Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

ANG BAGONG DAAN NG KRUS

ANG MGA ISTASYON NG KRUS


I. UNANG ISTASYON: ANG PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN
II. IKALAWANG ISTASYON: ANG PAGHIHIRAP SA HALAMANAN NG
GETSEMANI
III. IKATLONG ISTASYON: SI HESUS AY HINATULAN NG KAMATAYAN
IV. IKA-APAT NA ISTASYON: SI HESUS AY HINAMPAS AT KINORONAHAN
NG KORONANG TINIK
V. IKA-LIMANG ISTASYON: ANG PAGPASAN NI HESUS SA KRUS
VI. IKA-ANIM NA ISTASYON: SI HESUS AY NABUWAL
VII. IKA-PITONG ISTASYON: INATASAN SI SIMON NA PASANIN ANG KRUS
VIII. IKA-WALONG ISTASYON: NAGSALITA SI HESUS A MGA BABAE NG
JERUSALEM
IX. IKA-SIYAM NA ISTASYON: HINUBARAN SI HESUS
X. IKA-SAMPONG ISTASYON: PINATAWAD NI HESUS ANG MAGNANAKAW
XI. IKA-LABING ISANG ISTASYON: SI MARIA AT ANG MAHAL NA APOSTOL
SA PAANAN NG KRUS.
XII. IKA-LABING ISANG ISTASYON: SI MARIA AT ANG MAHAL NA APOSTOL
SA PAANAN NG KRUS.
XIII. IKA-LABING DALAWANG ISTASYON: ANG PAGKAMATAY NI HESUS
XIV. IKA-LABING TATLONG ISTASYON: ANG PAGLILIBING KAY HESUS
XV. IKA-LABING APAT NA ISTASYON: ANG PAGKABUHAY NA MULI NI
HESUS
PANIMULANG GAWAIN
Maikling Katesismo, paalala at orientasyon tungkol sa expektasyon at Kontribusyon ng lahat ng dadalo at
makikiisa sa taimtimna pagninilay at panalangin sa tinahak na Daan ng Krus ng ating Panginoong Hesus,
matubos lamang ang ating kasalanan at iyon ay dahil sa labis Niyang pagmamahal sa atin. Matapos ang
ito sasabihin na ng namumuno.

Namumuno: Tatayo po ang lahat at ating awitin.

We carry the saving Cross


By Rev. Fr. Manuel V. Francisco SJ

REFRAIN

We carry the saving Cross


through the roads of the world,
through the alleys of poverty and misery.
Marching to a dawning day
to freedom and victory,
to God’s life and endless glory

1
I. Christ, sent by God,
obedient to the Father’s will.
He leads the way of the Cross.

(REFRAIN)

II. Christ, Redeemer,


crowned with piercing thorns.
He leads the way of the Cross.

(REFRAIN)

Lider: Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo


Lider: Amen
Lider: O Diyos, halina at ako’y tulungan.
Lider: O Panginoon magmadali kasa Iyong pagdamay.
Lider: Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo
Lider: Kapara noong unang una ngayon at magpakailanman at magpasawalang
hanggan. Amen

PAMIBUNGAD NA PANALANGIN
Panginoon Hesukristo, babalikan namin ngayon sa aming mga puso at isipan ang
Iyong mapagpakasakit na paglalakbay patungo sa Kalbaryo upang maganap ang
pagliligtas mo sa amin. Aalalahanin namin, ngayon na ang Iyong paghihirap ay tanda
ng Iyong wagas na pag-ibig.
Ang Iyong pagpasan ng Krus ay salamin ng pag-ako Mo sa aming mga kasalanan. Ang
Iyong pagpapakasakit ay sukatan ng lyong pagpapatawad. Panginoon, sisimulan
naming ang pagtahak sa daan ng Krus. Pangunahan mo kami sa pagbagtas ng Iyong
mga yapak upang ito ay maisagawa ng may pagsisisi sa aming mga kasalanan at may
pagpapahalaga sa Iyong ipinamalas na pag-ibig sa amin. Amen.
UNANG ISTASYON: ANG PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN
Lider Sinasamba ka namin at pinupuri, Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Banal na Krus, tinubos Mo ang
Sanlibutan
(Luluhod gamit ang kanang tuhod habang sinasabi ang mga katagang Sapagkat sa pamamagitan….)

Pagbasa ng Ebanghelyo: Matthew 26: 26-30


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

2
Habang sila'y kumakain, dumampot si Jesus ng tinapay, at matapos magpasalamat sa
Diyos ay pinaghati-hati niya iyon, ibinigay sa mga alagad at sinabi, “Kunin ninyo ito at
kainin. Ito ang aking katawan.”

Pagkatapos, dumampot siya ng kopa, nagpasalamat sa Diyos at ibinigay iyon sa kanila.


Sinabi niya, “Kayong lahat ay uminom nito sapagkat ito ang aking dugo na katibayan
ng tipan[a] ng Diyos. Ito ang aking dugong ibinubuhos para sa kapatawaran ng
kasalanan ng marami. Sinasabi ko sa inyo, hindi na ako iinom nitong katas ng ubas
hanggang sa araw na inumin kong panibago na kasalo ninyo sa kaharian ng aking
Ama.” At pagkaawit ng isang himno, sila'y nagpunta sa Bundok ng mga Olibo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Short Silence (15 Seconds)


Reflection:
Ang pangunahing pangangailangan ng tao ay pagkain upang tayo ay patuloy na
mabuhay. Marami ang dumaranas ng kagutuman ngayon sa ating bansa subalit
kakaunti ang nangangahas na magbigay sa kanila ng pagkain Sa Ebanghelyo si Hesus
ay nagpakain ng mga nagugutom sa pamamagitan ng pagpaparami ng tinapay at isda.
Sa panahon natin ngayon, patuloy Niya tayong pinapakain ng Kanyang sarili sa
Eukaristiya Atin nawang maisabuhay ang ginawa sa atin ni Hesus, sa pamamagitan ng
pagbabahagi natin sa iba, upang sila ay mabuhay. Tanungin natin ang ating mga sarili,
Sa aking buhay naibabahagi ko ba si Hesus sa aking Kapwa?
Panalangin:
Manalangin tayo:
Panginoong Hesus Salamat po sa pagbibigay sa amin ng Iyong Sarili sa Eukaristiya.
Salamat po sa pagbibigay sa amin ng halimbawa sa paglilingkod at pagpapakumbaba.
Sa aming pagtanggap ng Banal na Kumonyon kami ay nagiging bahagi ng Iyong
Katawan, Ikaw ay sumasaamin at kami ay sumasaiyo.
Panginoon turuan at tulungan Mo kaming maglaan ng oras sa Iyo sa pamamagitan ng
madalas na Pagsisimba. Ihanda Mo kami sa pagtangap sa Iyong Banal na Katawan sa
pamamagitan ng pagtanggap namin sa Sakramento ng Kumpisal. Luwalhati sa Ama,
Sa Anak, at Sa Espiritu Santo. Kapara noong una-una, ngayon at magpakailanman at
magpasawalang hanggan. Amen.
Aawitin ang Taize Chant na (Jesus Remember me/ Sambahin ka Kristo Hesus) habang lumilipat
patungo sa susunhod na Estasyon

IKALAWANG ISTASYON: ANG PAGHIHIRAP SA HALAMANAN NG GETSEMANI


Lider: Sinasamba ka namin at pinupuri, Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Banal na Krus, tinubos Mo ang Sanlibutan

3
(Luluhod gamit ang kanang tuhod habang sinasabi ang mga katagang Sapagkat sa pamamagitan….)

Pagbasa ng Ebanghelyo: Matthew 26: 36-46


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Isinama ni Jesus ang kanyang mga alagad sa isang lugar na tinatawag na Getsemani.
Sinabi niya sa kanila, “Dito muna kayo't mananalangin ako sa dako roon.” 37 Ngunit
isinama niya sina Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo. Nagsimulang mabagabag at
maghirap ang kanyang kalooban, 38 kaya't sinabi niya sa kanila, “Ako'y halos mamatay
sa tindi ng kalungkutan. Maghintay kayo rito at samahan ninyo ako sa pagpupuyat!”
Lumayo siya nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin, “Ama ko, kung maaari po,
ilayo ninyo sa akin ang kopang ito ng paghihirap. Ngunit hindi po ang kalooban ko,
kundi ang kalooban ninyo ang mangyari.”
Nagbalik siya at dinatnan niyang natutulog ang tatlong alagad. Sinabi niya kay Pedro,
“Talaga bang hindi kayo makapagpuyat na kasama ko kahit isang oras man lamang?
Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y
nakahanda ngunit ang laman ay mahina.”
Muli siyang lumayo at nanalangin, “Ama ko, kung hindi po maaaring maialis ang kopang
ito malibang inumin ko, mangyari nawa ang inyong kalooban.” Muli siyang nagbalik at
nakita na naman niyang natutulog sila, sapagkat sila'y antok na antok.
Iniwan niyang muli ang tatlong alagad at siya'y nanalangin, at iyon din ang kanyang
sinabi. Nagbalik na naman siya sa mga alagad at sinabi sa kanila, “Natutulog pa ba
kayo at nagpapahinga? Dumating na ang oras na ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa
mga makasalanan. Bangon! Halina kayo, narito na ang nagkakanulo sa akin.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Short Silence (15 seconds)


Reflection:
Kapag ang tao ay malungkot, Kailangan niya ng karamay. Kailangan niya ng taong
magpapalakas ng kanyang loob at magpapakalma ng kanyang kalooban. Ngunit sa atin
ding pag-iisa lubusan nating makikita at makikilala ang ating sarili, ang ating kahinaan,
kalakasan, at kakayahan.
Kaya nga kung nararamdaman man natin na tayo ay nagiisa dapat hindi tayo mawalan
ng pag-asa sapagkat ang lahat ng bagay dito sa lupa ay pansamantala lamang. Tayo
ay inaanyayahan na isuko ang ating mga sarili upang tayo ay lubusang maging malaya
at masaya. Nawa, ating matularan ang ginawang pagsuko ng Panginoong Hesus sa
Kalooban ng Kanyang Ama: Ang mamatay sa Krus upang tayong lahat na makasalanan
ay mabuhay at magtamasa ng kaligayahang walang hanggan.

4
Panalangin:
Panginoong Hesus, dumating na ang sandali ng aming kaligtasan. Ang pag-aalay Mo
ng Iyong buhay ang siyang naging dahilan upang kami ay maibalik sa Diyos. Ang
pagsunod po ninyo sa kalooban ng Ama ay maging halimbawa nawa sa amin upang
kami ay lubos na manampalataya sa Iyo. Tulungan Mo kaming sundin ang kalooban ng
Ama hindi ang aming mga makasariling kalooban. Amen.
Luwalhati sa Ama, Sa Anak, at Sa Espiritu Santo.
Kapara noong una-una, ngayon at magpakailanmanat magpasawalang hanggan.
Amen.
Aawitin ang Taize Chant na (Jesus Remember me/ Sambahin ka Kristo Hesus) habang lumilipat patungo
sa susunhod na Estasyon

IKATLONG ISTASYON: SI HESUS AY HINATULAN NG KAMATAYAN


Lider: Sinasamba ka namin at pinupuri, Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sinasamba ka namin at pinupuri, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa
pamamagitan ng Iyong Banal na Krus, tinubos Mo ang Sanlibutan
(Luluhod gamit ang kanang tuhod habang sinasabi ang mga katagang Sapagkat sa pamamagitan….)

Pagbasa ng Ebanghelyo: Matthew 27: 15-26


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Nakaugalian na ng gobernador na tuwing Paskwa ay magpalaya ng isang bilanggo na
hinihiling ng taong-bayan. Noon ay may isang kilalang bilanggo na kilala sa kasamaan
na ang pangalan ay [Jesus] Barabbas. Nang magkatipon ang mga tao ay tinanong sila
ni Pilato, “Sino ang ibig ninyong palayain ko, si Jesus Barabbas, o si Jesus na tinatawag
na ‘Cristo’?” Alam ni Pilato na naiinggit lamang sila kaya nila isinakdal si Jesus. Bukod
dito, nang si Pilato ay nakaupo sa hukuman, nagpasabi ang kanyang asawa, “Huwag
kang makialam sa usapin ng taong iyan. Wala siyang kasalanan. Labis akong
nahirapan dahil sa aking panaginip kagabi tungkol sa kanya.”
Ang mga tao nama'y hinikayat ng mga punong pari at ng mga pinuno ng bayan[b] na
hilingin kay Pilato na si Barabbas ang palayain at si Jesus ay ipapatay. Muli silang
tinanong ng gobernador, “Sino sa dalawa ang nais ninyong palayain ko?”“Si Barabbas!”
sigaw ng mga tao. Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kung gayon, ano ang gagawin ko kay
Jesus, na tinatawag na Cristo?” At sumagot ang lahat, “Ipako siya sa krus!”“Bakit? Ano
ang nagawa niyang masama?” tanong ni Pilato. Ngunit lalo pang lumakas ang kanilang
sigawan, “Ipako siya sa krus!” Nang makita ni Pilato na wala siyang magagawa, at
malamang pa'y magkagulo, nagpakuha siya ng tubig at naghugas ng kamay sa harap
ng mga tao. “Wala akong pananagutan sa dugo[c] ng taong ito. Ito'y pananagutan
ninyo!” sabi niya. Sumagot naman ang mga tao, “Pananagutan namin at ng aming
mga anak ang dugo niya.”Pinalaya nga ni Pilato si Barabbas at ipinahagupit naman si
Jesus. Pagkatapos, ibinigay siya sa kanila upang ipako sa krus.

5
Ang Mabuting Balita ng Panginoon
Short Silence (15 seconds)
Reflection:
Sa ating buhay, madalas tayong manghusga ng ating kapwa. Hirap na hirap tayong
tanggapin ang katotohanan, madalas tayong tumatakas at nagpapanggap na inosente.
Madalas pa nga nating hinuhusgahan ang iba sa panlabas na anyo, hindi naman natin
lubos na batid ang laman ng kanilang mga puso. Madaming tao sa ngayon ang
nasasakdal dahil sa walang habas nating panghuhusga. Ang lahat ng ito ay naranasan
din ni Hesus. Tanungin natin ang ating mga sarili, Gagawin rin ba natin ito sa ating
kapwa?
Panalangin:
Manalangin tayo:
Panginoong Hesus, hinatulan ka ng kamatayan bagaman ikaw ay walang kasalanan.
Ikaw ay inusig at pinagbintangan, at itinuring na isang Kriminal. Subalit hindi ka
nagreklamo, tinanggap mo ang parusang hindi naman dapat sa Iyo. Salamat po sa
Iyong labis labis na pagmamahal, patawad po sa mga pagkakataong ikaw ay aming
muling inuusig sa tuwing kami ay nagrereklamo, nagsisinungaling, nag bibintang at
nananakit ng aming kapwa. Pagkalooban mo po kami ng tatag ng loob na ipaglaban
ang totoo at ingatan ang aming kapwa lalo na ang mga mahihirap. Amen.
Luwalhati sa Ama, Sa Anak, at Sa Espiritu Santo.
Kapara noong una-una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen

Aawitin ang Taize Chant na (Jesus Remember me/ Sambahin ka Kristo Hesus) habang lumilipat patungo
sa susunhod na Estasyon

IKA-APAT NA ISTASYON: SI HESUS AY HINAMPAS AT KINORONAHAN NG


KORONANG TINIK
Lider: Sinasamba ka namin at pinupuri, Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sinasamba ka namin at pinupuri, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa
pamamagitan ng Iyong Banal na Krus, tinubos Mo ang Sanlibutan
(Luluhod gamit ang kanang tuhod habang sinasabi ang mga katagang Sapagkat sa pamamagitan….)

Pagbasa ng Ebanghelyo: Matthew 27:27-31


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
 
Si Jesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa palasyo nito, at nagkatipon ang
buong batalyon sa paligid niya.  Siya'y hinubaran nila at sinuotan ng isang balabal na
matingkad na pula. Kumuha sila ng matitinik na baging, ginawa itong korona at
ipinutong sa kanya. Pagkatapos, pinahawak sa kanyang kanang kamay ang isang

6
tangkay ng tambo. Siya'y niluhud-luhuran nila at kinutya ng ganito, “Mabuhay ang Hari
ng mga Judio!”  Siya'y pinagduduraan pa nila. Kinuha nila ang tambo at ito'y inihampas
sa kanyang ulo.  Matapos kutyain, hinubad nila ang balabal at muling sinuotan ng sarili
niyang damit. Pagkatapos, inilabas siya upang ipako sa krus. Ang Mabuting Balita ng
Panginoon.

Short Silence (15 seconds)


Reflection:
Madalas tayong makasakit sa ating kapwa sa pamamagitan ng ating mga salita at
gawa, gayun din naman tayo ay nasasaktan din ng ating kapwa. Subalit lagi nating
tatandaan sa tuwing nasasaktan natin ang ating kapwa, nasasaktan natin si Hesus, Siya
mismo ang nagsabi, Ang anumang gawin mo sa mga maliliit na ito ay ginawa mo sa
Akin. Ating tanungin ang ating mga sarili, "Lagi ko bang nasasaktan si Hesus sa araw-
araw ng aking buhay?"
Panalangin:
Manalangin tayo:
Panginoong Hesus, ikaw ang aming Hari, subalit ano ang ginawa namin sa lyo,
kinoronahan Ka ng tinik at sinaktan, inalipusta at pinahirapan, subalit sa halip na ikaw
ay magalit hindi ka nagreklamo kahit kaputok man lang. Patawarin Mo po kami sa
aming pagiging mayabang at mapanakit sa aming kapwa. Turuan Mo po kaming
magsakripisyo para sa ikabubuti ng aming kapwa, at ng aming mga mahal sa buhay.
Tulungan mo kaming maging mga tunay na alagad mo handang tumanggi sa alok ng
mundo. Amen
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo.
Kapara noong unang-una, ngayong at magpakailanman at magasawalang hanggan.
Amen.
Aawitin ang Taize Chant na (Jesus Remember me/ Sambahin ka Kristo Hesus) habang lumilipat patungo
sa susunhod na Estasyon

IKA-LIMANG ISTASYON: ANG PAGPASAN NI HESUS SA KRUS


Lider: Sinasamba ka namin at pinupuri, Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Banal na Krus, tinubos Mo ang Sanlibutan
(Luluhod gamit ang kanang tuhod habang sinasabi ang mga katagang Sapagkat sa pamamagitan….)

Pagbasa ng Ebanghelyo: John 19:16-17


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Kaya't ibinigay sa kanila ni Pilato si Jesus upang siya'y ipako sa krus.
Kinuha nga nila si Jesus. Inilabas siyang pasan ang kanyang krus papunta sa lugar na

7
kung tawagi'y “Dako ng Bungo,” Golgotha sa wikang Hebreo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Short Silence (15 seconds)


Reflection:
Sa ating buhay tayo ay may mga responsibilidad at gampanin. Ang buhay ay hindi
puro karapatan at pribelehiyo, dapat nating gampanan ang ating mga obligasyon at
responsibilidad ng may kasipagan at kagalingan, hindi yung magawa lang o mairaos
lang ang isang bagay, hindi dapat maging hadlang ang mga paghihirap, upang hindi
natin ito magampanan, Gaya ni Hesus na pinasan ang kanyang Krus, dapat din natin
pasanin ang ating kani-kaniya mga krus sa buhay.
Panalangin:
Manlangin tayo:
Panginoong Hesus, pinasan Mo ang Krus na mabigat patungong kalbaryo at lalo pa
namin itong pinabigat ng aming mga kasalanan. Gayun pa man pinatawad Mo pa din
at minahal kami ng walang kondisyon. Tulungan Mo po kaming maiwaksi sa aming
mga paguugali ang pagiging labis na makasarili at tamad, at matutunan nawa naming
na huwag maging pabigat sa buhay ng aming mga Kapwa, sa halip kami ay lagi
nawang magpamalas ng kabaitan at kabutihan sa lahat, hindi sa iilan lamang, lalong
lalo na sa mga naaapi at nalilimutan ng lipunan. Amen
Luwalhati sa Ama, Sa Anak, at Sa Espiritu Santo. Kapara noong una-una, ngayon at
magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen
Aawitin ang Taize Chant na (Jesus Remember me/ Sambahin ka Kristo Hesus) habang lumilipat patungo
sa susunhod na Estasyon

IKA-ANIM NA ISTASYON: SI HESUS AY NABUWAL


Lider: Sinasamba ka namin at pinupuri, Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Banal na Krus, tinubos Mo ang Sanlibutan.
(Luluhod gamit ang kanang tuhod habang sinasabi ang mga katagang Sapagkat sa pamamagitan….)

Walang pagbasa ng Ebanghelyo


Short Silence (15 seconds)
Reflection:
Sa buhay hindi palaging masaya at hindi palaging panalo, madalas tayo ay dumadanas
ng mga matitinding pagsubok, gaya ng kahirapan, sakit, kawalan ng pag-asa sa buhay,
at pagkalulong sa mga bisyo. Subalit lagi natin tatandaan, si Hesus man ay nabuwal
subalit Siya ay bumangon at nagpatuloy sa Kanyang misyon.

8
Tandaan natin bawat araw ay binibigyan tayo ng pagkakataon na magbago at
magbalik loob sa Diyos, Sa ating paghihirap, nais ng Diyos na tayo ay magsumikap,
hindi sumuko.

Panalangin:
Manalangin tayo:
Panginoon Hesus, Tulungan Mo po kaming bumangon sa bawat pagdapa namin sa
bubay, sa mga panabong nawawalan kami ng tiwala sa Iyo, sa mga panahong kami ay
nalululong sa mga bisyo, gaya ng Alak, Sugal, at iba pang mga Bisyo, kami po tulungan
Mong makabangon. Amen
Luwalhati sa Ama, Sa Anak, at Sa Espiritu Santo.
Kapara noong una-una, ngayon at magpakailanman at magasawalang hanggan.
Amen

Aawitin ang Taize Chant na (Jesus Remember me/ Sambahin ka Kristo Hesus) habang lumilipat patungo
sa susunhod na Estasyon

IKA-PITONG ISTASYON: INATASAN SI SIMON NA PASANIN ANG KRUS


Lider: Sinasamba ka naming at pinupuri. Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Banal na Krus, Tinubos Mo ang
Sanlibutan

(Luluhod gamit ang kanang tuhod habang sinasabi ang mga katagang Sapagkat sa pamamagitan….)

Pagbasa ng Ebanghelyo: Matthew 27:32


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
 
Paglabas ng lungsod, nakita ng mga sundalo si Simon na taga-Cirene. Pilit nilang
ipinapasan sa kanya ang krus ni Jesus.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Short Silence (15 seconds)


Reflection:
Isa sa ating tradisyon bilang mga Pilipino ay ang Bayanihan o damayan at
pagtutulungan, sa ating Komunidad ditto sa CIC nagagawa pa ba natin ito?
Nababanaag pa ba sa atin ang damayan at malasakit sa isat isa?

Panalangin:
Manalangin tayo:
9
Panginoon Hesus, ang halimbawa nawa ni Simon Cireneo ay magmulat sa aming mga
mata, na damayan Ka at mahalin ka sa pamamagitan ng pananatili naming tapat sa iyo.
At lagi nawa naming maibigay ang aming mga sarili, sa mga nangangilangan ng aming
mga tulong ng walang hinihintay na kapalit. Huwag nawa kaming matakot na tumulong
sa iba, lalong lalo na sa mga taong walang

kakayahan na gumanti sa aming kabutihan Amen.


Luwalhati sa Ama, Sa Anak, at Sa Espiritu Santo. Kapara noong una-una, ngayon at
magpakailanman at magasawalang hanggan. Amen
Aawitin ang Taize Chant na (Jesus Remember me/ Sambahin ka Kristo Hesus) habang lumilipat patungo
sa susunhod na Estasyon

IKA-WALONG ISTASYON: NAGSALITA SI HESUS A MGA BABAE NG


JERUSALEM

Lider: Sinasamba ka naming at pinupuri. Panginoong Hesukristo.


Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Banal na Krus, Tinubos Mo ang
Sanlibutan

(Luluhod gamit ang kanang tuhod habang sinasabi ang mga katagang Sapagkat sa pamamagitan….)

Pagbasa ng Ebanghelyo: Luke 23:27-31

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas

 
Sinusundan si Jesus ng maraming tao, kabilang ang ilang babaing nag-iiyakan at
tumatangis dahil sa kanya.  Nilingon sila ni Jesus at sinabi, “Mga kababaihan ng
Jerusalem, huwag ninyo akong iyakan. Ang tangisan ninyo'y ang inyong sarili at ang
inyong mga anak. Tandaan ninyo, darating ang mga araw na sasabihin nila, ‘Pinagpala
ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi nagdalang-tao, at ang mga dibdib na hindi
nagpasuso.’ Sa mga araw na iyo'y sasabihin ng mga tao sa mga bundok, ‘Gumuho kayo
sa amin!’ at sa mga burol, ‘Tabunan ninyo kami!’  Sapagkat kung ganito ang ginagawa
sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang mangyayari sa kahoy na tuyo?”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Short Silence (15 seconds)

Reflection:

10
Madalas ikumpara ng tao ang kanyang sarili sa iba. Kapag may pangit tayong
Karanasan lagi nating sinasabi, “Bakit ako pa? Bakit hindi na lang siya?” Subalit kapag
may maganda namang karanasan,madalas natin sabihin, “bakit hindi na lang ako? Bakit
siya pa?”, Bakit hindi natin tanungin ang ating mga sarili ng ganito, “Ano ba ang maaari
kong gawin upang makatulong ako sa iba? Tandaan natin tayo ay nilikha ng Diyos, para
sa Kanya at para sa iba, hindi para sa ating sarili.
Panalangin:

Manalangin tayo:

Panginoong Hesus, kami ay lubos na tumatangis at nagsisisi sa aming mga kasalanan,


lalo na ang mga paborito naming kasalanan. Patawarin mo kami sa aming mga
kataksilan at hindi pagiging tapat. Sa mga panahong kami ay dumadamay sa iba bilang
pagbabayad puri sa aming mga kasalanan, huwag sana naming malimutan na mas
mahalaga sa lyo ang malinis na puso, kaysa anumang pagdamay sa kapwa na may
kalakip na pakitang tao lamang.

Luwalhati sa Ama, Sa Anak, at Sa Espiritu Santo.


Kapara noong una-una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan.
Amen.

Aawitin ang Taize Chant na (Jesus Remember me/ Sambahin ka Kristo Hesus) habang lumilipat patungo
sa susunhod na Estasyon

IKA-SIYAM NA ISTASYON: HINUBARAN SI HESUS

Lider: Sinasamba ka namin at pinupuri, Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng lyong Banal na Krus, tinubos Mo ang


Sanlibutan

(Luluhod gamit ang kanang tuhod habang sinasabi ang mga katagang Sapagkat sa pamamagitan….)

Pagbasa ng Ebanghelyo: Luke 23:33-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas

Dumating sila sa lugar na tinatawag na Golgotha, na ang kahulugan ay “Pook ng


Bungo.” Binigyan nila si Jesus ng alak na hinaluan ng apdo, ngunit nang matikman niya
iyon ay hindi niya ininom. Nang maipako na siya sa krus, pinaghati-hatian ng mga
kawal ang kanyang mga damit sa pamamagitan ng palabunutan,

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

11
Short Silence (15 seconds)

Reflection:

Lahat tayo, nais nating irespeto, nais nating maging kaaya-aya ang ating itsura.
Mahalaga sa atin ang panlabas na anyo, ngunit hindi kay Hesus. Tingnan natin Siya,
duguan, sugatan wasak subalit kuntento at masaya, sapagkat ito ang mga tinamo
Niyang hirap, maipadama lang Niya, ang Kanyang dakilang pag-ibig sa ating lahat,
Inia-alay Niya ang sarili Niyang buhay.

Panalangin:

Manalangin tayo:

Nakikita namin sa Inyong Anak na pinagkaitan, ang mga mahihirap o mga dukha dito
sa daigdig, sa mga walang pagbabago, loobin po ninyong kami' y magkaroon ng
pusong mapagbahagi, at mapagmahal, na hindi nakatali sa mga material na bagay.
Turuan niyo po kaming magbahagi, sa ngalan ng pagkakaisa mula sa aming makakaya
o ari-arian sa pamamagitan ni Hesukristo, aming Panginoon. Amen.

Luwalhati sa Ama, Sa Anak, at Sa Espiritu Santo. Kapara noong una-una, ngayon at


magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen

Aawitin ang Taize Chant na (Jesus Remember me/ Sambahin ka Kristo Hesus) habang lumilipat patungo
sa susunhod na Estasyon

IKA-SAMPONG ISTASYON: PINATAWAD NI HESUS ANG MAGNANAKAW

Lider: Sinasamba ka namin at pinupuri, Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng lyong Banal na Krus, tinubos Mo ang


Sanlibutan

(Luluhod gamit ang kanang tuhod habang sinasabi ang mga katagang Sapagkat sa pamamagitan….)

Pagbasa ng Ebanghelyo: Luke 23:39-43

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas

Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Cristo?
Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.” Ngunit pinagsabihan naman ito ng
kanyang kasama, “Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad
niya! Tama lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit

12
ang taong ito'y walang ginawang masama.” At sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin mo
ako kapag naghahari ka na.” Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita
ngayon sa Paraiso.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Short Silence (15 seconds)

Reflection:

Bakit madalas natatabunan ang mga gawa ng ating kapwa na mabubuti, sa


pamamagitan lang ng isa niyang pagkakamali. Madalas nating ikahon ang ating kapwa,
madalas natin silang husgahan. Hindi ganoon ang ginawa ni Hesus, sa halip
kinalimutan Niya ang masamang ginawa, ng magnanakaw, at ito' y pinatawad Niya.
Maaari ba nating tularan si Hesus?

Panalangin:

Manalangin tayo:

Panginoong Hesus, kung paanong naranasan ng magnanakaw ang lyong


pagpapatawad at pagmamahal, gayun din ang ibinibigay mong pagpapatawad at
pagmamahal sa amin, subalit patuloy kaming paulit ulit na nag-kakasala. Patawarin Mo
po kami. Salamat po sa walang sawang pag-unawa at pagmamahal sa amin. Turuan Mo
po kaming palaging umiwas sa aming masasamang hilig at gawi. Amen

Luwalhati sa Ama, Sa Anak, at Sa Espiritu Santo. Kapara noong una-una, ngayon at


magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen

Aawitin ang Taize Chant na (Jesus Remember me/ Sambahin ka Kristo Hesus) habang lumilipat patungo
sa susunhod na Estasyon

IKA-LABING ISANG ISTASYON: SI MARIA AT ANG MAHAL NA APOSTOL SA


PAANAN NG KRUS.

Lider: Sinasamba ka namin at pinupuri, Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Banal na Krus, tinubos Mo ang


Sanlibutan

(Luluhod gamit ang kanang tuhod habang sinasabi ang mga katagang Sapagkat sa pamamagitan….)

Pagbasa ng Ebanghelyo: John 19: 25-27

13
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae, si
Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. 26 Nang makita ni Jesus ang
kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ginang,
narito ang iyong anak!”

At sinabi niya sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, pinatira ng alagad na ito sa
kanyang bahay ang ina ni Jesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Short Silence (15 seconds)

Reflection:

Ipinagkaloob ng ating Panginoong Hesus ang kanyang pinakamamahal a Ina kay


Apostol San Juan at sa ating lahat. Isang patunay na tayo ay mahalaga sa Kanya
sapagkat ipinagkatiwala Niya sa atin ang Kanyang Ina na maging atin ding Ina.
Tinuturuan tayo ng ating PanginoongHesus ng mahalagang bagay na ang katunayan na
mahal nating ang isang tao kung handa tayong ibigay sa kanya ang anumang
mahalagang bagay sa atin.

Panalangin:

Manalangin tayo:

Panginoong Hesus salamat po sa lyong Pagmamahal, salamat po sa pagkakaloob sa


amin ng Mahal mong Ina para maging aming din pong Ina, salamat po sa lyong
pagpapala at pagpapahalaga, nawa ang pag-ibig Mong to sa amin ay maipadama din
namin sa aming kapwa.

Luwalhati sa Ama, Sa Anak, at Sa Espiritu Santo. Kapara noong una-una, ngayon at


magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen

Aawitin ang Taize Chant na (Jesus Remember me/ Sambahin ka Kristo Hesus) habang lumilipat patungo
sa susunhod na Estasyon

IKA-LABING DALAWANG ISTASYON: ANG PAGKAMATAY NI HESUS

Lider: Sinasamba ka namin at pinupuri, Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Banal na Krus, tinubos Mo ang


Sanlibutan
14
(Luluhod gamit ang kanang tuhod habang sinasabi ang mga katagang Sapagkat sa pamamagitan….)

Pagbasa ng Ebanghelyo: Matthew 27: 45-50

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain.


Nang mag-aalas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus, “Eli, Eli, lema sabachthani?” na
ang ibig sabihi'y “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”

Ito'y narinig ng ilan sa mga nakatayo roon kaya't sinabi nila, “Tinatawag niya si Elias!”
May isang tumakbo kaagad at kumuha ng espongha, binasâ ito ng maasim na alak,
inilagay sa dulo ng isang patpat at ipinasipsip kay Jesus.

Sinabi naman ng iba, “Hintay muna, tingnan natin kung darating si Elias upang iligtas
siya!”

Muling sumigaw si Jesus nang malakas at siya'y nalagutan ng hininga.

Short Silence (15 seconds)

Reflection:

Marami sa atin ang natatakot na tumanda at mamatay, o di kaya' y mamatay ang ating
mga mahal sa buhay. Subalit upang makapiling natin ang Poong Maykapal sa
Kalangitan sa buhay na walang hanggan, kailangan natin munang mamatay. Ang
kamatayan ang pintuan sa kalangitan.

Panalangin:

Manalangin tayo:

Panginoong Hesus, habang Ikaw ay nakabayubay sa Krus hindi mo inalintana ang lyong
paghihirap sa halip kami ang lyon inisip. Salamat po sa lyong pagmamahal. Nawa ang
lyong pagkamatay upang maligtas kami ay hindi masayang. Itulak nawa kami nito
upang kami man ay mamatay sa ming pagiging makasarili, walang pakialam at pagiging
mayabang. Tulungan at turuan Mo kaming maunawaan na ang pasasabuhay namin ng
aming buhay ng may pagmamahal ang siya lamang makabubura ng takot sa aming
puso na mamatay. Amen.

Luwalhati sa Ama, Sa Anak, at Sa Espiritu Santo.

Kapara noong una-una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan.


Amen

15
Aawitin ang Taize Chant na (Jesus Remember me/ Sambahin ka Kristo Hesus) habang lumilipat patungo
sa susunhod na Estasyon

IKA-LABING TATLONG ISTASYON: ANG PAGLILIBING KAY HESUS

Lider: Sinasamba ka namin at pinupuri, Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng lyong Banal na Krus, tinubos Mo ang


Sanlibutan

(Luluhod gamit ang kanang tuhod habang sinasabi ang mga katagang Sapagkat sa pamamagitan….)

Pagbasa ng Ebanghelyo: Matthew 27: 57-61

Ang mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Pagsapit ng dilim, dumating si Jose, isang mayamang taga-Arimatea na tagasunod din


ni Jesus. Hiningi niya kay Pilato ang bangkay ni Jesus, kaya't iniutos ni Pilato na ibigay
ito kay Jose. Nang makuha na ang bangkay, binalutan niya ito ng malinis na tela ng
lino. Inilagay niya ito sa kanyang bagong libingan na ipinauka niya sa bato. Pagkatapos,
iginulong niya sa pintuan ang isang malaking batong panakip, at saka umalis. Naroon
sina Maria Magdalena at ang isa pang Maria na nakaupo sa tapat ng libingan.

Ang mabuting Balita ng Panginoon

Short Silence (15 seconds)

Reflection:

Madalas nalalaman lang natin ang halaga ng isang tao o bagay kapag ito ay wala na sa
ating buhay. Hindi na natin masabi na mahalaga siya sa atin sapagkat wala na siya.
Subalit palagi natin pwedeng maalala ang kaniyang mga mabubuting gawa. Si Hesus
man ay iniwan ang kanyang mga alagad nang Siya ay namatay subalit iniwan Niya ang
kangyang mga turo at himala na nananatiling buhay sa ating ala- ala hanggang sa
ngayon. Masabi din kaya ng iba? na si Hesus ay buhay dahil sa uri ng ating
pamumuhay.

Panalangin:

Manalangin tayo:

16
Panginoong Hesus, tulungan Mo po ako na ang ginawang pagliligtas Mo ay ay maging
mabunga sa aking buhay. Huwag nawa akong madatnan ng kamatayan na hindi
matapat at walang pakialam sa iba sa halip manatili nawa akong nagmamahal at
naglilingkod hanggang sa huling sandaling aking buhay. Amen.

Luwalhati sa Ama, Sa Anak, at Sa Espiritu Santo.


Kapara noong una-una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan Amen
Aawitin ang Taize Chant na (Jesus Remember me/ Sambahin ka Kristo Hesus) habang lumilipat patungo
sa susunhod na Estasyon

IKA-LABING APAT NA ISTASYON: ANG PAGKABUHAY NA MULI NI HESUS

Lider: Sinasamba ka namin at pinupuri, Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng lyong Banal na Krus, tinubos Mo ang


Sanlibutan

(Luluhod gamit ang kanang tuhod habang sinasabi ang mga katagang Sapagkat sa pamamagitan….)

Pagbasa ng Ebanghelyo: Matthew 28: 1-10

Ang mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, sa pagbubukang-liwayway nang unang araw ng


linggo, pumunta si Maria Magdalena at ang isa pang Maria sa libingan ni Jesus upang
tingnan ito. Biglang lumindol nang malakas sapagkat bumabâ mula sa langit ang isang
anghel ng Panginoon. Iginulong nito ang batong nakatakip sa libingan at umupo sa
ibabaw niyon. Ang kanyang mukha ay nakakasilaw na parang kidlat at puting-puti ang
kanyang damit. Nanginig sa takot ang mga bantay nang makita ang anghel, at sila'y
nabuwal na parang mga patay.

Ngunit sinabi ng anghel sa mga babae, “Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap
ninyo si Jesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito sapagkat siya'y muling nabuhay
gaya ng kanyang sinabi. Halikayo't tingnan ninyo ang hinimlayan niya. 7 Magmadali
kayo at ibalita sa kanyang mga alagad na siya'y muling nabuhay! Mauuna na siya sa
inyo sa Galilea. Makikita ninyo siya roon. Iyan ang balitang hatid ko sa inyo.”

At dali-dali nga silang umalis sa libingan na may magkahalong takot at galak, at


patakbong pumunta sa mga alagad upang ibalita ang nangyari.

Ngunit sinalubong sila ni Jesus at binati. Lumapit sila sa kanya, hinawakan ang kanyang
mga paa at sinamba siya. Sinabi sa kanila ni Jesus, “Huwag kayong matakot. Humayo
kayo't sabihin sa mga kapatid ko na pumunta sila sa Galilea, at makikita nila ako roon.”

17
Ang mabuting Balita ng Panginoon

Short Silence (15 seconds)

Reflection:

Kapag nakikkita natin ang ating mga mahal sa buhay tayo ay nagging masaya. Ang
Panginoong Hesus ay muling nabuhay mayoon pa bang hihigit sa saying dulot nito. Ang
pagkabuhay na muli ng ating Panginoon ang pinaka pundasyon ng ating
pananampalataya. Hindi nabalewala ang kanyang pahihirap at pagkamatay
para tayo ay mailigtas. Sa ating buhay handa rin ba tayong maghirap at mamatay
upang makamit ang pagkabuahy kasama ang Panginoon.

Panalangin:

Manalangin tayo:

Taos puso kaming nagpapasalamat sa Inyo, O Ama, sa pagkabuhay na muli ng Inyong


Anak. Sa Kanyang ngalan, hinihiling naming sa Inyo pagibayuhin naming ang
pagsasabuhay ng pag-ibig at pananampalataya upang maialay naming ang aming sarili
sa paglilingkod sa mga naghihirap sap ag-asang mabubuhay kami muli tungo sa isang
bagong buhay, sa pamamagitan ni Hesukristo, aming Panginoon.
Amen.

Ama naming sumasalangit Ka Sambahin ang Ngalan Mo, mapasa amin ang Kaharian
Mo,sundin ang loob Mo dito sa lupa para ng sa langit

Bigyan mo po kami ng aming kakanin sa araw araw, at patawarin Mo kami sa aming


mga sala, parang pagpapatawad naming sa nagkakasala sa amin at huwag mo kami
ipahintulot sa tukso at iaadya Mo kami sa lahat ng masama.

Aba Ginoong Maria napupuno ka ng grasya ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo bukod
kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus

Santa maria Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami
mamatay, Amen

Luwalhati sa Ama, Sa Anak, at Sa Espiritu Santo.


Kapara noong una-una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan Amen

PANGHULING PANALANGIN:

18
Panginoong Hesus, sa pagninilay-nilay namin sa daan ng krus na dinaanan Mo ay
napagtanto namin ang mapait na bunga ng aming nagawang pagkakasala. Ang mahal
mong Dugo ang naging kabayaran para mapalaya kami sa pagka-alipin ng kasalanan.
Ang buong buhay Moay kapalit ng lyong pagliligtas sa sangkatauhan. Tulutan Mo
kaming maisabuhay ang lyong magandang halimbawa, ngunit ito ay magagawa lamang
naming sa tulong Mo. Wala kaming magagwa sa aming sariling pagkukusa kung hindi
Mo kami aalalayan.
Lider: Salamat Panginoon, sa ginawa Mong pagliligtas sa amin.

Lahat: Salamat Panginoon Salamat

Lider: Salamat Panginoon, sa pagpapatawad Mo sa aming mga kasalanan.

Lahat: Salamat Panginoon Salamat

Lider: Salamat Panginoon, sa ipinakita Mong pagmamahal sa aming lahat.

Lahat: Salamat Panginoon Salamat. AMEN

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

We carry the saving Cross


By Rev. Fr. Manuel V. Francisco SJ

REFRAIN

We carry the saving Cross


through the roads of the world,
through the alleys of poverty and misery.
Marching to a dawning day
to freedom and victory,
to God’s life and endless glory

I. Christ, sent by God,


obedient to the Father’s will.
He leads the way of the Cross.

(REFRAIN)

II. Christ, Redeemer,


crowned with piercing thorns.
He leads the way of the Cross.

19

You might also like