Kasaysayan NG Wikang Pambansa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

1935 - 1936

Upang magbigay ng kaalaman ukol sa kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa


Wika ang isinama sa ating Saligang Batas. Ito ay nakapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng
Konstitusyon noong ika-8 ng Pebrero, 1935.

Inaprubahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng


Wikang Pambansa na mataas ang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili
ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.

1937

Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Manuel Quezon,


ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay nakabatay sa Tagalog.

Ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat pinagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat
ito ay nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami
ng mga Pilipino.

1940

Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap (Executive Order) ang inilabas na nagtadhana


para sa paglalathala ng isang gramatika at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa.
Inihayag pa rin na ang wikang pambansa ay ituturo sa mga paaralan sa buong Pilipinas na
nagsimula noong ika-19 ng Hunyo, 1940.

Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana ng simula sa Hulyo 4, 1946. Ang


wikang Tagalog ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.

1954

Ipinauton ni Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang


Pambansa mula sa Marso 29 hanggang sa Abril 4. Pero inilipat ang petsa ng pagdiriwang sa
Agosto 13-19 tuwing taon.

1959

Tinawag na ‘Pilipino’ ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Sec. Jose Romero ng Kagawaran
ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tukuyin ang
pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.

1967 - 1968

Inilagda ni Pangulong Marcos Sr. ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga
gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay pangalan sa Pilipino.

Inilabas din ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng
pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay isinulat sa
wikang Filipino.

1973 - 1975

Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyon nagsasaad na gagamiting


midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng
paaralang pambayan o pribado at pagsisimula sa taong panuruan 1974 hanggang 1975.

Nilagdaan naman ni Sec. Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang


Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat
ng kolehiyo at pamantasan ng Pilipinas.

1987 - 1990

Ayon sa Saligang Batas ng Biak na Bato, ginawang wika ng rebolusyon ang wikang Tagalog.
(1987). Gagamitin din ang Wikang Filipino sa panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas

Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay inilabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon


Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng
pag-aaral ng Filipino.

Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga
paaralan sa mga piling asignatura. Ayon naman sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 81,
nagtakda ng Alpabetong Filipino na binubuo ng 28 letra.

1991 - 2000

Itinatag ang Komisyon ng Wikang Filipino, Nagtatakda ng 9 na yunits ng pangangailangan


sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon, Agosto ay taon-taon magiging Buwan ng Wikang
Filipino.
2001 - Present

Ang Rebisyon ang Alpabeto sa pagdagdag ng mga letrang C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Ang rebisyon


na ito ay pasamantalang ipinatigil ng Department of Edukasyon (DepEd) noong 2006.

Inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Borador ng ortograpiya ng Wikang


pambansa noong 2007. Sa susunod na taon ay inilabas nila ang gabay sa ortograpiya ng
Wikang pambansa (2008).

Nakapag Desisyon ng CHED (Commission on Higher Education) nabawasan ng anim na


units ng Filipino para sana sa mga papasok na kolehiyo noong 2018.

You might also like