Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Asignatura Filipino Baitang 4

W1 Markahan IV Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Pagbibigay ng Panuto
Paghahambing ng iba’t ibang patalastas.
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Nakapagbibigay ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit
KASANAYANG ang pangunahin at pangalawang direksyon
PAMPAGKATUTO (MELCs) (F4PS-IVa-8.7)
Nasasagot ang mga tanong sa napanood na patalastas (F4PD-IVf-89)
Nakapaghahambing ng iba’t ibang patalastas sa napanood (F4PD-IV-g-i-9)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:
 Makapagbigay ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit
ang pangunahin at pangalawang direksyon;
 Makasagot sa mga tanong sa napanood na patalastas, at
 Makapaghambing ng iba’t ibang patalastas sa napanood.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 85 minuto)

Sa araling ito, matututuhan mo ang wastong pagbibigay ng panuto na may tatlo hanggang apat na
hakbang gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon. Gayundin ang pagsagot sa napanood/nabasang
patalastas at paghahambing sa iba’t ibang uri nito.
Ang panuto ay isang tagubilin o iniuutos kung ano ang gagawin. Maaaring pabigkas o nakasulat.
Mahalaga ang pagsunod sa panuto upang maiwasan ang pagkakamali. Sa pamamagitan ng pag-unawa at
pakikinig nang mabuti, masasagot natin ang mga tanong tungkol sa mahahalagang detalye tungkol dito.
Magagawa rin nating makasunod sa panuto kung uunawaing mabuti ang ating binabasa o pinapakinggan.
Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Ang mga pangunahing direksyon
ay ang Hilaga, Kanluran, Silangan, at Timog. Hilagang Kanluran, Hilagang Silangan, Timog Kanluran, at Hilagang
Kanluran naman ay ang mga pangalawang direksyon.
Mahalaga ang kaalaman sa paggamit ng pangunahin at pangalawang direksyon upang mas madali
nating matukoy ang kinalalagyan ng hinahanap nating bagay o lugar.

Pangunahing Direksyon

Hilaga (H)

Pangalawang Direksyon

Hilaga (H)
Kanluran (K) Silangan (S)
Hilagang Kanluran Hilagang Silangan

Timog (T) Kanluran (K) Silangan (S)

Timog Kanluran Timog Silangan

Timog (T)

Ang Patalastas ay isang paraan nang pag-aanunsyo ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba’t
ibang anyo ng komunikasyong pang madla, ito man ay positibo o negatibo. Layunin nito na mahikayat o
mahimok ang madla na magpatuloy, tumangkilik o gumawa ng bagong kilos. Ang inaadhikang resulta ay ang
maimpluwensiyahan ang ugali ng taga-konsumo (mamimili) alinsunod sa isang alok na pangkalakalan. Makikita
ang patalastas sa iba’t ibang midyang tradisyonal katulad ng pahayagan, magazine, patalastas sa telebisyon,
radyo, at nasa labas ng gusali o panlansangan. Sa kasalukuyan, makikita na rin ito sa bagong medya tulad ng
mga blog, websayt, o mga mensaheng teksto. Mahalaga na suriing mabuti ang impormasyong nais nitong
ipahagay o ipabatid sa madla.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

May iba’t ibang uri ang patalastas: 1. pasalita (ginagamit ang bibig o boses upang ipahayag ang isang
produkto); 2. nakalimbag na patalastas (halimbawa ay ang mga poster na nakadikit sa mga poste, mababasa
sa dyaryo o magazine, brochure, leaflets, at naka kabit sa billboard); 3. napapanood sa telebisyon at
napakikinggan sa radyo (dahil biswal at oditoryo, mas kaaya-aya at kaakit-akit ang produkto), 4. patalastas sa
social media (ito man ay mula sa facebook, instagram o iba pang aplikasyon).

Bilang paghahanda, basahin ang patalastas na nasa ibaba at sagutin ang mga tanong.

Tanong:

1. Tungkol saan ang patalastas?


2. Sino-sino ang maaaring magpalista?
3. Kailan maaaring magpalista?
4. Saan dapat magpalista?
5. Mahalaga ba ang magpalista? Bakit?

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 95 minuto)

Gawain sa Pagkatuto 1: Halika! Gamit ang mapa, tulungan natin sina Mario at Maria na makarating sila sa
kanilang patutunguhan. Nais nilang magtungo sa mga lugar na makikita sa kanilang bayan.

Tanong:
____________1. Anong direksyon matatagpuan ang Barangay Hall?
____________2. Upang makarating sina Mario at Maria sa simbahan, anong direksyon ang dapat nilang tahakin?
____________3. Sila ay nagutom at nais nilang kumain ng tinapay, sa anong direksyon matatagpuan ang
panaderya?
____________4. Tama o mali. Mula sa parke,ang sementeryo ay nasa Kanluran ng pamilihan.
____________5. Mula sa Istasyon ng Pulis, anong direksyon matatagpuan ang paaralan?

Gawain sa Pagkatuto 2:
Subukin mong muli ang iyong kaalaman sa pagbibigay ng direksyon. Gamit ang mapa sa itaas, sumulat ng
panuto gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon kung saan matatagpuan ang sumusunod.
1. Barberya:________________________________________________________.
2. Parke:___________________________________________________________.
3. Istasyon ng Bumbero:____________________________________________.
4. Sementeryo:_____________________________________________________.
5. Simbahan:_______________________________________________________.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Gawain sa Pagkatuto 3: Panuto: Basahin ang patalastas sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Isulat ang inyong
sagot sa sagutang papel.
Tanong:

1. Tungkol saan ang patalastas?


2. Anong uri ito ng patalastas?
3. Ano ang ipinahihiwatig ng patalastas?

Gawain sa Pagkatutuo 4: Panuto: Paghambingin ang patalastas na inyong napanood. Sagutin ang mga tanong
at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tanong:
1. Ano ang produkto ng patalastas A? Patalastas B?
2. Ano ang impormasyong ipinahahayag ng
dalawang patalastas?
3. Alin sa dalawa ang dapat tangkilikin at alin ang
hindi? Bigyang katwiran.
A. B.

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 95 minuto)

Gawain sa Pagkatuto 5:
Gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon, bumuo ng mga panuto kung saan matatagpuan ang mga
gamit ninyo sa sala ng inyong bahay.
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagbuo ng Panuto


5 puntos Mahusay at maayos na nakabuo ng tatlo hanggang apat na panuto gamit ang pangunahin
at pangalawang panuto.
3 puntos Nakabuo ng mababa sa tatlong panuto ngunit gumamit ng pangunahin at pangalawang
direksyon.

Gawain sa Pagkatuto 6: Pag-aralan mong mabuti ang mapa upang masagot mo nang wasto ang bawat
katanungan.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

_________________1. Mula sa bahay anong direksyon matatagpuan ang hospital?


_________________2. Ano ang matatagpuan sa kanluran ng sasakyan ng dyip?
_________________3. Kung ikaw ay nasa istasyon ng pulis, anong direksyon ang simbahan?
_________________4. Sa anong direksyon ang Paliparan kung ikaw ay nasa ospital?
5. Mula sa inyong bahay, bumuo ng panuto kung paano makararating sa paaralan.__________________________
___________________________________________________________________.
Gawain sa Pagkatutuo 7: Panuto: Basahin ang mga patalastas, tukuyin ang uri nito. Sagutin ang mga tanong at
isulat ang sagot sa inyong papel .

1 2 3
Tanong:
1. Anong uri ng patalastas ang nasa unang bilang?
2. Ano ang nais ipahayag ng patalastas sa bilang 2?
3. Ano ang mabuting dulot ng patalastas sa bilang tatlo?
4. Mahlaga ba ang mga patalastas sa itaas? Bakit?

Gawain sa Pagkatutuo 8: Panuto: Manood ng mga patalastas, pumili ng isa, kunan ng larawan at ilapat sa
papel. Isulat sa ibabang bahagi ang impormasyong ipinahahayag ng patalastas at ang kahalagahan nito.

Tanong:
1. Ano ang produkto sa bawat bilang?
2. Ano ang nais ipahayag ng bawat patalastas?
3. Anong uri ng patalastas ang bawat bilang?
4. Alin sa mga patalastas ang mahalaga? Bigyan ng katwiran.

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 25 minuto)

Sa iyong sagutang papel, buuin ang mahalagang kaisipang ito.

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 15 minuto)


(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo)

Ating subukin ang iyong natutuhan sa mga araling ating tinalakay.


Mula sa inyong bahay patungo sa paaralan, bumuo ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit
ang pangunahin at pangalawang direksyon. Isulat ang iyong sagot sa isang hiwalay na papel.
Pamantayan sa Pagbuo ng Panuto
5 puntos Mahusay at maayos na nakabuo ng tatlo hanggang apat na panuto gamit ang pangunahin at
pangalawang panuto.
3 puntos Nakabuo ng mababa sa tatlong panuto ngunit gumamit ng pangunahin at pangalawang direksyon.

Panuorin ang patalastas gamit ang link na ito at sagutin ang sumusunod na tanong (Ito ay gagawin kung may may internet
connection sa bahay)
https://www.youtube.com/watch?v=Hu0E3xDVHE8
 Sino ang gumawa ng pastillas?
 Ano-ano ang mga benepisyong nakukuha sa pastillas?
 Paano ito ginagawa?
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

1. Tungkol saan ang patalastas na iyong nakikita sa larawan?


2. Ano ang kaibahan nito sa iyong patalastas na nabasa o napanood?
3. Ano-ano ang mga dapat tandan upang makaiwas sa COVID-19?
4. Ano ang akronim ang dapat nating tandan?

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)


 Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Magsulat ka sa iyong kwaderno ng iyong nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na________________________________________________________________________________________.
Nabatid ko na ____________________________________________________________________________________________.
Naisasagawa ko na_______________________________________________________________________________________.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito
sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN https://www.scribd.com/document/495968173/FILIPINO4-WEEK1-Q4

Inihanda ni: John Rey O. Gloton Sinuri nina: Maribeth Rieta

Nerlito M. Del Mundo

Renante R. Soriano, EdD

You might also like