Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Name: Vince Carl V.

Vale Subject: Philippine Art

Year and Course: BFAVC 1

Reflection Paper: Secondary Burial Jars (Ancient Manobos Limestone Urns)

Noong bata pa lamang ako, sa edad na limang taong gulang ay palagi na akong

napapaisip sa kung paano ba ang proseso ng paglilibing sa taong namayapa na. Una pang

sumagi sa isipan ko ang proseso ng paglilibing lamang ng katawan ng namayapa, wala man

lang saplot o kahit anong lalagyan upang protektahan ito. Isang araw ay naipagtanong ko ito

sa aking ina, sa kung paano nga ba talaga ang tamang proseso ng paglilibing sa katawan ng

taong namayapa na. Sinabi ng aking ina na ang tamang proseso ng paglilibing ng patay ay

sa pamamagitan ng paglalagay ng katawan nito sa tinatawag na “kabaong”, ngunit bago raw

ilagay ang katawan ng namatay ay dumaraan muna ito sa proseso ng “embalsamo” na kung

saan ay tatanggalin ang mga lamang loob ng namatay upang hindi ito mangamoy at

mabulok kapag ito ay ibuburol na. Pagkatapos ng ilang proseso na iyan ay tsaka pa lamang

maililibing ang katawan ng namatay. Sa sobrang gulat sa aking natutunan ay agad akong

natuwa sa aking nalaman, tila ba ako ay isang batang paslit na binigyan ng kendi. Ngunit

dito pa lamang nagsimula ang aking paglalakbay ko sa pagkatuto.

Tuloy ang aking paglalakbay sa pagkatuto at maraming panibagong tanong ang

nabubuo sa aking isipan, ngunit may isang katanungan sa aking isipan na nais kong

mabigyan ng tamang kasagutan, “Paano ba ang proseso ng paglilibing ng ating mga

ninuno?”. ito ang katanungan na nais kong mabigyan ng malinaw na kasagutan.

Isang araw habang tinatalakay ng aming guro ang patungkol sa mga artifacts na

nadiskubre ng mga eksperto sa arkeolohiya, ay merong mga nahukay na banga at ito ay

naglalaman ng mga labi ng mga taong namatay sa panahon na iyon. Ako ay nagulantang sa

aking narinig, di ako makapaniwala sa kung anong nalaman ko. Nagpatuloy sa pagtalakay

ang aming guro tungkol sa mga nahukay na bangang ito. Ang mga bangang iyon pala ay

mga lalagyan ng mga buto ng mga namayapang tao, ang mga bangang ito ay tinatawag na

“Secondary Burial Jars”. Ang mga ito ay may iba’t - ibang uri ng disenyo depende sa kung

saang grupo ito nagawa. Mayroong mga disenyo ng banga na sumisimbolo sa kung ano ang
nangyayari sa kabilang buhay, Mayroon namang mga disenyo na hango sa katawang anyo

ng taong namayapa, mayroon namang mga mukha ng mga taong namayapa na nakaukit sa

takip ng mga bangang ito, at mga mukha ng mga hayop na nakaukit rin sa takip ng banga,

mayroon namang mga banga na ang disenyo ay parang isang mataas na kwadrado at takip

na para bang maihahalintulad sa disenyo ng isang bubong at may nakaukit na mukha ng

isang tao o ng isang hayop. Marami pang iba’t - ibang uri ng libingang banga ngunit sa

kasamaang palad ay ang ilan sa mga ito ay hindi na nakita pa o ang ilan ay nasira na o

napunta na sa mga kamay ng mga masasamang loob. Lubos na nakakapanghinayang

ngunit nakakatuwa ring isipin na meron pa ring natirang mga banga at ilan sa mga ito ay

ating libreng libre na masisilayan sa museo. Natapos ng magtalakay ang aming guro, bakas

sa aking mukha ang tuwa at halo-halong emosyon sa aking nalaman. Nasagot na sa wakas

ang katanungan na nasa aking isipan. Bagama’t ramdam ko sa aking loob na parang may

kulang, hindi sapat na nalaman ko lamang ang mga ito, dapat ito ay aking makita at

masaksihan ang misteryo ng mga bangang ito. Lumipas ang panahon, ibinahagi ko ang

aking nalalaman tungkol sa mga bangang ito sa aking mga nagdaang taon sa paaralan at

ako ay tuwang tuwa na naibabahagi ko ang aking nalalaman simula noong una ito sa aking

naipakilala, dinagdagan ko pa ang aking nalalaman sa pamamagitan ng pagsasaliksik pa

patungkol sa paksang ito.

Dumating na ang araw na aking pinakahihintay, kami ay nagpunta sa museo ng

aking mga kamag-aral. Sa sobrang tuwa ay halos di na ako nakatulog ng maayos, sa

pananabik na akin ng masisilayan ang matagal ko ng pinakahihintay. Bakas sa aking mukha

ang pananabik ngunit di ako nagmadali dahil nais ko ring makita ang ilan sa mga artifacts na

nakita ng ating mga eksperto dito sa ating bansa. Marami sa mga ito ay bago lamang sakin

ngunit ako ay natutuwa dahil marami ang nadadagdag sa aking kaalaman.

Kami ng aking buong klase ay tumungo na sa mga Burial Jars at doon nasaksihan

na namin ang iba’t - ibang uri ng mga libingang banga na nahukay sa ating bansa at ginamit

ng ating mga ninuno. Sobrang tuwa ko sa aking mga nasisilayan ay di na lamang ako
nakapagsalita. Nakita ko roon ang mga tinalakay ng aking guro noon at isa isa ko silang

pinagmasdan, tinitingnan ang mga maliliit na detalye sa kanilang mga ukit at mga hugis.

Lubos akong namangha sa libingang banga ng Ancient Manobos, sa kanila

nanggaling ang libingang banga na may kwadradong disenyo at mala-bubong na takip nito.

Namangha ako sa bangang ito dahil sa hubog nito at sa mga masinsinang mga ukit nito sa

katawan ng banga. Naramdaman ko sa aking sarili na para bang ako ay isa sa mga

gumagawa ng bangang ito, na may kasamang dalubhasang kasanayan at pagmamahal sa

gawaing ito. Hindi ko man matatawag na dalubhasa ang aking sarili sa sining na ito bagkus

masasabi ko naman sa aking sarili na kaya kong maging dalubhasa kung ako ay may sipag

at tiyaga para matuto at pagmamahal sa aking sining. Lubos kong naramdaman ang aking

sarili sa bangang ito dahil simple man itong tingnan sa inyong mga mata bagkus ito naman

ay naglalaman ng mga alaala ng mga gumawa na ibinigay ang kanilang dalubhasang

kasanayan at taos pusong pagmamahal mabuo lamang ang bangang ito.


Napagtanto ko sa aking paglalakbay sa pagkatuto na mahalagang matutunan natin

ang pinagmulan nating mga tao. Ang kasaysayan ang susi upang tayo ay umunlad dahil ang

pagtingin sa ating nakaraan ay magbibigay satin ng mga bagay na atin pang

mapapakinabangan. Tulad na lamang ng mga bangang ito, hindi natin makakamit ang

“kabaong” sa ating panahon kung hindi napasimulan ng ating mga ninuno ang “libingang

banga”.

You might also like