Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Flores, Alixcia Laine R.

BEEd 2-1

A1- Pagpapakilala sa Sarili

Sa pagbabasa mo ng aking munting akda tungkol sa aking sarili hahayaan kitang makapasok sa
mundong aking ginagalawan. Ako? Ako ay si Alixcia Laine Roja Flores maari mong marinig ang
aking pangalan lalong lalo na sa aking mga kaibigan na ako ay isang madaldal, palakaibigan,
kaaway at matalik nilang kaibigan ngunit sa likod ng aking mga tawa at biro na binibigkas sa
aming tahanan ako ay isang Anak, Ina at Kapatid na responsable sa kung ano ang dapat na gawin
sa aming tahanan. Nakatira ako sa munting barangay ng 211 sa Tondo na kalimitang alam natin
bilang maingay at magulo ngunit sa paglipas ng mga taon ay lubhang makakasanayan mo ang
pagikot ng mundo lalong lalo na sa lugar na ito. Mayroon akong dalawang kapatid, at dahil ako
ang pangalawa masasabi ko na dapat mas maging responsable at maintindihin ako upang maging
maayos ang aming tahanan. Ang aming panganay ay tapos na sa kaniyang pag-aaral at ngayon ay
nagtatrabaho na sa edad na dalampu’t tatlong taong gulang at ang aming bunso naman na kapatid
ay nasa ika -anim na baitang sa elementarya na edad labingisang taong gulang, kung nagtataka
kayo kung ano ang aking edad ako ay mawawala na sa kalendaryo ng pagiging teenager dahil sa
darating na April 16 ako ay magiging dalawampu't tatlong gulang na. Nakapagtapos ako ng
elementarya sa paaralan na malapit sa aming tahanan na ang pangalan ay Plaridel Elementary
School na kung saan dahil sa mga guro at mga tao na nakasalamuha ko mas nagkaroon ako ng
kagustuhan na magturo. Ang Florentino Torres High School at Philippine College of Criminology
naman ang humubog ng aking isipan at mga kaalaman sa sekondaryang edukasyon, Nakakatuwa
na dahil sa mga paaralan at guro rito ay nakarating ako sa kung nasan ako ngayon, dahil sa sipag
at tiyaga na mayroon ako nakamit ko na makapasok sa mataas na paaralang Pamantasan ng
Lungsod ng Maynila na kung saan kinatutuwa hindi lang ng aking sarili pati na rin ng aking mga
magulang at kaanak. Sa aming tahanan naman ang tanging taga pangalaga na lamang namin ay
ang aming Ina na si Imelda Roja dahil ang aking ama ay namatay noong taong Disyembre 13, 2017
dahil sa sakit sa puso, hindi man maganda ang kaniyang sinapit ngunit isa siya sa mga taong
tinitingala ko at inspirasyon ko sa araw araw na pagmulat ng aking mga mata. Sa maagang paglisan
din ng aking ama sa mundo mas naging madiskarte at responsable ako lalong lalo na sa aming
tahanan dahil hindi maaring maging pariwara ako dahil may kapatid pa akong dapat na alagaan
lalong lalo na't hindi naman ako ganon pinalaki ng aking ama. Tungkol naman sa mga kaibigan
mahilig ako na alisin o umalis sa relasyon na maaring makasira ng aking kapayapaan ng isip,
ngunit hindi dahil doon ay wala na akong kaibigan, kaunti man sila ngunit alam kong mga totoo
at mahal nila kung sino ako. Sa paglipas ng mga taon alam ko na marami pa sa aking mga prinsipyo
at pananaw ang maaring magbago ngunit ang hindi maalis sa lahat ay ang pagiging totoo ko lalong
lalo na sa mga tao sa paligid ko. Alam ko na hindi lahat mapapatunayan ang mga nakasaad dito
ngunit kilala ko ang aking sarili at mas magiging maganda rin kung kikilalanin mo pa ako.

You might also like