Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines


Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211
URL: http://dhvsu.edu.ph

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES


Language Department

Kabanata 3 – Aralin 3
D. IBA’T IBANG PARAAN NG PAGBUBUOD
Ayon naman kay Javier (2017), may iba't-ibang paraan ng pagbubuod upang mag-
ugnay ng impormasyon at ideya kaugnay ng paksa. Ito ay ang Hawig at Lagom o
Sinopsis.
 Ang hawig ay tinatawag na paraphrase sa Ingles. Galing ito sa salitang
Griyego na “parapahrasis”, na ibig sabihi'y "dagdag o ibang paraan ng
pagpapahayag."
 Ang Lagom o Sinopsis ay isang pagpapaikli ng mga pangunahing punto,
kadalasan ng piksyon. Karaniwang di lalampas ito sa dalawang pahina.
E. PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BUOD
 Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.
 Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at
pinakamahalagang kaisipan ng talata.
 Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
 Gumamit ng sariling pananalita.
 Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.
Pagbibigay-Interpretasyon Sa Mapa, Tsart, Grap At Talahanayan
Ang isang mahusay na mambabasa kailangang nakapagbibigay ng wastong
interpretasyon ng mga mapa, tsart, graph at talahanayan. Paano ito magagawa? Narito
ang ilang mga mungkahi.
1.Pansinin ang mga leyenda. Malaki ang maitutulong ng mga ito sa pagbibigay ng
wastong interpretasyon.
2.Pansinin din ang iskeyl na ginagamit. Sa pamamagitan nito, malalaman mo kung ano
ang tumbasang ginagamit para sa isang partikular na sukat.
3.Pag-aralang mabuti ang bawat bahagi bawat bahagi ay madalas na kinapapalooban
ng mga datos na kaiba o kaya’y kaugnay sa iba. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa
bawat bahagi, makilala ang kaibahan o ugnayan ng mga bahagi nito.
A. Tsart – Ang tsart ay nagpapakita ng dami o estruktura ng isang sistema sa
pamamagitan ng hanay batay sa hinihingi o ibibigay na impormasyon.
B. Mapa – ang mapa ay naglalarawan ng lokasyon, hugis at distansya. Ang mapa ay
nagtuturo sa mga palatandaan ng lokasyon ng isang lugar. Ito ay nakatutulong sa
pagbibigay direksyon.
C. Piktograp – Larawan ang ginagamit upang kumatawan sa mga datos, impormasyon
o produkto. Mahalaga na maging magkakasinlaki ang mga larawan. Ang kalahati o
hinating larawan, kalahati rin ang bilang nito (50%), ang mga datos na 55-90% ay
pinakakahulugang buong larawan.
D. Guhit na Grap o Layn Grap – Binubuo ng iba’t-ibang anyo ng linya. Ito ay ginagamit
sa pagsukat ng pagbabago o pag-unlad. Ang patayo at ibabang linya ay may kaukulang
pagtutumbas. Gamit ang linya at tuldok tinutukoy ang interbal, bilis, bagal o tagal ng
mga bagay (salik) na nakatala sa bawat gilid.
E. Bar Grap – Nagpapakita ng paghahambing ng mga datos gamit ang bar sa halip na
tuldok at linya upang tukuyin ang kantidad. Parisukat ang anyo ng grap, maaring patayo
o pahiga ang mga datos na sinisimbolo ng bar.
F. Bilog na Graph o Pie Graph – Itoý sumusukat at naghahambing ng mga datos o
impormasyon sa pamamagitan ng paghahati-hati nito.

You might also like