Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Rodalyn C.

Barro- BEED1
Guro: Josefina Pardo
MAIKLING KWENTO

“ANG MATALIK KONG KAIBIGAN”

Ang Matalik Kong Kaibigan


Tulad ng nakagawian kong gawin, pagkarating ko sa bahay mula sa paaralan, hinanap ko ang
pahayagan. Ipinatong ko ang pagod kong mga paa sa bangkito at inumpisahan kong basahin
ang kolum ni George Nava True tungkol sa kalusugan at mga sakit sa katawan.

Sunod kong tinunghayan ang Entertainment at pagkatapos nito, sinulyapan ko ang mga
pangalan ng mga namatay sa obituary. Laking gulat ko na lang nang makita ko ang pangalan
ng aking matalik na kaibigan. Bigla akong tumayo na nanikip ang dibdib. Sinabi ko kay Nanay
na namatay si Richard at pupuntahan ko agad sa St. Peter's Chapel kung saan siya nakaburol.
Sa St. Peter's, sinabi sa information na sa huling silid sa kaliwa naroon ang aking kaibigan.
Sa pagpasok ko pa lamang sa silid ay nakita ko na agad ang iba naming kabarkada. Puro sila
malungkot at halos maiyak-iyak. Di ko mapigil ang aking luha habang minamasdan ko ang
mukha ni Richard sa loob ng kabaong. May mga tapal ang kanyang pisngi at noo. Lumapit sa
akin ang kapatid niyang si Kristine. "Nabundol ng trak ang kotseng sinasakyan niya."

"Saan nangyari ito?" ang tanong ko.


"Sa may Magallanes Village, sa Expressway, noong Sabado. Wala ngang nakakita kung anong
plate number ng truck. Hit and run ang nangyari."
"Nanghina ako nang mabasa ko sa pahayagan ngayong hapon. Nagmadali nga akong
pumarito," ang wika ko. Isang mabait at masayang kaibigan si Richard. Marami siyang
kaibigan, mahirap at mayaman. Buhat pa ng maliliit kami ay magkaibigan na at madalas
magkasama, nagbabasketball, namamasyal, nagsisimba, at iba pang gawain ng mga bata.

Bakit kaya siya binawian agad ng buhay? Labimpitong taon pa lamang siya. Marami pa sana
siyang magagawa at matutulungan. Nasabi ko tuloy sa sarili na hindi nga pala nakatitiyak ang
sinuman kung kailan daratihg ang kamatayan. Maaaring sa araw ding ito, o sa madaling
panahon.
Kailangang maging handa sa lahat ng oras. Kailangan ang paghingi lagi ng awa. at kaiinga sa
Diyos, at ang pagiging mabait.

Nakilibing ako kay Richard at sa tabi ng kanyang hukay ay ipinangako ko na gagawan ko ng


istorya ang buhay niya at ang ipapamagat ko ay "Ang Matalik Kong Kaibigan.

Ang Matalik Kong Kaibigan - Maikling Kwento - Pinoy Edition

Ang Hardinerong Tipaklong


Isang umaga, natigil sa pagdidilig si Mang Atong. Ano ang nangyari rito? Bakit kayo
nagkakagulo?Tanong ni Mang Atong. Dumating po si Tipaklong na gutom na
gutom.Kasama niya ang tropa at dito sila lumusong, sagot niIlang-Ilang.
Madaling-arawlumulusob ang mga iyonhabang masarap angkaniyang tulog.
Pinaalalaniya kay Aling Bebang nagisingin siya nang masmaaga kinabukasan.

Tahimik at malalimang idlip ng mga pananim.Dahan-dahan siyangnaglakad


papuntang gulayanhabang nagmamanman.

Maingay atnagkakagulo roon.Dito naman palanagpista ang mgatamad!

Hindi natulog si MangAtong nang gabing iyon.Walang mintis ang kanyangpatibong.


Habang kumakainng sariwang kangkong,nahuli si Tipaklong.Takbuhan naman ang
mgakasamang kampon.Huwag kang mag- alala, pakakawalan dinkita,sabi ni Mang
Atong.

Maawa ka na,magugutom ako dito.Huwag mo akong ikulong.

Kung papayag ka, pakakainin kita. Kakalagin ko narin ang tali ng iyong mga paa. Pero
magtrabaho ka,kapalit ng pagkain at pagtira.Bumilis ang takbo ng dugo ni
Tipaklong.Kahit ano, gagawin ko, malakas ang kanyangtugon. Binungkal niya ang
lupa at dinilig ang mga halaman.Tumutulong si Tipaklong kay Mang Atong araw-
arawmula noon. Naging kaibigan niya si Petsay,Talong,Sigarilyas at Okra. Kapag oras
ng pahingaynagkakantahan sila habang naggigitara siya.

Minsan silanginabutang ganoon niMang Atong. Sa isang kumpas, huminto anglahat.


Nakahanda silasa galit na akala.Ngunit, ngumiti iyon atnagsabing Magalingka palang
tumugtog.Kung magtatagal ka pa,ibibili kita ng gitara. Ngumiti ang mga mata ni
Tipaklong. Mula nooysumipag pa siyang lalo.

Laging nakatawa si Gumamela. Madalaskumakanta si Okra. Tuwi-tuwinay patalun-


talon siTalong. Kaagad-agad namang napapasayaw sina Petsayat Sigarilyas.Mula
noon, lalong dumami ang mgabulaklak niyang dilaw at bumilog ang kanyangmga
bunga. Lalong gumanda anghalamanan at gulayan ninaMang Atong at Aling
Bebang.Napansin ito ng mgataganayon ng Palong-Palong.Nagtataka rin sila kung
bakitlalo pang sumipag at lumakasang mag-asawa. Naging bukambibigtuloy sa
nayon. Gamot sapanghihina at pagtandaang pag-aalaga nghalaman.

Isang araw, kinausap ngmag-asawa si Tipaklong.Labis-labis na angpagsisilbi mo sa


aming hardin.Maaari ka nang umuwi kungibig mo, malungkot ang tinigni Mang
Atong.At hindi sapat angpasasalamat namin sapambihira mong sipag,dagdag ni Aling
Bebang.

Hindi ko gustongumuwi. Ito lang ang akingtahanan,malungkot ang tinigni


Tipaklong.Huhusayan kopa ang pag-aalaga sa mgahalaman. Pagkain koy
sigebawasan. Nalungkot ang mganakikinig na halaman. Ito na ang tahanan mo,kung
gayon, masayang tugonng mag-asawa. Pareho rin angpagkain ni
Tipaklong.Dadagdagan pa ang oras ngpahinga kung kailangan niya.Tumalon nang
tumalon satuwa si Tipaklong.
Bakit Mataas ang Langit

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin.


Bakit kaya tumaas ang langit? Narito sa kuwento na ito ang mga sagot. Si Maria at
ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto
at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang
suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay
maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag
siya ng kanyang nanay.

"Maria, magbayo ka ng palay," ang wika ng ina.

"Opo," ang sagot ni Maria, nguni't hindi siya kumilos.

"Maria, magmadali ka," ang tawag na muli ng matanda. "Wala tayong bigas na
isasaing."

"Opo, sandali po lamang," ang tugon ni Maria, nguni't hindi niya inaalis ang kanyang
tingin sa kanyang anino sa tubig.

"Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka," ang galit na galit na
utos ng matanda.

Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang
suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang kanyang nanay ay
dapat siyang sumunod nang madali. Nagbayo na siya nang nagbayo ng palay.
Pagkatapos ng ilang sandali, siya ay pinawisan.

"Napupuno ng pawis ang aking kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili.

"Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito sa langit
na noon ay mababang-mababa at naabot ng kamay. Samantalang siya ay nagbabayo
ay tinitingnan ang suklay at kuwintas.

"Kay ganda ng aking suklay at kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili.
"Pagkatapos na pagkatapos ko nang pagbabayo ng palay ay isusuot ko uli ang aking
suklay at kuwintas."

Sa gayong pagsabi ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay upang ito ay matapos at
maisuot niya uli ang suklay at kuwintas. Tumaas ng tumaas ang pagbuhat niya ng
halo at dumalas nang dumalas ang pagbagsak nito sa lusong. Umaabot na pala ang
dulo ng halo sa langit, nguni't hindi niya napapansin. Sa palay na ngayon ang kanyang
tingin. Tinitingnan niya kung malapit na siyang makatapos upang maisuot niya ang
suklay at kuwintas. Itinaas pa niyang lalo ang pagbuhat ng halo upang lumakas ang
pagbagsak nito sa lusong at nang madaling mabayo ang palay.

Sa bawa't pagtaas pala niya ng halo ay bumubunggo ang halo sa langit at sa bawa't
pagbunggo naman ay tumataas ang langit. Nang mapuna ni Maria ang nangyayari ay
mataas na ang langit. Tangay-tangay ang kanyang gintong suklay at kuwintas. Hindi
na niya maabot ang mga ito.

Tumaas nang tumaas ang langit. Tumaas din nang tumaas ang suklay at kuwintas.
Noong gabing yaon ay umupo si Maria sa may bintana at tinintingnan niya ang langit
na ngayon ay mataas na mataas na. Hinanap niya ang kanyang suklay at kuwintas.
Naroroon ang kanyang gintong suklay at siyang naging buwan. Ang mga gintong butil
ng kanyang kuwintas at nagkahiwa-hiwalay at siya namang naging mga bituin.

"Lalong maganda ngayon ang aking gintong suklay," ang wika ni Maria sa kanyang
sarali, "At anong kinang ng mga butil ng aking kuwintas!"

Source: https://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/bakit-mataas-
ang-langit/

"Ang ‘Aswang’ Sa Baryo Dekada Sitenta"

I-ilan lang ang mga nakatira sa Baryo Sitenta dahil sa sabi-sabi na may "aswang" raw
na nakatira sa baryo na iyon. Kabilang sa mga nakatira doon ay ang pamilya Cruz –
sina Mang Kaloy at Aling Cecilia at ang kanilang dalawang anak na sina Carlos at
CeBantog na "aswang" raw ang kapitbahay nila, si Mang Boy. Ngunit, kahit kailan,
hindi ito pinaniniwalaan ng pamilya Cruz dahil sa kabutihan na ipinapakita ng
matanda sa kanila.

Isang araw, may isang grupo ng kabataan na pumunta sa bahay ni Mang Boy.
Nagkataon rin na nasa bakuran sina Mang Kaloy at ang dalawa niyang anak na lalaki
naglilinis.

"Hoy aswang lumabas ka riyan! Iwan mo na ang baryo namin susunugin namin ‘tong
bahay mo," sigaw ni Elias, isa sa mga grupo ng kabataan.

"Elias! Ba’t ganyan ka magsalita sa matanda? Galangin mo naman siya," sabi ni


Mang Kaloy sa anak ng tindero sa baryo nila.
Umalis ang grupo ng mga kabataan bago pa man nakalabas si Mang Boy sa maliit
niyang bahay. Kinabukasan, usap-usapan sa baryo nila na nawawala si Elias at isa sa
mga kaibigan niya.

"Siguro kinuha sila ng matanda kagabi, nakakatakot na talaga ‘tong lugar


natin," sabi ng tindera sa maliit na tyangge.

Narinig nina Mang Kaloy ang usap-usapan ngunit panatag ang kalooban nilang mag-
asawa na walang kinalaman si Mang Boy sa pagkawala ng dalawang bata. Sina Carlos
at Cerio naman ay may kaunting duda at takot na.

Lumipas ang isang araw ng hindi pa rin nakikita sina Elias at ang kaibigan niya.
Nagplano ang mga nakatira sa Baryo Dekada Sitenta na gumawa na ng aksyon.

"Ano kaya kung ipagpatulog natin yung banta nina Elias sa matanda? Baka sakaling
ipakita na niya ang totoo niyang pagkatao," sabi ng isa sa mga residente doon.

Nagtipun-tipon sila ng madaling araw. Walang kaalam-alam ang pamilya Cruz sa


plano ng mga kapitbahay nila na sunugin ang bahay ni Mang Boy. Naisagawa nila ito.

"Carlos, Cerio gising! Nasusunog yung bahay ni Mang Boy, labas na tayo at baka
madamay yung bahay natin," sigaw ni Aling Cecilia habang ginigising ang dalawang
anak niya.

Lumabas ang pamilya at nakita nilang nag-aabang ang mga tao sa paglabas ng
tinatagurian nilang "aswang". Subalit, halos maubos na ang likuran na parte ng bahay
ni Mang Boy ay walang "aswang" na lumabas.

Ang lumabas ay isang matanda na mahinang-mahina na at halos hindi na makahinga


sa usok sa nasusunog niyang bahay. Sinalubong siya ni Mang Kaloy bago pa siya
bumagsak sa lupa.

Hinikayat ng pamilya Cruz ang mga tao na magtulong-tulong apulahin ang apoy.
Hindi makatanggi, ginawa ito ng mga taga Baryo Dekada Sitenta kahit medyo labag
sa kalooban nila.

Kinabukasan, dumating si Elias at ang kaibigan niya. Mula pala sila sa bayan may
pinuntahang kaibigan at hindi nakauwi agad. Sising-sisi ang mga taga Baryo Dekada
Sitenta sa ginawa nila kay Mang Boy.

Pinatira ng pamilya Cruz ang matanda sa bahay nila ngunit hindi rin ito nagtagal.
Labis na na-apektuhan ang kalusugan niya sa mga usok na nasimhot noong araw na
iyon at mahinang-mahina na siya.

"Maraming salamat sa hindi niyo paghusga sa akin sa kabila ng pananaw ng lahat ng


taga rito sa akin. Hindi ako ‘aswang’, sadyang ayaw ko lang na patulan yung mga
sinasabi nila dahil hindi naman totoo.
Inakala nilang may aswang sa Baryo na ‘to dahil paunti na ng paunti ang mga
nakatira dito at akala nila ay ako ‘yon dahil matanda na ako at nakakatakot para sa
kanila.

Ngunit ang totoo, ang mapanghusgang mga taga rito ang dahilan kung bakit umaalis
ang ibang mga taga rito para mamuhay sa kabilang baryo. Sana’y balang araw ay
hindi na ganito ang mga nakatira sa baryong mahal ko," sabi ni Mang Boy bago
pumanaw.

MAIKLING KWENTO: Ang "Aswang" Sa Baryo Dekada Sitenta (philnews.ph)

Ang Bahay Na Bigla Na Lang Nawala Isang Gabi

Nag-iisang anak nina Mang Kanor at Aling Pacita si Jose kung kaya’t ginagawa nila
ang lahat para dito. Nakatira ang maliit na pamilya sa isang baryo sa probinsya ng
Santo Tomas. Simula noong ipinanganak si Jose ay doon na sila tumira.

Hindi masyadong malaki ang bahay nina Jose pero palaging malinis ang loob nito
lalong-lalo na ang silid ng nag-iisang anak ng mag-asawa.

Kahit hindi man marangya ang pamumuhay nila, masasabing komportable ang buhay
na ibinibigay nina Mang Kanor at Aling Pacita kay Jose. Kaya lang, habang lumalaki
ay tumitigas ang ulo ng kanilang anak.

"Wala pa si Jose? Anong oras na," sabi ni Mang Kanor.

Dali-dali na bumihis ang mag-asawa at naglakat patungong baryo. Wala na kasing


masasakyan na dyip pag sumapit na ang alas diyes ng gabi. Sinundo nila si Jose sa
isang tyangge.

"Nagku-kwentuhan lang naman po kami ng mga barkada ko. Wala namang masama
doon, uuwi ako kung hindi man mamaya, e, bukas pag may dyip na," sabi ni Jose.

Walang nagawa ang mag-asawa. Hinintay nila si Jose malapit sa tyangge na


tinatambayan ng grupo niya hanggang magpasya ang magbabarkada na umuwi.

Padabog pa si Jose noong dumating na sila sa bahay nila habang ang ama’t ina niya ay
pagod kakalakad.

Nagpatuloy ang ganung ugali ni Jose. Palagi siyang sinasabihan ng mga magulang
niya na umuwi agad pagkatapos ng klase pero wala ito sa kanya hanggang isang gabi
ay dumating ang hindi niya inaasahan.

Mag-aalas onse na ng gabi nang dumating si Jose sa kanila. Malayo pa lang ay tanaw
na niya ang mga ka-baryo nila na nagsisitakbuhan papunta sa kanilang bahay na may
bitbit na balde.
"Jose ang bahay niyo nasusunog," sigaw ni Mang Tonyo, ang karpentero na nakatira
malapit sa kanila.

Natulala si Jose. Naalala niya ang bilin ng mga magulang niya na umuwi ng maaga at
nami-miss na nilang maghapunan kasama siya. Pumatak ang luha niya ng hindi niya
namamalayan.

Madaling-araw na ng naapula ang apoy. Halos kusina na lang nina Jose ang natira.
Hindi na rin makilala ang katawan ng mga magulang niya. Natagpuan ang mga ito sa
kanilang hapag-kainan.

"Tay, Nay patawad," ang nasabi ni Jose sa harap ng mga bangkay ng magulang niya
bago siya nagsimulang humagulgol.

MAIKLING KWENTO: Ang Bahay Na Bigla Na Lang Nawala Isang Gabi


(philnews.ph)

“Walang Sugat”

Nagbuburda si Julia habang magkaharap kay Tenyong. Pagkatapos, biglang dumating


ang kaibigan nitong si Lucas. Nagbalita siya na nadakip ang kanyang ama.

Sabi niya napagkamalan itong isang tulisan. Napatay ang kanyang ama na si kapitan Inggo at nais
ni Teyong na maghiganti kahit hindi ito gusto ng kasintahan na si Julia at kanyang ina na si
kapitana Puten.

Ngunit, ang dalawa ay walang nagawa. Nagkalayo sina Julia at Tenyong. At dahil
dito, may dumating namang mangliligaw si Julia, isang mayang nag ngangalang
Miguel. Sa pagalaon ay itinakda ang kanilang kasal kaya si Julia ay nagpadala ng
liham kay Lucas para ipaalam na siya ay ikakasal na. Ngunit, ang liham ay hindi na
sagot ni Tenyong dahil biglang nagkaroon ng labanan.

Ibinilin na lang ni Tenyong na dadalo siya sa araw ng kasal ni Julia. Inakala ni Julia
na patay na si Tenyong kaya labag man sa kanyang kalooban ay kaylangan niyang
magpakasal kay Miguel. Sa araw na mismo ng Kasal, dumating si Tenyong sa
simbahan na duguan na anyong mamatay na. Pagkatapos nito, pinatawag ang kura
upang makapangumpisal si Tenyong.

Ang huling kahilingan nito ay ikasal siya kay Julia. Pumayag naman si Tadeo ang
ama ni Miguel at Juana, ang ina ni Julia dahil mamatay rin naman si Tenyong at
makakasal rin ang kanyang anak.

Subalit, biglang bumangon si Tenyong at nag sigawang ang lahat ng Walang Sugat!
Walang Sugat! Nilinlan lang pala ni Tenyong ang lahat upang siya ay makasal kay
Julia.

You might also like