Piedras Platas na makikita sa Bundok Tabor. Tanging ang magandang tinig ng ibong ito ang makapagpapagaling sa mahiwagang sakit ng hari ng Kahariang Berbanya. Haring Fernando @fernando
Ang butihing hari ng Kahariang Berbanya na nagkaroon
ng malubhang karamdaman. Ama nina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Reyna Valeriana @valeriana
Ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don Juan, Don
Pedro, at Don Diego. Don Pedro @pedro
ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna
Valeriana. Siya ang unang umalis at nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor. Don Diego @diego
Ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna
Valeriana. Nang hindi makabalik si Don Pedro ay siya naman ang sumunod na tumungo sa kabundukan upang hanapin ang ibong makapagpapagaling sa kanilang amang may malubhang karamdaman. Don Juan @juan
Ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna
Valeriana. Makisig, matapang, at may mabuting kalooban. Siya ang tanging nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor at nakapagligtas sa kaniyang dalawang kapatid. Donya Leonora @leonora
Ang nakababatang kapatid ni Donya Juana na bihag ng
isang serpiyente. Nang makilala siya ni Juan ay nahulog din ang loob ng binata sa kagandahang taglay ng dalaga. Donya Maria Blanca @maria
Ang prinsesa ng Reyno de los Cristales. Maraming taglay
na kapangyarihan. Dahil sa laki ng pag-ibig niya kay Don Juan ay tinulungan niya ito upang malagpasan ang mga pagsubok ng hari. Haring Salermo @salermo
Ama ni Donya Maria Blanca na naghain ng napakaraming
pagsubok na kinakailangang malagpasan ni Don Juan upang mahingi ang kamay ng dalaga.