Delarosa Pagsusulit3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

PANANDALIANG PAGLAHO NG LIWANAG

Habang naglalakad sa bayan patungo sa aking tahanan.


Kasabayan ang mga tinig ng aking mga kaibigan.
Nag uumapaw sa labis na kasiyahan at tawanan.
Ito na pala ang huling araw ng aming samahan

Buwan ng Marso simula ng maalarma ang lahat.


Nakabibigla at tila mga araw na paghahanda ay hindi naging sapat.
Tumigil ang mundo dahil sa pandemyang hindi inaasahan na kakalat.
Ang ngiti ng lahat ay nawala na parang isang iglap.

Mga establisyemento at paaralan ang naipasara.


Mga minamahal natin sa buhay na pansamantalang hindi nakita.
Puno nang pangamba na baka hindi na makaahon pa.
Kahit mga bata’t matanda ay gulong gulo na.
Mga programang tinanggalan ng kamay at paa.
Kahit ang layunin lamang ay maghatid ng tulong at saya.
Mga gulong na pansamantalang pinahinto muna,
Kaya’t sigaw nila manong ‘’Kailangan namin ng ayuda’’

Maraming nasawi sa panahon ng pandemya


Mga mahal sa buhay na kailanma’y hindi na muling makikita.
Karamihan sa hinaing ipinagwalang bahala,
Tugon ng lider ng ating bansa, katapat mo ay bala.

Kulang ang isang papel sa nais sabihin ng mga tao


Nagawang umaksyon ng ating gobyerno,
Ngunit para sa mga buhay na wala na sa mundo
Tingin ko ay huli na ang lahat para rito.

You might also like