Agenda Report Fil-Handout

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

AGENDA

Ang agenda ay isang magkakasunod na listahan ng mga paksang pag-uusapan sa isang


pulong. Ito ay karaniwang ipinapadala kasama ang paunawa ng pulong. Minsan, ito’y inihanda
matapos ang pag-ikot ng paunawa upang isama ang opinyon ng miyembro. Nakaayos ang agenda
ayon sa kahalagahan ng kawakasan nito. Ang mga paksa ay natutukoy sa pamamagitan ng
kalihim na may pagkonsulta sa mga may mataaas na kapangyarihan. Ang kontrobersyal na paksa
ay dapat nakasulat ditto.

Ayon sa Oxford Dicitonary, ito’y talaan ng mga aytem na pag-uusapan sa pormal na


pagpupulong at mga problemang dapat tutukan.

Ayon naman sa Cambridge Dictionary, ito ay mga talaan o balangkas ng mga usapin na
pag-uusapan sa isang pagpupulong.

Binigyang linaw rin ng Merriam Dictionary na ito’y mga plano o tunguhin bilang gabay
na maingat na pinagplanuhan.

Malaki ang pakinabang ng agenda. Ito ang nagsisilbing gabay sa isasagawang


pagpupulong upang maging maayos ang daloy ng talakayan. Nakasulat ito sa maikli ngunit
tahasang paraan.

Ayon kay Sudaprasert (2014), ang Adyenda ang nagtatakda ng mga pakasang talakayin
sa pulong. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng
matagumpay na pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga
taong kabahagi bago isagawa ang pulong.

Narito ang ilang kalahagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong

1. Ito ay nagsasaad ng sumusunod na mga impormasyon:

a. mga paksang talakayin

b. mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa

c. oras na itinakda para sa bawat paksa

2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang
talakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.

3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahay ng
paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.
4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga
paksang talakayin o pagdedesisyunan.

5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa
pulong.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ADYENDA

1. Magpadala ng memo na maaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na


nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong
araw, oras, at lugar.

2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo
o kung e-mail naman kung kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon. Ipaliwanag din sa
memo sa mga dadalo, na mangyaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang
concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na kanilang kailangan upang
pag-usapan ito.

3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o
paksa ay napadala na o nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng adyenda ay
nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong
magpapaliwanag, at oras kung gaano katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang gumawa ng
adyenda ay kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga isunumeting adyenda ay
may kaugnayan sa layuninn ng pulong.

4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang
pulong. Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailang at saan ito
gaganapin.

5. Sundin ang nasibing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG AGENDA

1. Sumulat kaagad ng agenda upang mag karoon na ng mga tala sa mga tiyak ng mga
dapat pag usapan sa darating nap ag pupulong.

2. Kapag nagkaroon na ng tiyak na panahon at lugar ang pag pupulong ay ikonsidera na


ang mga dapat isama o hindi dapat isama sa agenda.

3. Iwasan ang paglalagay ng napakaraming tala sa agenda kung hindi kakayanin ng


itinakdang limitadong oras. Magbubunga ito ng pagkabagot sa mga kasamahan sa pulong at
magiging hindi ito makabuluhan kung maraming nakasingit na agenda na hindi naman
kapakipakinabang.

4. Maglaan lamang ng sapat na oras sa bawat paksang isinulat mula sa agenda.

5. Gumawa ng isang magandang pormat ng agenda para sa maayos na pag presenta nito
ng mga taong sangkot sa itinakdang pulong.

MAHALAGANG HANGARIN SA AGENDA

Ang unang hangarin ay maisulat ang pinakamahalagang isyung tatalakayin ng mga


miyembro upang makapaghanda nang maaga.

Ikalawa, ay upang hayaan ang mga kasalo na malaman ang maliliit na detalyeng
kakailanganin bago dumating ang pagpupulong.
Pangatlo, ang agenda ay naglalaman ng layunin na maaring makamit o gustong makamit
pagkatapos ng pagpupulong.

HALIMBAWA NG AGENDA

You might also like