Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN

ARTS-111

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


a. Naipapakita ang ilusyon ng espasyo sa pagguhit ng mga bagay ng mga tao na may
iba’t ibang laki o sukat (A3EL-Ib);
b. Natutukoy ang larawan na ginagamitan ng ilusyon ng espasyo; at
c. Nakagagawa ng sining na nagpapakita ng ilusyon ng espasyo.

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa : Pagpapakita ng ilusyon ng espasyo.
b. Sanggunian : Melc based quarter 1 week 2 arts 3 A3EL-Ib

c. Kagamitan: Video clip mula sa youtube (29) KUNG IKAW AY MASAYA (2021) WITH
LYRICS | Animated Filipino Folk Song | Hiraya TV - YouTube
Mga larawan mula sa google
Laptop
Manila paper
Lapis, krayola, marker

III. KAHALAGAHAN AT KAKAYAHAN

a. Kooperasyon
b. Pag-uunawa, at
c. Kaalaman

IV. PAMAMARAAN AT PAGTUTURO

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban
4. Balik aral

B. Panlinang na gawain
1. Pagganyak

a. Ipaawit sa mga bata (29) KUNG IKAW AY MASAYA (2021) WITH LYRICS | Animated Filipino Folk
Song | Hiraya TV - YouTube

b. Itanong sa mga mag-aaral kung ano bagay ang napansin nila sa mga larawan na Nakita
sa video
c. Itanong kung may Nakita ba silang mga bagay na maliit at malaki
d. Itanong kung napansin nila ang paglaki at pagliit ng mga bagay sa palagid maging ang
tao sa larawan.

2. Paglahad ng Paksa

 Ang pag gamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan o Teknik ng pintor upang
ipakita ang layo o distansya, lalim, lawak ng kaniyang likhang sining . Ito ay isang
paraan upang maging makabuluhan ang isang likhang sining sa
pagguhit .Kailangang maiguhit nang malaki ang mga bagay na malapit sa tumitingin
at maliit naman kung ito ay malayo sa tumitingin.

 Ang mga bagay sa isang dibuho ay nagiging mas makatotohanan sa pamamagitan


ng ilusyon ng espasyo.

 Ito ay maaring ipakita sa pamamagitan ng laki at posisyon ng mga bagay.

 Ang kulay ng mga bagay na malapit sa tumitingin ng larawan ay mas matingkad


habang ang malalayo ay mapusyaw.

 Mas kita ang detalye ng mga bagay na malapit sa tumitingin kaysa sa mga malayo.

You might also like