Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KASUNDUAN NG PAGPAPAUPA

Dapat malaman ng lahat;

Ako si G. Exequel Santos, may sapat na taong gulang, naninirahan sa Santos Ville, Barangay Bitas,
Lungsod ng Kabanatuan, na kinilala bilang unang panig:

At

Ako si G. Danilo H. Saludares, may sapat na taong gulang, naninirahan sa Santos Ville, Barangay
Bitas, Lungsod ng Kabanatuan, na kinilala bilang ikalawang panig:

Na ang unang panig ay may pag-aari na stall o pwesto na matatagpuan sa Santos Ville, na
pinauupahan ng unang panig sa halagang P 3,000.00, Tatlong Libong Piso perang Pilipino sa kundisyon
katulad ng mga sumusunod:

Na hindi pinahihintulutan ng unang panig ang ikalawang panig ang anumang pagbabago o pagsasa-
ayos sa stall o pwesto nang walang pahintulot ang unang panig at anuman ang mga gawing pagbabago o
pagsasa-ayos sa nabanggit na stall o pwesto ay mananatiling ang ikalawang panig lamang ang may
kagustuhan nito kaya’t ang anuman ang mga maging gastusin dito ay ang ikalawang panig lamang ang
mananagot at hindi ang unang panig.

Ang ikalawang panig ay kinakailangang magbayad sa unang panig ng katumbas ng upa sa loob ng
isang buwan bilang paunang bayad at maglagak ng halagang katumbas ng upa para sa dalawang buwan (2)
bilang deposito at sa tuwing sasapit o darating ang takdang araw o petsa ng pag-upa ay kinakailangang
magbayad ang ikalawang panig sa unang panig.

Ang nakalagak na halaga ukol sa deposito ay hindi maaaring gamitin ng ikalawang panig hanggang sa
pagtatapos ng kasunduang ito.

Ang ikalawang panig ay hindi pinahihintulutan ng unang panig na magpa-inom at mahigpit na


ipinagbabawal. Ang pagtitinda o pagbebenta ng anumang uri ng mga inuming nakakalasing at binibigyan ng
limitasyon na kinakailangan lamang na bukas ang ikalawang panig hanggang ika-10:00 ng gabi lamang.

Ang kasunduang ito ay tatagal lamang sa loob ng (1) isang taon at may bisa simula sa ika-2 ng Enero
2022, hanggang sa ika-31 ng Disyembre 2022, maliban kung ang unang panig at ikalawang panig ay muling
nagkasundo upang ipagpatuloy ang kasunduan ito.

EXEQUEL SANTOS DANILO H. SALUDARES


Unang Panig Ikalawang Panig

Pinatunayan ni:

ROLANDO L. EUGENIO
KALIHIM

You might also like