Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MICHAEL ANGELO G.

GATCHALIAN
11- ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT
FILIPINO SA PILING LARANG
BUOD
INANG YAYA

Nagsimula ang kwento nang umuwi si Norma sa kanilang probinsya kung


saan nakatira ang kaniyang ina at ang kaniyang anak na si Ruby. Masaya ang tatlo sa muli nilang
pagkikita at pagsasama-sama, subalit nagkaroon ng pag-uusap si Norma at ang kanyang ina
tungkol sa kanyang mabilisang pag-alis upang siya ay makabalik agad sa kanyang
pinagtatrabahuan, nabanggit din ng kanyang ina na siya ay naaawa kay Ruby, dahil wala na nga
itong ama, mawawalay pa ito sa kanyang ina. Nang mga oras na iyon, hindi maikakaila ang
kalungkutan sa mga mata ni Ruby at Norma.
Makalipas ang ilang araw lamang, muli nang bumalik si Norma sa kanyang
pinagtatrabahuan. Sa pagkakataong ito ay ipinakilala na ang karakter ni Louise, siya ang
inaalagaang bata ni Norma mula nang ito ay isilang. Dahil sa kadahilanang si Norma na ang nag-
alaga kay Louise mula nang ito ay isilang, ay naging malapit na si Louise sa kanya, at itinuring
na siya nito bilang isang magulang. Maging ang mga magulang ni Louise na sina May at Noel ay
may taglay din na kabutihan, kung kaya’t hindi nahirapan si Norma na pakisamahan ang mga ito.
Subalit ang lola ni Louise ang naiiba sa lahat, sapagkat ayaw niya kay Norma at mababa ang
tingin niya dito.
Isang araw, habang naghahanda ng mga cupcakes sina Norma at Louise ay
may tumawag sa telepono, ipinakuha ni Norma ang telepono kay Louise, at nang sagutin niya
ang telepono dito niya napag-alaman na namayapa na ang kanyang ina. Umuwi siya sa probinsya
upang paglamayan ang mga labi ng kanyang ina. Makalipas muli ang ilang araw, siya ay babalik
na sa Maynila, subalit ayaw na ni Ruby na mawalay pa kay Norma, kaya naman isinama na siya
ng kanyang ina sa Maynila, kung saan siya nagtatrabaho at nakitira sa kanyang mga amo.
Noong una ay hindi magkasundo sina Ruby at Louise, madalas sila
magkaroon ng pagtatalo, at hindi rin maiiwasan ang magkaroon ng selos, dahil kapwa malapit
ang dalawa kay Norma. Subalit, sa paglaon ng mga araw ay nagkasundo na ang dalawa at naging
matalik silang magkaibigan. Masaya sina Norma at May nang makitang magkasundo na ang
kanilang mga anak.
Isang araw, isang sigaw na nagmumula sa loob ng bahay ang narinig ni
Norma, nang kanya itong puntahan ay nadatnan niyang sinasaktan ng lola ni Louise si Ruby sa
paniniwalang ninakaw nito ang kwintas ni Louise. Ngunit ayon kay Louise, hindi ninakaw ni
Ruby ang kanyang kwintas, sa halip ito ay kanyang ibinigay kay Ruby dahil sinagip nito ang
kanyang buhay nang siya ay maitulak noon sa swimming pool. Isang umaga, nakita ni Norma
ang lola ni Louise na nakahalandusay sa sahig, kaya agad siyang humingi ng tulong at isinugod
niya ito agad sa hospital. Makalipas ang ilang mga araw ay muli nang nakauwi sa bahay ang lola
ni Louise, at ito ang naging daan upang mapalapit ang loob nito kay Ruby.
Habang naglilinis si Norma sa kusina ay biglang dumating si May, at
tinanong nito si Norma na kung sasama ba ito sa kung sakaling sa ibang bansa na sila
maninirahan. Pinag-isipan itong mabuti ni Norma, dahil ayaw niyang mawalay kay Louise
sapagkat siya na ang tumayong magulang nito mula nang ito ay isinilang, sa kabilang banda,
iniisip din niya si Ruby, dahil siya ang magulang nito at wala nang mag-aalaga kay Ruby kung
siya ay sasama sa ibang bansa. Sa huli, ay pinili ni Norma na huwag nang sumama sa pamilya ni
Louise patungong Singapore, at sasamahan na lamang niya ang kanyang anak na si Ruby. Nang
aalis na sina Louise, ay hindi mapigilan ni Norma na maging emosyonal, sapagkat ayaw siyang
pakawalan at iwanan ni Louise. Sa huling pagkakataon ay niyakap niya ng mahigpit si Louise at
tuluyan na itong nagpaalam.

You might also like