Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Lawak ng Pagpapahalaga at Pagtangkilik sa

Epikong Sandayo ni Domaina L. Eugenio ng


mga Piling Mag-aaral

Mga Mananaliksik:
Janelle Bereber
Krystelle Bulquerin
Denie Grace Condez
John Michael Dela Cruz
Introduksyon

Ang epiko ay mahalaga sa ating buhay dahil dito nakasalamin ang kultura at
paniniwala ng ating mga katutubo noon at kahit hanggang ngayon. Ito ay
nagsasalaysay ng mga kabayanihang mahirap paniwalaan dahil ito ay kalimitang
nauukol sa kababalaghan. Ang Sandayo ay isang halimbawa ng epiko na
punong-puno ng kababalaghan at hindi kapani-paniwalang pangyayari. Ayon sa
aming pangangalap ng impormasyon, ang Sandayo ay epikong-bayan mula sa
mga Subanon na naninirahan sa bulubunduking nasa hanggahan ng Hilaga at
Timog Zamboanga. Isa ang Sandayo sa tatlong epikong-bayan ng mga Subanon.
Layunin
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang lawak ng
pagpapahalaga at pagtangkilik sa Epikong Sandayo ng piling mag-aaral.

Author
Si Damiana L. Eugenio (1921-2014) ay isang babaeng Pilipinong manunulat at
propesorang kilala bilang Ina ng Kuwentong-Bayan ng Pilipinas (Filipino: Ina ng
Folklor ng Pilipinas), isang pamagat na natanggap niya noong 1986. Bukod sa
pagtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas, maraming siyang naging lathalain sa
larangan ng Kuwentong-bayan ng Pilipinas, kabilang dito ang
magkakasunud-sunod na pitong mga aklat na tinipon niya at pinatnugutan.
Metodo
Ang metodong ginamit sa pananaliksik na ito ay deskriptibo.

Disenyo ng pananaliksik
Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay kuwalintatibo.

You might also like