Professional Documents
Culture Documents
Kabanata 1 El Filibusterismo
Kabanata 1 El Filibusterismo
Departamento ng Haiskul
S.Y. 2022-2023
I. Talasalitaan
II. Tauhan
Simoun - mayamang magaalahas na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan
Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
Ben Zayb- ang mamamahayag na nagsusulat para sa pahayagan.
Padre Irene- ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatag ng akademya ng Wikang Kastila. Siya rin
ay isang ningning ng mga kaparian
Padre Salvi- ang paring franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
Donya Victorina- tiyahin ni paulita gomez na mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang
Pilipina. Siya rin ay nag-iisang pakialamerang babae.
Don Custodio- Kilala rin sa tawag na "Buena tinta". Sa kanyang mga kamay nakasalalay kung
pahihintulutan ang Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas.
Padre Camorra- ang mukhang artilyerong pari
Padre Sibyla- Dominikang Pari
III. Buod
Isang umaga ng Disyembre, naglalayag ang bapor tabo sa ilog Pasig patungong Laguna. Nasa ibabaw ng
kubyerta ang mga makakapangyarihan na tao. Napapasama si Simoun sa mga mayayaman dahil kilala
nila ito bilang isang maimpluwensiyang alahero at naiimpluwensiyahan nito ang kapitan Heneral. Habang
pinagiinitan ng mga pasahero ang pagtutuwid sa paliku-likong ayos ng ilogy dahil sa kabagalan ng bapor
ay biglang nagsalita si Simoun. Iminungkahi ni Don Custodio na mag-alaga ng itik. Sinambit naman ni
Simoun na kailangan gumawa nang tuwid na kanal na magdurugtong sa lawa ng Laguna at sa Maynila.
Nagkasagutan sina Don Custodio at ang ilang prayle dahil sa magkaiba nilang mungkahi at mithiing
ipatupad. Ngunit ayaw ni Donya Victorina na makapag-alaga ng pato sa kanilang lugar dahil nandidiri
siya sa balot.
IV. Pagpapahalaga
Ang kabanata na ito ay mahalaga sapagkat ito ay nagpapakita ng sakit ng lipunan o nais nito
ipakita ang pamahalaan ng bansa. Ang bapor tabo'y larawan ng ating pamahalaan, ng ating
buhay at ng ating bayan na kung saan ang nasa ibabaw ay ang mga mayayaman o ang
mataas na uri ng tao habang ang mga nasa ilalim ay ang mahihirap o mababang uri ng tao.
Nais ipaalam ng kabanata na ito sa mga mamamayang Pilipino na ang pag-unlad ng ating
bansa ay kagaya ng isang bapor tabo sa kabanata, mahina at maraming balakid sa landas
kaya tayo ay dapat maging maingat upang maiwasan ang mga balakid sa daan.