Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1. Si Laurence ay nag-papakain ng mga baboy sa umaga at nag aararo rin ng palay tuwing hapon.

Sagot: Ang mali sa pangungusap ay “rin” na dapat ay “din” dahil ang salita ay nagtatapos sa
pantig na “ro”, kulang din ng gitling ang salitang nag-aararo.

2. “Ikaw din ang aani ng iyong pinag hirapan kaya naman ay mag rebyu kana

Sagot: Ang mali sa pangungusap ay “din” na dapat ay “rin” dahil ang naunang salita ay
nagtatapos sa malapatinig at kulang din ang pangungusap ng tandang padamdam na ginagamit
kapag nagpapahayag ng matinding damdamin.

3. Totoong nakakasawa ang paulit ulit na lutong bahay, ngunit higit pa diyan ang peligro at
perwisyong dala ng pagkain sa labas.

Sagot: Ang mali sa pangungusap ay “diyan” na dapat ay “riyan” dahil nagtatapos sa patinig ang
sinusundang salita at sa pagbabantas naman ay kulang ng gitling ang paulit-ulit at lutong bahay
dahil inilalagayang gitling kapag ang dalawang salita ay ipinag-kakabit.

4. Huwag kang magbulag-bulagan riyan masdan mong maigi ang estado ng ating bayan.

Sagot: Ang mali sa pangungusap ay “riyan” na dapat ay “diyan” dahil ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig at kulang din ito ng tuldok-kuwit na ginagamit sa pagtatapos ng
pangungusap.

5. Subukan natin ang husay ni jerome sa pagbabadminton bago natin siya tanggapin sa ating
koponan.

Sagot: Ang mali sa pangungusap ay “subukan” na dapat ay “subukin” dahil ang pinag-uusapan ay
kakayahan ni jerome at kulang din ng gitling ang pagba-badminton na inilalagay sa pagitan ng
dalawang pantig na pinaghahati.

6. Magiging epektibo ba talaga ang sinasabing blended learning sa mga estudyante doon sa mga
liblib na bayan

Sagot: Ang mali sa pangungusap ay “doon” na dapat ay “roon” dahil nagtatapos sa patinig ang
sinusundang salita at kulang din ng tandang pananong na ginagamit pangwakas sa mga
pangungusap na patanong.

7. Matiwasay din sana ang pamumuhay natin gaya ng bansang Singapore at New Zealand kung
naging mag maagap ang gobyerno.

Sagot: Ang mali sa pangungusap ay “din” na dapat ay “rin” dahil nagtatapos sa letrang y ang
sinusundang salita, kulang din ito ng tuldok o colon sa huli ng pangungusap.
8. Kundi mo tatapusin ang iyong thesis, babagsak ka

Sagot: Ang mali sa pangungusap ay ang “kundi” dahil ito ay kolokyal ng “kung hindi” ,kulang din
ng tandang padamdam ang pangungusap na ginagamit kapag nagpapahayag ng matinding
damdamin.

9. Tunay nga na magaling at masipag ang panganay na si Angel

Sagot: Ang mali sa pangungusap ay ang “tunay nga” na dapat ay “tunay ngang” dahil sinusundan
ng “na” ang “nga”, kulang din ito ng tuldok o colon sa huli na ginagamit kapag may lipon ng mga
salitang kasunod.

10. Sina jose escobar at eduardo escobar ang mga kapatid ni jeff escobar

Sagot: Ang mali sa pangungusap ay “sina” na dapat ay “sila” dahil tumutukoy ito sa pangngalang
pambalana, Ito din ay kulang ng tuldok o colon sa huli ng mga salita.

You might also like