Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region _____________
DIVISION OF ________________
____________________ ELEMENTARY SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATIONS
Summative Test in ESP 5-Q2
Week 5-6
2022-2023

ITEM PLACEMENT
EASY AVERAGE DIFFICULT No. of
COMPETENCY CODE
Remember / Understand/ Apply/ Analyze / Evaluate / Create / Items
Knowledge Comprehension Application Analysis Synthesize Evaluation
Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng EsP5PPP – 1,3,5,6, 2,4,7,8,9, 10 10
pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran. IIId – 27
5.1. pagiging mapanagutan
5.2. pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng
pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran.
Napatutunayan na di-nakukuha sa kasakiman ang EsP5PPP – IIIe– 11,14,16,1 12,13,15 10
pangangailangan 28 7,18,19,20
6.1. pagiging vigilant sa mga illegal na gawaing
nakasisira sa kapaligiran.
TOTAL NUMBER OF ITEMS 11 8 1 20
DEPARTMENT OF EDUCATION
DIVISION OF _________
District of _____________
QUARTER 3
SUMMATIVE TEST IN ESP 5
WEEK 5-6
2022-2023

Pangalan:____________________________________Baitang: ________________Score:_____
Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot na nagpapakita ng
mabuting pangangalaga sa kapaligiran at isulat sa sagutang papel.

1. Ilan sa iyong kapitbahay ang madalas na bumibili sa tinda mo. Napansin mong hindi nila nilalagay sa
basurahan ang kanilang kalat, naisip mong maglagay ng poster bilang paalaala. Alin sa sumusunod ang
gagamitin mo?
A. Sa tingin mo ba okey dito ang pagkakalat?
B. Huwag magkalat. Magmumulta kapag nahuli ka.
C. Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita ang basurahan?
D. Pakitapon ang inyong mga kalat sa tamang basurahan.
2. Miyembro ka ng Boy o Girl Scout sa inyong paaralan. Napansin mong walang gaanong tanim sa malawak
na likurang bahagi ng gusali ng paaralan ninyo. Ano ang imumungkahi mo sa pulong ninyong mga scouts
upang mapaganda ang inyong paaralan?
A. Gumawa ng islogan na may tema ng pagtatanim ng puno.
B. Hayaan ang opisyal ng paaralan na magpasiya tungkol dito.
C. Himukin ang lahat ng mag-aaral na maglaro sa bakuran ng paaralan dahil malawak ito.
D. Humingi ng pahintulot sa mga opisyal ng paaralan para magtanim ng mga puno sa paaralan.
3. Naglunsad ang inyong mayor ng isang proyekto na humihikayat sa lahat na magtanim ng mga gulay sa
kanilang likod-bahay. Paano ka makatutulong sa proyektong ito?
A. Ikaw mismo ang magsisimulang magtanim.
B. Hayaan ang mga magulang na makiisa sa proyekto.
C. Balewalain ang proyekto dahil may iba ka pang gustong gawin.
D. Imungkahi sa SK na magkaroon ng paligsahan para proyektong nabanggit.
4. Napansin mong marumi at maraming kalat ang sapa na malapit sa inyong paaralan. Ano ang gagawin
mo?
A. Magkunwaring wala kang nakita.
B. Magkikibit balikat na lamang dahil wala ka namang magagawa.
C. Magsimula ng isang kampanya sa paglilinis kasama ang inyong pamilya.
D. Pupunta sa lokal na pamamahalaan upang ipasa ang mungkahi sa paglilinis.
5. Napansin mong nagbubuga ang sinasakyan mong dyip ng makapal at maitim na usok. Ano ang gagawin
mo?
A. Ipaabot ang sitwasyon sa tamang awtoridad.
B. Magsusumbong ka sa makikitang pulis at ipakulong ang drayber.
C. Sabihan mo na lang ang tatay mo na ihatid at sunduin ka sa paaralan.
D. Balewalain ang nakita mo dahil sanay ka na sa ganitong usok araw-araw.
6. Narinig mo ang lolo mo inuutusan niya ang kanyang tauhan na magkaingin sa kanyang bukid o pagtabas
at pagsunog ng matataas na damo. Alam mong may masamang epekto sa tao at sa kapaligiran, ano ang
gagawin mo?
A. Magagalit ka sa lolo mo.
B. Isusumbong mo ang mga lolo mo sa awtoridad.
C. Tatanggalin mo sa trabaho ang lahat ng mga manggagawa sa bukid.
D. Ipapaliwanag mo sa lolo mo na ipinagbabawal ito at sasabihin ang masamang epekto nito sa
tao
at sa kapaligiran.
7. Maraming mga bote at bag na plastik ang nanay mo. Ano ang gagawin mo?
A. Susunugin mo ang lahat.
B. Babalewalain mo ang tungkol sa bagay na iyon.
C. Sasabihin mo sa nanay mo na ipamigay ang mga iyon.
D. Imumungkahi mo sa nanay mo na i-recycle ang mga ito.
8. Natutuhan mo sa klase ang halaga ng paghihiwalay ng basura. Ngunit hindi ito naisasagawa sa bahay
ninyo. Ano ang iyong gagawin?
A. Hayaan lamang sila sa kanilang gawain.

2|P a g e
B. Pagsama-samahin ang lahat ng basura sa isang lalagyan.
C. Hintayin ang mga magulang na sila ang magturo sa mga kapatid mo.
D. Maglaan ng mga basurahan para sa paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
9. Nais mong magtanim sa bakanteng lote sa inyong bakuran. Ayaw kang payagan ng tatay mo dahil hindi
mo rin naman daw maaalagaan ang mga ito. Ano ang gagawin mo?
A. Iba na lang gagawin mo kahit labag sa kalooban mo.
B. Hindi ka na magtatanim dahil iyon ang sinabi ng tatay mo.
C. Hahanap ka ng ibang bakanteng lote upang mapagtaniman.
D. Hihilingin mong payagan kang magtanim para makita niyang may pananagutan ka sa pag-
aalaga ng halaman.
10.Nadaanan mo ang iyong kaibigan na akmang itatapon sa ilog malapit sa inyo ang kanilang basura. Ano
ang iyong gagawin?
A. Hindi papansinin ang kanyang ginagawa.
B. Hayaan lang siya dahil gawain mo din iyon.
C. Pigilan at ituro ang tamang tapunan ng basura.
D. Tutulungan mo ang iyong kaibigan sa kanyang ginagawa
11. Si Mang Ambo ay may-ari ng pabrika na nagtatapon ng maruming tubig sa karagatan. Alam mong
nakakasama ito sa kalikasan. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan mo na lang sila sa kanilang ginagawa.
B. Isusumbong mo ang kanilang ilegal na gawain sa mga awtoridad.
C. Babalewalain sila, total marami naman silang natulungan na mga manggagawa.
D. Ipagkakalat mo sa buong barangay ang mga ilegal na gawain sa pabrika ni Mang Ambo.
12. Itinapon ng nakababatang mong kapatid ang pinagkainang supot ng tsokolate. Ano ang gagawin mo sa
kanya?
A. pagagalitan B. papaluin C. pagsasabihan D. pagtatawanan
13. Nakaugalian na ng lola mo ang pagsusunog ng mga basura sa bakuran. Paano mo siya pipigilan sa
nakagisnan na niyang gawain?
A. Magagalit ka sa lola mo.
B. Isusumbong mo ang lola mo sa awtoridad.
C. Sasang-ayon ka sa nakagisnan na gawain ng lola mo.
D. Ipapaliwanag mo sa kanya ang masamang epekto nito sa kapaligiran.
14. Nakita mong maraming basura ang kanal sa labas ng bahay ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Magkukusang linisin ito.
B. Magtatapon ng mga basura sa kanal araw-araw
C. Hayaan ang mga kapit-bahay na linisin ang kanal.
D. Magpapatulong sa mga opisyal ng barangay na linisin ito.
15. Nakita mo ang tiyuhin mo na gumagamit ng pesticides sa kanyang mga pananim na mga palay. Alam
mong nakakasama ito sa mga tao at kapaligiran. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan na lamang ang tiyuhin mo.
B. Paggagalitan ang tiyo mo sa maling gawain nito.
C. Ipapatapon ang mga pesticides dahil nakasasama ito sa kalusugan at kalikasan.
D. Imumungkahi ang paggamit ng organikong abuno sa mga pananim na natutunan mo sa EPP.
16. Napansin mong walang mga tanim na puno sa bakuran ninyo kahit malawak pa ang lote dito. Ano ang
iyong gagawin?
A. Babalewalain na lang ito.
B. Hihintayin ang mga magulang ang magtatanim.
C. Magtatanim ng mga puno sa bakuran upang makaiwas sa baha.
D. Maglalagay ng poster sa paligid upang himukin ang nais na magtanim.
17. Natuklasan mong gumagamit ng dinamita sa pangingisda si Junrey. Paano mo siya mapapahinto sa
ganitong gawain?
A. Babalaan mo na ipapahuli sa mga pulis.
B. Dadalhin ang mga nahuling isda sa palengke.
C. Tutulungan mo sa pangingisda gamit ang dinamita.
D. Ipapaliwanag ang masamang epekto sa ating karagatan.
18. Alam mo na tuwing Miyerkules at Sabado ay ipinagbabawal ang paggamit ng plastik. Nais mong mamili
ng mga isda at gulay sa palengke. Ano ang gagawin mo upang makatulong sa kalikasan?
A. Hindi na lang ako mamamalengke.
B. Kusa akong magdadala ng ecobag sa pamimili sa palengke.
C. Bibitbitin ko ang mga pinamili ko sa palengke kahit na walang supot.
D. Pipilitin ko ang mga tindera na ilagay sa plastik ang aking mga pinamili.
19. Isa sa mga manggagawa ang tatay mo sa ilegal na pagmimina. Alam mong dito kayo kumukuha ng
pang araw-araw na gastusin, ano ang gagawin mo?

3|P a g e
A. Magpapadala ng liham pasasalamat sa pabrika.
B. Ilatag ang masamang epekto ng ilegal na pagmimina.
C. Ibalewala ang mga ilegal na gawain sa kanilang pabrika.
D. Hahayaan mo na lang siya, total ito ang pinagkukunan ninyo sa pang araw-araw na gastusin.
20. Nakita mo ang kaklase na nagkakalat sa loob ng silid-aralan. Ano ang iyong gagawin?
A. Sisigawan siya.
C. Ipapapulot sa kanya.
B. Titingnan mo siya.
D. Isusumbong sa nanay niya.

ANSWER KEY FOR ESP 5

No. Answer No. Answer

1 D 11 B

2 B 12 C

3 C 13 D

4 D 14 A

5 B 15 D

6 A 16 D

7 C 17 C

8 B 18 D

9 D 19 D

10 C 20 D

d
d

4|P a g e

You might also like