Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kabiyak Ng Puso

Kapag ang iyong puso ay puno ng pag-ibig, tiyak na kapayapaan at


kasiyahan ang sa iyong buhay ay nanaig. Ayon sa pagsasaliksik, ang
pag-iibig ay maraming pag-uuri. Nandiyan ang pagmamahal sa pamilya,
sa kaibigan, sa kapwa-tao, sa bansa, sa dakilang lumikha at sa iniirog.

Napakalawak at napakarami ang kahulugan ng salitang pag-ibig, pero


ang pinakasimpleng kahulugan nito ay ang damdamin ng puso. Sa
lahat ng klase ng pag-ibig, pinaniniwalaan nag ang pinakabusilak ay
ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.

Walang bagay na hindi gagawin ng isang nanay para sa kanyang


minamahal na anak. Pag-ibig ni nanay na pinakadakila sa lahat at
masuwerte ka kung ito ay ipinadadama sa iyo ng iyong nanay.

Dumako naman tayo sa pagpapahayag ng pagmamahal. Bagamat


narining niyo na ang mga katagang “O pag-ibig na makapangyarihan,
kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat makuha ka
lamang.”

Ito ang mga katagang sumasalamin sa mga bugso ng damdamin ng


mga taong umiibig sa kanilang mga sinisinta noong mga makalumang
panahon.

Sa panahon ngayon ng mga makabagong milenyal, kung gaano kabilis


nagkakakilala ang mga magsing-irog ay ganun rin sila kabilis
naghihiwalay.

Minsan ay nawawala na ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Hindi na


ito sinasabi ng personal na may kasamang emosyon, bagkus ay sa
pamamagitan na lang ng “text” sa cellphone ito sinasabi.

Pansin niyo ba kung papaano nagbago at tila unti-unti ng nawawala


ang tunay na ibig sabihin ng salitang pag-ibig sa panahon ngayon?
Bagamat madalas natin siyang naririnig, ang bugso ng emosyon ng
wikang ito ay tanging sa salita na lamang at wala na sa puso. Masakit
man isipin pero ito ang tunay na katotohanan. Halimbawa na lang ay
ang mga nakaupo sa ating lipunan.

maikling halimbawa ng talumpati tungkol sa pagibig tagalogKaramihan


ay mapagmahal lamang sa kanilang mga sarili. Ang pag-ibig na alam
nila ay pag-ibig sa pera at kapangyarihan. Mga uri ng pag-ibig na sakim
at ganid.

Sana, ang pag-ibig na ipinadarama natin ay higit pa sa salitang pag-ibig


na binibigkas lamang ng ating mga bibig. Sana ay huwag tayong
makakalimot na panatilihin kung ano ang tunay na kahulugan ng
pagmamahal.

You might also like