Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Golden Link College

Bachelor in Secondary Education Major

in English

Anotayted Bibliography
Mungkahing Paksa:

Kalamangan at Diskriminsyon sa Makabagong


Teknolohiya Tungo sa Pag-unlad ng Komunikasyon

Ipinasa nina:

Concepcion, Cristine, Jugal, Karen Ann, Perante, Rosemarie Jr., Salazar,


Jozheley at Yabut, Nicole Heart

Ipinasa kay:

Prof. Joemar Reyes Toling


ABSTRAK

Sa panahon ngayon kayrami nang naimbentong mga gadgets sa mundo, tiyak na nakakaapekto ito sa
daloy ng ating komunikasyon. Maraming tao, lalo na mga kabataan, ang halos gumagamit ng
teknolohiya. Ang teknolohiya ay isa sa pinagtutuunan ng pansin at mas binibigyang importansya, kung
kaya naman nawawala ang pokus natin sa mga importanteng bagay katulad ng pag-aaral at oras sa
pamilya. Habang lumilipas ang panahon parami ng parami ang mga naiimbento o mga bagong
teknolohiya na mas tatangkilikin ng mga tao at ang halos nakikinabang sa mga ito ay mga kabataan.

Sa paggamit ng teknolohiya, mayroong positibo at negatibong epekto ito sa mga tao. Layunin ng pag-
aaral na ito na madiskubre o malaman ang mga kalamangan at diskriminasyon ng teknolohiya sa daloy
ng komunikasyon. Ano nga ba ang mga dapat iwasan at panatilihin na epekto na maaring makatulong sa
pag-unlad ng komunikasyon? Ang pag-aaral na ito ay lalahukan ng (20) dalawampung mag-aaral mula
sa Golden Link College ika-sampung baitang na binubuo ng (10) sampung babae at (10) sampung lalaki.
ANOTAYTED BIBLIYOGRAPHY

Taong 2000 pababa

Appleton, Nigel (1998). Communication in the Digital Age


As per John Monk there are downsides to every form of communication – people will use the medium
that is most useful to them. If a medium becomes untrustworthy, trivial and unhelpful people won’t use
it. Others found partners or friends through the internet. Conversations get forgotten, written
communications are much less ephemeral and can get passed on, on a worldwide scale. New forms of
communication may benefit some people, but there will also be people who don’t feel comfortable using
them.
Maiuugnay ko ang artikulo ni Appleton, Nigel sa aming paksa dahil sinasalamin nito ang mga epekto
ng makabagong teknolohiya sa ating komunikasyon. Malaki ang naitulong nito upang mas mapadali ang
ating pakikipag-usap sa mga tao na hindi natin kaharap. Ngunit meron din itong naging hindi
magandang epekto katulad ng mga taong nawalan ng trabaho dahil pinalitan ng robot at naging hadlang
din dahil may mga oras na sa sobrang abala natin sa makabagong teknolohiya nakakalimutan na natin
makipagsalamuha sa mga taong nakapaligid sa atin.

Raymond Williams (1967) Effects of the technology and its uses. Belsen, w.a The Impact of
television. Handen, Conn p121-139.
We might start by revisiting the general assertion that television has changed our world. Television,
for example, was developed as a result of scientific and technological research. Its potency as a news
and entertainment medium was so strong at the time that it completely transformed all previous news
and entertainment media. Television was developed as a medium of entertainment and news as a result
of scientific and technical research. It had unintended implications not just on other forms of
entertainment and news media, which have lost their profitability and importance, but also on some of
the most fundamental family, cultural, and societal processes. These are only a few of the many possible
interpretations of the simple assertion that television has changed our world. Many people hold mixed
ideas of what constitutes an alternate viewpoint, and there is bound to be some overlap in some
circumstances. However, two broad clauses of view can be distinguished.
Maiiugnay ko ang artikulong to sa aming paksa. Isinasaad dito ang negatibong epektong ating
makukuha sa paggamit ng makabagong teknolohiya tungo sa komuniksayon.
Taong 2000 pataas

Thurlow, C., & McKay, S. (2003). Profiling “communication technologies in adolescence

Journal of Language and Social Psychology, 22(1), 94-103

It’s easy to see why the current generation is dubbed “the internet generation,” because young people
can’t live without their gadgets or without being exposed to new technologies. Young people’s favourite
technologies are internet, social media apps, and mobile gaming. However, according to a research by
Martin in 1998, there was still gender stereotyping in this field of technology, with the majority of men
enrolling in this sort of course – specifically ICT. Furthermore, there was a divide in the media between
the rich and the poor. The media poor was predicated on countries with less advanced technology, who
were left out owing to a lack of communication technology access, whereas countries with more
advanced technology breakthroughs were more likely to succeed. On the other hand, communication
technology for email, chat, and instant messaging was still under development, allowing everyone to
engage more on the internet.

Sa pinagtitibay ng pag-aaral na ito ang aming pananaliksik patungkol sa epekto ng teknolohiya sa


komunikasyon. Sinasabi na ang pinakanatatamaan ng epektong ito ay ang mga kabataan na nalululong
sa paggamit ng internet dahil sa madaling pakikihalubilo at pakikiisa sa kapwa nila kabataan.
Pinagtitibay din nito ang magandang dulot ng teknolohiya subalit pinapatunayan at pinagdidiinan din na
may diskriminasyon sa pagitan ng mahirap o mayaman na paggamit ng midya. Ang pagiging dominante
ng mga bansang mayroong kaungusan sa larangan ng teknolohiyang pang-komunikasyon ang nagiging
dahilan ng lalong pagkalubog ng mahihirap na bansa sa usaping teknolohikal na komunikasyon.

Raymond Williams (2003) This edition was published in the Taylor & Francis e-library. The
technology and the society p1-3
Television is frequently asserted to have changed our world. Similarly, people frequently speak of a
new world, a new society, or a new era in history being ushered in by some new technology: the steam
engine, the vehicle, or the atomic bomb. When such words are uttered, most of us understand what is
normally conveyed. We could spend our lives attempting to answer, whereas there is urgent and actual
work to be done, surveys to be conducted, research to be conducted, and surveys and research to be
conducted, all of which we are familiar with. However, all concerns about causation and effect are a
matter of social practice as well as philosophical ambiguity. If technology is a cause, we can only try to
control or influence its consequence.
Maiuugnay ko ang artikulong to sa aming paksa dahil isa ang telebisyon sa mga bagay na pangunahing
ginagamit sa komunikasyon lalo na ang paghahatid ng balita. Ngunit ang paggamit nito ng sobra at hindi
tama maaaring maging masama ang epekto nito. Gamitin natin ito ng may balanse upang maiwasan ang
mga hindi magandang dulot nito lalo sa daloy ng komunikasyon.

Bai-Rhema S. Marmay (2008). Paggamit ng Teknolohiya, Academia Educ.


https://www.academia.edu/28885174/THESIS_TEKNOLOHIYA
Ang teknolohiya ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit sa loob ng paaralan, hindi lamang
para sa pakikipag-ugnayan kundi pati din sa pagbibigay ng makatotohanang impormasyon. Ang mga
pribadong mga eskwelahan ay ang mga kadalasang gumagamit ng makabagong teknolohiya sapagkat
maraming silang ipinapatupad na programa at ginagamit nila ito upang mapabilis ang pagsasagawa ng
mga gawain.
Ang teknolohiya naman talaga ay maituturing na kasangkapan sa loob ng paaralan ngunit sa sitwasyon
natin ngayon ay mas kailangan ito. Ito ang nagsisilbing primarikong kasangkapan upang makapag-aral
ang mga estudyante at magkaroon ng komunikasyon sa mga guro. Ito din ay ginagamit sa pagbibigay ng
kaalaman at ginagawang basis ng mga estudyante at ng mga guro.

Austria, H. (2015) Wika sa Likod ng Teknolohiya,


https://hzlaustria.wordpress.com/author/hazelaustria/
Ang wika at teknolohiya ay lubhang konektado sa isa’t-isa. Ang makabagong teknolohiya ay
nagsisilbing tulay ng komunikasyon para sa bawat tao. Sa pag-usbong ng modernong teknolohiya, at
mga bagong paraan ng komunikasyon tulad ng text messaging at social media, hindi maiiwasan na may
mga sinaunang salita na nababaon na sa limot o nalilipasan na ng panahon. Dahil sa pagkauso ng teks
madalas ay nakakalimutan na ng mga estudyante ang tunay na pagbaybay ng tamang salita at lumiliit din
ang kanilang kaalaman sa larangan ng pagsulat. Ang pagnanais na maging iba o makatuklas ng mga
bagong salita ay hindi magiging hadlang sa pagpapa-unlad ng wikang pambansa kung ito ay gagamitin
ng may respeto at disiplina upang hindi makasira o masira ang ating wika. Nawa ay mabatid nating lahat
na malaki ang ating ginagampanan sa ikauunlad ng ating wika.
Ang artikulong ito ay maiuugnay ko sa aming paksa dahil sinasalamin nito ang hindi magandang
epekto ng teknolohiya sa ating wika at sa ating buhay. Sinasaad din sa artikulo na ito na mahalaga ang
wika sa pagkakabuklod natin at ito ay dapat nating pagyamanin para sa ating ikauunlad. Ang pagtuklas
ng mga bagong salita ay hindi magiging hadlang sa pagpapa-unlad ng wikang pambansa kung ito ay
gagamitin ng may respeto at disiplina upang hindi makasira o masira ang ating wika.

Dagmang, F. D. (2017). Midya: Imbakan at Daluyan ng mga Tradisyon/Media: Vessel and


Channel of Traditions. MST Review, 19(2), 1-1.

Maiiwasan na malugi ang isang negosyo kung ang midyang gamit sa pakikipag-usap sa kostumer o
kliyente ay hindi new media na kadalasang gamitin sa negosyo. Madaling magkaintindihan kung ang
gamit na midya sa pakikipag-usap sa isang kliyente ay pisikal na interaksyon. Napapaloob sa “new
media” ang ating ginagamit na internet at kompyuter ngayon kung saan nandoon ang Facebook, Twitter,
Instagram, Google, at marami pang iba. Ginagamit natin ito upang mapadali ang pakikipag-usap sa ating
mga kaibigan at pamilyang nasa malayong lugar na naging pamalit sa harapang pakikipag-usap o pisikal
na interaksyon.

Ang pagpapalawig ng mga naka-gawiang tradisyon o paraan ng pakikipag-ugnayan ay hindi dapat


balewalain. Isa-alang alang natin ang pisikal na ugnayan sa pagitan ng dalawang tao at hindi ang pag-
gamit ng new media. Ang pag-gamit ng sulat ay pumapangalawa lamang sa pangunahing ugnayan sa
pagitan ng tao. Hanggat maaari panatilihin ang pakikipag-ugnayang pisikal sa ibang tao ngunit kung
hindi maiiwasan maaari pa din namang humanap ng ibang paraan upang magawa ito.

Maiuugnay ko ang artikulo na ito sa aming paksa sa pamamagitan ng mga paksa na tumutukoy sa mga
epekto ng pag-gamit ng “new media” sa negosyo at harapang pakikipag-ugnayan sa ating mga mahal sa
buhay. Malaki ang ambag nito sa negosyo na maaaring maging dahilan ng pagkalugi o pag-lago.
Gayundin sa harapang pakikipag-ugnayan sa ating pamilya na maaaring maging dahilan ng madaling
pagkaka-unawaan o kaya naman ay maging dahilan ng pagkasira ng relasyon sa pagitan ng dalawang
tao.
Gamboa, Jonalyn R. (2018) "Paggamit ng Milenyong Wika sa Pagsulat ng Kathang Sanaysay."
www.psurj.org/mrj
Napakahalaga ang papel na ginagampanan ng teknolohiya sa kasalukuyan, ito ang nagiging
kasangkapan tungo sa kapayapaan ng bansang Pilipinas at siya ring isa sa daluyan na nakapagpapabilis
sa pakikipag-usap ng mga tao sa loob at labas ng bansa. Bukod pa rito ay napapadali rin nito ang
pamumuhay ng tao tungo sa kaunlaran. Bawat henerasyon maraming kahalagahan ang naiaambag ng
teknolohiya sa pang araw-araw na gawain ng mga tao laong lalo na ang pagpapadali at pagpapabilis sa
pagkalat o paghatid ng impormasyon sa isang komunidad, at sa isang bansa. Sa pag-aaral ni Gamboa
patungkol sa "Paggamit ng Milenyong Wika sa Pagsulat ng kathang Sanaysay,” lumalabas na sa pag
gamit ng teknolohiya ay nagkakaroon ng mga bagong salita tulad na lamang ng wikang milenyo at pinoy
slang (sumibol o umusbong na salita). Ang kadalasang bukambibig at ginagamit sa kanilang kathang
sanaysay ay ang mga salitang bae, werpa, petmalu, lodi, bes, pabebe, vaklang to, arat, beast mode, ninja
moves, walwalan, eme-eme, poreber, e di wow, havey at waley. Natuklasan din sa isinasagawang pag-
aaral na may mga ilang mag-aaral na gumagamit ng Taglish o pinaghalong Tagalog at Ingles sa kanilang
kathang sanaysay upang mailahad ang kanilang matinding ekspresyon.
Ang artikulong ito ay may malaking maiaambag sa aming pag-aaral tungkol sa halaga ng teknolohiya
sa kasalukuyan. Tunay nga na naging kasangkapan ang teknolohiya upang mapabilis ang komunikasyon,
hindi lang sa bansang Pilipinas kundi pati narin sa iba pang bansa sa ibang panig ng mundo.
OBSERBASYON AT KONKLUSION

Sa pananaliksik na aming ginawa may ilang bagay kaming natuklsan sa mga magandang epekto at
masamang epekto ng teknolohiya sa daloy ng komunikasyon sa pagitan ng tao; Una, naka-aapekto ito sa
pakikipag-kapwa tao dahil nababawasan ang interaksyong pisikal sa pagitan. Pangalawa, mas nagagamit
ang medyum na mayroon lamang kagaya nalang kapag magkalayo ang isang magkarelasyon gumagamit
ng selpon o telepono upang mag-usap. Pangatlo, nababago ang pag-uugali ng taga-paghatid at taga-
tanggap. Pang-apat, mas napapadali ang paghahatid ng mensahe o anuman at pakikipag-unayan sa ibang
tao. Pang-lima at huli, nagagamit natin ito upang mapadali ang mga bagay na kung noo’y mahirap.

Sa mga sangguniang aming nakalap mayroong ilang nagbigay ng magandang dulot ng teknolohiya sa
daloy ng komunikasyon. Halimabawa nito ay mas napabibilis at napapadali ang mga gawaing mahirap.
Mayroon din nagbigay ng masamang dulot o epekto nito sa daloy ng komunikasyon. Halimbawa nito ay
nababawasan ang pakikipag-kapwa tao dahil nababawasan ang interaksyong pisikal. Kapag nanatili iyon
maaaring maging ilap ang mga tao sa ibang tao. Bilang konklusyon, pantay na may kalamangan at
diskriminasyon ang pag-gamit ng teknolohiya o teknolohiya sa daloy ng komunikasyon. Ilan lamang ito
sa mga dapat natin bantayan kung magbabago ba ito o mananatiling nakakatulong o nakasasama sa
daloy ng komunikasyon. Dahil alam naman nating lahat na ang lahat ng sobra ay nakasasama at ang
kulang ay dapat punan.
MGA SANGGUNIAN

Appleton, Nigel (1998). Communication in the Digital Age

Austria, H. (2015) Wika sa Likod ng Teknolohiya,


https://hzlaustria.wordpress.com/author/hazelaustria/

Bai-Rhema S. Marmay (2008). Paggamit ng Teknolohiya, Academia Educ.


https://www.academia.edu/28885174/THESIS_TEKNOLOHIYA

Dagmang, F. D. (2017). Midya: Imbakan at Daluyan ng mga Tradisyon/Media: Vessel and


Channel of Traditions. MST Review, 19(2), 1-1.

Gamboa, Jonalyn R. (2018) "Paggamit ng Milenyong Wika sa Pagsulat ng Kathang Sanaysay."


www.psurj.org/mrj

Raymond Williams (2003) This edition was published in the Taylor & Francis e-library. The
technology and the society p1-3

Raymond Williams (1967) Effects of the technology and its uses. Belsen, w.a The Impact of
television. Handen, Conn p121-139.

Thurlow, C., & McKay, S. (2003). Profiling “communication technologies in adolescence

Journal of Language and Social Psychology, 22(1), 94-103

You might also like