Professional Documents
Culture Documents
Local Media3898187263612960154
Local Media3898187263612960154
Local Media3898187263612960154
BTVTED 3A
Paksa o Tema
Teoryang pampanitikan
Kamalayang Pampanitikan
Ang lungsod ng Maynila ay naging pangkalqhatang lunan ng mga pangyayyari sa nobela. Ang
mga nabibilang sa matataas na antas ng lipunan ay nagkalat sa Maynila sapagkat ito ang sentro
ng kalakalan at industriyalisasyon sa panahon ng amerikanisasyon. Ang pagbabago sa kapaligiran
ay makikita sa iba’t ibang sulok ng lungsod. Nagkalat ang mga mamahaling sasakyan na lulan ang
mga taong may magagarang ayos at kasuotan. At lantad din ang mga nagkalat na bahay-aliwan
na madalas puntahan ng mga lalaking naghahanap ng ligaya. Ang nobelang ito ay nakatuon sa
pangyayari na nakabatay sa mga tunay na karanasan na maoobserbahan sa isang lipunan.
Damdamin
Ang namutawing damdamin sa nobelang ito ay ang pagkaawa. Si nenita na labis na nagsisisi sa
kanyang nagawang kasalanan siguro masasabi kong isang hamak lamang siyang babae na
nagmamahal subalit ang pag-ibig niyang ito ay nagdulot ng kasiraan sa kanyang buhay. Si mang
Bandino na labis sinisisi ang sarili kung bakit ito ang nangyari sa kanyang pamilya at kay Liling at
pakito na parehas na nag iisang sugatan ang kanilang mga puso’t damdamin.
Simbolismo:
Ang simbolismo ng nobela ay ukol sa panahon ng amerikanisasyon na kung saan ang panahon
ng kasaganahan at pag-unlad ay ang panahon din ng karimlan na. Kung saan ang bawat isa ay
nag sasaya sa natatamung kayamanan na may kaakibat na kasarimlan na nag-dudulot sa bawat
isa ng pait. Maaring pnababatid din dito ng may akda na sa panahon ng pagpapatupad ng
kasayahan ay may lungkot na namumutawi na yumuyurak sa dangal nang bawat isa na kung
saan mangyaring mapusok, mapaghangad, at mapagtaksil ang namumutawi sa bawat isa.