Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

FLORANTE AT LAURA ni FRANCISCO BALAGTAS

Tagapagsalaysay: Sa labas ng kahariang Albanya matatagpuan ang madilim, malawak


at mapanglaw na gubat ng Quezonaria, rito ay may isang lalaking mala-Adonis ang
tindig na nakagapos sa puno ng Higera. Ang lalaking nakagapos ay si Florante ang
anak ng mag-asawang si Duke Briseo at Prinsesa Floresca ng Albania. Habang
nakagapos, muling nanumbalik ang mga katangian ni Florante, mga alaala kung saan
si Adolfong sukaban ang pumatay sa kanyang ama, kay haring Linceo at umagaw sa
kanyang kasintahang si Laura.

Florante: Nang dahil sa korona ni Haring Linceo at sa kayamanan ng dukeng ama ko,
ang paghahangad ni Konde Adolfo sa kapangyarihan ng Albania, naging malupit sa
amin ang Kapalaran! Kung ayaw dinggin ng langit ang sigaw ng aking malumbay na
boses! Kung ibig mong ako’y magdusa, isagi mo lamang sa puso’t isipan ni Laura ako’y
minsang mapag-alaala.

Tagapagsalaysay: Nagkataon ang pagdating sa gubat ng isang gererong bayani ang


tikas, pananamit ay Moro sa Persiyang siyudad. Siya ay si Aladin ang gererong Moro
ng Persiya na anak ni Sultan Ali-Adab, na dahil sa sama ng loob sa kanyang ama at
kasintahang si Flerida ay umalis sa sariling bayan.

(Si Aladin at Florante ay nasa magkabilang dako ng gubat ngunit si Aladin ay


naglalakad patungo kung saan malapit si Florante.)

Aladin: Flerida! Flerida!


Ama ko! Bakit mo ako natiis na magdusa nang dahil sa aking irog? Di yata’t ikaw na
rin ang umagaw sa aking kaligayahan! (exhibition with sword and shield) Kung hindi
ang iginagalang kong ama ang umagaw kay Flerida, hindi ko masabi kung ang aking
sandata’y bumuga ng laksang kamatayan.

Florante: Ama ko! Ama ko! Bakit kaya ikaw pa ang naunang nasawi at ako’y inulila sa
gitna ng sakit para kong nakikita ang malupit na parusa sa iyo ng taksil na si Adolfo.
Para ko pang naririnig dito, aking ama, ang iyong panambitan at dalangin na ako sana
ay maligtas na lamang sa paghihiganti ni Konde Adolfo!

Aladin: Ako’y lumuluha hindi dahil sa pagmamahal ni ama sa akin, kundi sanhi sa
kanyang kasakiman na ako’y agawan ng kaligayahan. Kay palad ko sana kung ang
kasawian kong ito ay nauukol sa nakakapanghinayang na pag-aaruga ni ama.
Florante: Ay, mahal kong Laura, paalam na ang abang sinta mong kinulang palad.
Gayon man ay hinangad ko rin ang iyong kaligayahan, madurog man ang aking mga
laman at buto, Laura, ikaw pa rin ang mamahalin ko.

(pagdaragdag ng iba pang sasabihin tungkol sa mga pagtangis ni Florante sa buhay


habang hahanapin ni Aladin ang Boses)

Tagapagsalaysay: Nagpatuloy sa pagtangis si Florante at nakikinig si Aladin ngunit di


pa nito natatapos ang ilang pangungusap ay may dalawang Leong hangos nang
paglalakad siya’y tinutungot pagsil-in ang hangad, ngunit nangatil pagdating sa harap.
Dahil Diyan. Inisip niya na ito na ang katapusan niya kaya siya’y nagsimulang
magpaalam.

Florante: Paalam, Albanyang pinamamayanihan ng lupit at kaliluhan. Malaki ang


aking panghihinayang sa iyo. Pagkabata ko na’y wala akong inadhika kundi, ang ikaw
ay paglingkuran at gugulin sa iyo ang aking dugo. O, Albanya wag mo lamang sanang
ipahamak ang aking Laura.

Tagapagsalaysay: nang matagpuan ni Aladin ang binatang nasa harap na ng mga Leon
ay agad niyang nilabanan ang mga hayop at pinatay.

Pagkatapos mapatay ni Aladin ng dalawang mabangis na Leon, pinakawalan niya si


Florante sa pagkakatali.

(mawawalan ng malay si Florante at aarugain siya ni Aladin)

Aladin: Ano kaya ang nangyari sa taong ito?

Tagapagsalaysay: Pagkatapos arugain ni Aladin si Florante namulat ang mata ni


Florante at siya ay nagising.

Florante: Nasaan ka, laura, sa ganitong hirap? Halina, giliw ko’t gapos ko’y kalagin
kung mamamatay ako’y gunitain mo rin……- hala? Sino? Sa aba ko’t nasa Morong
kamay!
Aladin: Ligtas ka na sa panganib at sa mga sakit nakikita mo na ako’y isang moro,
datapwat hindi bininyagan ay tao rin ako, may damdamin at nasasaklaw ng mga utos
ng Diyos. Narinig ko ang iyong mga sigaw kaya’t hinanap kita. Natagpuan kitang
nakatali at sasagpangin ng dalawang Leon. Hindi ako nag dalawang isip pa at
nilabanan ko ang mga mababangis na leon.

Florante: Kung di mo sana kinalag sa puno ng kahoy. Nailibing na sana ako sa tiyan ng
Leon. Ngunit bakit mo ako niligtas at hinayaang mabuhay?

Aladin: Lumipat na muna tayo ng pwesto at tayo’y magpahinga na.

Florante: (sobrang mahina) sa-salamat…

Tagapagsalaysay: mapalad ang mga sandaling ito dahil tayo’y nabubuhay pa kaya
huwag mong sabihin na sana’y hinayaan nalang kita sa kamay ng mga Leon.

Florante: Salamat. Sabihin mo aking kaibigan, anong magagawa ko maisukli ang


kabutihan na ipinagkaloob mo?

Aladin: Alam kong mabuti kang tao kung kaya’t tinulungan kita, ano ang iyong
dahilan at ikaw ay naparito, sabihin mo para matulungan kita habang maaga pa.

Florante: Malaking pagtanaw ng utang na loob kaya’t di lamang ang aking pagdurusa
ang ihahayag ko kundi simula’t sapul sa aking pagkabata.
Ang pangalan ko’y Florante at ako ay nakatira sa Albania. Si Duke Briseo ang aking
ama at ang mahal kong ina ay si Prinsesa Floresca mula sa Krotona.
Noong ako’y bata pa kamuntikan na akong kunin ng Bwitreng ibon ngunit nakita ako
ng Pinsan kong si Menalipo at pinana niya ito
(paglalahad ng sasabihin ni Menalipo at florante tungkol sa Bwireng ibon)

Nang ako naman ay tumuntong sa ikalabing-isang taong gulang ay pinilit ni ama na


ako'y mag-aral sa Atenas.

Duke Briseo: o Florante, anak ko


nais kong sabihin sa iyo,
panahon na para tuklasin ang mundo,
dagdagan ang kaalaman at dunog mo
na pumapaksa tungkol sa ating mundo
Florante: Matutupad ang iyong nais minamahal kong ama
karununga’y kapangyarihan dapat na tinatama sa

Pagtutol ma’y hindi pumasok sa king isipan


pagkat kagalakan kong matupad yaring kagustuhan

Duke Briseo: salamat, Florante sa iyong pagtanggap


Matupad nawa ang iyong pinapangarap
Ikaw ay tutungo sa lungsod ng Atenas
Upang Matuto at lumiwanag yaring landas.

(magpapakita si Prinsesa Floresca)

Prinsesa Floresca: o, Briseo mahal ko


kailangan niya bang lisanin ang kahariang ito?
pag-aaral sa malayo ay maaaring magdulot ng lungkot
kaya’t kung maaari’y paglisan ay iyong iudlot

Duke Briseo: Mas maraming kaalaman ang kanyang matututuhan


sa Atenas na lungsod ng karunungan
kaya sinta kong Floresca, ikaw ay Huwag mabahala
ito ay para sa ikabubuti niya

Prinsesa Floresca: kung ganoon asawa ko wala akong tutol


Florante, alagaan ang sarili at laging tandaan pagbabalik mo’y hihintayin ng
Albanyang bayan

(magyayakapan si Florante at Prinsesa Floresca)

………………….

(maglalakbay si Florante patungong Atenas)


(sa Atenas)

Antenor: Maligayang pagdating Florante, ito ang paaralang iyong papasukan, Ako
nga pala si Antenor ang iyong magiging guro dito sa Atenas.
Florante: Salamat po Maestro Antenor(malungkot na boses)

Antenor: O Florante bakit ka nalulungkot?

Florante: Ayaw kong iwanan ang bayan kong Albanya lalo na’t mapapalayo ako sa
aking pinakamamahal na ama’t ina.

Antenor: Huwag kang mag-aalala Florante, ako muna ang kukupkop sa iyo habang
nag-aaral dito, lilipas rin ang lungkot mo, halika Florante at magugustuhan mo dito sa
Atenas sapagkat magkakaroon ka dito ng maraming kaibigan at matututo ka ng lubos
sa paaralan

(Florante: Doon ko nakilala si Adolfo pati na rin si Menandro, Sinabi sa akin ni


Maestro Antenor na Si Adlofo’y galing sa Albanya kaya ako’y lubusang natuwa.)

Antenor: Heto si Menadro. Siya ay isa sa mga makakasama mo rito sa Atenas. Aliwin
mo ang iyong sarili, at makisama sakanilang mabuti.

Florante: Ako ay si Florante at ako ay nagmula sa kaharian ng Albanya.

Menandro: Ako ay si Menandro, ako ay kaibigan mo simula ngayon at ikaw ay


kaibigan naming lahat.

Menadro at iba pang mag-aaral: Mabuhay si Florante! Mabuhay tayong lahat!

(Florante: Hindi nagtagal ay naging malapit kong kaibigan si Menandro. Pagkatapos ng


anim na taon na pag-aaral ko sa Atenas. Ang kahusayan na mayroon si Adolfo ay
nakikita narin sa akin nang aming Maestro)

Antenor: Mahusay ka Florante, nakita ko na ikaw ay magaling pala sa napakaraming


bagay, hanga ako sa iyong mga talento.

Florante: Salamat po MaestrO

(Florante: Dito nagsimulang magalit sa akin si Adolfo sa kadahilanang nalampasan ko


na raw ang aking kagalingan na mayroon siya.)
Tagapagsalaysay: Isang hapon ay tinipon ni maestra Antenor upang maipakita ang
aming kagalingan.

Antenor: tayo ngay’y magkakaroon ng isang pagsasadula


Dula tungkol sa trahedya ng dalawang apo
Ang tatanghal ay si Florante’t Adolfo
Florante Bilang Polinise’t Adolfo bilang Etyokles

Tagapagsalaysay: nanghanda nang magsadula’y si Adolfo ay nanlisik ang mata


kay Florante’y may balak na masama
balak nitong paslangin at totohanin
ngunit mayroong isang taong si Florante’y handang saklolohan

(magsasadula mayhawak na Espada ang dalawa)

Adolfo: Ikaw Floranteng sa kapurihan ko’y umagaw


Dapat sa iyo’y mamatay!

(dadating si Menandro at ililigtas si Florante)

Menandro: Ikaw, Adolfo anong nagyari sa iyo


nasisiraan ka na ba ng ulo?
Ang pagsasadula’y iyong tinotoo
hindi mo kailangang gawin ito

Tagapagsalaysay: Si Adolfo’y tinotoo ang dula-dulaan, mabuti na lamang at iniligtas


siya ni Menandro. Dahil sa ginawa ni Adolfo, ipinabalik nila ito sa Albanya.

(papasok si antenor)

Antenor: Adolfo, ito’y isang dula-dulaan lamang, kaya’t hindi katanggap-tanggap ang
iyong ginawa. Ito ay isang malaking kamalian at hindi ko hahayaan nais kong bumalik
ka sa Albanya at mamuhay ng tahimik at payapa.

(Florante: pagkatapos ng isa pang taon sa Atenas, ako’y nakatanggap ng isang sulat
na ang hatid ay isang masamang balita. Ang aking pinakamamahal na ina ay namatay
na at ang liham ay nagmula sa aking butihing ama.
Pagkatapos kong malaman iyon, nagtagal pa ako ng dalawang buwan sa Atenas
hanggang sa makatanggap muli ako ng liham mula sa aking ama at nais niya sa
Albanya’y ako’y magbalik na sampu nang sasakyan ang sumundo sa akin)

Florante: Maestr paalam na po

Antenor: Florante, lagi mong tatandaan kung ang isasalubong sa iyong pagdating ay
masayang mukha’t paggiliw, lalong pag-ingata’t kaaway na Lihim, siyang isaisip na
kakabakain, mag-iingat ka kay Adolfo munting ginoo. Muli kayong magkakasama sa
isang lugar kahit pa malawak ang Kahariang Albanya siguradong landas niyo’y muling
magkikita. Huwag mong kalilimutan na ang puso niya’y puno na nang inggit at poot
mula sayo, Datapwat huwag kang magpapahalata, tarok mo ang lalim ng kaniyang
nasasasandatahiy Lihim na ihanda nang may maipagtatanggol sa araw ng digma.

Florante: Opo Salamat po sa lahat maestro

Menandro: Mag-iingat ka Florante, alalahanin mo naririto kami handang


tumulong.(humahagulgol)

Kamag-aral: Paalam Florante!

Tagapagsalaysay: Si Florante’y naglakbay pabalik sa Albanyang bayan. Hindi naglaon


paa niya’y yumapak at nagtungo sa ama, humalik sa kamay at tinanong ang nangyari
sa ina.

(Florante: habang nag-uusap kami ni ama dumating ang embahador ng Krotona


upang ibigay ang liham galing sa hari nila. Sila ay humingi ng tulong dahil sinakop ito
ni Heneral Osmalik ng Persya, sabi-sabi ay pangalawa ito, ng prinsipe niyang bantog
sa sangmundo, Alading kilabot ng mga gerero.

Aladin: (mapapangit)“ Binirang balita’y magtapat, kung magtotoo ma’y marami ang
dagdag.”

Duke Briseo: May sulat nagmula sa Krotona


humihingi ng tulong ang pakay nila
nanganganib na itong sakupin
ni heneral Osmalik ng Persiya.
Bukas sila’y pupunta
at ipaglalaban ang bayang nag-aalsa
Sa tulong ni Floranteng aking anak
maililigtas natin ang bayan ng Korotona.

Tagapagsalaysay: Nang dumating ang dalawa sa palasyo


itong si Florante’t may naramdaman
magkahalong kaba’t pag-ibig
nang Makita ang anak ng Hari

(magyayakapan Si haring linceo at duke Briseo)

Linceo: O Duke (titingin kay Florante) Sino ito at saang syudad nanggaling? Mukha
siyang isang bunying gerero.

Briseo: Siya’y bugtong kong anak na inihahandog sa mahal mong yapak, siya ay
tutulong sa inyo sa digmaang magaganap.

(linceo yayakapinn si Florante)

Linceo: Mabuting panahon ang iyong pagdating. Ikaw ang magiging pansamantalang
heneral ng hukbo na dadalo sa Krotona laban sa mga Moro. Patunayan mo na ikaw
ang matapang na gerero na magsasabi sa buong mundo ng kapanyarihan ng haring
Linceo.

Briseo: Masususnod mahal na hari

Linceo: Nabalitaan ko kay Antenor na nagpamalas ka ng angking kahusayan sa


Atenas. Walang duda nagmana ka sa iyong ama.

Florante: (walang maisagot, sa halip tatango at kusang yayakap kay linceo)

Linceo: ikinalulugod kong ikaw ay makilala


ibig ko nga pa lang ipakilala sa iyo
itong anak kong si Laura

Florante: Magandang umaga Bb.Masaya ako’y si Florante, wala ng iba


Laura: Magandang umaga Florante Masaya rin akong makilala kita

Florante: Nawa’y makilala rin kita ng lubusan

Laura: Gayon rin ako ngunit ilang araw na lang ay aalis ka na

Florante: Oo nga ngunit sinisigurado ko sa iyong ako’y magbabalik

Kaibigan: Laura tara na’t pumasok sa loob magsisimula na ang piging.

Tagapagsalaysay: Pagkatapos ng tatlong gabing piging

Linceo: Magandang gabi sa iyo Florante kailangan mo nang maghanda para sa iyong
pag-alis

(magtutungo si Florante at ang kanyang hukbo sa Krotona)

(digmaan)

Florante: Tandaan niyo na para ito sa kaharian at sa inyong pamilya, mag handa!

Alagad: Sugod!

(unti-unting namamatay ang alagad ni Osmalik)

Osmalik: Kay tapang na ako’y iyong lalabanan

Florante: Bakit? Natatakot kabang matalo?

(maglalaban si Osmalik at Florante)

(matatalo ang mga moro)

Menandro: Mabuhay si Florante! Mabuhay ang Krotona!


Mga Algad: mabuhay!

Lahat: MABUHAY!
(pauwi na sa kaharian sina Florante at ang kanyang hukbo)

(silay nakapila at pinupuri ng mga tao)

Hari ng Krotona: Ikinalulugod ko kayo ay umuwi ng ligtas at masaya ako na na kayo


ay nagwagi sa digmaan.

Florante: Walang anuman mahal na hari, gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti ng
bayan

Tagapagsalaysay: Naglagi ng limang buwan si Florante sa Crotona, nagpilit bumalik


sa Reynong Albanya ngunit ng matanaw yaring bayan, isang masamang kutob sa puso
ang lalong nagpahirap, nakita niya ang mga sukaban na moro, wagayway ang kanilang
bandila.

(nagtigil sa paanan ng bundok ang hukbo ni Florante)

(Ninanais ng mga morong maangkin si Laura ngunit papalag Ito kaya’t


napagdesisyunan na siya ay pugutan ng ulo)

Alagad: Heneral Florante, may naaninag ako tila isang binibini na nakagapos, ang
mga moro’y nagbabalak na pugutan siya.

Florante: Maghanda ang lahat tayo’y lulusob

(magkakaroon ng saglit na digmaan )

Tagapagsalaysay: Naghanda ang hukbo at sila ay nagsimulang mag lusob, nakita niya
si Laura nakagapos, agad niya itong tinulungan.

(tinanggal ni Florante sa pagakakagapos ang babae at ang takip nito sa mukha)

Florante: O, Laurang aking sinta, ikay huwag ng lumuha naririto ako upang iligtas ka

Laura: O, Floranteng aking irog, salamat at ako'y iniligtas mo mula sa kamay ng


morong kalaban.
Florante: Laura aking mahal, gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti mo

Laura: Florante iyo ring iligtas, ang ama ko’t ama mo kasama na ang iba pang
taga-Albanyang nabilanggo.

(magtutungo si Florante sa bilangguan upang kalabanin ang morong bantay at


palayain ang mga bilanggo)

(magbubunyi ang haring Linceo, duke Briseo at mga taga-Albanya ngunit maiinggit
si Adolfo at muling kasusuklaman si Florante)

………………

Aladin: dahil natalastas mo na ang iyong buhay, ako nama’y magpapakilala nang
pormal.

Ako si Aladin ng Persya. Ako ay anak ni sultan Ali-Adab. Ako ay isang gerero na
nakaranas at nakipaglaban sa napakaraming digmaan, ngunit ako’y hindi naghirap
dito, dahil wala nang mas mahirap pa sa pagkuha sa babaeng minamahal ko, sa
pagkuha sa kanya ng aking sariling ama.

Oo nga’t sinakop namin ang Albanya ngunit hindi kami nagtagumpay, kaya ako’y
bumalik sa Persya nang hindi kasama ang aking hukbo

Lavin: Andyan pa rin ba kayo? Marami na ang naganap

Sultan Ali-Adab: Ano ang dahila’t ika’y naparito


iyong iniwan ang Albanya at hukbo?
ika’y nasa gitna ng dIgmaan
kaya’t sa iyong pag-uwi ano ang kadahilanan

Aladin: Ama ko sandali ito ang kapaliwanagan………..

(hindi pa siya tapos magsalita ay susunggaban siya ng mga kawal, nagpupumiglas si


Aladin ngunit wala itong silbi.)

Aladin: Ama ko ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito?


isa kang taksil sukab at huwad na gerero!
Kung si Flerida ang dahilan ng kataksilan mo
hindi mo maaagaw ang sinta ko!

Sultan Ali-Adab: tama na ang satsat kung ayaw mong masaktan


Ako ang pinuno ng Persiya, iyan ay aking karapatan!
hala sige, ikulong yan sa gitna ng kawalan
at sa madaling panahon siya ay pugutan!

(tatawa ng malakas ang sultan)

…………..
Aladin: Ano yun sino iyong nagsasalita?

Florante: Aba ewan ko hindi ako iyon

Tagapagsalaysay: Sa madilim na parte ng kagubatang Albanya


mapagnasang si Adolfo’y kabig-kabig si Laura

Laura: Bitiwan mo ako Adolfo!


Ako ay para lamang kay Floranteng giliw ko
Ang tulad mong taksil at duwag
sa pag-iibigan naming ni Florante’y hindi makatitibag

(hihigpitan ni Adolfo ang hawak kay Laura, mapapasigaw si laura sa takot at sakit)

Adolfo: O, Laurang prinsesa huwag mo akong galitin


ang Floranteng sinta mo’y hindi na aabutin sa dilim
Katawan niya ngayo’y pinagpipyestahan na wari ng mga Leon
kaya’t wala kang ibang pagpipilian kundi…..mapasa akin.

Laura: Mas pilpiliin ko pang mamatay, o Adolfong Sukab


Kung wala na si Floranteng sinta aanhin ko pa ang buhay!
hindi ako papayag na mapasaiyo, at ipinapangako ko
di ka magtatagumpay sa iyong plano

Adolfo: nauubos na ang Pasensiya ko kakaintindi sa iyo


wala na Si Floranteng sinisinta mo!
Tagpagsalaysay: Akmang sasaktan ni Florante si Laura
Ngunit isang pana ang tumama
tumalima sa dibdib ng Adolfong taksil
na sa buhay nito ay siyang kumitil

Flerida: O abang dalaga, anong kalagayan mo


Talagang walang hiya ang lalaking ito
Flerida nga pala ang aking ngalan
na nagmula sa Persiang kaharian

Laura: Laura naman ang aking ngalan at huwag kang mag-alala sa aking kalagayan
Ako ang siyang prinsesa ng Reynong Albanya anak ni Linceong Tubong Krotona

(iikot sa kagubatan ang dalawang kababaihan habang nagkukwentuhan)

Flerida: Nung nalaman kong pupugutan ng ulo ang mahal kong nasa bilangguan,
dumapa ako sa paanan ng masamang sultan. Hiniling na si Alading aking irog ay
pakawalan at huwag pugutan kapalit nito’y pagpayag ko sa isang kasunduan, ito ay
ang pakasalan ang sultang sukaban.

Pumayag ang sultan, Prinsipe Aladin ay agad pinakawalan, ngunit siniguradong


malalayo ito sa kaharian

Nung araw ng kasal namin ng sultan ako ay nakatakas dahil aking ginamit ang
kasuotan ng isang gerero upang hindi makilala ng kahit sino man. Ilang taon rin
akong nagpagala-gala rito sa kagubatan hanggang sa maabutan kitang muntik nang
pagsamantalahan.

Laura: Maraming salamat sa iyong kabutihan


nang dahil sa iyo buhay ko’y naligtas mula kay Adolfong puno ng kasamaan.

(habang naglalakad ay magkikita-kita ang mga mag kasintahan)

Flerida: O Aladin!

Laura: Sinta kong Florante!

Aladin: Minamahal kong Flerida


Florante: O Laura! Giliw ko!

Laura: O Florante, ako’y tunay na nabahala!


Ang gubat na ito’y lubhang mapinsala
Akoy nagpapasalamat dito kay Flerida
Na sa aki’y nagligtas at kay Adolfo, hindi ko alam kung ano ang nangyari saakin kung
wala kayo.

Florante: O salamat sa diyos at ika’y ligtas salamat din Flerida dahil puso moy likas
ako ngayo’y panatag na pagkat ika’t matiwasay
at dahil rin kay Aladin na nagligtas ng aking buhay

Kung hindi dahil sa kanya, ako ngayo’y pagkain na


Ng mga gutom na leon na dito ay naglipana
gayon na lamang ang tuwa, ng isang moro ang sumagupa
sa mabangis na Leon na tila handa

Aladin: Walang Anuman , katoto kong Florante

Laura: Florante irog ko


Di lubhang naglaon noong pag-alis mo,
Bayang Albanya’y naging pipi sa gulo

Sigawang malakas “mamatay! Mamatatay ang haring Linceo


ito’y kagagawan ni Adolfo pinapugutan niya ang ama ko at iba pang inosenteng tao
Pinadalhan kita ng isang liham umaasang magbabalik kasama ang hukbo upang
lumaban ngunit si Menandro ang dumating at kinubkob ng hukbo ang Albanyang
bayan

Nang walang magawa si Konde Adolfo ay dinalang gapos sa kabayo kapag dating dito
ako’y dinahas at ibig ilugso ang puri ko.

Buti’t dumating si Flerida at akoy Niligtas. Salamat sa iyo Flerida, Salamat dahil sa iyo
ako’y buhay pa

Flerida: Ako ay nahabag kay Laura ng Makita kong nilalapastangan siya kinuha ko ang
Busog at pana kinitil ang buhay ng taong masama
Tagapagsalaysay: habang nag-uusap ay darating si Menandro at iba pang kawal na
waring hinahanap si Adolfo ngunit laking tuwa ng Makita ang katoto

(uuwi sa kaharian)

Mga tao: Viva Floranteng hari ng Albanya!


mabuhay mabuhay ang Prinsesa laura!

Tagapagsalaysay: Dahil sa pagkamatay ni Haring Linceo at Duke Briseo, pinalitan sila


ni Florante. Sa kanyang paghahari, nanumbalik ang dating katangian ng Albanya
nagkaroon muli ito ng kapayapaan, umunlad, nagkaisa at bumalik ang dating sigla

Habang si Aladin at Flerida ay pinamunuan ang kanilang kaharian sa Persiya!

You might also like