AP Grade 6 LAS-Q3-WEEK4-7 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

6

Dep EDCabadbaran

AralingPanlipunan
Learning Activity Sheets
Quarter 3 Week 4-7
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto Pagkatuto

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto

Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa pagtugon


sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972 (Week 4-7)

Mga Tiyak na Layunin:

1. Matutukoy kung sino ang mga naging pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
2. Maipaliliwanag ang mga patakaran at programang ipinatupad sa bawat panguluhan
3. Mapaghahambing ang mga paraan ng pangangasiwa ng iba’t ibang pangulo

JOSEPHINE H. DUMANGAS
Writer/Developer
Calibunan Elementary School
Pangalan: _______________________________________Baitang/ Seksiyon: __________________
Paaralan: ______________________________________________________________
Guro: _____________________________________________

I. Alamin:

Kasaysayan ng Pilipinas (1946–1972)


Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Ikatlong Republika ng Pilipinas ay tumutukoy sa kasaysayan at pamahalaan


ng Pilipinas mula Hulyo 4, 1946 hanggang Setyembre 21, 1972. Ito ay ang pinakamatagal na republika sa
kasulukuyan, na tumagal ng 26 na taon, tagal na hindi pa narating ng kasalukuyang republika – ang
ikalimang republika na 20 taon pa lamang ngayon.

Ang Mga Pangulo ng Ikatlong Republika


Manuel Roxas (1946–1948)
Bago pa man din siyang maging unang pangulo ng Ikatlong Republika,
si Manuel Roxas ang naging huling pangulo ng Commonwealth. Isang
estadista ng Capiz (sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay
mamatay, ang Lungsod ng Roxas), si Roxas ang nagsimulang magtayong
ekonomiya ng isang bansang winasak ng digmaan. Kaniyang ipinatupad ang
ibang pangunahing mga prayoridad ng kaniyang administrasyon gaya ng: ang
industrialisasyon ng Pilipinas, ang pagpapatagal ng malapit na kooperasyon
at ispesyal na relasyon sa Estados Unidos (dahilan kung bakit sa panahon
niya'y isang pampublikong kaalaman na siya'y isang "Pro-American"), ang
pagpapanatili ng batas at kaayusan at ang pagpasa sa kongreso ng batas na
magbibigay sa magsasaka ng 70% ng kabuuang kinitang ani (30% lamang sa
panginoong may lupa=
Elpidio Quirino (1948–1953)
Ang pangalawang pangulo ng Pilipinas sa administrasyon ni Roxas na
si Elpidio Quirino ang siyang pumalit matapos ang kaniyang pagpanaw.
Siya ang unang Ilokanong pangulo na nagtapos sa 4 na taong termino ni
Roxas at nanalo sa halalan noong 1949. Sa kaniyang administrasyon,
pinakamalaki niyang pinagtuunan ng pansin ang pagpapatuloy ng pagbabago
at rehabilitasyon ng ekonomiya & ang pagpapanumbalik ng tiwala at
kooperasyon ng marami sa pamahalaan. Kinaharap ng kaniyang
administrasyon ang isang malubhang banta ng kilusang
komunistang Hukbalahap (Hukbo ng Bayan laban sa Hapon), isang pulang
komunista. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk, at bilang
pangulo, nagawa niya ang mga sumusunod na karaniwang ipinapatungkol sa
kaniya.

Ramon Magsaysay (1953–1957)


Si Ramon Magsaysay ang kalihim ng Tanggulang Pambansa sa ilalim ng
administrasyong Quirino. Kaniyang iniligtas ang demokrasya sa Pilipinas.
Ito ang kaniyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik
ng Huk o ng komunista. Sumuko sa kaniya si Luis Taruc, ang Supremo ng
Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista. Kaya si Magsaysay ay
tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya" na naging sanhi ng kaniyang
pagiging tanyag. Ilan sa kaniyang mga nakamit ay ang mga sumusunod: Ang
pagpapabuti ng pamantayan ng pamumuhay sa pamamagitan ng paggawa ng
mga sistemang patubig, tulay, balon at kalsada; pagsasakatuparan ng
paggamit ng Barong Tagalog sa mga opisyal at sosyal na gawain na dati ay
itinuturing na damit ng mahirap.

Carlos Garcia (1957–1961)


`` Ang araw matapos ang malungkot na pagpanaw ni Magsaysay, ang
pangalawang pangulong si Carlos P. Garcia ang siyang umupo
bilang ikaapat na pangulo ng Ikatlong Republika. Tinapos niya ang
huling termino ni Magsaysay at nanalo bilang pangulo pagkatapos.
Ang pangalawang pangulo niyang si Diosdado Macapagal ng Partido
Liberal at siyang naging unang pagkakataon na may magkaibang
partidong pangulo at pangalawang pangulo. Gayunpaman, nakamit
niya ang mga sumusunod: ang pagpapatupad ng patakarang "Pilipino
Muna" (First Filipino Policy) para mataguyod at maprotektahan ang
produktong Pilipino; ang pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa
pamamagitan ng mabuting pakikisama ng Bayanihan Dance
Troupe sa ibang bansa; pagrespeto sa karapatang pantao at
pagpapanatili ng malayang halalan; ang paggawa ng Komisyon
Sentenaryo ng Dr. Jose P. Rizal at ang pagtataguyod ng
pandaigdigang kapayapaan at pagkakasundo sa pamamagitan ng
opisyal na mga pagbisita.

Diosdado Macapagal (1961–1965)

Kahit siya ay kilala bilang "batang dukha" mula sa Lubao,


si Diosdado Macapagal ay isang bar topnotcher, isang respetadong
abogado at manunulat at epektibong manunulat. Kaniyang pinangako
ang "Bagong Panahon" ("New Era") sa bansang Pilipinas sa
pamamagitan ng mga sumusunod: paggamit ng pambansang wika
(Filipino) sa mga pasaporte, selyo, palatandaang trapiko, pangalan ng
mga bagyo, diplomang pampaaralan at iba pang mga katibayang
diplomatiko; paglipat ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12
mula Hulyo 4; paghahain ng opisyal na pag-aari ng Pilipinas
sa Sabah noong Hulyo 22, 1962; ang pagkakalikha ng
samahang Mapilindo (Malaysia, Pilipinas, Indonesya) na isang
pagkakaisang pang-ekonomiya at ang pagpasa sa kongreso
ng Agricultural Land Reform Code noong 1963.Namatay siya sa
atake sa
puso, pulmonya at sakit sa bato sa Ospital ng Makati noong Abril 21, 1997 makaraan ang isang taon, ang
kaniyang anak na si Gloria Macapagal-Arroyo ay ipinroklamang ikaapat na pangulo ng Ikalimang
Republika ng Pilipinas dahil sa EDSA II.
Ferdinand Marcos (1965–1972)
Si Ferdinand Marcos ay isang Pangulo ng Senado mula pa noong
1963 at matagal na panahon siyang naging kasapi ng Partido Liberal.
Hiningi niya ang nominasyon ng partido bilang kandidato sa
pagkapangulo noong 1965, ngunit ang kasalukuyang pangulo na si
Diosdado Macapagal ang pinili ng partido. Tumiwalag si Marcos sa
Partido Liberal at lumipat siya sa Partido Nacionalista, kung saan
nakuha niya ang kanilang nominasyon. Nanalo siya at si Fernando
Lopez, ang kandidato ng Partido Nacionalista sa pagka-pangalawang
pangulo, laban kay Macapagal at Gerardo Roxas sa isang landslide
victory na dala-dala ang islogan na "This nation can be great again."
Sa kaniyang paglilingkod bilang pangulo sa unang termino, siya ang
pinakamaraming nagawang kalsada, tulay, paaralan, gusali ng
pamahalaan, sistemang patubig (kasabay ng pagpapakilala ng
"Miracle Rice"), at marami sa mga ito ay nananatiling nakatayo pa
gaya ng Tulay
ng San Juanico sa pagitan ng Samar at Leyte,

Gawain 1
Panuto: Suriin ang mga pahayag. Isulat ang Pangulong tumutukoy sa gawaing
inilalahad.
______________________1. Unang Pangulo ng Ikatlong Republika
______________________2. . Kinaharap ng kaniyang administrasyon ang isang malubhang banta
ng kilusang komunistang Hukbalahap
______________________3.Huling Pangulo ng Kommonwelt
______________________4. Siya ang unang Ilokanong pangulo na nagtapos sa 4 na taong termino ni
Roxas
______________________5. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista.
______________________6. Pangalawang Pangulo ng Ikaapat na Republika
______________________7. Kaniyang pinangako ang "Bagong Panahon" ("New Era") sa bansang
Pilipinas
______________________8. Ang pagpapatupad ng patakarang "Pilipino Muna" (First Filipino Policy)
______________________9. Ama ng ikaapat na pangulo ng Ikalimang Republika ng Pilipinas.
______________________10. Tumiwalag sa Partido Liberal at lumipat siya sa Partido Nacionalista,

Gawain 2
Panuto: Suriing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Bakit tinutukoy na pinakamatagal na republika sa kasulukuyan ang Ikatlong Republika
a. dahil ito ay tumagal ng 26 na taon b. dahil tumagal lang ito ng 15 taon.
c. dahil ito ay tumagal ng 20 taon c. dahil tumagal ito ng 10 taon

2. Ano ang pangunahing mga prayoridad ni Manuel Roxas sa kaniyang administrasyon


a. ang industrialisasyon ng Pilipinas b. ispesyal na relasyon sa Estados Unidos
c. “Pilipino Muna” d. A at B

3. Sinong pangulo na sa kaniyang administrasyon, pinakamalaki niyang pinagtuunan ng pansin ang


pagpapatuloy ng pagbabago at rehabilitasyon ng ekonomiya
a. MANUEL ROXAS b. FERDINAND MARCOS
c. ELPEDIO QUIRINO d. RAMON MAGSAYSAY

4. Bakit tumiwalag si Marcos sa Partido Liberal at lumipat siya sa Partido Nacionalista?

a. dahil si Diosdado Macapagal ang pinili ng partido


b. dahil tumiwalag siya sa Partido Liberal at lumipat sa Partido Nacionalista
c. dahil hindi siya pinakinggan ng mga kapartido
d. wala sa nabanggit

5. Paano tinupad ni Diosdado Macapagal ang pinangakong "Bagong Panahon" ("New Era") sa bansang
Pilipinas?
a. Sa paggamit ng pambansang wika (Filipino) sa mga pasaporte, selyo, palatandaang trapiko,
pangalan ng mga bagyo, diplomang pampaaralan at iba pang mga katibayang diplomatiko
b. paglipat ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12 mula Hulyo 4
c. paghahain ng opisyal na pag-aari ng Pilipinas sa Sabah noong Hulyo 22, 1962
d. lahat sa nabanggit
.

Gawain 3
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Titik lamang ang isulat sa linyang
nakalaan.
A B
_____1. Unang Pangulo ng Ikatlong Republika a. Hukbo ng Bayan Laban sa
Hapon
_____2. Hukbalahap b. Diosdado Macapagal
_____3. Ilokanong pangulo na tumapos sa termino ni Roxas c. Manuel Roxas
_____4. Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista d. Elpedio Quirino
_____5. Nangako ang “Bagong Panahon” (“New Era”) e. Luis Taruc

Gawain 4: Tayahin: Isulat sa patlang ang mga sagot:

1. Ano ang dahilan ni Carlos P. Garcia sa pagpapatupad ng patakarang "Pilipino Muna" (First Filipino Policy)
a. upang mataguyod at maprotektahan ang produktong Pilipin
b. upang mapaapalaganap ng kulturang Pilipino
c. upang marespeto sa karapatang pantao
d. upang mapanatili ng malayang halalan

2. Ano ang nagging bunga ng pagpinigil ni Ramon Magsaysay sa paghihimagsik ng Huk o ng komunista?
a. Sumuko sa kaniya si Luis Taruc, ang Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista.
b. Tinawag si Magsaysay na "Tagapagligtas ng Demokrasya" na naging sanhi ng kaniyang pagiging
tanyag.
c. Naging Pangulo si Magsaysay
d. A at B

3. Ito ay tumutukoy sa kasaysayan at pamahalaan ng Pilipinas mula Hulyo 4, 1946 hanggang Setyembre
21, 1972.
a. Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas b. Ang Ikatlong Republika ng Pilipinas
c. Ang Ikaaapat na Republika ng Pilipinas c. Ang Ikalimang Republika ng Pilipinas

4. . Kinaharap ng kaniyang administrasyon ang isang malubhang banta ng kilusang


komunistang Hukbalahap

a. MANUEL ROXAS b. FERDINAND MARCOS


c. ELPEDIO QUIRINO d. RAMON MAGSAYSAY

5. Isinasakatuparan ng paggamit ng Barong Tagalog sa mga opisyal at sosyal na Gawain

a. MANUEL ROXAS b. FERDINAND MARCOS


c. ELPEDIO QUIRINO d. RAMON MAGSAYSAY

Karagdagang Gawain:
Sanggunian:
Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6, Teachers Wraparound Edition (Alinsunod sa Kto12 Curriculum)
927 Quezon Ave., Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2017
Lydia N. Agno, Ed.D.; Grace Estela C. Mateo .Ph.D.; Celinia E. Balonso, Ph.D.; Rosita D. Tadena,
Ph.D. Mary Dorothy dl Jose M.A. ; Consultant & Editor:, Estela C. Mateo, Ph D. MARANGAL NA
PILIPINO Vibal Publishing House, Inc

Internet:

AP 6 Kasaysayan ng Pilipinas (1946–1972)


https://www.slideshare.net/.../araling-panlipunan-6- Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1 8. Carlos P. Garcia 4. A
9. Diosdado Macapagal 5. D
1. Manuel Roxas
10. Ferdinand Marcos
2. Elpedio Quirino Gawain 3
3. Manuel Roxas
4. Elpedio Quirino Gawain 2 1. C
5. Ramon Magsaysay 2. A
1. A
6. Carlos P. Garcia 3. D
2. B
7. Diosdado Macapagal 4. E
3. C
5. B

You might also like