Bighani MIRANDA

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bighani

Bighani. Karaniwang lumalabas sa mga talatinigan at mga tesauro na ito ay kasing kahulugan
lamang ng salitang akit. Ngunit kung susuriing mabuti, ito ay may malalim na ibig sabihin. Sa
wikang Ingles maaaring isalin ito sa salitang awe na nangangahulugang pagkamanghang may
halong takot. Base sa depinisyong ito, maaaring sabihin na ang pagkabughani ay pinagsama
samang karanasan ng pagkatakot at pagkaakit.
Sa pagkabighani, hindi lamang naaakit ang tao bagkus mistulang wala siyang kalaban-laban
habang niluluom siya ng hiwaga at karilagan ng kagandahan at karikitan ng bagay o tao na
kanyang maibiging minamasdan. Sa pagharap ng tao sa hiwaga ng Kagandahan, Kabutihan, at
Katotohanan, ay parating may dalawang magkasalungat na nagtatalo. Tila wala kang kalaban
laban sa kapangyarihan o sa antas ng pag-iral na nasa harapan mo ngunit ang kapangyarihang ito
ay bumabalot sa iyo na nagdudulot ng ibayong lakas. Iyong paghahangad na lumapit upang
mapagmasdang mabuti ang kagandahan at ang takot sa pagiging ‘di-karaptdapat na masilayan
ang hiwagang taglay ng kagandahan. Ito ay ilan lamang sa mga madaming pagkakasalungat na
nagtatalo sa isip ng tao habang siya ay nabibighani.
Kagaya ng takot at akit, ang pagiging kabigha-bighani ng isang bagay o tao ay hindi
nababawasan sa ganang sarili niya bagkus ang pagkabighani ng taong tumitingin ang
nababawasan at maaari ding mapawi. Sabi nga ni Santo Tomas de Aquino, familiarity breeds
contempt. Kapag naging karaniwan na lamang ang mga bagay na kinabibighanian natin
nawawalan na ito ng saysay sa atin sa kabila ng kagandahan, kabutihan, at katotohanang taglay
nito. Ang nakakabighani ay nakakabighani sapagkat siya ay kakaiba at nakabukod sa mga bagay
na pangkaraniwan. Kapag nawala na ang maibiging- pagtingin ng isang tao sa nakakabighani
nawawala na din ang pagkamangha. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay totoo ang sinabi ni
Santo Tomas.
Maaari din kasi na ang pagkabighani sa isang bagay o tao ay lalo pang lulalim at yumaman
kapag madalas niyang nakakadaupang palad at nararansan ito. May mga bagay na kapag lalo
mong gustong matuklasan ang hiwaga sa likod ng pagiging kabigha-bighani nito, lalo pang
umiigting ang pagnanasa na halungkatin ang hindi masagot sagot na katanugnan ng kahiwagaan
ng pagiging kabigha-bighani. Kagaya ito ng isang balon na sa pagsalok dito, lalo namang
lumalalim ang tubig. Ang pagkabighani ay nakaugat sa pag-ibig. Para itong kislap na kinalaunan
ay nagiging apoy na tutupok sa puso ng isang umiibig. Kung ang pagkabighani ay nakaugat sa
pagka-kakaiba ng isang tao, gayun din naman ang pagkabighani ang nagbubunsod upang ibigin
ang isang tao kung sino o ano siya.
Ang nagmamahal hindi dahil sa kung ano o sino talaga ang kanyang iniibig ay nawalan
na ng pagkabighani sa kanyang iniibig. Kung ang pag-ibig ay nakaugat lamang sa kung ano ang
kaaya-aya lamang sa ating pandama ay hindi pag-ibig sapagkat ang ang pag-ibig ay ang
pagpapalalim ng pagkamangha at pagkabighani sa pagka-kakaiba ng minamahal. Ang pagka-
kakaiba ng isang tao ang humahalina sa isang tao na maakit at mabighani. Kung walang bighani,
walang pagkakakilala sa pagka-kakaiba ng bawat isa, kung walang pagkakakilalang ito ay
walang pagkakakilala sa kagandahan at kabutihang taglay ng iba ay hindi maaaring umibig ang
isang tao na bulag o manhid sa katotohanang ito. Kung walang pagkabighani, paano pa niya
makilala ang Kataas-taasang umiiral at yaong laan sa Diyos? Tanging ang pusong marunong
mabighani lamang ang makakatuklas sa Diyos.

You might also like