipan.
Titiyakin kong di kayo magsisisi na ako ang inyong kadaldalan.
At bago ako magpatuloy, inaanyayahan ko ang lahat na tumingin sa kaliwa, hawakan
ang balikat ng katabi, at sabihing, “Congratulations, ang galing mo!” Ngayon naman, humarap
naman sa kanan, tapikin ang balikat ng katabi at sabihing “Kawawa ka naman. Wala ng baon.
Bakasyon na.”
Ano nga ba ang mga dahilan ng pagpasok natin sa paaralan? Karamihan ang isasagot
ay para matuto, magpatalas ng isipan, at maglinang ng mga talento at kaalaman. Iyan marahil
ang sagot ng mga alagad ni Newton at Einstein na halos memoryado na ang table of elements
o kaya ang mga nakakabaliw na formula sa matematika. Ang iba naman kaya nasa paaralan,
ganado pumasok dahil nangunguna sila sa pampalakasan o sports na gustong maging Pacman
o kaya mas pasosyalin natin, gustong maging miyembro ng Azkals. Ang iba naman, bida sa
kantahan nangangarap maging Sarah Geronimo in the future, o kaya mas weird pa, gustong
maging Lady Gaga. Sabik din pumasok ang ilan para sa pakikipagkaibigan na halos kilala nila
ang lahat mula sa janitor hanggang sa direktor ng eskuwela, di rin pinapalampas ang kuwento
ng buhay ng lahat: kilala ang crush ni ganyan, kaaway ni ganito, barkada ni ganyan, middle
name ni ganito, favorite color ni ganyan at halos isang libo ang friends sa Facebook kahit di
naman niya kilala. Marami din namang pumapasok dahil sa baon, o kaya iwas sa gawaing-
bahay at sermon ni nanay. Pero seryoso, maraming dahilan kung bakit tayo nag-aaral, maaari
natin itong ibuod sa tatlong salita. SAYA. ARAL. SAMAHAN.
Saya. Iyan ang nararamdaman natin ngayon. May exams man o mahihirap na
assignments, iba pa rin ang saya ng lecture at pagkatapos recess. Ang sportsfest o iba pang
programa.
Aral. Iyan ang di mananakaw sa ating lahat. Mananatili ito sa ating pagkatao. Huhubog
sa kung ano tayo ngayon at sa marami pang taon. Ipapasa natin sa susunod na henerasyon at
tutulong sa ating sarili, pamilya at mahal na bayan.
Samahan. Iyan ang dahilan kung bakit sa hapong ito, may halong lungkot ang bawat
sandali. Maghihiwalay ang iba, mamimiss ang barkada na tinuring na pangalawang pamilya.
Matulin ang panahon. Parang kailan lamang, ako ay isang batang paslit at tulad ninyong
magsisipagtapos. Punong-puno ako ng excitement. Halos di ako makatulog sa kakahintay ng
takdang araw ng graduation. Ngunit tulad ng kahit na anong pagwawakas, magkahalong
lungkot at saya ang aking nadama na ang paaralan na ating naging pangalawang tahanan ng
anim o apat na taon ay siya na nating iiwan. Ngunit ang kagandahan nito’y, mababaon naman
natin ang mga magagandang alaala, karanasan, at kaalamang ating nakalap at magagamit sa
hinaharap. Sabi nga ng marami: HINDI ITO ANG PAGTATAPOS. ITO PA LANG ANG SIMULA.
Hindi po madali ang hinaharap ngunit makakaya natin ito kung tayo ay may matibay na
determinasyon at sapat na disiplina sa ating sarili. Sa inyong edad ngayon, kilala ninyo na
malamang ang inyong mga sarili: ang inyong mga lakas at kahinaan. Pag-ibayuhin ang inyong
lakas tulad ng talino, katapatan, pagkamadiyos, sipag, at tiyaga. Harapin at tanggalin ang
inyong kahinaan tulad ng katamaran, magagalitin, bisyo, at maling gawi.
Ang buhay pagkatapos ng high school ay hindi po madali. Iba-iba ang kahihinatnan ng
inyong buhay. Ang ilan suwerteng mag-aaral sa kolehiyo at ang ilan diretsong magtratrabaho.
Pero alin man dito ang inyong kahinatnan, huwag kayong titigil sa paghahanap ng inyong
ikauunlad. Tandaan ninyong, libre ang mangarap, pero huwag ding kalilimutang kaakibat nito
ang pagsasakatuparan ng pangarap na iyon. Kaya MANGARAP at TUPARIN. Di dapat
paghiwalayin ang dalawang salitang iyon.
Noong unang mga taon ko sa UP, hindi rin naging madali para sa akin ang aking
bagong environment. Nasubukan ko pong maligaw at mapasakay sa maling jeep. Naranasan
kong sumabit sa jeep mula Cainta hanggang Diliman para hindi mahuli sa klase. Nahirapan din
po ako sa aking mga subjects. Sa totoo nga po, naghabol ako sa pag-aaral ng Math at English.
Hindi po kasi kasing-advance ng mga taga-Pisay, Ateneo, at UP IS ang kaalaman ko noon sa
Math at English. Ngunit, proud akong sabihin na ang aking baon mula sa Yangco, bukod sa
kapal ng mukha, ay ang pagiging advance ko sa sikap at tiyaga na naging sapat para
makapagsabayan sa kaklase kong tagasiyudad. Tyinaga ko pong sagutan ang sangkatutak na
mathematical equations hanggang makatulog ako sa UP library. Sa Math, practice makes
perfect talaga kaya nakatsamba ako ng uno sa Calculus. Pero nobody’s perfect pa rin. Kung
walang practice sa pagsagot ng mga equation, wala talagang mangyayari. Pati ang English ko
ay hindi kasing pulido ng mga estudyante mula sa mga sikat na paaralan. Ngunit hindi ako
nagpatalo, sinabi ko sa sarili ko, I can write and speak fluent English. Kaya naman nagbabad
ako sa pagbabasa ng mga nobela at ng iba pang babasahin. Ginagabi rin ako sa library arcade
para manood ng mga klasikong palabas sa wikang Ingles na hindi ko napanood dito sa
probinsiya. Natapos ang isang taon sa UP at naging maganda naman ang aking mga grado,
maliban po sa English 1 na 2.75 ang aking naging marka. Nang nalaman kong maraming
bumagsak sa aming English class, nagpasalamat na ako sa nakuha kong marka. Mataas na
pala iyon sa nabansagang terror naming propesor. Ganunpaman, naging masaya ang
karanasan ko sa UP kung saan nasubukan kong mapasugod ng rally sa Batasan at Plaza
Miranda, makahalubilo sa mga aktibista, makadaupang-palad ang mga sikat na mga propesor
na kadalasang lumalabas sa telebisyon, at ma-expose sa mataas na kaledad ng edukasyon.
Pagtungtong ninyo ng kolehiyo, marami pa kayong makikilalang mga bagong kaibigan.
Piliin at salain ninyo sila. Humanap ng mga kaibigang magdadala sa inyo sa maayos at
makabuluhang disposisyon. Hindi porke’t madalas manlibre, maganda ang mga gamit at sikat,
sama na agad sa kanila. Sapagkat hindi lahat ng inyong magiging kaibigan ay mabuti at matino.
Kaya pagyamanin at pag-ibayuhin ang mabuting pagkakaibigan.
Maswerte po ako na maituturing dahil natanggap ako sa UP ng dalawang beses: una
para sa aking bachelor’s degree sa UP Diliman at UP Los Banos, pangalawa para sa aking
doctorate degree sa UP Manila. At napakapalad ko dahil may pamilya akong very supportive.
Kung feeling ko ayoko na, iisipin ko lang ang pamilya ko dito sa probinsya. Sayang ang mga
kinatay na hayop noong graduation ko. Kaya di na ako aayaw, pero seryoso, sila ang aking
lakas at inspirasyon. Kung wala sila, hindi magiging madali ang buhay-estudyante. Kaya naman
bigyan po natin ng masibagong palakpakan ang ating mga magulang at mga kamag-anak na
sumusuporta sa ating edukasyon. Kahit madurog ang mga kamay natin kakapalakpak, di natin
sila mababayaran. Pahalagahan po natin ang kanilang mga sakripisyo sa pamamagitan ng pag-
aaral ng mabuti. Pumasa ka lang masaya na sila. Huwag nating sayangin ang tiwalang ibinigay
nila sa atin.
Bibigyan ko ng diin na mapalad kayo dahil umabot kayo sa pagtatapos na ito. Sa
Pilipinas, dalawa sa tatlong Pinoy ang makakatapos ng elementarya. Ano kaya ang ginagawa
ng isa kung wala siya sa paaralan? Sa limang nag-Grade 1, dalawa lang ang makakatapos ng
high school. Sa isandaang Pinoy ay may siyam na hindi man lang nakatuntong kahit grade 1 sa
buong buhay nila. Tinatayang sa taong 2015, walo sa isandaang Pinoy lamang ang
makakatapos ng kolehiyo. Eto po ang mga istatistikong nakakagulantang sa ating bansa.
Marami pong mas salat na nangangailangan ng suporta ng ating gobyerno. Kaya naman isang
malaking achievement po ang makatapos ng high school. Kaya taas-noo ninyong ipagmalaki
ang inyong sarili at magpasalamat.
Ngayon, suot ko na ang puting coat. May karugtong ng MD ang aking pangalan.
Kadalasan Dok na ang tawag sakin. Masarap sa pakiramdam. Di ko po ito ibinabahagi para
magyabang kundi para malaman ninyong masarap magtagumpay sa mga bagay na
pinagsikapan ninyo. Mula sa isang batang paslit tulad ninyo ngayon ay doktor na po ako. Doktor
mula sa Yangco. Mula sa simpleng sipon hanggang sa nag-aagaw buhay na pasyente, kaya
nating tulungan. Minsan may libreng konsulta pa ang mga kaibigan. Malamang matapos ko
itong sabihin, hihingin ninyo na ang number ko at magpapacheck-up na rin kayo thru text. Pero
seryoso, masarap sa pakiramdam na ikaw ang tinatakbuhan ng nanay na maysakit ang anak,
asawa na inatake ang kanyang kabiyak, mga buntis na nagle-labor at malapit nang magluwal
ng sanggol, at mga naaksidenteng teenager sa motor. Hahaplusin ka ng pasyente at
magpapasalamat dahil uuwi siya na magaling. Lahat ng iyan, narating natin dahil nagsikap tayo.
Hindi tayo humintong mangarap at isakatuparan iyon. At graduates hanggang ngayon walang
hinto pa rin ako sa pag-aaral. Dahil ang mundo ay isang malaking paaralan. Araw-araw may
lesson. Araw-araw may exam. Ang masaya, araw-araw may recess.
Wag ninyong isaisip na ang kahirapan ay kalaban sa pagtatagumpay. Marami diyan iisa
lang ang uniform, sampung piso lang ang baon, plastik lang ang bag, pero may Facebook, este
pero nag-aaral. Iisa lang ang matindi ninyong kalaban sa buhay, iyan ay ang inyong mga sarili.
Pag ikaw mismo ang sumuko, pag ikaw mismo ang naging tamad, pag ikaw mismo ang di
nangarap, TALO KA. Sa buhay, laging may panahon na matatalo ka, ang pinagkaiba lang, ang
iba pinipiling mag-rematch, pinipiling lumaban ulit para malasap ang tagumpay. Ganun dapat
tayo. Pag nadapa, bangon. Pag umiyak, may bukas para ngumiti. Pag nalungkot, may chance
pa para tumawa. Ganyan lang. Simple. Payak. Depende kung paano mo haharapin. Ikaw ang
driver ng buhay mo. Ikaw ang may hawak ng manibela. Diyos ang magbibigay ng daan, mamili
ka kung saan ang direksyon mo. Ang pamilya naman ang mag-iilaw ng daan at ang mga
kaibigan ang sasakay, pero dahil kaibigan sila, magpapalibre lang yan.
Muli nasa inyong mga palad ang bubuno sa mga susunod na panahon. Ang buhay ay
isang hagdanan at wala pong madaling shortcut para makarating sa ating paroroonan. Walang
escalator. Walang elevator. Ang bawat tagumpay ay may kakambal na pagsisikap at
paghihirap. Huwag kayong titigil sa pagkamal ng kaalaman. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos,
marami tayong maaaring matutunan at matamo.

Salamat sa pakikipagdaldalan, Graduates. CONGRATULATIONS and goodluck!


Talumpating Panghikayat

Edukasyon: Susi sa Tagumpay

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang


mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa
ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang
magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal edukasyon na nakabase sa ating araw-araw
na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung
ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics,
Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng
maayos.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang
bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon
ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na
abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang
magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-


bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing
mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito
rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang
kapaligiran.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging
sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung
saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa
kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao
upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na
ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na
kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga
layunin nito.

Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa


pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito
ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang
magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa
kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais
nilang matupad.
Talumpati ng Papuri

Pagpapakilala sa Isang Panauhing Pandangal

Magandang umaga po sa lahat ng mga taong nandirito ngayon na talagang naglaan ng


kanilang mga oras para lang makapunta sa pagtitipon na ito salamat po sa inyong pagsuporta.
Nais ko pong ipakilala ang ating panauhing pangdangal sa araw na ito siya po ay ipinanganak
sa bayan ng Santa Cruz, lalawigan ng Marinduque. Siya ang butihing anak nina Ginoo at
Ginang Vera,na pawang mga negosyante ikalawa siya sa tatlong magkakapatid, noong siya ay
nag-aaral pa ay napakasipag niya sa gawaing eskwelahan mahusay din siyang makisama sa
kapuwa niya mag aaral kaya naman di nakapagtatakang ngayon ay matagumpay na siya.

Siya ay nag-aral ng Elementarya sa pampublikong paaralang Elementarya ng Makapuyat.


Panglaban siya sa ibat-ibang patimpalak ng kanilang paaralan. Nanalo siya sa mga Quizbee at
pinarangalan din siya bilang isa sa pinakamahusay na mananayaw at pinakamahusay sa
pagbigkas ng mga tula. At nagtapos siya sa Sekondarya sa Makapuyat National High school na
nagkamit ng pinakamataas na karangalan. Nagtapos siya ng Koleheyo sa Marinduque State
College sa Bayan ng Boac at doon narin siya kumuha ng kanyang Masteral Degree upang
magpakadalubhasa sa larangan ng edukasyon.

Unang kuha niya ng Board exam ay naipasa na agad niya ito,kaya naman agad siyang
nakapagturo sa paaralang kanya ding pinag aralan noong elementarya, habang nag tuturo ay
kumukuha naman siya ng kanyang Masteral Degree kaya nman pagkalipas lamang ng ilang
taon ay naging isang Master Teacher na siya dahil sa kanyang sipag at didikasyon sa
trabaho,sa murang edad niya ay malayo na ang kanyang narating at patuloy parin siyang
nagpapakadalubhasa.kaya naman di malayong balang araw ay isa na siya sa humahawak ng
pinakamataas na posisyon sa sector ng edukasyon, Malugod ko pong ipinakikilala sa Inyong
ang ating masipag,maganda at kapitapitagang panauhing pandangal, Ms.Aislinn Vera.
Talumpati ng Pagbibigay Galang

Ang Ating mga Magulang: Igalang, Mahalin at Pahalagahan

Ang ating mga magulang ay ang pinakamahalagang tao sa buhay natin. Simula
pagmulat ng ating mga mata hanggang sa panahong mayroon na tayong tama at sapat na
isipan ay kasama natin sila. Sila yung nagpapakahirap makaraos lamang ang pamilya sa pang-
araw-araw na mga pangangailangan. Ang ating mga magulang, gagawin lahat maibigay lamang
yung mga bagay na makapag-papasaya sa atin. Ang mga magulang ang siyang sumusuporta
sa atin ano man ang maging desisyon nating sa mga bagay-bagay at iba’t ibang aspeto ng
buhay. Sila rin ang gumagabay sa atin, parating nariyan matiyak lamang ang ating kaayusan.
Ang ating mga magulang ang gumagawa ng paraan makapagtapos lamang tayo ng pag-aaral.
Kahit anong hirap, titiisin nila para lamang sa atin. Sila rin yung unang taong parati nating
karamay sa mga oras na mayroon tayong problema na hindi nating magawang solusyonan ng
tayo lang. Ang ating mga magulang ang siyang lahat-lahat sa atin. Kung kaya’t mapalad yung
mga nabiyayaan ng kumpleto at masayang pamilya. Isang buong pamilya na magkakasama sa
hirap at ginhawa, lungkot at kasiyahan.
Ako, lumaki ng walang kinikilalang ina. Dalawang araw pa lamang ako dito sa mundo
noong ako’y kanyang iniwanan. Wala e, kinuha agad siya ng Panginoon. Ang nakakalungkot,
hindi man lamang ako nabigyan ng pagkakataon na masilayan ang babaing nagluwal at
nagbigay buhay sa akin. Hindi ko man lamang nakita ang maganda at maamong mukha ng
pinakamamahal kong ina. Hindi man lamang ako nabigyan ng pagkakataon na maiparamdam
sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Hindi rin ako nakapag-pasalamat para sa siyam na
buwan niyang paghihirap, pagtitiis at pag-aalaga sa akin sa loob ng kanyang sinapupunan.
Nakakalungkot!! Sobra. Napakaraming oportunidad sa buhay kasama siya ang agad ng nawala
sa akin. Kahit ano pa ang gawin ko, hindi ko na maibabalik ang mga pangyayaring nakalipas
na. Hindi ko rin maibabalik ang buhay ng yumao kong ina. Ngayon, ang kailangan ko na lang
gawin ay harapin ang bukas ng buong tapang at maluwag na tanggapin sa aking puso at isipan
ang katotohanang kahit kailang ay hindi na mabubuo pa ang aming pamilya. Kahit na pagbali-
baligtarin ko pa ang mundo, ang nakaraan ay tapos na at kailangan ng kalimutan. Ang dapat ko
na lang pagtuunan ng pansin ay kung anong meron ako ngayon. Ang aking ama! Siya na lang
ang nag-iisa at dapat kong ingatan. Oo, masasabi ko na hindi ako perpektong anak para sa
kanya. Nakagagawa ako ng mga kamalian ng buong puso ko namang inaamin. Minsan pa ay
nasasagot ko siya. Nakakalimutang igalang. Ano pa man ang mangyari at kahit sino pa man sa
amin ang tama sa mga bagay na aming pinagtatalunan, siya pa rin ang aking ama. Kailangang
irespeto at hindi na dapat akong sumagot pa. Unawaan na lang kumbaga para magkasundo at
wala ng pagtatalo pa. Sa napakaraming beses nang ako’y nagkamali sa mga desisyon na aking
ginawa, siya lang ang nakapag-tama! Siya lang ang nakatulong.

You might also like