Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Banghay sa Araling Panlipunan para sa Baitang 9

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman sa
ugnayan ng pwersa ng demand at suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang
batayan ng matalinong pagdedesisyon ng sambahayan at bahay-kalakal tungo sa
pambansang kaunlaran.
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman
sa ugnayan ng pwersa ng demand at suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang
batayan ng matalinong pagdedesisyon ng sambahayan at bahay-kalakal tungo sa
pambansang kaunlaran.
C. Kasanayan sa Pagkatuto
Nailalapat ang kahulugan ng suplay batay sa pang-araw-araw na pamumuhay ng
bawat pamilya.
D. Mga tiyak na Layunin
Sa anumang bahagi ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng suplay.
b. Nailalarawan ang ugnayan ng supply schedule at suppy curve.
c. Napahalagahan ang bahaging ginagampanan ng mga prodyuser sa
pagprodyus ng mga produkto at serbisyo.
d. Nakaguguhit ng isang larawan ng produkto na nais ipagbili o isuplay sa
pamilihan.

II. Nilalaman

A. Paksa: KONSEPTO NG SUPPLY

B. Sanggunian: Ekonomiks pp. 153-174

C. Kagamitang Panturo: Aklat, blackboard, chalk, Visual Aid

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Pagtatala ng Liban

3. Balitaan

4. Balik-Aral

1. Ano ang Elastisidad ng Demand?

2. Ano-ano ang iba't-ibang uri ng Elastisidad bg Demand?

5. Pagganyak (Kilala Natin)


Larawan #1 Vice Ganda

Larawan #2 Nash Aguas

Larawan #3 Nadine Lustre

Larawan #4 Marian Rivera

Pamprosesong Tanong

1. Sino-sino ang mga nasa larawan?

2. Ano-ano ang ginagampanan ng mga personalidad sa larawan?

3. Sa iyong palagay bakit sila pumasok sa pagnenegosyo?

B. Aktibiti

Suriin ang pag-uusal ng dalawang prodyuser at sagutin ang pamproseng tanong.

Pamprosesong Tanong:

1. Tungkol saan ang paksang pinag-uusapan ng dalawang prodyuser?

2. Batat sa usapan, ano ang reaksyon ng isang prodyuser kapag tumaas ang presyo?

3. Sa iyong hinuha, ano ang relasyon ng pagtaas ng presyo ng mga produkto sa pagdagdag ng
produksiyon?

C. Analysis

 Sa iyong palagay bakit mahalagang malaman ng mga prodyuser ang pagbabago ng


presyo?

D. Abstraksyon

Pagbibigay kahulugan sa bawat salita.

a. Suplay - tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng


mga prodyuser sa iba't-ibang presyo sa isang takdang panahon.
b. Batas ng Suplay - isinasaad ng Batas ng Supply na mayroong direkta o positibong
ugnayan ang presyo sa quantity supplied ng isang produkto.

c Supply schedule - isang talaan ng nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng


mga prodyuser sa iba't-ibang presyo.

d. Supply curve - nagpapakita ng direktang ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng


gusto at handang ipagbili ng mga mamimili.

e. Supply function - matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity


supplied.

E. Aplikasyon (MAGCOMPUTE TAYO!)

Gawain 1. Kumpyutin ang sumusunod na talahanayan gamit ang datos na nasa ibaba.

A. Supply Function na QS= 0+5P

Presyo Quantity Supplied

20

40

10

B. Supply Function: QS = -80+4P

Punto Presyo Quantity Supplied

A 23

B 26

C 31

D 56

E 72

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat kung tama o mali ang pangungusap at kung mali ay isulat ang tamang sagot
sa patlang.

Tama 1. Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produktl o serbisyo na handa at


ipagbili ng mga prodyuser sa iba't-ibang presyk sa isang takdang panaho.

Supply Schedule 2. Supply Curve ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at


gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba't-ibang presyo.

Dayagram o graph3. Maipapakita rin ang ugnayan ng presyo sa quantity supplied sa


pamamagitan ng isang chart.

Tama 4. Ang supply function ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng


presyo at quantity supplied.

Tama 5. Ang isa pang paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity


supplied ay sa pamamagitan ng supply function.

V. Takdang- Aralin

Magsaliksik ng iba pang mga salik na nakaaapekto sa Supply.


Banghay Aralin sa Araling Panlipunan para sa Baitang 9

II. Layunin

Sa anumang bahagi ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nailalahad ang mga salik na nakaaapekto sa Supply.

b. Natatalakay ang epekto ng mga Salik sa pagtaas at pagbaba ng supply.

c. Nabibigyang mportansya ng mga mag-aaral ang mga salik na nakaaapekto sa


supply sa pang-araw-araw na pamumuhag

bilang kasapi ng pamilya at lipunan.

II. Nilalaman

A. Paksa: Mga Salik na Nakaaapekto sa Supply

B. Sanggunian: Ekonomiks 9, Aralin 3 pp. 163-164

C. Kagamitang Panturo: Aklat, blackboard, chalk, Visual Aid, Mga Larawan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Pagtatala ng Liban

3. Balitaan

4. Balik-Aral

1. Ano ang Supply?

2. Ano ang tatlong pamamaraan ng paglalahad ng ugnayan ng presyo at supply?

5. Pagganyak: CHOOSY-EX! (Choose and Explain)

Mamahalin o Mumurahin ka?

May mga bagay na ipapakita sa mga mag-aaral. Tatawag ng estudyante na pipili ng


isang bagay, at sasabihin nya mamahalin o mumurahin ang kanyang napili at bakit?

B. Aktibiti

Magpapakita ng mga larawan ng supply sa mga mag-aaral.

Tatanungin ang mga mag-aaral kung:


1. Sapat ba ang dami ng mga supply sa sa merkado?
2. Sa tingin niyo, ano ang mga kadahilanan sa pagbaba o pagtaas ng dami ng supply.

C. Analysis

 Bukod sa presyo, ano-ano pa ang mga salik na nakaaapekto sa supply?

D. Abstraksyon

Tatalakayin ang mga salik na nakaaapekto sa supply.

Iba Pang Salik Na Nakaaapekto Sa Supply

1. Pagbabago sa Teknolohiya
2. Pagbabago sa Halaga ng mga Salik Produksyon.
3. Pagbabago sa Bilang ng mga Nagtitinda.
4. Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto.
5. Ekspektasyon ng presyo.

E. Aplikasyon

Gawain 1. GRAPHIC ORGANIZER

Isulat sa loob ng kahon ang angkop na salik upang mabuo ang organizer.

Mga Salik na
Nakaaapekto

Sa Supply
1. Ano ang dalawang pangunahing salik na nakakaimpluwensya sa supply?

2. Bukod sa sariling presyo, ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa supply?

IV. Pagtataya

ANO ANG DESISYON MO?

Suriin ang mga sitwasyon sa bawat bilang. Isulat at ipaliwanag sa patlanv sa ibaba ang
iyong desisyon.

1. Tumataas ang gastos sa produksyion dulot ng pagtaas ng halaga ng mga materyales. Hibdi
ka makapagtaas ng presyo sapagkat baka marami ang hindi na bumili sa iyo. Ano ang dapat
mong gawin?

2. Maramjng balakid na kakaharapin ang iyong negosyo, ilan dito ang banta ng kalamidad at
krisis sa kabuhayan at sa ekonomiya. Paano mo mapatatag ang iyong negosyo?

V. Takdang-Aralin

Magsaliksik ng Uri ng Price Elasticity ng Supply at ang formula nito.


BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

Petsa: February 27, 2023

Time: 4:00-5:00 PM

Grade & Section: Grade 9 - Burgos

I. Layunin

a Naipapaliwanag ang kahulugan ng elastisidad ng suplay sa presyo.

b. Nasusuri ang mga uri ng price elasticity of supply.

c. Naimumungkahi ang paraan ng pagtugon ng prodyuser sa porsyento ng pagbabago


ng presyo sa pamamagitan ng elastisidad ng supply.

II. Nilalaman

A. Paksa: PRICE ELASTICITY OF SUPPLY

B. Sanggunian: Ekonomiks 9, pp.170-173

C. Kagamitang Panturo: Aklat sa Ekonomiks, Visual Aids, Chalkboard

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Pagtatala ng Liban

3. Balitaan

4. Balik-Aral

1. Ano ang dalawang pangunahing salik na nakaiimpluwensya sa supply?

2. Bukod sa presyo, ano-ano pa ang mga salik na nakaaapekto sa supply?

B. Aktibiti

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit kaya hindi pare-pareho ang pagtugon ng mga prodyuser sa pagbabago ng presyo ng
mga produktonv kanilang ibenebenta?

C. Analysis
1. Ano ang price elasticity of supply?

2. Ano ang kahalagahan ng konsepto ng price elasticity of supply para sa mga prodyuser?

D. Abstraksyon

Price elasticity of Supply - ay ang paraan na ginagamit upang masukat ang magiging
pagtugon ng quantity supplied ng mga prodyuser sa tuwing may pagbabago.

Gamit ang mid-point formula ang %∆Qs at ang %∆P ay makukuha sa pamamaraang:

ES = %∆QS

%∆P

%∆QS %∆P

= Q2-Q1 ×100 = P2-P1 ×100

Q1+Q2 P1+P2

2 2

URI NG ELASTISIDAD KAHULUGAN HALIMBAWA NG PRODUKTO

1. Elastic Ang supply ay masasabing Halimbawa nito ay mga


price elastic kapag mas manufactured goods, tulad
%∆QS >%∆P malaki ang naging bahagdan ng tela, damit, sapatos,
Es > 1 ng pagbabagkng quantity appliances, at marami pang
supplied kaysa sa bahagdan iba. Kapag tumaas ang
ng pagbabago ng presyo. presyo, mas mabilis na
Ibig sabihin, mas madaling nakagagawa ng produkto ang
nakatutugon ang mga mga prodyuser.
prodyuser na magbago ng
quantity supplied sa
maikling panahon.

2. Inelastic Ang supply ay masasabing Isang halimbawa nito ay ang


price inelastic kapag mas mga nagmamay-ari ng mga
%∆QS <%∆P maliit ang naging bahagdan resort. Hindi maagad
Es <1 ng pagtugon ng quantity makapagdadagdag ng supply
supplied kaysa sa bahagdan ng kuwarto o kaya ay
ng pagbabago ng presyo. swimming pool kahit tumaas
Samakatwid, anumang ang bayad o renta sa mga ito.
bahagdan ng pagbabagk sa Mangangailangan ng matagal
presyo ay maduduloy ng na panahon ang resort
mas maliit na bahagdan na owners bago makatugon sa
pagbabago sa quantity
supplied. Mahabang pagbabagk ng bayad o renta.
panahon pa ang
kakailanganin ng mga
supplier upang makatugon
sa pagbabagk ng demand.

3. Unitary o Unit Elastic Pareho ang bahagdan ng Walang tiyak na halimbawa


pagbabago ng presyo sa ang supply na unit elastic.
%∆QS = %∆P bahagdan ng pagbabago ng
Es =1 quantity supply.

E. Aplikasyon

Kumpyutin ang price elasticity of supply.

1. Q1 = 100 P1= 30

Q2 = 150 P2 = 40

2. Q1 = 450 P1= 30

Q2 = 620 P2 = 50

V. Pagtataya

I. Punan ng tamang kasagutan ang dalawang kolum upang mabuo ang talahanayan.

Uri ng Elastisidad Mathematic Statement Coefficient

1. Elastic

2. Inelastic

3. Unitary

II. Kumpyutin ang Price elasticity of supply at tukuyin ang uri ng elasticity.

1. P1 = 25 Q1= 150

P2 = 40 Q2= 250

2. P1= 10 Q1= 200

P2 = 15 Q2 = 220

VI. Takdang-Aralin
Bumuo ng isang islogan na may temang "Ang Mapanagutang Prodyuser". Ilagay ito sa isang
buong kartolina na kahit anong kulay.

Rubrik sa Pagmamarka ng Islogan

Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang Puntos

NILALAMAN Mayaman sa
katuturan ukol sa
paksang "
Mapanagutang 10
Prodyuser" at
mapanghikayar sa
mambabasa ang
islogan na ginawa.

MALIKHAING Gumamit ng mga


PAGSULAT angkop na salita at
estratehiya sa
pagsulat ng tugma, 10
metapora, at
patudyong salita
upang maging kaaya-
aya ang islogan.

TEMA Angkop ang isloga sa


tema na
10
"Mapanagutang
Prodyuser"
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

Petsa: Marso 1, 2023

Time: 8:30-9:30 AM

Grade & Section: Grade 9 - Burgos

I. Layunin

a Naipapaliwanag ang interaksyon ng deman at supply sa kalagayan ng presyo at


pamilihan

b. Nasusuri ang mga epekto ng shortage at surplus sa presyo at dami ng kalakal at


paglilingkod sa pamilihan

c. Naimumungkahi ang paraan ng pagtugon/kalutasan sa mga suliraning dulot ng


kakulangan at kalabisan

II. Nilalaman

A. Paksa: INTERAKSYON NG DEMAND AT SUPPLY

B. Sanggunian: Ekonomiks, Aralin 4, pp.178-184

C. Kagamitang Panturo: Aklat sa Ekonomiks, Visual Aids, Chalkboard

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Pagtatala ng Liban

3. Balitaan

4. Balik-Aral

1. Ano ang price elasticity of supply?

2. Ano-ano ang iba't-ibang uri ng Elastisidad ng Supply?

B. Aktibiti

Gamit ang speech balloon sa ibaba, magbahagi ng ilan sa iyong mga karanasan ukol sa
pagbili ng produkto o serbisyo at pakikipagtawaran sa presyo nito.
Pamprosesong tanong:

1. Sa tingin mo, bakit pumayag ang prodyuser na ibigay ang produkto sa nais mong presyo at
dami?

2. Bakit ka naman pumayag sa nais din niyang presyo at dami?

C. Analysis

Paano ang interaksiyon ng demand at supply ay nagiging batayan ng matalinong


pagdedesisyon ng prodyuser at konsyumer tungo sa pambansang kaunlaran?

D. Abstraksyon

ANG EKWILIBRIYO SA PAMILIHAN

Ayon kay Nicholas Gregory Mankiw (2012) sa kaniyang aklat na Essentials of


Economicsm, kapag nagaganap ang ekwilibriyo ay nagaganap ang ekwilibriyo ay nagtatamo
ng kasiyahan ang parehong konsyumer at prodyuser. Ang konsyumer ay nabibili ang kanilang
nais at ang mga prodyuser naman ay nagbebenta ng kanilang mga produkto.

Ekwilibriyo - isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto
o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga
prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan.

Ekwilibriyong Presyo - ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser.

Ekwilibriyong Dami - ang tawag sa pinagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo.


QuantityDemanded (Qd) Presyo (P) Quantity Supplied (Qs)

10 5 50

20 4 40

30 3 30

40 2 20

50 1 10

60 0 0

A. Sa presyong tatlong piso, quantity demanded at quantity supplied ay pantay


(Qd =QS)

B. Sa presyong mas mataas ang tatlong piso, mas maliit ang quantity demanded kaysa
sa quantity supplied (Qd < Qs)

C. Sa presyong mas mababa sa tatlong piso, mas malaki ang quantity demanded kaysa
sa quantity supplied (Qd > Qs)

Sa pamamagitan ng mathematical equation ay maaari na natibg makuha ang


ekwilibriyong presyo at quantity.

Qd= 60-10 P Qs=0+10P

Qs= Qd Qd = 60-10P Qs= 0+10P

0+10P = 60 -10P = 60-20(3) = 0+10(3)

10+10P = 60-0P = 60-30 = 0+30

20P = 60 = 30 =30

20 20

P= 3

Ekwilibriyong Presyo (P*) =3 Ekwelibriyong Dami (Q*) =30

PARAAN NG PAGTUGON/ KALUTASANSA MGA SULIRANING DULOT NG KAKULANGAN


(SHORTAGE) AT KALABISAN (SURPLUS)

Shortage - ay nararanasan kung ang dami ng demand ay mas malaki kaysa dami ng
supply.
Surplus - ay nararanasan kung mas marami ang quantity supplied kaysa quantity
demanded.

E. Aplikasyon

A. Buuin ang talahanayan sa ibaba gamit ang demand at supply functions.

Qd = 150-P Qs= -60+2P

Presyo (P) 110

40

55

80

65 110

100

B. Labis? Kulang? O Sakto?

Suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ang sumusunkd na pangungusal ay
nagsasaad ng surplus, shortage o ekwilibriyo.

1. Biniling lahat ni Ventor ang mga tindang biko ni Clara.

2. Sa sobrang init ng panahon, naging matum ang benta ng lugaw ni Jocelyn.

3. Naubos kaagad ni Mang Kiko ang kaniyang paninda nang bilhin lahat ng nga turista ang
mga ito.

4. Nagkasundo ang prodyuser at konsyumer sa halagang Php50 at sa dami na 30.

5. Napanis lamang ang nilutong ulam ni Aling Myrna dahil sa suspensiyon ng klase kaninang
umaga.

V. Pagtataya

Pagsusulit

1. Ito ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser.

2. . Ang puwersa ng demand at suplay ay magtatakda ng ekwilibriyong presyo ng produkto.

3. Ang tawag sa pinagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo.


4. Anumang sitwasyon sa kalagayan na hindi pareho ang Quantity Demanded at Quantity
Supplied

5. Ito ay nararanasan kung ang Quantity Supplied ay mas marami sa Quantity Demanded

6. Ito ay nararanasan kung ang Quantity Supplied ay mas kaunti sa Quantity Demanded

7. Kung magkakaroon ng paglipat ng supply curve pakanan at hindi magbabago ang demand,
ano ang mangyayari sa mga produkto sa pamilihan?

8. Kung magkakaroon ng paglipat ng demand curve pakaliwa ngunit hindi nagbabago ang
supply, ano ang mangyayari sa produkto?

9. Kung may surplus sa pamilihan, ano ang mangyayari sa presyo ng produkto o serbisyo?

10. Kung may shortage naman sa pamilihan, ano ang mangyayari sa produkto o serbisyo?

11. Magbigay ng ilang paraan para malutas ang shortage

12. Magbigay ng ilang paraan para malutas ang surplus13. . Ang shortage at surplus ay uri ng
ano?

Mga Sagot:

1. Ekwilibriyong Presyo

2. Law of Demand and Suplay

3. Ekwilibriyong Dami

4. Disekwlibriyo

5. Surplus

6. Shortage

7. magkakaroon ng labis na supply o surplus

8. magkakaroon ng labis na supply o surplus

9. Bababa ang presyo

10. Tataas ang presyo ng produkto.

11. Import,dagdagan ang supply

12. Export,promo/sale,bwasan ang supply

13. Uri ngdisekwilibriyo

VI. Takdang-Aralin
Batay sa iyong karanasan, sumulat ng isang journal na nagpapakita sa naging ugnayan ng
demand at supply bilang pagtugon sa iyong mga pangangailangan at kagustuhan.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong naging batayan sa pagbuo ng iyong journal?

2. Paano mo naipapakita ang interaksyon ng demand at suplay?

3. Ipaliwanag kung paano nababago ng interaksyon ng demand at supply ang pagtugon sa


iyong mga pangangailangan at kagustuhan.

You might also like