Professional Documents
Culture Documents
Pangkat 7 Civil Engineering BUOD AT SINTESIS
Pangkat 7 Civil Engineering BUOD AT SINTESIS
Pangkat 7 Civil Engineering BUOD AT SINTESIS
Ayon naman kay Sanderson (2019), ang trabahong isinasagawa ng isang arkitekto
ay nangangailangan ng isang maayos at magandang mekanikal na lapis upang
maisagawa ng mabuti ang kanyang mga iginuguhit na plano at disenyo. Mas malaki ang
naitutulong at benepisyo ng mekanikal na lapis sa mga arkitekto, kumpara sa normal na
lapis. Isa rito ay ang pagkakaroon nito ng sariling pambura sapagkat hindi maiiwasan na
magkaroon ng pagkakamali sa ginagawang trabaho ng isang arkitekto. Nabanggit din na
kumpara sa normal na lapis, ang mekanikal na lapis ay hindi na kinakailangang tasahan
at laging nakakaguhit ng pare-parehong laki ng linya sapagkat kung normal na lapis ang
gagamitin, maaaring mabago ang sukat at laki ng mga guhit dahil ito ay napupudpod.
Sa pananaliksik nina Awal at Sanderson, binigyang-diin ng dalawang awtor ang
kahalagahan ng paggamit ng mekanikal na lapis sa pagbuo at paglikha ng mga disenyo
at plano upang maisakatuparan ang isang konstruksyon. Anila, ang iba’t-ibang laki ng
mga tinta o graphite lead ng isang mekanikal na lapis ang dahilan kung bakit nakalilikha
ang mga arkitekto ng mga plano nang may presisyon at kahusayan. Sa pamamagitan ng
mga ito, mas nagiging komportable ang mga propesyonal sa paggamit at mas
naipapahayag nila ang kanilang mga inobasyon at teknik sa pagbuo ng mga disenyo. Sa
kabilang banda, sinabi ni Sanderson na nilikha ang mga mekanikal na lapis para lamang
sa mga propesyonal gaya ng mga arkitekto sapagkat ito ay direktang tumutugon sa
kanilang pangangailangan sa trabaho. Ito ay salungat sa pahayag ni Awal kung saan
ipinaliwanag niya na ang mga mekanikal na lapis ay maari ring magamit ng mga artist sa
paglalapat ng kanilang malikhaing istratehiya sa pagguhit o paggawa ng sketch.
Awal, A. (2021). The 5 Best Mechanical Pencils for Sketching. Kinuha sa https://www.c
ampuscareerclub.com/mechanical-pencils-for-sketching
Narwani, R. (2016). Reasons to Choose a Mechanical Pencil for Drawing. Kinuha sa https
://www.educationafter12th.com/best-mechanical-pencils-in-drawing/
Sanderson, A. (2019). Architect Pencils: 5 Best Mechanical Pencils for Architects. Kinuha
sa https://modernfuel.com/blogs/journal/architect-pencils-5-best-mechanical-pen
cils-for-architects-today
Mga Miyembro:
Alday, Asreen Aldressa
Gutierrez, Nhel
Malabanan, Mikayla
Vergara, Aleeza Margarette