BGF

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SUMMATIVE TEST MELC 2 (AP 10 Q3)

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng wastong
sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, ekslusyon or restriksiyon batay sa kasarian na


naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. Human Rights C. Violence Against Women and Children
B. Diskriminasyon D. Pang-aabusong Sekswal

2. Itinaguyod niya ang kaniyang adbokasiya para sa pantay na karapatan ng mga kababaihan sa
edukasyon sa bansang Pakistan.
A. Indira Gandhi C. Malala Yousafzai
B. Benazir Bhutto D. Sushmita Sen

3. Ang konsepto ng househusband ay tumutukoy sa mga lalaking gumagawa ng mga gawaing


bahay habang ang kanyang asawang babae ay nagtatrabaho para sa pamilya. Sa tingin mo,
katanggap-tanggap ba ang konsepto ng “househusband” sa ating lipunan?
A. Hindi, dahil ang tatay ay tinaguriang haligi ng tahanana at ang nanay naman ay ilaw ng
tahanan na kung saan ang tatay ay dapat nagtatrabaho at nagbibigay ng suportang
pinansiyal sa mga anak niya.
B. Oo, dahil ang ating lipunan habang tumatagal ay nagiging progresibo dala na rin ng mga
ideyang liberal at peminismo at hindi rin basehan ang kasarian ng isang tao kung ang bawat
miyembro ng pamilya ay ginagampanan nang mabuti ang kanilang tungkulin sa bahay.
C. Hindi, dahil nahuhusgahan ang mga kalalakihan bilang mahihinang nilalang at sunod-
sunoran sa kanilang asawang babae.
D. Oo, dahil may ibang lipunan na mas makapangyarihan ang babae kaysa sa lalaki.

4. Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) at ng United


States Agency for International Development (USAID) na may titulong “Being LGBT in Asia: The
Philippines Country Report”, ang mga LGBT ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa
serbisyong medikal, pabahay at maging sa edukasyon. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang
halimbawa ng diskriminasyon o bias sa mga miyembro ng LGBT?
A. Pagtawag o pagkutya na “bakla” o “tomboy” sa mga kasamahan sa trabaho na may
kakaibang kilos na hindi angkop sa kanyang kasarian.
B. Pagdiskwalipika sa isang “baklang guro” na aplikante sa kadahilang bakla siya na baka
magkakaroon ng sexual harassment sa mga estudyanteng lalaki.
C. Hindi pagtanggap sa isang “tomboy” na estudyante sa isang “all-girls” na paaralan dahil siya
ay isang tomboy at baka mang-harass ng kaklaseng babae.
D. Lahat ng nabanggit ay tama

5. Ayon sa United Nations, ito ay tumutukoy sa anumang karahasang nauugat sa kasarian na


humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama
na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
A. Karahasan sa Kababaihan C. Human Trafficking
B. Prostitution D. Karahasan sa LGBT
6. Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan na
nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay
biktima rin. Ano sa tingin mo ang dahilan bakit hindi masyadong binibigyan ng pansin ang isyu
pagdating sa karahasan sa mga kalalakihan?
A. Masyadong nakatutok ang ating pamahalaan sa ideyang peminismo at nagkakaroon ng
taunang pagdiwang ng International Women’s day tuwing ika-8 ng Marso.
B. Mas malaki ang porsiyento ng mga kababaihan kaysa sa kalalakihan pagdating sa
populasyon ng ating bansa.
C. Hindi madaling makikita o kilalanin ang anumang uri ng karahasan sa kalalakihan at kapag
magsampa ng reklamo sa laban sa asawang babae, hindi gaano kalakas ang batas na
sumusuporta sa kalalakihan dahil na rin sa batas ng VAWC (RA 9262).
D. Naging bahagi na rin ng ating kultura kapag ikaw ay lalaki kailangan malakas ka at marunong
kang lumaban.

7. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng karahasan sa mga kababaihan sa buong mundo MALIBAN
SA .
A. Circumcision c. Female genital mutilation
B. Foot binding d. Breast ironing

8. Sa tingin mo, karapat-dapat ba na tanungin ang isang tao na may kakaibang kilos o gawi kung
siya ba ay isang miyembro ng LGBT?
A. Oo, dala na rin sa pagiging “curious” natin sa isang tao, hindi natin maiiwasan ang
magtanong kung ano o sino siya.
B. Wala tayong karapatang manghusga sa ating kapwa. Ang pagtanong sa isang tao tungkol sa
kanyang seksuwalidad at personal na buhay ay mali. Kailangang galangin natin ang
pribadong buhay ng isang tao at ang malayang pamumuhay nito.
C. Oo, dahil wala namang mawawala kung ang isang tao ay magpakatotoo sa kanyang sarili.
D. Both A and C are correct

9. Si Chris ay ikinasal sa kanyang asawang babae na si Diana at mayroon silang tatlong anak na
halos lahat ay babae. Ikinasal sila sa loob ng 15 taon. Mahal nila ang isa’t isa ngunit biglang nag-
iba ang ihip ng hangin nang si Diana ay tinanggal sa pinapasukang trabaho bilang sales girl sa
isang sikat na mall. Habang palala ng palala ang COVID-19 pandemic, nagdodoble kayod si Chris
upang may ipakain sa kanyang pamilya. Naging security guard siya sa umaga at naglalako ng
balut tuwing alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi. Samantalang walang trabaho ang misis
niya, nalulong ito sa mah-jong kasama ang mga kumare niya at hindi niya rin tinutulungan ang
mga anak sa pagsagot sa mga modules nito. Minsan, kapag natatalo ito sa sugal ay
pinagtatalakan nito ng mga masasama at masasakit na salita si Chris. At kung umuuwi ito nang
lasing ay sinusuntok ni misis at pinapalo ng tsinelas ang kanyang mister dahil kaunti lang ang
sahod sa pagiging sekyu at kita sa pagbebenta ng balut. Ano sa tingin mo ang mga uri ng pang-
aabuso na makikita natin sa ganitong uri ng sitwasyon?
A. Seksuwal, Pisikal C. Banta ng Pang-aabuso
B. Emosyonal, Pisikal D. Emosyonal, Seksuwal

10. Nagkakaroon ng domestic violence sa isang tahanan kapag ang babae ay nakakaranas ng
.
A. Tinatawag sa ibang pangalan na hindi maganda o nakaka-insulto (catcalling)
B. Pinipilit na makipagtalik sa kadahilang may buwanang regla
C. Nagseselos at palaging pinapagalitan kapag kasama ang mga kaibigan o pamilya
D. Lahat ng nabanggit ay tama
11. Pinakamataas na parangal na iginawad kay Malala Yousafzai noong taong 2014 dahil sa kanyang
adbokasiya sa karapatang pantao lalong-lalo na sa edukasyon sa mga kababaihan at ng mga
kabataan ng Pakistan.
A. Academy Awards C. Nobel Peace Prize
B. UN Ambassador for Peace D. Time Magazine (Most Influential People)

12. Ito ay isang batas na ipinasa sa bansang Uganda na nagbabawal sa same-sex marriage at
pakikipag-relasyon sa parehong kasarian na kung saan ay maaaring humantong sa parusang
panghabangbuhay na pagkabilanggo.
A. Anti-Homosexuality Act of 2014 C. Anti-LGBT Act
B. Gross Indecency Law D. Death Penalty for Anal Sex

13. Isang pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) at United States
Agency for International Development (USAID) na nagsasaad na ang mga LGBT ay may
kakaunting oportunidad sa trabaho bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging sa
edukasyon. Sa ibang pagkakataon din, may mga panggagahasa laban sa mga lesbian at ang
patuloy na pagpatay sa mga LGBT kahit na patuloy ang panawagan sa pagkakapantay- pantay at
kalayaan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso.
A. Transgender Europe 2012 C. Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report
B. The Rainbow Agenda D. Queer Studies

14. Isang uri ng kultura o kaugalian noon sa China na naging dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang
kababaihan. Halos isang milenyong umiral ang tradisyong ito at dahil sa ang mga kababaihang
ito ay may bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang
pakikisalamuha. Isa sa mga karakter na may taglay nito ay ginampanan sa isang sikat ma pelikula
ni Kris Aquino na pinamagatang, Feng Shui.
A. Binukot C. Female Genital Mutilation
B. Breast Ironing D. Foot Binding

15. Ano ang tawag sa mga lalaking gumagawa ng mga gawaing bahay habang ang kanyang asawang
babae ay nagtratrabaho para sa pamilya?
A. House Boy o Helper C. Husband Material
B. House Husband D. Stay-at-home Dad

You might also like