Professional Documents
Culture Documents
LECTURE-Unang Yugto NG Kolonyalismong Kanluranin
LECTURE-Unang Yugto NG Kolonyalismong Kanluranin
LECTURE-Unang Yugto NG Kolonyalismong Kanluranin
Kolonya ang tawag sa mga teritoryo at mamamayan na napasailalim sa kapangyarihan at pagkontrol ng bansang
mananakop
MOTIBO NG KOLONISASYON
• Paghahanap ng kayamanan;
• Pagpapalaganap ng Kristiyanismo; at
Mula noong ika-13 siglo ay nakadepende na ang Europe sa spices na matatagpuan sa Asya lalong-lalo
na sa India
Ang ilan sa mga spices na may malaking demand sa Europe ay ang paminta, cinnamon at nutmeg.
Ang spices ay ginagamit ng mga Europeo bilang pampalasa ng kanilang mga pagkain at upang
magpreserba ng mga karne.
Ginagamit din nila ito para sa kanilang mga pabango, kosmetiks at medisina.
Prinsipe Henry - Pinangunahan ni prinsipe henry ang paggalugad ng bayabayin ng Africa ito ay nagbunga ng
pagkakatuklas sa Azores, Canary at Cape Verde
Bartolome Diaz- Natagpuan noong Agosto 1488 ang pinakatimog na bahagi ng Aprica na kilala sa tawag na Cape of
Good Hope. Ang paglalakbay na ito ni Dias ay nagpapakita na maaaring makarating sa Silangang Asya sa
pamamagitan ng pag-ikot sa Aprica.
Vasco da Gama- Noong 1497 ay apat na sasakyang pandagat ang naglakbay na pinamunuan niya mula sa Portugal
hanggang sa Calicut, India.
o Hindi nagpatalo ang mga Kastila sa mga Portuges sa panggagalugad. Sa ilalim ng pamamahala nina Haring
Ferdinand at Reyna Isabella ng Castille, nagging dahilan ito upang maghangad din ng yaman sa Silangan.Ang
kanilang pagpapakasal noong 1469 ang naging daan upang ang Spain ay maghangad din ng mga kayamanan
sa Silangan at magpadala ng mga ekspedisyon.
Christopher Columbus-
Natagpuan ang mga isla ng Bahamas na sa kanyang pag-aakala ay ang India dahil sa kulay ng balat ng mga
naninirahan dito at kanya itong tinawag na “Indians”
Narating din ni Columbus ang Hispaniola at Cuba kung saan nakatagpo ito ng maraming ginto.
At sa kanyang pagbabalik sa Espanya ay nabigyan ng mga titulong: Admiral of the Ocean, Viceroy at
Gobernador
Amerigo Vespucci- Noong 1507, isang Italyanong manlalakbay na si Amerigo Vespucci Ang nagpaliwanag na si
Columbus ang nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunod sa pangalan niya kaya
nakilala ito bilang Amerika at naitala sa mapa ng Europa kasama ang iba pang mga bagong diskubre na mga isla.
Isinunod kay Amerigo Vespucci ang pangalan ng Amerika.
Paghahati ng Mundo
Naging mahigpit ang tunggalian ng Espanya at Portugal sa panggagalugad ng mga lupain. Upang malutas ang suliranin ng
Espanya at Portugal sa kanilang tunggalian sa panggagalugad isang kasunduan ang napagpasyahan sa pagitan ng
Portugal at Espanya noong 1493 sa bisa ng isang kautusang pinalabas ni Pope Alexander VI na naghahati sa lupain sa
mundo na maaaring tuklasin ng dalawang bansa. Nagtalaga ang Papa ng paghahati o “line of demarcation” na
magmumula sa gitna ng Atlantiko patungo sa Hilagang Polo hanggang sa Timog Polo. Nangangahulugan ito na lahat ng
mga matatagpuang kalupaan at katubigan sa Kanlurang bahagi ng guhit ay para sa Espanya at para naman sa Portugal
ang Silangang bahagi ng linya. Hindi nasiyahan ang Portuges sa ginawang paghahating ito ng Papa kaya naghain ito ng
petisyon upang baguhin ang naunang linya na dapat mapunta sa kanila at sa Espanya. Nakita nila na baka lumawak ang
panggagalugad ng Espanya sa kanluran at maaaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa silangan. Sa bisa ng
Kasunduan sa Tordesillas noong 1494, nagkasundo ang magkabilang panig na baguhin ang “line of demarcation”
pakanluran. Ipinakikita rito na noong panahong iyon ay pinaghatian ng lubusan ng Portugal at Espanya ang bahagi ng
mundo na hindi nararating ng mga taga-Europa.
Ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan ang nagtama sa lumang kaalaman ng mga Europeo na ang mundo ay
patag. Naitala sa mapa at iba pang kalupaan sa Silangan kaya’t lalo pang nakilala ang yaman ng Asya
Pinamunuan ni Magellan ang ekspedisyon na nagpatunay na ang mundo ay bilog sa pamamagitan ng
paglalayag pakanluran mula Europa at muling makabalik sa Europa makalipas ang halos 3 taong paglalkabay
Sa haba ng paglalakbay, nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga kasamahan at pagkagutom.
pagkagutom. Nalagpasan
nilang lahat ng ito at nakatagpo sila ng malaking kayamanang ginto at pampalasa.
Nagawa nilang binyagan sa Katolisismo ang maraming mga katutubo.
Sa nasabi ring ekspedisyon, nagpakilala ito na maaaring ikutin ang mundo at muling bumalik sa dating
pinanggalingang lugar ng ang sasakyang Victoria ay makabalik sa Espanya kahit napatay si Magellan ng isang
katutubong Cebuano na si Lapu-lapu.
Ito ang unang “circumnavigation” o pag-ikot sa mundo.