Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“ Ang wika ang kaluluwa ng isang bansa “

Stanza 1

Wika ang kaluluwa ng bansa

Wika na nag sisilbing daan sa pagkakaintindihan

Wika na bumubuo sa isang bansa

Wika na tumutukoy sa pagkakakilanlan

Wika na pinaglaban ng mga bayani

At sandatang nag taas puri

Stanza 2

Ngunit parang mas nag kakaintindihan tayo sa wikang turo ng banyaga

Naka limutan na nga ba natin ito?

Wikang pinaglaban noon pero binabalewala na ngayon

Wikang dapat minamahal pero inaayawan ng mamamayan

Sa iskwela Karamihan mas nahihirapan dahil ang wika na dapat gamitin ay Pilipino

Mas gusto nila ang wikang tila ba gawa ng mga amerikano

Stanza 3

Ang wika ang nag sisilbing pag kakakilanlan sa atin, mga pilipino

Pero kahit ako hindi ko na makilala ang wikang natin

Tila ba Natabunan ng wika ng ibang bansa

Pa-Patay na nga ba ito? Wika na dapat pinapayabong

Pero parang araw ng dapit hapon, Papalubog na


Stanza 4

Ang pag tangkilik sa wika ng mga banyaga

Ay parang pag talikod mo sa sariling bansa

Hindi ko sinasabing kailangan nating ipagtabuyan

ang paggamit ng wika ng ibang bansa

ngunit kailangan lang nating tandaan

na huwag kalimutan ang ating sariling wika

Wika kung saan tayo nag mula

Wika na walang halong banyaga

Stanza 5

Wika na para bang hindi na nabibigyang pansin

Natatabunan ng wika na galing sa mga banyaga

Wika na parang mas madalas ko nang marinig

Laging bukambibig ng mga taong nakapaligid

Pumunta man ako sa isang silid

ay madalas ito lang ang aking maririnig

Ano na? Tayong mga Pilipino ang pumapatay sa ating wika

Pagpatay na gamit din ang pananalita

Pag salita gamit ang ibang wika


Stanza 6

Kabataang mag-aahon sana

Tila ba nilamon na ng makabagong sistema

Kung saan wikang Pilipino na ang hindi kilala

At Wikang banyaga na ang kinikilala

Wika na dapat nilang sinasaulo

Ay lubhang nalimot na at nag kandalito-lito

Stanza 7

Ang wika ang nag papakita na tayo ay Malaya

Pero sa nakikita ko ay tayo na rin ang nag kukulong sa atin

Dahil sa pag gamit ng wika ng ibang bansa

Malaya sa bansa pero nakakulong sa wika ng banyaga

You might also like