DLP ESP 5 Badjao Integrationdocx

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
MALITAM ELEMENTARY SCHOOL

GRADES 1 TO Paaralan Malitam Elementary School Baitang/Antas 5


12 Guro Percy M. Claus Asignatura ESP
DAILY Petsa/Oras December , 2022 Markahan Ikalawang
LESSON PLAN
11:45-12:05 Markahan

Week-5 Day 5

I. Layunin:

A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao at pagganap ng mga
inaasahang hakbang, pahayag at kilos para sa kapakanan at ng pamilya at kapwa
B. Pamantayang Pagganap:
Naisasagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na may paggalang at
pagmamalasakit para sa kapakanan at kabutihan ng pamilya at kapwa

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)


1. Nakapagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan sa pamamagitan ng: 3.1. mabuting
pagtanggap/pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan 3.2. paggalang sa natatanging
kaugalian/paniniwala ng mga katutubo at dayuhang kakaiba sa kinagisnan

D. Pagtatapos ng 30 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nasusuri ang uri ng pagtanggap sa mga katutubo at dayuhan na may paggalang sa


natatanging kaugalian at paniniwala.
b. Naisasabuhay ang mga natatanging kaugalian at paniniwala sa mga katutubo at
dayuhan ng may paggalang
c. Napapahalagahan ang mga katutubo at dayuhan sa pamamagitan ng paggalang sa
natatanging kaugalian at paniniwala

Sanggunian: MELC p.82.Module

Paksa: Natatanging kaugalian ng mga katutubo at dayuhan.

II. Pamamaraan:
A.Panimulang Gawain
1. Balikan
Mga bata ano nga ang ating pinag-aralan kahapon

2. Pagganyak
Awit

Tanong:
1. Meron ka bang kaibigan na isang katutubo?
2. Ano ang masasabi mo sa pakikisalamuha mo sa kanila?

Ngayon mga bata ang makikita mong video ay tungkol sa buhay ng isang katutubong Badjao dito sa
ating paaralan
B. Panlinang na Gawain

Paglalahad: Panoodin natin ang kwento ng isang Badjao

Tanong:

1. Sino si Sandara Tarazane?


2. Saan nagmula ang pamilya ni Sandara?
3. Ano ang nagtulak sa pamilya Tarazane para lisanin ang Sulo?
4. Sa paanong paraan nabigyan ang mga katutubong ng pantay na Karapatan bilang
mamamayan ng Malitam?
5. Sila ba ay bukas na sa pagbabagong nagaganap sa kanilang buhay?
6. Bilang isang magaaral na tagalog ikaw ba ay natutuwa na tayo ay may mga kasamang Badjao
dito sa ating paaralan? Bakit?

Pagtalakay
Isang napakalaking tulong ang pagbubukas ng pagkakataon para sa ating mga katutubong
Badjao na sila ay malayang makapag aral dito sa Paaralan ng Malitam. Pinapatunayan lang na kahit
anong uri ng pagkataao, iba-ibang paniniwala at kaugalian ay meron tayong pantay na Karapatan.
Ang kailangan lang ay ang ating maluwag na pagtanggap at ang paggalang sa kulturang kanilang
kinagisnan. Ibukas natin ang ating palad para matulungan natin silang maiangat ang kanilang
pamumuhay.

C. Pangwakas na Gawain

Paglalapat

Panuto: Isulat ang SM kung sumasang ayon ka sa sitwasyon at DSM kung hindi.

1. Isinama ng Guro ang mga mag-aaral na Badjao sa tagalog para para maipakita ang pantay na
pagtrato sa mga ito.
2. Pinagtawanan ng mga tagalog si Sandara dahil sa hitsura nito.
3. Isinali sa patimpalak ang isang Badjao para maipakita nito ang natatanging kakayahan.
4. Lumiban sa klase si Mercy dahil sa madalas siyang pinagkakaisahan ng kaklase dahil daw
madungis ito.
5. Napagkasunduan ng mga tagalog na mag-aaral na magbibigay sila ng munting regalo sa mga
mag-aaral na badjao ngayong darating kapaskohan.

2.Paglalahat:

 Paano mo ipakikita ang pagkamagalang bilang mabuting pakikitungo sa mga katutubo at


dayuhan.
 Paano mo pakikisamahan ang isang taong kaiba ang kulturan na kinasanayan
III Pagtataya:

Sumulat ng dalawa hanggang tatlong talata ukol sa realisasyon o pag- unawa sa paraan ng
pagtanggap sa mga dayuhan o katutubo

III. Kasunduan

Panuto: Magtala sa iyong kwaderno ng mga kulturang iyong nakasanayan at isulat kung paano ito
isinasagawa

Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.________
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation.______
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-aaral na nakakaunawa sa aralin______
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation_______

You might also like