Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Tekstong Naratibo: Ang Kalupi ni Benjamin Pascual

Ang “Ang Kalupi" ay ikatlong panauhan sapagkat hindi tauhan sa loob ng kwento ang
naglalahad ng istorya. Siya ay nag sasalaysay lamang sa mga pangyayari na kaniyang
nakikita. Hindi siya isang karakter.
TUWIRAN AT ‘DI TUWIRAN: “Ano ka ba!?” nainis siya sa bata dahil bumangga siya sa
kaniya “Kay sikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!” sinabi niya sa bata na
ang sikip na daw ng daanan ay nag mamadali pa siyang lumabas. “Pasensiya na kayo, Ale,”
“Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.” naghingi nang paumanhin ang bata
dahil nagmamadali siya at hindi naman daw niya sinasadya ito. “Kung lahat ng kawalang-
ingat mo’y pagpapasensyahan nang pagpapasensyahan ay makakapatay ka ng tao.” Sinabi
niya sa bata na kung ang kawalang ingat mo’y pagpapasensiyahan nang paulit uljt ay
makakapatay na siya ng tao. “Tumataba yata kayo, Aling Godyang,” binati niya si Aling
Godyang at sinabing mukang tumataba na yata siya. “Tila nga ho,” sumang ayon naman si
Aling Godyang sa sinabi ni Aling Marta at sinabing tila nga “Bakit ho?” tinanong ni Aling
Godyang kung ano ang problema ni Marta. “A, e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa
loob na sagot ni Aling Marta. “Ku, e, magkano naman ang laman?” tinanong ni Aling
Godyang kung magkano ang laman ng kaniyang nawawalang kalupi. “E, sandaan at
sampung piso ho.” Sumagot si Aling Marta at sinabing sandaan at sampung piso nalang daw
ang kaniyang pera “Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng
pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!” nang makita ni Aling Marta ang bata ay agad niya
itong tinanong kung nasa kaniya ba ang kaniyang pitaka. “Ano hong pitaka?” ang sabi.
“Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.” Sumagot naman ang bata na wala naman daw
siya kinuhang pitaka. “Anong wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang
dumukot ng pitaka ko at wala nang iba. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano, ha? Magaling,
magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke!” hindi naniwala si
Aling Marta, kunwari’y pa daw binanggga siya pero yun daw ang ginagawa nilang teknik
para makapag nakaw. “Aba, kangina ba namang pumapasok ako sa palengke, e banggain
ako,” sabi niya. “Nang magbabayad ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko, e wala nang
laman!” sabi naman niya sa harap ng maraming tao na noong siya ay magbabayad na ng
kaniyang mga pinamili ay wala na daw ang kaniyang pitaka. “Ang mabuti ho’y ipapulis
ninyo,”” Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglipanang batang gaya niyan.”
Sumagot naman ang isang babae sakaniya at sinabing ipapulis nalang dahil marami daw
ganiyang bata sa palengke. “Tena,” sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”
Sumang ayon naman si Aling Marta sa sinabi ng isang babae kaya pinasama niya ang bata
sakaniya “Bakit ho, saan ninyo ‘ko dadalhin?” tinanong ng bata kung saan niya siya
dadalhin “Saan sa akala mo?” “Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas
ang dinukot mo sa akin.” Sinabi ni Aling Marta na ibibigay niya siya sa mga pulis kung hindi
niya ibabalik ang kaniyang kinuhang pitaka. “Naseguro ko hong siya dahil sa nang ako’y
kanyang banggain, e naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa,” “Hindi ko lang ho
naino kaagad pagka’t akoy nagmamadali.” Sinumbong na ni Aling Marta ang bata sa mga
pulis na noong sila’y nagka banggaan naramdaman daw niya ang kamay ng bata sa
kaniyang bulsan kaya nasisiguro niyang siya ang kumuha nito. “Natitiyak ho ba ninyong
talaga na siya ang dumukot ng inyong pitaka?” tinanong ng pulis kung sigurado ba siya na
siya ang kumuha. “Siya ho at wala nang iba,” sinagot naman ni Aling Marta na siya lang at
wala nang iba. “Saan mo dinala ang dinukot mo sa aling ito?” “Magsabi ka ng totoo, kung di
ay dadalhin kita.” Mabalasik na tinanong ulit ng pulis ang bata at sinabing magsabi na nang
totoo kundi ay dadalhin na niya ito sa kulungan. “Wala ho akong dinukot na maski ano sa
kanya,” sumisigok sigok naman na sagot ulit ng bata na wala daw siyang kinuha. Maski
kapkapan!” “Ano pa ang kakapkapin namin sa iyo kung ang pitaka ko, e naipasa mo na sa
kapwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba ganoon kayong mga tekas kung lumakad, isa-isa,
dala-dalawa, tatlu-tatlo! Ku, ang mabuti ho yata, Mamang Pulis, e ituloy na natin iyan sa
kuwartel. Baka roon matutong matakot iyan at magsabi ng totoo.” Sumabad naman si Aling
Marta na maski kapkapan e wala rin dahil, naipasa na niya ito sa kapwa mandurukot, at
sinabi niya sa oulis na ituloy na siya sa kuwartel nang magsabi na talaga ng totoo. “Hindi
natin kara-karaka madadala ito nang walang evidencia. Kinakailangang kahit paano’y
magkaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng inyong kuwarta.
Papaano ho kung hindi siya?” Sinabi naman ng pulis na hindi pwedeng madala ito nang
walang evidencia. “E, ano pang evidencia ang hinahanap mo?” “Sinabi ko nang binangga ako
nang pasadya, na naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa?” tinanong
naman ni Aling Marta kung ano pang evidencia ang hinahanap ng pulis e, sinabi naman
niyang binangga siya nang pasadya ng bata at naramdaman ang kamay nito sa bulsa. “Ano
ang pangalan mo?” tinanong ng pulis ang pangalan ng bata “Andres Reyes po.” Sumagot ang
bata at Andres Reyes daw ang kaniyang pangalan “Saan ka nakatira?” muling nagtanong
ang pulis kung saan nakatira ang bata. “Wala sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa
Blumentritt. Kung minsan naman ho, e sa mga lola ko sa Quiapo at kung minsan, e sa bahay
ng kapatid ng nanay ko rito sa Tondo. Inutusan nga lang ho niya ‘kong bumili ng ulam, para
mamayang tanghali.” Sumagot naman siya at sinabing sa Tiyang Ines niya siya nakatira sa
Blumentritt. Minsan ay nasa bahay naman ng lola niya sa quiapo, at kung minsan rin ay sa
bahay ng kapatid ng nanay niya dito sa Tondo na inutusan siya para mamili nang ulam
“Samakatwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tondo? niya” tinanong ng pulis
kung dito sila ngayon nakatira “Oho,” “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero
ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong
bumasa, e.” umoo naman ang bata, pero hindi niya alam kung anong kalye at numero ng
bahay dahil hindj pa siya maruning bumasa “Ang mabuti ho yata, e dalhin na natin iyan
kung dadalhin,” “Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito ay wala namang
nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.”
Inip na sabi ni Aling Marta na mabuti pang dalhin na sa kulungan dahil pinag titinginan
lamang sila ng mga tao. “Hirap sa inyo ay sabad kayo nang sabad, e,”. “Buweno, kung gusto
n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon
n’yo sabihin ang gusto n’yong sabihin at doon n’yo gawin ang gusto n’yong gawin.” Nainis
naman ang pulis st sinabing yan ang hirap kay Aling Marta sabad siya ng sabad. Kung gusto
niyang dalhin na niya ang bata doon ay dapat sumama rin siya. “Maghintay kayo rito sandal
at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” pinag hintay muna ng pulis sila Aling Marta sa
harap para tumawag sa kuwartel para pahalili“Tinamaan ka ng lintik na bata ka!” “Kung
walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, e ako, ako ang gagawa ng ikaaamin
mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan? Saan?” naalala ni Aling Marta ang
kaniyang anak at sinabi kung walang pulis ang makapagpapaamin sa kaniya ay siya na
lamang ang gagawa. “Maski kapkapan n’yo ako, e wala kayong makukuha sa akin,” “Hindi
ko kinuha ang inyong pitaka.” nang siya ay nabundol ng sasakyan ay sinabi ng bata sa
huling pagkakataon ay maski kapkapan nila siya ay wala silang makukuha at hindi niya
daw kinuha ang kaniyang pitaka. “Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” “Siguro
matutuwa na kayo niyan.” Sinabi ng pulis kay Aling Marta na patay na ang batang dumukot
sa kuwarta niya at siguro matutuwa na siya niyan. “Sa palagay kaya ninyo ay may sasagutin
ako sa nangyari?” tinanong ni Aling Marta kung may dapat ba siyang panagutan sa
nangyari. “Wala naman sa palagay ko,” “Kung may mananagot niyan ay walang iba kundi
ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang
mananagot niyan.” Sumagot naman ang pulis at sinabing wala naman daw at kung meron
man mananagot yun ay ang tsuper. “Makaaalis nap o ako?” tinanong ni Aling Marta kung
pwede na ba siyang umalis. “Maaari na,” “Lamang ay kinakailangang iwan ninyo sa akin ang
inyong pangalan at direksiyon ng inyong bahay upang kung mangailangan ng kaunting pag-
aayos ay mahingan naming kayo ng ulat.” Sumagot ang pulis at sinabing maaari na ngunit
kailangan niyang ibigay ang pangalan niya at ang direksyon ng kanilang bahay para kung
mangangailangan ng kaunting ulat. “Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan, Nanay?”
tinanong ng anak na dalaga ni Aling Marta kung saan niya nakuha ang pambili ng pagkain
“A, e,” “Saan pa kundi sa aking pitaka.” Hindi makasagot si Aling Marta at sinabing saan pa
kundi sa kaniyang pitaka. “Ngunit, Marta,” “ang pitaka mo, e naiwan mo! Kanginang bago ka
umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili
ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng pinamili mo niyan?” Sinabi ng
kaniyang asawa na hindi naman niya dala dala ang kaniyang pitaka bago umalis at tinanong
kung saan niya galing ang perang pinambili dito.
PANGUNAHING TAUHAN:
Si Aling Martha ay pangkaraniwang nanay na may anak na magtatapos ng highschool,
mapanghusga at may edad na.
Si Andres naman ay batang gusgusin at inakusahang magnanakaw, mahirap at walang
permanenteng tirahan.
KASAMANG TAUHAN:
Aling Gudyang ka-edad ni Aling Martha na isa ring Ina at nagparatang kay Aling Martha
dahil nawalan ito ng pera.
Mamang Pulis ang nag embestiga sa pagkawala kalupi ni Aling Martha
May Akda
Benjamin Pascual mahilig itong magsulat ng kwento , ilan sa mga isinulat niya ay babaeng
misteryoso, lalaki sa dilim, landas sa bahaghari at sikat na maikling-kwento na kanyang
naiambag ay ang kalupi.
TAUHANG BILOG:
Aling Martha – pangarap na makatapos ng pag aaral ang kanyang dalaga. Siya ay isang may
katandaan, mainitin ang ulo, mapagmarunong at may pagkasinungaling minsan. Siya ay
isang madisiplinang ina pagkat ang isang kasalanan ipipilit niyang may kaparusahan.
TAUHANG LAPAD:
Andres Reyes – napagbintangan na kumuha ng pitaka at kahit silay mahirap siya ay
mapagmahal sa pamilya.
PAKSA:
- Ang tema ng may akda sa kwento ay ang maling panghuhusga sa kapwa tao dahil
lamang sa pisikal na anyo nito at kawalan ng hustisya.
TAGPUAN AT PANAHON:
1. Maliit na barung-barong – isang bahay na tinitirhan ng pamilya ni Aling Martha. Dito
naiwan ni Aling Martha ang kanyang kalupi na pinaniniwalaang kinuha ni
Andres/bata.
2. Pamilihang Bayan sa Tondo – dito namimili si Aling Martha. Dito rin niya natuklasan
na wala sa kanyang bulsa ang kanyang kalupi.
3. Outpost – dito kinausap ng pulis ang bata. Sa lugar na ito binawian ng buhay ang
bata.
BANGHAY:
Isang araw ay lumabas si Aling Martha sa kaniyang tahanan upang mamili ng mga rekados
na lulutuin niyang putahe na paborito ng kaniyang anak na dalaga na ihain nila sa
pananghalian dahil magtatapos na ito sa haysku. Pagkapasok niya sa pamilihan siya ay
nabangga ng isang batang lalaki na nakasuot ng maruming maong at suit na damit.
Pinagalitan ni Aling Martha ang bata. Humingi naman ng tawad ang bata ngunit mukhang
hindi nakikinig si Aling Martha sa eksplanasyon. Tumungo si Aling Martha sa tindahin ni
Aling Gudyang upang mamili. Nang dumukot si Aling Martha sa bulsa napansin niyang
nawala ang kaniyang kalupi. Biglang naalala niya ang batang bumangga sa kaniya, alam
niyang hindi pa iyon nakakalayo kung kaya’t hinanap niya at agad na hinabol ito nung
nasilayan niya inakusahan niya ang bata at pilit na pinaamin kung saan ang kanyang pitaka
pinilit na paaminin ni Aling Martha ang bata kaya’t sinaktang niya ang bata. Nagkaroon ng
pagkakataon ang bata na pumiglas at nakawala. Tumakbo siya patungo sa maluwang na
daan ngunit siya ay nabangga ng isang mabilis na sasakyan. Bago mawalan ng buhay ang
bata, paputol putol niyang sinasabi na hindi siya ang kumuha ng pitaka. Nanlumong umalis
sa outpost si Aling Martha at umisip ng paraan kung papano siya bibili ng rekados pangluto
dahil kung hindi siya makakabili magagalit ang kaniyang asawa. Kung kaya’t nangutang
siya kay Aling Godyang para makabili ng ulam pang hapunan. Noong siya ay pauwi na at
nakikita na siya ng mag-ama. Nagtanong ang kaniyang anak kung saan galing ang pambili
ng ulam. Nagsinungaling si Aling Martha at sinabi na galing ito sa kaniyang pitaka.
Nagkatitigan ang mag-ama, at sinabi ng kaniyang asawa na naiwan niya ang kaniyang
pitaka sa bahay dahil bago siya umalis kinuha ng asawa ang pitaka upang bumili ng tabako.
Naalala ni Aling Martha ang mga nangyari kanina sa bata na hindi siya kumuha ng pitaka
bago ito mawalan ng hininga habang paakyat ng hagdan si Aling Martha nawalan ito ng
hininga.

You might also like