Rickniel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang pananakop ng Espanyol sa Pilipinas ay isa sa pinakamahirap na pananakop na naranasan ng mga

Pilipino laban sa mga dayuhang mananakop. Ang mga Pilipino ay ginawang mga alipin sa sariling bayan
at hindi pinatikim ng kaginhawaan mula sa sarili nitong likas na kayamanan. Tunay ngang nakalulungkot
ang pinagdaaanan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila, inalisan sila ng karapatan at kalayaan sa
sariling bayan. Ang pananakop ng mga Kastila ay masasabing panahon ng pagmamalabis at kalupitan. Sa
loob ng mahigit labing-pitong dekada ay nagtiis, nakipaglaban at nagbuwis ng buhay ang mga bayaning
Pilipino upang makawala at makaligtas sa mga pang-aapi at makamit ang kasarinlan at kalayaang
hinahangad at pinapangarap.

Ang mga Espanyol ay maraming dahilan ng pananakop sa Pilipinas kabilang na dito ang misyong
manakop ng mga lupain sa daigdig at isa na rito ay ang hangaring masakop ang Pilipinas. Sinakop ng
mga Kastila ang Pilipinas upang makatuklas ng mga ruta patungong Silangan. Isa rin itong bahagi ng
pagkakatuklas ng mga lupain noong ika-15 hanggang ika-16 na siglo at dahil sa pampulitikang hangarin.
Ngunit ang pinakang dahilan ng mga Kastila sa pananakop ng Pilipinas ay upang maipalaganap sa bansa
ang relihiyong Kristiyanismo.

Marami ring naging epekto ang pananakop ng mga Espanyol sa ating bansa , napagkaitan ng kalayaan,
katarungan at maayos na pagtrato sa karapatang pantao ang mga Pilipino. Mas tinangkilik ng mga
Pilipino ang mga imported na mga produkto dahil sa kaisipang kolokyal. Napigilan rin ang pagpapaunlad
ng agham at teknolohiya ng bansa. Hindi naging makatarungan ang pagtuturo dahil nabigyang diin ang
pagtuturo ng relihiyon. Pinaglayo ang antas ng pamumuhay, mas iniangat ang mga mayayaman at
ginawang alipin ang mga mahihirap. Dahil sa mga epekto ng pananakop ng mga Espanyol sa mga
Pilipino, nagkaroon sila ng tapang, nagkaisa at nagtulungan ang mga bayaning Pilipino na handang
ibuwis ang kanilang buhay upang makawala sa mga mapang-aping mga dayuhan at upang makamit ang
kasarinlan.

Ang isa sa mga pinakakilalang manlalayag sa Europa na nakarating sa Asya ay si Ferdinand Magellan. Sa
kanyang paglalayag ay dala ng kanyang pangkat ang limang barko:Trinidad, San Antonio Santiago,
Concepcion, Victoria

Mga Estratehiya sa Pananakop ng mga Espanyol Ang ganap na kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas ay
natupad lamang ni Miguel Lopez de Legazpi. Nagtatag siya ng unang permanenteng pamayanan sa Cebu
matapos talunin si Raja Tupas (Abril 1565). Noong Hunyo24, 1571, itinatag ang Maynila bilangpunong-
lungsod ng Espanya sa Pilipinas.

Ang ebanghelisasyon ay mapayapang paraan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ito


aykinakatawan ng krus. Ang kolonisasyon naman ay paggamit ng puwersa at lakas-militar. Ito ay
kinakatawan ng espada.

Sa paggamit ng mapayapang paraan, napalapit ang loob ng mga Pilipino sa mga dahuyang mananakop.
Tinawag ng mga Espanyol ang mga Pilipino noon bilang di-sibilisado,barbaro, at pagano. Ang mga
Pilipino noon ay nakatira sa mga lupaing kaibasa Espanya kaya’t tinawag na barbaro odi-sibilisado.
Tinawag ding infieles opagano ang mga Pilipino dahil wala silang pinaniniwalaang diyos noon.

Patakarang Espanyol na Bumago sa Pamayanang Pilipino Gobernador-heneral ang pinakamataas


napinunong Espanyol sa Pilipinas. Ito ang kumakatawan sa hari ng Espanya sa Pilipinas. Siya aymay
kapangyarihang panghukuman, pangmilitar, at panrelihiyon. Siya rin ang presidente ng Real Audiencia o
Kataas-taasang Hukuman sabansa. Ang kapangyarihan bilang tagapagbatas ayhindi hawak ng
gobernador-heneral. Ito ay nasailalim ng Consejo de las Indias na nasa Espanya.Pero dahil sa cumplase,
binibigyan anggobernador-heneral ng karapatan na hindi ipatupadang mga batas na pinagtibay ng
Consejo de las Indiaskapag hindi ito akmas sa bansa.

Sa pamahalaang lokal, alcaldemayor ang namumuno sa mgaalcaldia o probinsiya. Nasa ilalimnito ang
gobernadorcillo na pinunong pueblo. Cabeza de barangaynaman ang tawag sa pinuno ngbarangay.
Mayroong mga bayan oprobinsya na di ganap na mapayapa. Itoay tinatawag na corregimiento
napinamumunuan ng corregidor.

Entrada, Reduccion, at Doctrina Ito ay mga patakaran ng Espanyol paramagkaroon ng sentro na


magsisilbing siyudadang pamayanang Pilipino. Una, ang entradaay ginagawa sa paggamit ng lakas-militar
paramasakop ang mga katutubong komunidad.Pangalawa, ang reduccion ay ang pag-iiponng mga tao sa
iba’t ibang barangay sa iisang sentro na tinatawag na cabecera. Pangatlo,ang mga paring misyoneryo
naman angnagpapatupad ng doctrina.

Ito ay paghahandasa pagtatayo ng parokya.

Sistemang Encomienda Encomienda ang tawag sa mgalupaing ipinagkakatiwala ng mga Espanyol samga
tao. Ang tawag sa tumatanggap ngencomienda ay encomendero.Polo y Servicio Personal Ito ay
tumutukoy sa sapilitangpagbibigay ng serbisyo para sa hari ngEspanya. Ang mga kalalakihang nasa
edad16-60 ang pilit na pinagtatrabaho sa loob ng 40 araw sa isang taon. Ito ay tinatawag dingprestacion
personal.

Polista ang tawag sa mga nagbibigayng serbisyo.Tributo Ito ang tawag sa pangkalahatangbuwis na
ipinapataw ng mga Espanyol samga Pilipino noon. Nang tinanggala angtributo, pinalitan ito ng cedula
personal.Ang paniningil dito ay nakabatay hindi sa edad kundi sa laki ng kita.

Patakarang Pangkabuhayan na Bumago sa mga PilipinoBandala Ito ang sapilitang pagbebenta ngilang
produkto tulag ng niyog at bigas sapamahalaan. Ang pamahalaan ang nagtatakdasa presyo ng produkto
na mas mababa sa orihinal na presyo. Naging kahulugan nitoang pagsamsam ng pamahalaan samga
produkto o kalakal.

Monopolyo ng Tabako Sapilitang itinakda ang ilang lugar sa bansabilang eksklusibong taniman ng
tabako. Bilang monopolyo, tanging sa gobyerno lang maaaringibenta ang mga tabako sa presyong
itinakdanito.Kalakalang Galleon Ito ang kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco, Mexico sa
pamamagitan ng barkongtinatawag na galleon. Ito ay tinawag dingKalakalang Manila-Acapulco. Ang
Kalakalang Galleon ang naging tagapag-ugnay ng Pilipinas sa Kanluran. Dahil dito, nagkaroon ng
pagpapalitan ngmga halaman at hayop sa pagitan ng Silangan atKanluran.

Mga Reaksiyon at Pagtutol ng mga Pilipino sa Pananakop Hindi pareho ang reaksiyon ng mgaPilipino sa
pananakop ng mga Espanyol. May mga nag-alsa o naglunsad ng rebelyon ngunit mayroon ding sumang-
ayon atnakipagsabwatan. May mga Pilipinong tinanggap nangbuong-buo ang kulturang
Espanyol(akulturasyon). May mga Pilipino ring iniangkop ang bagong kultura sa katutubongkulta upang
makabuo ng isang panibagongkultura (asimilasyon).

Mga Pag-aalsa Bilang Pagtutol sa Pananakop Iba-iba ang mga pag-aalsang naganap sabansa dahil sa
pananakop ng mga dayuhan. Pinamunuan ni Lakan Dula atSulayman ang pag-aalsa sa Maynila
(1574)para hilingin sa mga Espanyol na malibre sila pagbabayad ng buwis. Isang panrelihiyongpag-aalsa
naman ang ginawa ni Tamblot saBohol (1621) para ibalika ng kanilang mataas na katayuan sa lipunan. At
si Bankaw naman ay sinubukang ibalik ang katutubong relihiyon sa Limasawa (1622).

Si Apolinario de la Cruz o Hermano Pule naman ay nag-alsa sa Tayabas (1841) dahilsa diskriminasyon ng
mga prayle sa mga Pilipino sa pagpapatupad ng Kristiyanismo. Hindi tinanggap ngmga prayle si De la
Cruz bilang pari. Dahil dito,itinatag niya ang kapatiran na Cofradia de SanJose na nakapaghikayat ng mga
miyembro. Ang pinakamahabang pag-aalsa naman ay pinangunahan ni Francisco Dagohoy ng Bohol.Ito
ay dahil tinanggihan ng prayleng bigyan ngKristiyanong libing ang kapatid ni Dagohoy nanamatay sa
duwelo. Naganap ang rebelyon noong1744-1829 at tumaggal ng 85 taon.

Hindi rinnaging priyoridad ng mga Espanyol na sakupin angmga katutubong nakatira sa kabundukan.
Tinawag ng mga Espanyol ang mga Muslimnilang moro o moors. Sinimulan nila ang pagsakop saSulu
(1578) at sinunod naman nila ang Maguindanao(1579). Nang matalo ang pinuno ng mga Muslim(Datu
Dimacasnay at Buisan) ay napilitan silang makipagkasundo sa mga Espanyol.

Kawalan ng Diwang Makabansa: Sanhi ng Kabiguan Higit sa 300 pag-aalsa ang nagawa ng mgaPilipino sa
bansa. Kawalan ng pambansang pagkakaisa ang sanhi ng pagkabigo ng mgaPilipino. Hindi pa nagigising
ang damdamin ngnasyonalismong Pilipino. Karaniwang pansarili,pangrelihiyon, at pamprobinsiya lang
ang dahilanng mga pag-aalsa. Bunga nito, maituturinglamang na patriotismo o pagmamahal sapartikular
na lugar ang nagbuklod sa pag-aalsa athindi pa matatawag na makabansa o nationalist. Ang ilan sa mga
patriot ay sina Dagohoy, Diego Silang, at Lapu-lapu.

You might also like