Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines Student No: ________

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
Hukay Elementary School
Hukay, Calatagan, Batangas

PANGKALUSUGANG MODYUL PARA SA MAG-AARAL SA BAITANG 3

Pangalan: _____________________________________________________Petsa: ______________
Grade/Section: ______________________

Buod ng Nilalaman
1. Ang undernutrition at overnutrition ay maiiwasan kung alam natin ang Healthy Habits. Mayroong limang Healthy
Habits na matututunan ang iyong anak: Choose Nutritious and Varied Options, Manage Portions, Choose to Drink
Water, Play Actively and Enjoy Meals Together
2. Ang pinakamainam na paraan para maiwasan ang malnutrisyon ay ang pagkakaroon ng masustansya at balanseng
dyeta.
3. Ang Pinggang Pinoy ay nagpapakita ng inirekomendang food groups at tamang bahagi na magbibigay ng tamang
dami ng sustansya na kailangan ng ating katawan, sa ganoon ay maiwasan ang undernutrition at overnutrition.
4. Ang pisikal na gawain ay tumutulong upang mabuo ang matibay na buto at kalamnan at mapanatili ang malusog na
puso at baga. Nakakatulong ito para makontrol ang timbang sa pagtunaw ng sobrang pagkain.
5. Tubig ang pinakamainam na pang-alis ng uhaw. Ang kakulangan sa tubig ay sanhi ng pagkatuyot o dehydration na
may mga sintomas na: Sakit ng ulo, Hirap magbigay ng buong atensyon, Pagkahilo , Tuyong balat, labi at bibig,
Matigas na dumi, Madalang na pag-ihi at madilaw na ihi
6. Ayon sa pag-aaral, ang mga batang kumakain kasama ang kanilang pamilya ay mas mababa ang tsansa na
magkaroon ng malnutrisyon. Bukod pa, pinagbubuklod din nito ang ating pamilya.

LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na kaya ng iyong anak na:
1. Ilarawan ang limang Healthy Habits para sa maayos na nutrisyon.
2. Ipaliwanag kung paano maiiwasan ng Healthy Habits ang malnutrisyon.
3. Ipakita ang mga paraan kung paano makakamit ang maayos na estadong pangnutrisyon.

ATING SIMULAN
Ano ang mga bagay na ginagawa mo sa araw-araw upang maging malusog? Isulat ang mga ito sa ibaba. Maaari mong
hingin ang tulong ni Nanay, Tatay, Ate o Kuya na isulat ang mga ito.

__________________________________________________________________________

MAGBASA AT MATUTO
Ang unang habit ay Choose Nutritious and Varied Options. Kailangan natin ng
balanseng dyeta para magkaroon ng malusog na pangangatawan. Ang balanseng
dyeta ay naglalaman ng tatlong food groups – Go, Grow at Glow food – na dapat
kainin sa tamang dami kasama ng isang basong tubig o masustansyang inumin gaya
ng fortified milk.
Ang Go food ay nagbibigay ng lakas na kailangan natin para makapaglaro, magtrabaho at
gumalaw. Mayroon silang carbohydrates. Isipin mo ang iyong katawan na parang isang
kotse. Kailangan ng kotse ng gasolina para umandar. Sa parehong paraan, ang ating katawan
ay nangangailangan ng carbohydrates para gumalaw. Kung walang carbohydrates, madali
tayong mapagod.
Ang Grow food ay may protein na tumutulong para mapanatiling malakas at malusog ang
ating kalamnan at buto. Ang protein din ang tumutulong sa paggaling ng mga sugat.
Ang mga prutas at gulay ay may vitamins at minerals at tinatawag din silang Glow food.
Ang Glow food ay tumutulong para mapanatili ang resistensya para hindi tayo madaling
magkasakit. Ang Glow food ay tumutulong para mapanatili ang magandang paningin pati na
ang malusog na buhok at balat.
Ang pangalawang Healthy Habit ay Manage Portions.
Ang Ipinapaalala ng Pinggang Pinoy®kung ano ang dapat
nating kainin sa bawat meal at kung gaano karami ang bawat pangkat ng pagkain.
Sundin lamang ang Pinggang Pinoy® bilang gabay para malaman kung gaano
karaming Go, Grow at Glow food ang kailangang kainin. Kalahati ng pinggan ay
dapat maglaman ng prutas at gulay (Glow food), na may mas madaming gulay kaysa
prutas. Ang kabilang hati ng pinggan ay dapat maglaman ng kanin o grains (Go
food) at pagkaing may proteins (Grow food), na may mas maraming grains kaysa protein.
Ang pangatlong Healthy Habit ay Play Actively.
Ang paggugol ng mahabang oras sa panonood ng TV at paglalaro ng video games
ay hindi maganda para sa katawan. Ang ating katawan ay nangangailangan ng
gawain para maging malusog at malakas. Ang pisikal na ehersisyo ay di lamang
nauukol sa palakasan o paglalaro. Ito rin ay tungkol sa paggawa ng gawaing bahay
o ang paggugol ng oras sa labas kasama ang pamilya – kahit anong gawain na may
kasamang paggalaw.
Tayo ay napapagod sa pisikal na gawain. Kailangan nating muling magpalakas gamit ang pagkaing
nagbibigay-lakas at malusog na inumin gaya ng chocomalt milk drink. Ang chocomalt milk drink ay naglalaman ng
gatas bilang pangunahing sangkap. Ito ay mataas sa vitamins B2, B3, B6, B12, C at iron na tumtulong upang mailabas
ang enerhiya mula sa fats, protein at carbohydrates na ating kinakain.
PANUTO: Itala ang mga gawain na maaari mong gawin para maging aktibo at makagalaw ang iyong katawan.
_______________________________________________________________________________________________

Tumutulong ang pisikal na gawain para tayo ay pagpawisan at kailangan nating palitan ang
tubig na nawala sa ating katawan. Ito ang dahilan kung sa pagtalakay ng susunod na Healthy
Habit: Choose to Drink Water and Milk.
Kahit na hindi tayo aktibo, pinapawisan pa rin tayo. Kailangan nating palitan ang tubig na
nawala sa ating katawan kapag tayo ay pinagpapawisan.
Ilang baso ng tubig ang dapat mong inumin araw-araw? Ang mga batang may edad na 6–9
taong gulang ay dapat uminom ng higit sa 6 na baso ng tubig sa isang araw.
Kapag hindi tayo nakakuha ng sapat na tubig, maaaring: Sumakit ang ulo, mahirapan magbigay ng atensyon, mahilo,
matuyo ang balat, labi at bibig, at magkaroon ng matigas na dumi at madilaw na ihi.
Tandaan: Kung ikaw ay nauuhaw, ito ay senyales na unti-unti kang nawawalan ng tubig. Huwag paabutin na
nauuhaw bago uminom ng tubig.

Kailan ang pinakamainam na panahon para uminom ng tubig? Maliban sa pag-inom ng tubig pagkatapos maglaro,
kalian pa dapat nating tandaang uminom ng tubig?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
Ang ika-limang Healthy Habit ay Enjoy Meals Together.
Mainam na kumain kasama ng pamilya. Ang pagkain kasama ang pamilya ay
nakakatulong bumuo ng matibay na relasyon at nakakatulong buuin ang tamang gawi
ng pagkain.
Maliban dito, kailangan nating sundin ang tamang gawi ng pagkain para maging
masaya ang oras kasama ng ating pamilya.

Tandaan:

Ang pagpapakita ng
tamang pag-uugali tuwing
oras ng pagkain ay
nagpapakita na ating
pinahahalagahan ang
ating kapamilyang
naghanda ng pagkain.

HALINA’T MAG-ISIP
Hikayatin ang iyong pamilya na kumain nang sabay-sabay. Ito ay mahalagang gawi nang dapat sanayin dahil pinapatibay nito ang
samahan ng pamilya, itaguyod ang tamang pag-uugali sa pagkain at ang pansariling-kagalingan. Ano pa ang ibang bagay na maaari mong
gawin para pasayahin ang oras ng pagkain kasama ng iyong pamilya?

_______________________________________________________________________________________________________________

SUBUKAN ITO! Nakakalimutan mo bang uminom ng 6 o higit pang baso ng tubig araw-araw? Gumawa ng Pang-
araw-araw na Paalala. Pumili ng 6 na beses sa maghapon na maaalala mong uminom ng tubig. Iguhit ang larawan ng
gawain na iyong gagawin sa oras na iyon. Halimbawa, kung madalas kang nagigising ng 6 am, iguhit ang oras sa
orasan at ang larawan mong gumigising para maging paalala na uminom ng tubig pagkabangon mo sa umaga.

You might also like