Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mula noong 1987 hanggang ngayon ay hindi tinutupad ng administrasyon ang at ng kongreso ang

naturang tadhanang pangwika ng konstitusyon. Sa halip ang kabaliktaran ang nangyayari sa


katunayan ang pagpanig ng Korte suprema sa CHED Memo no. 20 ay isang malinaw na
palatandaan sa kabuang takbo ng utak ng ating mga opisyal sa pamahalaan. Sa kasalukuyang
estado ng wikang Filipino ay hindi na mapipigil ang paglaganap at paggamit nito bilang wika ng
buong bansa ngunit ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paraan upang mapigil o maantala ang
katuparan ng atas ng 1987 Konstitusyon. At kapag binalikan ang kasaysayang kasabwat noon pa ng
mga mambabatas at ng gabinete ang mga lider natin sa DEPED at sa CHED ang pinakamabigat na
hadlang sa PILIPINO bilang wika ng edukasyon ay ipinapanahon pa ng Resolution No. 73- 7 ng
National Board of Education noong 7 Agusto 1973. Ito ang tinawag na patakarang Bilingwal sa
edukasyon. Sa mga paliwanag ng mga linggiwistang Amerikano noon isang mainam na paraan ito
upang higit na maging episynete ang ating mga mag-aaral sa dalawang wika- ang katutubong Filipino
bilang wikang Pambansa at ang banyagang Ingles bilang wikang pandaigdig ngunit kapag tinitigan
ang implementing guideline na ipinalabas ng Department of Education and Cuture noong Hunyo 19,
1974 ay lilitaw ang makinasyon upang supilin ang Filipino sa larangan ng edukasyon. Lahat ng
reklamo ngayon sa estado ng Filipino sa lahat ng antas ng pagtuturo ay mauugat sa patakarang
Bilingwal sa edukasyon. PAANO?
1. Kunway pinalabas na pantay ang pagtuturo sa FILIPINO at INGLES bilang asignatura sa
elementarya at sekondarya ngunit nag umpisa ang paggipit sa FILIPINO sa pagpapagamit
nitong wikang panturo sa sumusunod na subjects. SOCIAL STUDIES, SOCIAL SCIENCES,
CHARACTER EDUCATION, WORK EDUCATION, HEALTH EDUCATION, and PHYSICAL
EDUCATION. Hindi nilinaw kung saan gagamitin ang Ingles ngunt nakasaad lamang na sa
unang taon ng implementasyon 1977-1978. Sinabi na English shall remain as medium of
instruction for all other courses. Ang ibig sabihin lahat ng subject hindi ipinatuturo sa FIlipino
ay ituturo sa INGLEs. Na ang ibig sabihin pa na ang lahat ng subjects sa agham at
matematika ay ituturo sa INGLES.
Sa dulo ng implementing order ay isinaad din na TERTIARY institution, Collegiate and
Graduate levels are given discretion to develops their own schedules of implementation
provided that by this school year 198. All graduates of tertiary curriculum should be able
to pass examination in English and or the Filipino for the practice of professions.

Hindi pa episyente ang Wikang Filipino sa agham at matematika at idinagdag pa na


lahat ng aklat at sanggunian sa agham ay nakasulat sa Ingles.

Hindi angkop na gamitin ang Filipino sa mga diskursong pandalubasan.

Walang mga Opisyal malawakan, matagalan, matimtimang programa para maihanda o


maiangkop ang Filipino sa sinasabing pangangailangang panedukasyon ng isang wika sa
pagtuturo. At walang maasahan na kasalukuyang administrasyon at kahit sa kasalukuyang
pamunuan ng Komisyon sa wikang Filipino o KWF. Ibinilanggo ng patakarang bilinggwal sa
edukasyon ang wikang Filipino sa kasalukyan nitong kasawian kaya dapat maging adhika.
Dapat ay iisa ang tuon mapalaya ang Filipino sa kinasadlakan nitong bilnanggoan
kailangan ng isang komprehensibong at sistematikong pang wika upang matupad ang
atas ng Seksyon 6 at 7 ng artikulo 14 ng 1987 Konstitusyon maliwanag na dapat
maraming gawin o isagawa ang gayong adhika

Pangangailangan sa Filipino ang buong palatuntunan sa saliksik. Malubha o mahina ang


saliksik na nakasulat sa Filipino. Bukod dito mayorya ng mga KOlehiyo at unibersidad
ang walang programa para hikayatin ang mag-aaral na gumamit ng Filipino sa saliksik
at pagsulat. Ang mga kumukuha ng kursong AB, BSE at BSEED sa Filipino ay kulang na
kulang sa kasanayan sa agham at sining ng saliksik kaya malimit na limitado sa
gramatika, retorika at panitikan ang paksa ng saliksik hanggang sa paaralang gradwado.
Kalidad na napakababa ng uri. Sa panahon pa ng Wika ni E.R Arceno Manuel tipong
produkto ng Malinaw na uri ng kamangmangan ang uri ng mga saliksik na kaniyang nabasa
noong sya nabubuhay pa lamang . Ang estado ng saliksik sa panahon ngayon ay sintomas
mismo ng mababa, mahinang antas at development ng Filipino bilang wika ng
edukasyon. Apektado nag naturang pananaliksik ang mismong performance ng mga guro sa
pagtuturo. Ang ibing sabihin dahil hindi sinanay na magsaliksik, malimit na parang loro laang
ang mga guro sa klase. Mga loro na nag mememorya lang ng nabasa sa textbook. Hindi
tumutuklas ng bagong kaalaman maidadagdag sa leksyon at maipampapasigle sa
classroom. Hindi naiiuugnay ang gramatika sa kabuang kultura ng Pilipinas o sa kabuang
mundo ng batang Filipino.
Walang kakayahang magsaliksik at walang inisyatibong magsaliksik ang ordinaryong guro
sa Filipino kung sya man ay nagtuturo ng panitikan ay nakapalimitado ng edukasyon niya sa
panitikang pambansa at sa paraan ng pagpapahalaga sa isang akdang pampanitikan. Kung
nagtuturo ng wika nakakulung siya sa natutunan sa kolehiyo. Wala siyang interes o
magbaybay sa pagbabagong panwika. Lalo naming walang siyang hilig bumili o bumasa ng
librong makapagpapalawak ng kaniyang pananaw sa wika at panitikan.
Negatibong attitude ng guro hinggil sa saliksik ay parang covid 19 na naghahawa sa mga
kabataan. Nagbubunga ito ng negatibo ring pagtingin ng mga estudyante sa wika, panitikan at
kulturang Filipino. Parang carrier ng virus ang mga guro dahil hindi epektibo ang guro.
Tumitihim sa mga kabataan na walang kwenta ang Filipino na kailangan lamang nila itong
pagdaanan dahil requirement. At sa gayon nagdudulot ngayon ng epedemya laban sa Filipino
bilang wika ng edukasyon. Sa maikling salita kailangan natin ng isang maagap na programa
para malinang ang wastong pagpapahalaga sa saliksik sa Filipino.
Parang values education na ang mga guro mismo ang dapat matuto sa halaga ng saliksik
sa kanilang propesyon. Kaugnay nito may mungkahi na ako ng pagbabago ng kurikulum ng
Filipino para sa paaralang normal. Mungkahi kong paghusayin, patindihin ang pagsasanay
sa pananaliksik para sa mga nais maging guro sa Filipino.
Para naman sa mga estudyante sa sekondarya at elementarya mag offer ng subject na
saliksik sa unang antas ng sekondarya at lagyan ng mga angkop na leksyon sa saliksik
ang mga grado sa elementarya. Samanatala mag re-tool, retraining sa saliksik ang mga
gurong nagtuturo na sa pamamagitan ng mga espesyal na seminar at palihan. Dapat
maging Aktibo ang PCEP sa bagay na ito kung maari ay magbigay ng intensibong pagsasanay
kung bakasyon sa mga rehiyon. Sa kabilang dako dapat bigyan din natin ng values education
ang mga opisyal ng edukasyon natin dapat hikayatin ang mga opisyal ng paaralang
tertiarya na ibukas sa Filipino ang pagsulat ng saliksik. Kung tutusin labag sa konstitusyon
ng maraming kolehiyo na ipagbawal ang pagsulat ng thesis at dissertation sa Filipino kung
susundin ang patakarang Bilingwal at Konstitusyon kailangan patas ang pagtingin sa Filipino
at sa Ingles. Di tulad ngayon na nangingibabaw ang Ingles at kinakalimutan ang Filipino kaya
dapat talagang magkaroon ng mga krusada ang mga alagad ng wika at kulturang Filipino
upang maisulong ang makabansang tungkulin ng isang wikang pambansa at kaagapay
nito masawata kundiman ganap na masugpo ang mga aktibidad na kontra Filipino sa panahon
ng pandemya. Dapat din magsagawa ng total Lockdown laban sa mga virus na kaaway ng
wikang pambansa. Isang siglo na nilang pinepeste ang wikang Filipino. Gayon man kaagapay
nito ang pagpapasigla sa lahat ng mga alagad ng wika at kulturang Filipino para laging
magsaliksik at tuklasin ang galing ng Filipino. Mapapansin ninyo na lagi kong isinasama ang
mga alagad ng kulturang Filipino sa mga alagad ng wikang Filipino. Sapagkat kailangan iisa
sila Ang wika ay bahagi ng kultura sa aking palagay nga ang wika ang pinakamahalagang
bahagi ng kultura at kaya hindi buo, baog at walang kaluluwa ang programang pambansa sa
kultura kung hindi nililingap ang wikang pambansa at ibang mga wikang katutubo. Kaya inuulit
ko nais kong pagpugayan ang Programa ngayon ng PCEP sapagkat binibigyan nito ng
wastong pagpapahalaga ang wika sa edukasyong pangkultura. Higit na yayaman ang panlaw
sa pambansang kultura, higit na magiging makatuturan ang pagpaplanong pangkultura kung
kabuluhang bahagi ang pangangalaga at pagsusulong sa wikang Filipino. Bilang wika sa
saliksik at edukasyon pangkultura. Matagal ng sinisira ng pesteng kaisipan ang ating mga
planong pangwika at pang kultura. Iwasto natin kahit ang ating mga sariling orentasyon laging
magadhika ng pambansa at makabansa at walang mabisang panlaban sa peste kundi isang
malusog at marangal na puso’t diwa.

You might also like