Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 40

MODYUL 3

Ang Epektibong
Proseso
ng Pakikinig
Aralin 3 : Pakikinig

I. Panimula
▪ Ano sa palagay ninyo ang bibigyang natin ng liwanag sa modyul na
ito?
✔ PAKIKINIG
▪ Kabilang ba ang pakikinig sa Makrong Kasanayang Pangwika?
✔ Oo. Una sa Makrong Kasanayang Pangwika
▪ Bakit kailangan mong pagtuunan ng pansin at panahon ang
pakikinig?
✔ Upang maging mahusay at mabisa sa iyong pakikipagtalastasan
Pakikinig
II. Mga Layunin
Ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Matukoy at ganap na maisa-isang banggitin at
ipaliwanag ang mga sumusunod na aralin ukol sa
pakikinig.
a. bilang makrong kasanayang pang-
komunikasyon at panumbas sa salitang
“listening”
Pakikinig
b. kahalagahan ng pakikinig
c. mga yugto sa prosesong pakikinig
d. mga dapat tandaan upang maging
mabisang tagapakinig
2. Magamit ang iba’t ibang kasanayan sa pakikinig
sa iba’t ibang kalagayan o sitwasyon, at maging sa
mga may kaugnayan sa mga gawain ng mga
mag-aaral sa kursong pangkalusugan.
Pakikinig
Bilang mag-aaral sa Filipino o Sining ng
Pakikipagtalastasan, ikaw ay inaasahang:
▪ Tapusing basahin nang may pag-unawa ang mga
inihandang gawain ukol sa sa makrong kasanayang
pakikinig;
▪ Iwasang laktawan o iwanan ang alinman sa mga
pahinang inihanda; at
▪ Sagutan ang mga inihandang pagtataya at magiging
maingat at tapat sa pagbuo ng mga kasagutan.
Pakikinig

III. Panimulang Ebalwasyon


Panuto: Basahin at unawain ang mga
sumusunod na pangungusap. Isulat ang Tama
sa puwang na inilaan sa bawat bilang kung
wasto ang isinasaad ng pangngusap, at Mali
naman kung ito at di wasto.
____ 1. Bawat indibidwal ay mahalagang
magkaroon ng mga kasanayan sa epektibong
pakikinig.
Pakikinig

______ 2. Ang pakikinig ay isang makrong kasanayang


dapat na taglayin ng mag-aaral.
______ 3. Magkapareho ang ibig sabihin ng mga salitang
listening at hearing sa wikang English.
______ 4. Kinasasangkutan ng sensoring pandinig at
pag-iisip pag nakikinig.
______ 5. Ang unang yugto ng pakikinig ay rekognisyon.
______ 6. Ang ikatlong yugto naman ay ang pagbibigay ng
kahulugan.
Pakikinig

______ 7. Isa sa mga mahahalagang element ng pakikinig


ay ang konsentrasyon sa sarili.
______ 8. Ayon sa elementong kasarian, karaniwang higit
na mapalabok magsalita ang mga lalaki.
______ 9. Ang epektibong tagapakinig ay hinahayaan
munang makatapos sa pagsasalita ang kausap bago
magbigay ng puna o mungkahi.
______ 10. Ang paghuhusga ng tagapakinig ay di dapat na
ipagpaliban pa upang di ito malimutang sabihin sa speaker.
Pakikinig
KATUGUNAN:
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Mali
6. Tama
7. Tama
8. Mali
9. Tama
10. Mali
Pakikinig

Pakikinig: Isang Makrong Kasanayang Pangkomunikasyon


Pakikinig

Definisyon: PAKIKINIG
Ang pakikinig ay kinapapalooban ng sensoring
pandinig at pag-iisip. Pagkatapos makatanggap ng
isang tunog ang tainga ay agad na ipinadala ng mga
auditory nerves natin ang signal na iyon ng
kahulugan o interpretasyon at kanya iyong
tinatandaan at inaalaala. Sa madaling salita, ang
pakikinig ay magkasabay na prosesong pagdinig,
pagpapakahulugan at pag-alaala sa bagay na
narinig.
Pakikinig
Pakikinig
Binanggit ni Dr. Badayos na para kay Yagang (1993) ang
pakikinig ay kakayahang matukoy at maunawaan kung ano
ang sinasabi ng kausap. Isinasalang-alang sa kasanayang ito
ang pag-unawa sa diin at bigkas, grammar, talasalitaan at
pagpapakahulugan sa sinabi ng tagapagsalita Howatt at
Dakin (1974).

Mahalaga ang pakikinig sa ating pang-araw-araw na


buhay. Para kay Wilga Rivers (1981) makalawang beses
tayong nakikinig kaysa nagsasalita, makaapat na beses kaysa
nagbabasa, at makalimang beses kaysa nagsusulat. Kapag
tayo’y marunong making, madali tayong masasanay sa
pagsasalita sapagkat ang ating napakinggan ay masasabi
natin nang mabuti.
Pakikinig

Pagdinig at Pakikinig

Sa pagdinig, ang mga tunog at salita ay ating


naririnig gamit ang ating tainga. Samantala, ang
mga tunog na ating naririnig ay ipinoproseso ng
ating isipan at sinisikap nating maunawaan at
maipaliwanag ang kahulugan ng mga tunog na ito,
ito ang tinatawag nating pakikinig.
Pakikinig

Mga Kahalagahan ng Pakikinig

1. Malaki ang naitutulong nang mabisa at


epektibong pakikinig sa ikatitiwasay at ikaaayos
ng pamumuhay at pakikisalamuha ng tao sa
kanyang kapwa at kapaligiran.
2. Karamihan sa mga hanapbuhay na kailangan ng
tao ay kinasasangkutan ng pakikinig.
3. Higit na natututo at nakikinabang ang mga
mag-aaral sa tulong ng epektibong pakikinig.
Pakikinig
4. Nalilinang ang kasanayan sa kritikal at epektibong
pakikinig ng isang indibidwal at nakapagtatamo
siya ng mga sumusunod:
a. Karunungan o mga kasanayang kinakailangan
upang maging produktibong mamamayan;
b. Impormasyon o mga datos na makatutulong sa
indibidwal;
c. Pakikisangkot o pakikiisa sa mga organisasyong
kangyang kinabibilangan.
Pakikinig
d. Pakikisalamuha o pakikipagkapwa-tao; at
e. Kawilihan at kaligayahang matatamo sa kanyang
buhay.

Mga Yugto sa Proseso ng Pakikinig


Isang kompleks na proseso ang pakikinig. Ang
prosesong ito ng pakikinig ay nahahati sa tatlong
yugto. Ito ay ang mga sumusunod:
Pakikinig
1. Unang Yugto ng pakikinig: Resepsyon.
Ang resepsyon o pagtanggap sa tunog ay ang
unang yugto ng pakikinig. Ang iyong mga tainga ay
laging bukas sa mga tunog na nagsisilbing wave
stimuli. Ang mga wave stimuli na ito ay dumaraan
sa mga auditory nerves patungo sa utak. Ipinakikita
sa yugtong ito na ang pagdinig o pagtanggap sa
tunog ay unang bahagi pa lamang sa proseso ng
pakikinig.
Pakikinig
2. Ikalawang Yugto ng Pakikinig: Rekognisyon
ang rekognisyon ay pagkilala sa tunog. Ang
yugtong ito ay isang komplikadong proseso. Kasunod
ng pagkakarinig ng tunog ay ang mabilis na
pagresponde ng ating utak.
3. Ikatlong Yugto ng Pakikinig: Pagbibigay-Kahulugan
Ang pagbibigay-kahulugan sa tunog na narinig at
nakilala. Ang yugtong ito ay mahigpit na nauungnay
sa dalawang naunang yugto kaya masasabing ito ay
higit na diskriminatibong yugto.
Pakikinig

Mga Bagay na Dapat Isasalang-alang sa Pakikinig


May mga bagay-bagay na dapat isaalang-alang
para sa epektibong pakikinig. Ito ay ang mga
sumusunod:

1. Oras 2. Channel
Pakikinig
3. Edad
4. Kasarian
5. Kultura
6. Pananaw sa Sarili
Mga Dapat Tandaan Upang Maging Mabisang Tagapakinig

Narito ang mahahalagang punto upang


maisakatuparan natin ang kasanayan sa epektibong
pakikinig:
Pakikinig
1. Bigyang-pansin ang kahulugan ng mga salitang
napakinggan.
2. Tulungan ang kausap na bigyang linaw ang kanyang
mensahe
3. Hanggat maaari, ipagpaliban muna ang paghuhusga
sa sinasabi ng nagsasalita.
4. Kontrolin ang mga tugong emosyonal sa naririnig
5. Bigyan ng konsentrasyon ang mensahe
6. Isaalang-alang ang istraktura ng mensaheng
ipinababatid
7. Hayaang makatapos ang kausap sa pagsasalita
Pakikinig

Uri ng Pakikinig
Aktibong Pakikinig
❑ Paano makikilala ang isang aktibong tagapakinig?
✔ Kung siya ay nag-aanalisa
✔ Nagbibigay ng tugon sa mensaheng napakinggan
✔ Napananatili niya ang “eye” kontak, ngumingiti kung
inaapriseyt ang sinasabi ng tagapagsalita
✔ Nagtatala habang nakikinig
✔ Tinatayang isang kapaki-pakinabang na pakikinig ang
aktibong pakikinig
Pakikinig

Pasibong Pakikinig
Ito’y naisasagawa kasabay ng iba pang gawain. Nakikinig
ngunit walang reaksyon. Madalas ‘pagdinig” lamang ang
ginagawa.
May Lugod at Pagpapahalagang Pakikinig
May lugod at tuwa sa pakikinig
Masusi/Mapanuring Pakikinig
Nagsusuri at humahatol sa kawastuhan ng mensaheng
napakinggan.
Pakikinig
Kompetitib o Komvativ na Pakikinig
Ito ay nagaganap kapag ang isang tao ay mas interesadong
ipanukala ang kanyang sariling paniniwala kaysa kaysa ang
pag-intindi sa opinyon ng iba

Layunin ng Pakikinig

❑ magtipon ng mga informasyon at kaalaman


❑ Magsuri
❑ Maaliw
Pakikinig

Gawain ng Pakikinig
❑ Pagkilala sa karapatan ng tagapagsalita na masabi ang
mga ideya o niloloob.
❑ Hikayating magsalita ang kabilang panig
❑ Tumanggap ng mga impresyon at informasyon na
kapaki-pakinabang at maaaring magamit
❑ Magbigay nang ganap na pakikinig
Pakikinig

Katangian ng Mabuting Pakikinig


❑ Huwag laging maging tagapagsalita (monopolize)
Sila yong lagging bida at hindi nakikinig sa sinasabi ng
iba.
❑ Huwag mag-interap (interrupter)
✔ Bigyang-daan ang nagsasalita
❑ Huwag tumalon sa konklusyon
❑ Makinig sa bawat pagitan ng linya
❑ Magtanong
Pakikinig

Katangian ng Mabuting Pakikinig

❑ Hindi kailangang madistrak ng kapaligiran


❑ Magbukas ng isip
❑ Gamitin ang iyong “brainpower”
❑ Magbigay ng fidbak o tugon
Pakikinig

Proseso ng Pakikinig
❑ Prosesong Top-Down
✔ TOP – pag-uugnay sa dati ng kaalaman na nasa ating
utak
✔ DOWN – sa mga bagong informasyon na napakinggan
❑ Prosesong Bottom-up
✔ Ito ay unti-unting pagbubuo ng kahulugan (building
blocks) sa pamamagitan ng pag-unawa sa lahat ng datos
linggwistiks.
Pakikinig

Hakbang sa Pakikinig
Pagkuha o pagdinig sa mensahe (Hearing)
Kailangang masigurong napakinggan ang mensahe.

Interpretasyon (Interpretating)
Kailangang hindi magkamali sa pagbibigay ng interpretasyon sa sinabi ng kausap. Madalas na ang hindi
pagkakaunawaan ay bunga ng pagkakaiba sa ibinibigay na kahulugan sa salita o kaya naman ay sa
kultura, bakgrawnd, atityud at edukasyon ng nag-uusap.

Ebalwasyon (Judging)
Kailangang magpasya tungkol sa informasyong natanggap. Halimbawa, kailangang ipaalam mo sa taong
kausap kung payag ka sa kanyang mungkahi o hindi.

Pagtugon (Feedback)
Maaaring isang verbal o viswal na reksyon ang ibigay sa kausap upang ipakita
ang reaksyon ang ibigay sa tinanggap na mensahe.
Pakikinig

Ang Produktibong Pakikinig


▪ Komponent:
1. Atityud at intension ng tagapakinig
✔ Ano ang pisikal na kalagayan (Physical
condition) ng tagapakinig?
✔ Bukas ba ang isip at may pagtanggap?
✔ Nagtatama ba ng sarili (self-correcting) kapag
napagkuro na mali?
Pakikinig

2. Matutong umunawa muna (seek first to


understand)
✔ Tingnan kung valid ang sinasabi ng kausap
✔ Flexibiliti sa pagtatanong at pagsagot
✔ “Bridging” o pagtutulay – may mga ekspresyon
tulad ng “uh-huh”, “ummm”, “I see”, “yes” (oo
nga) na hindi naman sagot sa tanong subalit
nasasambit natin sa ating pakikinig
Pakikinig

✔ “Silence” o katahimikan – maraming kahulugan


ang katahimikan. May pagkakataong hindi
nagsasalita ang isang tagapakinig ngunit ang
kanyang ikinikilos ay maaaring magpakita ng
pagtanggap at pag-unawa o kaya’y di
pagsang-ayon
✔ “Restating” o pag-uulit ng sinabi – inuulit ng
tagapakinig ang mga bagay na nasabi na niya.
Ito ay maaaring kontra-produktibo lalo na kung
paulit-ulit at mekanikal.
Pakikinig

✔ “Encouraging talking” o paghikayat na


magpatuloy sa pagsasalita – nagbibigay ng mga
sumusuportang pahayag na hindi nakatuon sa
isang particular na direksyon at humihikayat sa
tagapagsalita na magpatuloy:
“Okey…magpatuloy ka …”; “Nakukuha ko ang
iyong sinasabi”; “Naririnig ko, maliwanag na
maliwanag”
Pakikinig

✔ “Inviting expansion” o pagpapaunlad pang lalo


sa mga nabanggit – nanghihikayat sa
tagapagsalita na paunlarin, palalalimin o
ipaliwanag pang Mabuti ang bagay na binanggit
✔ “Open Question” o bukas na tanong – ito’y
naghahawan ng daan upang makakuha ng
paliwanag sa tagapagsalita. Sa kabuuan, wala
sa forma ng isang formal na katanungan subalit
may intensyong makapagtanong.
Pakikinig

Pitong Produktibong Teknik sa Pakikinig


1. Magpakita ng interes sa paksa at
tagapagsalita.
2. Mag-adap sa kaanyuan o deliveri ng
tagapagsalita.
3. Mag-adjas sa distraksyon. Alisin ang mga
biases habang nakikinig.
4. Makinig nang Mabuti sa konsepto at limiin
ang pangunahing ideya
Pakikinig

5. Umiwas sa pagpapakita ng pekeng atensyon o


kaya’y o kaya’y kunwaring pakikinig.
6. Kunin ang buong mensahe at saka maghusga o
magtanong sa inilahad ng tagapagsalita.
7. Iinterpret at ebalweytin ang mahihirap na
konsepto, informasyon at ekspositoring
binanggit. Tandaan ang mga mahahalaganga
puntos sa pamamagitan ng pagtatala o pag-alala
sa mga ito.
Pakikinig

Mental Atityud ng Mahusay na Tagapakinig


May limang (5) mahahalagang mental atityud na
dapat taglayin ang isang mahusay na tagapakinig ayon
kina Carl Harsman at Steve Philips.
1. Bukas na isip
2. Tiyaga
3. Interes at atensyon
4. Tolerans
5. Respeto
Pakikinig

Sampung Utos sa Mabuting Pakikinig


Hango sa akdang Human Behavior at Work (1972) ni K. Davis
ang mga sumusunod:
1. Huminto sa pagsasalita
2. Ilagay sa kaaya-ayang kondisyon ang tagapagsalita
3. Magpakita ng interes sa pakikinig
4. Alisin ang mga distraksyon
5. Mag-empatays sa ispiker
6. Maging pasensyoso
7. Hawakan ang temper
8. Maging mapagtimpi sa kritisismo at argumento
9. Magtanong
10. Magsuri
Pakikinig

Teknik sa Pakikinig
Tinukoy nina P. Bradley at J. Bavid sa kanilang
Communication for Business and the Professions (1980)
ang ilang teknik sa pakikinig, at ito ang sumusunod:
1. Preparasyon/Paghahanda sa sasabihin
2. Pagdiskober/Pagtuklas sa Intensyon ng Ispiker
3. Hanapin ang nakapaloob na mensahe
4. Magsuri/mag-Analisa sa sinasabi ng ispiker
5. Magfokus sa ispiker at sa kanyang sinasabi
6. Imotibeyt ang sarili

You might also like