Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Philippine Normal University Visayas

The National Center for Teacher Education


The Environmental and Green Technology Education Hub
City of Cadiz

BANGHAY ARALIN SA ARALING


PANLIPUNAN 7

Inihanda ni:

Bb. SOFIA M. ALMAQUER


Gurong Mag-aaral

Ipinasa kay:

Gng. RICHELLE A. DELMO


Gurong Tagapatnubay

Taong Pang-akademiko
2022-2023

I. LAYUNIN
Sa loob ng isang oras na talakayan, 75 porsyento ng mag-aaral sa ikapitong baitang ay
inaasahang:

a. matatalakay ang Panahong Paleolithic, Panahong Mesolithic, Panahong Neolithic, at


Panahong Metal;
b. maisa-isa ang pamumuhay ng mga tao sa Panahong Paleolithic, Panahong Mesolithic,
Panahong Neolithic, at Panahong Metal:
c. maipapakita ang kahalagahan ng mga ambag mula sa Panahong Paleolithc, Panahong
Mesolithic, Panahong Neolithic, at Panahong Metal.

II. NILALAMAN

a. Paksa: Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya

b. Konsepto: Ang pagdaan ng panahon ay kasabay din sa pagbabago ng pamumuhay ng


bawat tao. Ang Panahong Paleolithic, Panahong Mesolithic, Panahong Neolithic, at
Panahong Metal ay ang mga panahong humubog sa bawat tao at ng kanilang
pamumuhay.

c. Sanggunian: Aklat sa Araling Asyano; pp. 129-134

d. Kagamitan: Mga larawan, Kartolina, at mga materyales sa pagsulat.

d. Balyu Pokus: Naipapakita ang pagkamapamaraan at pagkamalikhain ng mga tao.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Paunang Gawain

1. Pambungad

Magandang umaga, Grade 7! Magandang hapon po, Maam.

Maaari bang manatiling nakatayo ang lahat? (Tumatayo parin ang mag-aaral.)

Tayo muna ay manalangin. (Nakapikit at nananalangin ng mataimtim ang


mga bata.)
Pwede nang umupo ang lahat.
Salamat po, maam.
May mga lumiban ba ngayon sa klase?
Wala po, maam.
1. Balik Aral

Bago tayo magsimula sa panibagong paksa,


nais ko muna nating balikan kung ano ang
inyong napag-aralan noong isang araw.
Ito ay may kaugnayan sa mga Kababaihan sa
Asya na inyong napag-aralan .

Simple lang naman ang ating maikling


aktibidad na may pamagat na Maria Clara o
Klay kung saan ako ay may sasabihing
pangungusap o talata at sasabihin niyo kung ito
ba ay si Maria Clara na ang sininsimbolo ay
ang mga sinaunang kababaihan o si Klay na
sumisimbolo sa modernong kababaihan.
Naintindihan po, maam.
Naintindihan ba, Grade 7?
Handa na po, maam.
Handa na ba kayo?
Ako ay may karapatang bumuto.
Si Klay po.
Sino ako?
Tama!

Nakasalalay sa desisyon ng aking asawa at ama


ang aking buhay.at hinaharap.
Si Maria Clara po.
Sino ako?
Tama!

Ako ay may sariling trabaho at nakapag-aral.


Si Klay po.
Sino ako?

Tama!

Ako ay walang karapatang makapag-aral. Si Maria Clara po.


Sino ako?

Tama!

Naipapahayag ko ang aking opinion at


saloobin. Si Klay po.

Sino ako?

Magaling! Talagang naintindihan niyo ang


inyong napag-aralan.

2. Pagganyak

Ngayon naman ay may inihanda akong Gawain


kung saan mahahati kayo sa tatlong pangkat at
kailangan niyong bubuin ang mga letrang
makikita niyo sa loob ng envelop na aking
ibibigay. Pag nabuo na ang salita ay itaas
lamang ito. Bibigyan ko lamang kayo ng
dalawang minuto. Maliwanag po, Maam.
.
Handa na po, Maam.
Maliwanag ba, Grade 7?
EBOLUSYON
Handa na ba ang lahat?

Tama! Ang ebolusyon po ay isang proseso ng


Ang unang nabuong salita ay ebolusyon. pagbabago.

Sa inyong palagay ano ba ang ebolusyon?


PANGANGASO
Magaling!
Ito ay ang paghahanap ng mga hayop sa
Ang pangalawang salita ay pangangaso. kagubatan upang gawing pagkain.

Ano naman ang pangangaso?


YUNGIB
Tama!
Ang yungib o kuweba ay isang malaking butas
At ang panghuling nabuong salita ay yungib. na matatagpuan minsan sa gitna ng kagubatan.

Ano ba ang ibig sabihin ng yungib?


.
Magaling!

Minsan din itong naging tirahan ng mga tao.


Opo maam, ang ating paksa po ngayong hapon
3. Paglalahad ay tungkol po sa mga tao.

Batay sa inyong nabuong salita mayroon ba


kayong ideya kung ano ang ating paksa
ngayong hapon?

Mahusay!

Angating paksa ngayong hapon ay tungko sa


Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya.

Ngunit bago ang lahat, sabay-sabay muna a. matatalakay ang Panahong


nating basahin ang ating layunin. Paleolithic, Panahong Mesolithic,
Panahong Neolithic, at Panahong
Isa, dalawa, tatlo, basa!
Metal;
b. maisa-isa ang pamumuhay ng mga
tao sa Panahong Paleolithic,
Panahong Mesolithic, Panahong
Neolithic, at Panahong Metal:
c. maipapakita ang kahalagahan ng
mga ambag mula sa Panahong
Paleolithc, Panahong Mesolithic,
Panahong Neolithic, at Panahong
Metal.

Grade 7, ngayong hapon ay mayroon tayong Makinig ng mabuti.


alituntunin na dapat sundin sa ating klase.

Maaari bang magbigay kayo kung ano-anu ang Itaas ang kamay kapag gustong sumagot o
mga ito? magtanong.
Ano pa? Isulat ang mga importanteng detalye sa
leksyon.
Ano pa ang iba? Mag-enjoy habang natututo.

Naintindihan po, Maam.


Ano pa?

Naintindihan lang ba, Grade 7?

B. Paglinang ng Gawain
1. Aktibidad

Sa puntong ito ay mayroon akong inihandang


pangkatang gawain. Mahahati kayo sa apt na
pangkat . Bibigyan ko kayo ng mga kagamitan
at mga katanungan na kailangan niyong
sagutan.

Pumili na kayo nang inyong lider, ang


sekretarya ang magsusulat ng lahat ng
Opo, Maam.
pangalan ng miyembro ng pangkat, at ang taga-
ulat ang magsasalita sa harap.
Naintindihan po, Maam.
Nakuha ba, Grade 7?
Naintindihan ba ang lahat?

Bibigyan ko lamang kayo nang limang minuto


para masagutan ang mga katanungan.

Dito na nagtatapos ang inyong limang minuto.


Ngayon, ito na ang oras para kayo naman ang
nasa unahan at iulat ang inyong ginawa. Tapos
o hindi tapos, bumalik na sa inyong mga Magandang hapon sa lahat, kami ang unang
upuan. pangkat. Ang aming iuulat ay tungkol sa
Panahong Paleolithic.
Ang unang pangkat ang mauuna.
Pangangaso ang kanilang pangunahing
ikinabubuhay. Walang permanenting tirahan
ang mga tao sa panahong ito dahil palipat-lipat
sila ng lugar namamalagi lamang sila sa
kuweba o yungib. Ang kanilang mahalagang
tuklas ay ang gamit ng apoy sa pagluto ng
pagkain.

Magaling, unang pangkat. Palakpakan ang Magandang hapon sa lahat, kami ang
inyong mga kaklase. pangalawang pangkat. Ang aming iuulat ay
ang Panahong Mesolithic.
Ang susunod naman ay ang pangalawang
pangkat. Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa
panahong Mesolithic ay ang pangangaso at
pag-iimbak ng prutas at gulay na kanilang
makikita sa kagubatan. Ang kuweba ang
kanilang tirahan. Ang kanilang kontibusyon o
mahalagang tuklas ay ang pagbuo ng pamilya.

Mahusay! Palakpakan sila. Magandang hapon sa lahat. Ang aming iuulat


ay ang Panahong Neolithic.
Ang susunod naman ay ang pangatlong
pangkat. Ang pangunahing ikinabubuhay ng mgatao
ditto ay pagsasaka at pag-aalaga ng hayop.
Nakatira sila sa permanenting lugar dahil narin
sa kanilang ikinabubuhay. Ang kanilang
mahalagang tuklas ay ang agrikultura.
.

Magaling! Palakpakan ang ikatlong pangkat. Magandang hapon sa lahat. Ang aming iuulat
ay tungkol sa Panahong Metal.
Ang susunod na pangkat naman ay ang pang-
apat na pangkat. Ang pangunahingikinabubuhay ng mga tao sa
panahong ito ay ang paggawa ng kagamitang
yari sa metal o tanso. Naninirahan ang mga tao
sa kani-kanilang bahay sa iisang lugar. Ang
kanilang mahalagang tuklas ay ang paggamit
ng metal sa paggawa ng kagamitan tulad ng
espada at iba pa.

Magaling! Palakpakan ang panghuling


pangkat.
Maraming salamat sa lahat ng nag-ulat.

2. Analisis

Ngayon ay malalaman natin ang iba pang


importanteng detalye sa ating pagtatalakay ng
ating paksa.

Sino ang maaaring makapagbasa ng una nating Panahong Paleolithic


tatalakayin o ang Panahong Paleolithic?
Ang panahong Paleolithic ay naganap
dalawang milyong taon na ang nakalipas o
nakakaraan. Sa panahong ito ay gumagamit
ang mga tao ng kagamitang gawa sa bato at
graba na agad ding tinatapon pagkatapos
gamitin. Natuklasan nila ang gamit ng apoy sa
pagluluto ng kanilang pagkain at sa pabago-
bago ng kanilang tinutuluyan ay ini-aangkop
nila ang kanilang sarili sa mga malalamig na
klima. Napag-alaman nila ang walang
katiyakan ng mahabang panahon ng
pamumuhay at walang permanenting tirahan ay
nakapag-isip sila ng pag-iimbak ng pagkain
mula sa kanilang pangangaso. Sa patuloy na
pagdami ng tao ay nagdulot ito ng kasalatan o
kakulangan sa pagkain at dito nagtapos ang
panahong Paleolithic at pagsisimula ng
panahong Mesolithic.
Salamat sa pagbabasa.

Kailang nga ulit nangyari ang panahong Nangyari ito dalawang milyon na ang
Paleolithic? nakakaraan.

Tama!

Sa tingin niyo bakit palipat-lipat sila ng lugar? Palipat-lipat po sila ng lugar dahil ang kanilang
ikinabubuhay po ay pangangaso kung kaya’t
kung wala na pong hayop ay wala na po silang
makakain kung kaya lilipat naman po sila sa
panibagong lugar.
Magaling!

Sa tingin niyo ba ay tama ang kanilang Hindi po, sapagkat inuubos po nila ang
ginagawa? kahayupan sa kagubatan at iiwan lamang
pagkatapos nilang pakinabangan.
Mahusay!

Sino ang makapagbabasa sa susunod? Panahong Mesolithic


Ang panagong Mesolithic o middle stone age
ay ang panahong nalinang sa pagitan ng
panahong Paleolithic at panahong Neolithic.
Sa panahong Mesolithic ay maraming
nagawang kagamitang may kombinasyon ng
kahoy o buto ng hayop o di kaya’y balat ng
hayop, pagpapalayok, at paggawa ng buslo.
Dahil dito ay tinatawag ding kulturang
materyal ang panahong Mesolithic.
Pangangaso at pag-iimbak ng mga pagkain
tulad ng gulay at prutas, at iba pa ang
pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa
panahong ito. Naging pagkain din nila ang
ilang lamang dagat tulad ng isda at laman ng
kabibe. Nakagawian din nila ang mga ritwal
tulad ng ritwal sa pagbuburol at paglilibing ng
patay ng isang pamilya o kamg-anak na kasapi
sa isang pamayanan. Dahil dito, ang
napakahalagang kontibusyon ng panahong ito
Salamat sa pagbabasa. ay ang pagbubuo ng pamilya.
Ano pa ang tawag sa panahong ito?
Tinatawag din po ito bilang kulturang
materyal.
Tama!

Sa inyong palagay, bakit napakahalaga ng


pagbuo ng pamilya? Napakahalaga po ng pagbuo ng pamilya dahil
sila ang ating makakasama sa araw-araw at
Magaling! makakatuwang natin sa buhay.
Sa tingin niyo ba ay mabubuhay kayo sa
panahong ito? Opo maam, dahil mayroon naman pong
pinagkukunan ng pagkain at mayroon pong
Mahusay! tirahan.
Sino naman ang magbabasa?
Panahong Neolithic

Ang panahong Neolithic ay naganap may


10,000 taon na ang nakalilipas. Ang karamihan
sa mga tuklas noong panahong ito ay naging
batayan ng makabagong panahon. Dito mas
natutuhan ng mga tao na pakinisin, patalasin, at
patulisin ang kanilang kagamitan para mas
maging kapakipakinabang sa araw-araw nilang
pamumuhay. Dahil sa walang katiyakan ang
panunustos ng pagkain sa pamamagitan ng
pangangaso, natutuhan nila ang magsaka at
mag-alaga ng hayop at dito nila natuklasan ang
kanilang napakahalagang kontribusyon at ito
ay ang agrikultura. Dahil sa kanilang
ikinabubuhay ay naging pirmihan ang kanilang
paninirahan sa isang lugar. Napaunlad din nila
ang kanilang pagiging malikhain at
nakapaglikha ng iba pang kagamitan. Natuto
din silang maghabi ng tela at paggawa ng ng
mga kagamitang luwad at iba pang bagay na
kanilang pinakikinabangan sa kanilang
pamumuhay. Natuklasan din nila ang
kabutihan ng sama-samang pamumuhay. Ditto
din nagsimula ang pagtatag ng isang
Salamat sa pagbabasa. organisadong pamahalaang tinatawag na
lungsod-estado. Naging organisado din ang
Kailan nga ulit naganap ang panahong
kanilang relihiyon sa panahong ito.
Neolithic?

Tama! Naganap po ito mahigit 10,000 na ang


nakakaraan.
Sa tingin niyo, bakit mas napaunlad nila ang
kanilang pagiging malikhain sa panahong ito?

Mas napaunlad po nila ang kanilang pagiging


mailkahain dahil mas natuunan po nila ito ng
Magaling! pansin at dahil narin may pirmihan na silang
lugar o bahay kung kaya’t nakakapag-isip sila
Sa tingin niyo ba mas maganda ang kanilang ng panibagong ideya o kagamitang pwede
pamumuhay keysa sa dalawa nating tinalakay? nilang gawin.
Sino ang magbabasa para sa panghuli?

Mahusay! Opo, dahil mas organisado po sila at may


tirahan silang permanenti na hindi na nila
Sino ang makapagbabasa sa panghuli? kailangan pang magpalipat-lipat upang
mabuhay.

Panahong Metal

Ang panahong metal ay nabuo dahil sa


paglaganap at pagbabago sa lipunan. Sa
panahong ito ay napalitan ang kagamitang bato
sa mas matibay na materyal o tinatawag na
metal na bakal na ginagamit sa paggawa ng
sandata sa pakikidigma, na ginagamit pa
hanggang sa ngayon. Naging mas napadali ang
pamumuhay dahil sa magkakaibang
pagsasanay sa pagsasaka, mayroon ng iba’t-
ibang paniniwalang pang-relihiyon, at
paglinang ng sining. Napadali ang pamumuhay
Salamat sa pagbabasa. ng mga tao dahil narin sa makabagong
pamamaraan at pagbabago ng panahon.
Ano ang ipinalit na materyal na bagay sa Nagkaroon nang iba’t-ibang trabaho maliban
kagamitang yari sa bato? sa pagsasaka at pag-aalaga ng hayop. Mayroon
naring mas organisadong pamahalaan.
Tama!

Sa tingin niyo ba mas naging maayos ang Napalitan po ito ng mga metal.
pamumuhay sa panahong ito?

Magaling!

Ang panahong metal ay ang panahon ngayon, Opo maam, dahil mayroon ng maayos na
sa inyong palagay mayroon pa bang pamahalaan at hanapbuhay ang mga tao.
panibagong panahon ang uusbong?

Mahusay!
Opo maam, dahil sa pagbabago ng panahon at
C. Abstraksyon sa paglinang pa ng teknolohiya maaaring
mayroon pang panahon na uusbang na mas
1. Paglalahat maayos at kahanga-hanga.

Sa ngayon ay ibubuod natin ang ating mga


napag-aralan ngayong hapon. May inihanda
akong mga katanungan sa inyo.

Maliwanag ba ang lahat?

Ano ang paksa natin ngayong hapon?

Tama! Maliwanag po, maam.

Ilang panahon ang ating napag-aralan? Ang ating paksa ngayong hapon ay Ang mga
Sinaunang Kabihasnan sa Asya.
Tama!

Ano-anu ang mga ito?


Ang ating napag-aralang panahon ay apat.
Magaling Grade 7!
Panahong Paleolithic, Panahong Mesolithic,
D. Aplikasyon Panahong Neolithic, at Panahong Metal

Ngayon ay may kailangan kayong sagutan na


tanong.

Ang bawat panahon ay may mahalagang


natuklasan o ambag sa kasalukuyan tulad ng
apoy sa Panahong Paleolithic, pagbuo ng
pamilya sa Panahonng Mesolithic, agrikultura
sa panahong Neolithic, at kagamitang metal sa
panahon ng Metal.

Pumili ng isang napakahalagang tuklas o


kontribusyon, at bakit ito ang iyong napili?

Napili ko po ang kagamitang metal sa


Magaling! panahong Metal dahil ito po aymatibay at
ginagamit sa maraming bagay.
Sino pa ang gusting magbahagi ng kanilang
sagot?

Magaling! Napili ko po ang agrikulta na galing sa


Panahong Neolithic dahil ito po ay
Sino pa? napakaimportante sa pagkakaroon ng pagkain.

Magaling! Napili ko po ang apoy sa panahong Paleolithic


dahil nakakatulong po ito sa pagluluto at para
Sino pa? gawing ilaw.

Napili ko po ang pagbuo ng pamilya dahil


Magaling! napakaimportante po ito para sa isang bansa at
dito po nagsisimula ang pagmamahalan ng
E. Pagtataya bawat isa.
Basahin at unawain ng mabuti ang mga
katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa panahong ito natuklasan ang gamit ng


apoy.

a. Panahong Paleolithic
b. Panahong Mesolithic A
c. Panahong Neolithic
d. Panahong Metal

2. Ang pagiimbak ng pagkain tulad ng gulay,


prutas, at iba pa ang pangunahing
kinabubuhay ng mga tao sa panahonh ito.
B
a. Panahong Paleolithic
b. Panahong Mesolithic
c. Panahong Neolithic
d. Panahong Metal

3. Sa panahong ito natuto ang mga tao ng


ibang gawain tulad ng pagahahabi ng tela.

a. Panahong Paleolithic C
b. Panahong Mesolithic
c. Panahong Neolithic
d. Panahong Metal

4. Ang panahong ito ay tinatawag na


kulturang materyal dahil sa maraming
kagamitan ang nagawa sa panahong ito. B

a. Panahong Paleolithic
b. Panahong Mesolithic
c. Panahong Neolithic
d. Panahong Metal

5. Sa panahong ito napalitan ang gawang


kagamitang bato sa mas matibay na bagay D
o materyal.

a. Panahong Paleolithic
b. Panahong Mesolithic
c. Panahong Neolithic
d. Panahong Metal

F. Takdang Aralin

Mag saliksik ng gamit o natuklasan sa


panahong ating natalakay at bakit ito
mahalaga? Ilagay sa bond paper.

Pamantayan sa pagbibigay puntos

Ideya…………………….5 puntos

Pagkamailkhain…………5 puntos

Kabuuang puntos……….10 puntos

You might also like