Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Sampung Datu

Sampung datu ang naglakbay patungo sa bagong lupain.  Umalis


sila sa Borneo upang makaiwas sa kanilang pinuno na masyadong
malupit.
Pinamunuan ni Datu Puti ang pag-alis sa kaharian ni Sultan
Makatunaw.  Isang gabi, sampung datu ang sakay ng balangay at
naglakbay ng araw at gabi.  Matagal na silang naglalakbay ngunit
panay dagat lamang ang kanilang natatanaw.  Unti-unti na silang
nawawalan ng pag-asa.
Narating nila ang pulo ng Panay.  Nagpakilala sila at naghandog
ng pakikipagkaibigan.  Tinanggap naman sila ni Marikudo ang
pinuno ng mga Atis.  Nakiusap naman sila na payagang
makipanirahan sa pulo nina Marikudo.  Nagpasiya ang mga Atis
na ipagbili ang isang bahagi ng lupain sa mga datu.  Binayaran
ang mga Atis sapagkat tinulungan pa silang makapagsimula ng
kabuhayan.
Natuwa si Maniwantiwan, asawa ni Marikudo, sa suot na kuwintas
ni Pinangpangan, asawa ni Datu Puti.  Buong puso namang
inihandog ni Pinangpangan ang kuwintas sa bagong kaibigan.
Simula noon ay namuhay na nang magkasama ang mga datu
kasama ang kanilang pamilya at ang mga katutubong Atis.  Ang
kuwentong ito ang nagsasabi ng alamat ng ating mga
ninuno.

You might also like