Ang kuwento ng Ibong Adarna ay isinulat bilang isang
korido o isang uri ng awit na mayroong walong pantig ang
bawat taludtod. Ang mga korido ay isinusulat noon bilang panalanging iniaalay sa Birheng Maria. Hindi matukoy kung sino ang tunay na nagsulat ng akdang ito na naging malaking bahagi ng panitikan ng Pilipinas. Ngunit sinasabing nagmula ang korido sa bansang Mexico at nakarating lamang sa Pilipinas noong 1610. Ang orihinal na pamagat ng Ibong Adarna ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. Kahit hindi isinulat ng isang Pilipino, niyakap ito ng marami dahil naangkop sa kultura at pagpapahalaga ng bansa ang takbo ng kuwento nito, kabilang ang pagmamahal sa pamilya, pagpapahalaga sa magandang ugnayan ng bawat miyembro, at ang pagiging mabuting anak. Kabilang din sa aral na makukuha sa korido ay ang pananampalataya. May haka-haka na ang manunulat na si Huseng Sisiw o Jose dela Cruz daw ang maaaring nagsulat o nagsalin nito ngunit walang makapagpatunay. Ang orihinal na bersiyong nakarating sa Pilipinas ay mayroong 1,056 na saknong at ang kabuuan ng aklat ay mayroong 48 na pahina. Dahil sa mga aral na makukuha sa korido ay ginawa itong kabahagi ng pag-aaral ng mga kabataan at isa sa mga akdang pampanitikang tinatalakay sa haiskul. Sinulat ng isa sa mga pinakadinadakilang manunulat sa kasaysayan ng Pilipinas na si Francisco ‘Baltazar’ Balagtas ang awit na Florante at Laura. Isinulat ito ni Balagtas noong 1838 o nang siya ay edad 50 na. Sinasabi ng mga historyador na ang orihinal na bersiyon ng awit at naisulat ni Balagtas sa wikang Tagalog habang ang mga unang kopya naman na muling inilathala ay nasa wikang Filipino at English na. Nawasak daw ang orihinal na kopya ng gawa ni Balagtas ngunit nakapagtago naman daw ang isang palimbagan ng kopya na ginagamit na batayan hanggang ngayon. Ayon din sa mga eksperto ng kasaysayan, ang Florante at Laura ay hango sa kuwento ng pag-ibig ni Balagtas. Siya raw si Florante habang si Laura naman ay ang sinisinta niyang si Maria Asuncion Rivera. Hindi naman nakatuluyan ni Balagtas si Asuncion at nakasal ang dalaga sa isang Mariano Capule na naging si Adolfo sa pamosong awit ni Balagtas. Ang masukal na kagubatan na kinaroroonan ni Florante ay hango naman sa gubat ng Quezonaria. Hindi rin Florante at Laura ang tunay na pamagat ng akdang ito Balagtas. Ito ay mayroong buong pamagat na “Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa Kahariang Albanya: Kinuha sa madlang cuadro historico o pinyurang nagsasabi sa mga nangyari nang unang panahon sa imperyo ng Gresya, at tinula ng isang matuwain sa bersong Isinulat ni Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere upang maging isang mabisang paraan sa paghihimagsik laban sa mga mananakop na Kastila. Nagkaroon ng inspirasyon ang 24 anyos na si Rizal na isulat ang kaniyang unang nobela nang mabasa niya ang mga aklat na The Wandering Jew, Uncle Tom’s Cabin, at ang Bibliya. Ang mga aklat na ito ang nagbigay ng lakas ng loob at ideya kay Rizal na ipagtanggol ang mga Pilipinong labis na nakararamdam ng pang-aalipusta sa mga mananakop. Upang labis na maging makatotohanan ang kaniyang nobela ay ninais niyang maisulat ang ilang kabanata nito ng mga kapuwa Pilipino na nakaranas ng labis na kalupitan mula sa mga dayuhan. Ngunit hindi niya ito naisakatuparan kaya naman siya na lamang ang nagsulat nito. Isinulat niya ang mga unang bahagi ng aklat noong 1884 sa Madrid at natapos ang ibang bahagi sa Paris noong 1885. Naisakatuparan naman ni Rizal ang nobela at tuluyang natapos noong 1887 sa Alemanya. Nang matapos ang nobela, ang pondo naman sa paglilimbag ang naging suliranin ni Rizal. Pinahiram siya ng salapi ng kaniyang kaibigang si Maximo Viola. Nang lumaganap sa bansa ang 2,000 kopya ng nobela, nakarating din ito sa mga Espanyol na labis na nagalit sa mga isinulat ni Rizal. Matapos isulat ni Jose Rizal ang kaniyang unang nobela na Noli Me Tangere, nakarating ito sa mga Kastila at hindi nagustuhan ang kuwento nito. Naging banta man ito sa buhay ni Rizal, dahil nakita niya ang epekto nito sa mga mananakop ay ninais niyang magsulat pa ng isang nobela na pagpapatuloy ng kuwento ng unang nobela—ang El Filibusterismo. Dahil sa galit ng mga Kastila ay umalis si Rizal sa Pilipinas at nagtungo sa Europa at doon sinimulan ang El Filibusterismo. Sa pagsusulat niya ng kaniyang ikalawang nobela, nagkaroon siya ng iba’t ibang inspirasyon na hango sa kaniyang mga kinahaharap na isyu sa buhay. Isa na rito ang pagpapahirap ng mga mananakop sa kaniyang pamilya sa Calamba at pagkuha ng mga ito sa lupain ng kaniyang mga kababayan. May tampok din na kuwento ng pag-ibig ang El Filibusterismo na dahil naman sa pagmamahal niya kay Leonor Rivera na hindi sila pinahintulutang ikasal dahil isang erehe na raw si Rizal ayon sa mga magulang ni Rivera. Nagkaroon din ng suliranin si Rizal sa paglilimbag ng aklat kabilang ang pananalapi. Pinahiram lamang siya ng pera ng kaibigang si Valentin Viola. Noong 1891 ay tuluyang natapos ni Rizal ang nobela at inilimbag ito noong 1891 at ipinamigay sa iba’t ibang bahagi ng Hong Kong at Europa.